Share

XXIII

Mara's point of view.

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa sinabi niya. 

Ayokong makasira ng relasyon.

Ayokong makasira ng relasyon para lang sa formula na 'yon.

Hindi pa kami ni josh. 

Hindi pa kami. Pero ang katotohanan na isinasakripisyo na ang sarili niya para sa'kin, ay nagpapadurog ng puso ko. Na gi-guilty ako. Kung hindi niya ko nakilala, kung hindi lang kami nagkita. Kung hindi niya lang ako niligtas noon, hindi sana siya napahamak. 

Ngayon, nararamdaman ko na naman ang galit. Galit para sa sarili ko. Masyado akong naging pabigat sa kaniya. Sana pinigilan ko na lang ang sarili ko, sana pinagbuntungan ko na lang siya ng galit ko, para di siya napalapit sakin. Sana di na kami umabot sa ganito. 

Sana di na lang kami nahulog sa isa't isa. Nagsisisi ako. Sana di ko siya pinayagang pumasok sa buhay ko. 

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga saganang luha mula sa mga mata ko. 

Pero sa pagkakataong 'to, hindi ko na ito pipigilan. Hahayaan ko lang umagos hanggang sa mapagod ulit ang mga mata ko at kusa itong sumuko. Tutal, ubos na ubos na rin naman ako. 

Alam kong wala nang pag asa. Alam kong di ko na siya makikita pa. Ilang oras na lang, lilisanin ko na ang lugar na 'to. Maiiwan siyang mag isa. Wala na kaming oras para ipaglaban ang isa't isa. 

"Alam ko ang nararamdaman mo Mara." Pagpapatuloy niya. 

Natawa ko at patango tangong tumingin sa kanya. 

"Bakit mo sinasabi ang mga yan, Zion? Anong pinupunto mo?" Naluluhang tanong ko rito. 

Umayos siya ng upo at tumingin nang diretso sa mga mata ko. 

"I have a girlfriend, her name is Gryce." Pauna niya. 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. 

"A-asan siya?" Nagtatakang tanong ko. 

Huminga siya ng malalim bago magpatuloy. 

"Limang taon kaming nagsama, pero ngayon hindi na niya 'ko kilala."

Napatango ako at nagbaba ng tingin. 

"So what happened?" Tanong ko ulit. 

"Nagkaroon siya ng sakit. Catatonia Disorder, it's a subtype of Schizophrenia. In which she can't bend or even move her arms and legs. Nahihirapan siyang magsalita because of her psychological condition. At madalas niya ring makalimutan ang maliliit na bagay, hanggang sa lumala na siya at hindi ko na siya malapitan. Natatakot siya sa'kin sa di ko malamang dahilan. Walang nang makalapit sa kanya kahit sino." Pagpapatuloy niya. 

Napakagat labi ako nang mapansin ang sakit na saglit dumaan sa mga mata niya. 

"Nagkasakit siya sa utak, Mara. Walang lunas sa sakit niya kaya napilitan akong sumali sa samahan na inalok sa'kin ni Kit. Nalaman kong pinagpatuloy nila ang naiwang proyekto ni Roland, na napasa kay Richard. Ang gamot na ngayon kumpleto na, gamot na posibleng makapag pagaling kay Gryce." Dugtong niya. 

Nanatili akong tikom, dahil di ko alam kung kaya ko pang magsalita pagkatapos malaman ang side niya. 

Zion... 

Isang matapang na tauhan, pero may matinding pinagdadaanan rin pala. May masakit na istorya sa likod nang nakakatakot na karakter niya. 

"Di ko intensyon maging ganito Mara, pero wala akong magawa kundi magpakitang tao. Kailangan kong umaktong masama sa harapan ninyo, kailangan kong manakit ng ibang tao para maani ko ang pinaghirapan ko. Para maibahagi sakin ang formula. Para gumaling si gryce. I did it all for her, para maalala naniya ko. Para bumalik na kami sa dati" Saad niya. 

Bigla kong naalala ang unang araw na nakita ko siya, nung sinagot ko ito dahil sa pananakit ng babae. Nung panahong akmang sasampalin niya ko, noong tinutukan niya ng baril si Iyah. Hanggang sa ngayong kaharap ko siya, at nasasaksihan ang sakit na bumabalot sa kanya. 

"I am sorry" Sa wakas na sambit niya. 

"Naging desperado ako para maibalik ang relasyon naming dalawa, pero ang hindi ko alam, nagiging hadlang na pala ako sa relasyon ng iba. I am sorry Mara" 

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya, maging ang mga luha ko ay nagsimula na namang bumuhos. Sa pagkakataong 'to, nakasaksi na naman ako ng pangungulila ng iba para sa mga minamahal nila. Napangiti ako nang maisip kung gaano katindi ang pagmamahal. Kaya nitong gumawa ng mali sa iba, para sa taong mahal niya. 

"Para akong nagising sa katotohanan nang sabihin sa amin ni Kit na palihim kayong nagkikita ni Josh, palihim kayong sumasaya sa lugar na'to. Naalala ko bigla ang mga panahon namin ni Gryce noon, palihim rin kaming nagkikita kasi kontrolado ng mga magulang ang buhay niya. Pero nagawan namin ng paraan ang lahat, kapag nakakasama ko siya, nagkakaroon ako ng lakas ng loob." Sambit niya. 

Habang ako, luha lang ang tugon. 

"Alam kong gano'n rin ang nararamdaman ni josh kapag kasama ka niya, napagdaanan ko lahat nang yon, kaya alam ko kung gaano kahirap. Pero ang sitwasyon niyo Josh, mas malala pa. Hindi ko alam pero bigla akong natauhan sa nalaman ko". 

"Imbes na maging hadlang, sana ay mas tinulungan ko pa kayo. Dahil pare parehas lang tayong biktima dito, pero sa iba't ibang rason."

Dugtong niya. 

Pilit akong ngumiti rito at tumango. 

If he's planning to ask for apologize, I would probably accept it now. 

"Mara" Agaw niya sa atensyon ko. 

"Yes?"

"Let me help you"

...

Josh's point of view.

Sa isang nayon na malaya. 

Isang prinsipe ang tila nawawala

Napakaganda ng alon ng dagat

Ngunit nang lumapit ay agad iyong kumalat

Nagtungo siya nakapintang rosas, ngunit nang hawakan niya'y agad itong kumupas

Isang marikit na dalaga ang kanyang namataan

Ngunit nang lapitan ay naglaho ito sa kawalan

Luha. Pagod. Ipinikit niya ang mga mata 

Nang magdilat ay nasa madilim na silid na

Panaginip lamang ang saglit na saya

At ang nayong malaya ay di na niya makikita pa.

From dream to reality. Ang panaginip na iyon ay pahiwatig lang pala ng mga mangyayare sa buhay ko. Panaginip na tinuring kong kayamanan. 

Napangiti ako nang sumagi sa isipan ko ang mga mata ni Mara. 

Those brown eyes. Can't wait to see it shining when we finally see the sunlight. 

Mara Delizo. Ikaw ang tinutukoy ng tulang 'yan. 

Isang marikit na dalaga ang kanyang namataan, 

ngunit nang lapitan ay naglaho ito sa kawalan. 

Sa magulong panaginip na yon, ikaw lang ang malinaw. 

Tinignan ko ang oras. 

2:59 am.

Isang minuto bago mag alas tres. 

Ang mga oras na sana ay kasama ko siya at masaya kaming dalawa. 

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at tumambad roon si Zion...

"Kamusta Josh?"

Tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako dito. Hindi ko alam kung dapat bang makipag usap sa kanya. Gayong tauhan siya ni dad. 

Narinig ko ang mapaklang pagtawa nito. At umupo sa harapan ko. Sa sofa ni kit, habang ako ay kasalukuyang nakaupo sa gilid ng kama. 

"Ang bata mo pa talaga, ni walang bahid ng galos ang mukha mo, napakakinis ng balat mo" Aniya. 

Hindi ko ito pinansin at marahang binagsak ang katawan sa kama. 

"Pero magaling ka nang makipag laban, pati pag ibig nagawang ipaglaban" Dugtong niya. 

Napatingin ako sa gawi nito. 

"What do you want, Zion? Get straight to the point" Naiinis na asik ko sa kanya. 

Listening to his perspective is like wasting my time for a piece of shit. He looked down after hearing my unappreciative tone. 

"What brought you here?" Tanong ko ulit nang hindi na ito kumibo. 

"Wanna offer a big hand, kid" Anito na ikinalingon ko. 

"What?" I asked, making sure i heard it right. 

He chuckled as if I said something funny. 

"Wanna see her?" Anito. 

Dahan dahan akong napabangon at seryosong tumitig sa kanya. 

"Alam kong gusto mo na siyang makita, I won't stop you. Go see her, it's 3am. Darating na sila Algo mamayang alas sais" Dere deretsong saad nito. 

Agad kong naramdaman ang pag init ng gilid ng mga mata ko habang pinagmamasdan ko siyang nakayuko. 

"Why are you doing this?" Nag angat siya ng tingin sakin at nginitian ako.

A genuine smile, yes. 

"Wala na sayo 'yon. Ang mahalaga, makita mo siya bago siya kunin sayo" Anito. 

Natulala ako ng ilang segundo dahil sa sinabi niya, pero maya maya lang ay tumayo na ito. 

"Let's go" Aniya at nilahad ang kanang kamay nito sa harap ko. 

Tiningnan ko muna siya sa mga mata. 

"S-salamat kuya" Naibulalas ko saka inabot ang kamay niya. 

"Fight for her, Josh" Saad niya habang inaalalayan ako at maingat na hawak ang tagiliran kong may tama ng baril. 

Hindi pa naaalis ang bala non at habang tumatagal ay patindi ng patindi ang kirot na nararamdaman ko. 

"I will, I made a promise" Sagot ko saka kami tuluyang lumabas ng kwarto at dinala ako sa kinaroroonan ni Mara.

Sa kinaroroonan ng babaeng mahal ko. Inalalayan niya ako patungo sa kwarto niya. 

"Go on, she's waiting" Aniya. Tinapik niya muna ang likod ko saka binuksan ang pinto. 

Nang makapasok ako ay sinara niya agad iyon, at kinandado sa labas. 

Mara's point of view.

"Josh" Naibulalas ko.

Parang lumukso palabas ang puso ko nang makita ko siya malapit sa pintuan. Agad akong napabangon sa pagkakahiga at naluluhang tinakbo ang distansya naming dalawa saka ito sinalubong ng yakap. 

"Mara" Aniya at mas lalo nitong pinahigpit ang yakap naming dalawa. 

"I'm sorry" Tanging salitang namutawi sa bibig ko. 

Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso nito habang patuloy lang ang pag agos ng mga luha ko. Nang humiwalay ako sa kanya ay saka ko lang napansin na parang nahihirapan ito. 

Tinitigan ko ang kabuuan niya at napatakip ako ng bibig nang mapansin ang tagiliran niya. 

"W-what happened?" Tanong ko rito. 

Tinawanan niya lang ang reaksyon ko saka ako iginiya sa pwesto ko kanina. 

"Dito ka natutulog?" Tanong niya kalaunan. 

Tumango lang ako sa kanya at pilit na ngumiti. 

"Come here" Hinila niya ang kanang kamay ko at dinala ako sa mas madilim na parte ng silid. May kung ano siyang kinapa roon at bigla na lang lumiwanag ang buong paligid. 

"Woah, may ilaw naman pala dito" Mukhang tangang sambit ko. 

Damn. Ilang ulit nakong napadpad dito tapos may ilaw pala rito na sakop buong paligid? Ngayon alam ko na kung gaano ako katanga na nagmumukmok sa isang parte ng kwartong 'to at nagpalamig lamig pa sa sahig gayong may ilaw at kama naman pala!

"Dito dinadala ang mga may minor injuries dati. Puno ito ng kama noon na tinutulugan nila. Pero look, isa na lang ang natira" Aniya at tinuro ang isang kama malapit sa amin. 

"Mukhang bago" Komento ko rito. 

Tinanguan niya lang iyon at hinila ako patungo sa kama. Nauna siyang umupo nang dahan dahan at sumandal sa headboard nito. Kinuha niya ang isang unan sa tabi at nilagay iyon sa ibabaw ng hita niya. 

"Lay here" Utos niya sakin habang tinatapik tapik ang unan. 

"H-hindi ka ba masasaktan sa pwesto mo?" Nag aalalang tanong ko dito. 

"Lakas kita, Mara" Aniya saka hinila ang kamay ko at pinahiga sa sa unan. Napangiti na lang ako dito at kinapitan ang kamay niyang nakasandal sa kama. 

"Here, your phone" Anito at inabot sakin ang cellphone ko. 

Pero nang kukunin ko na iyon ay hinatak niya ito pabalik, at may kung anong kinalikot mula roon.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko dito. 

"Soundtrip tayo" Aniya at maya maya lang ay nagsimula na iyong tumugtog. Hininaan niya lang iyon ng konti para kaming dalawa lang ang makakarinig. 

(I won't last a day without you, by Carpenters)

"You played their playlists, puro Carpenters' songs na yan mamaya" Saad ko sa kanya. 

Ngumiti lang siya sakin. 

"We have the same music taste, I love their songs too" Aniya saka sinimulang suklayin ang buhok ko gamit ang mga kamay niya. 

"And I love you too" Banat ko dito. 

Halatang natigilan siya ay nagkunwaring sa iba nakatingin pero pansin na pansin ko ang pamumula ng mga pisngi niya. Palihim akong napangiti dahil do'n. Masyado kang cute kiligin. 

"Hey, may nanakit ba sayo dito?" Kalauna'y tanong niya. 

Napasimangot ako nang maalala ko ang muntik nang gawin ni Kit kanina. 

Marahan akong umiling at pilit na ngumiti rito para mapanatag siya. Mukha naman siyang nakumbinsi kaya di na siya umimik ulit. 

Nakatitig lang kami sa kawalan habang hinihintay mag umaga. Naikwento ko na sa kanya lahat nang sinabi sakin ni Zion kanina. Maging siya ay nagulat sa pinagtapat nito. Kuya daw ang tawag niya kay Zion noon kasi napakabait daw ng turing nito sa kanila ng ama niya pero nabago daw yun nang tumakas sila ni Iyah at si zion ang pinagbintangan. 

Salamat sa kanya, binigyan niya ko ng pagkakataong makita ko pa si Josh. 

"It's 4 am" Aniya. 

Parang may kung anong kirot ang naramdaman ko nang banggitin niya ang oras. 

"Josh?" Agaw ko sa atensyon nito. 

"What if, hindi na bumalik sila Iyah?" Kinakabahang tanong ko dito. 

"Shhh, maghintay lang tay--a-ahh" Agad akong napabangon nang umaray ito. 

"W-what happened?!" Nataranta ako bigla nang makita kong nakahaaak siya sa tagiliran niya. 

"Josh" Nanginginig kong hinawakan ang kamay niyang nakalapat sa sugat niya. 

"No, it's okay." Anito saka ako nginitian. 

Napabuntong hininga ako dito at sinamaan siya ng tingin. 

"Di ka pa ba inaantok?" Pag iiba niya ng usapan. 

Umiling lang ako dito at ngumusong tumingala.

"Y-yung ilaw, di ako nakakatulog nang maliwanag e" 

Natawa siya sa turan ko saka bumangon at may pinindot sa dulo saka namatay ang mga ilaw. Di ko na siya masyadong makita pero naramdaman kong humiga siya sa kama. 

"Let's sleep, Mara" Anito. 

Tumango lang ako saka humiga sa tabi niya. 

Magkaharap kaming magkayakap pero dahil matangkad siya, hanggang d****b niya lang ako habang nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ko.

Ang bango. Daig pa ang babae. 

Ngayon ko lang napansin na nakapitong kanta na kami kaya inabot ko yung cellphone ko sa taas ng headboard at pinatay ang tugtog. 

"Sing for me instead, Josh. I wanna hear your voice again" Saad ko dito. 

Natigilan siya at napatagal bago sumagot. 

"Fine. Basta wag mong pipigilan ang antok mo habang kinakantahan kita ha? Kakanta ako hanggang sa makatulog ka" Aniya. 

Mabilis akong tumango rito saka pinikit ang mga mata ko. 

Naramdaman ko pang huminga siya ng malalim bago simulang kumanta.

Another day without your smile...

Another day, just passes by

But now I know, how much it means...

For you to stay, right here with me...

It took a couple of seconds before i realized the song he's singing. Then i suddenly feel the excruciating pain in my heart. 

The time we spent apart will make our love grow stronger..

But it hurts so bad i can't take it any longer...

No. The lyrics. 

Naramdaman ko ang unti unting paginit ng mata ko sa paraan ng pagkakakanta nito. Naglalaban ang antok at luha ko. Gusto ko pang marinig ang boses nito. Pero parang ang sakit sakit na pakinggan. 

Ang paraan ng pagkakasambit niya ng liriko, ay parang iyon na ang huling kantang maririnig ko sa kanya. 

Napahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya nang sandaling maabot niya na ang koro.

I wanna grow old with you...

I wanna die lying in your arms...

I wanna grow old with you...

I wanna be looking in your eyes...

I wanna be there for you, sharing in everything you do...

I wanna grow old with you...

Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko, pero alam kong di ko na kakayanin. Pansin ko ang panginginig ng boses niya. 

Sana manatili na lang kaming ganito. Sana di na matapos ang kanta. Sana hindi ito ang pamamaalam niya. Sandali siyang tumigil at sinuklay ang mahabang buhok ko. 

"Mara" Anito sa napakalamig na boses. 

Hindi ako kumibo dahil hindi ko alam kung ikadudurog ko ba ito, hinayaan ko lang siya hanggang sa magpatuloy siya sa pagsasalita.

"Mukhang may isang maiiwan sating dalawa" Aniya. 

Tuluyan nang pumatak ng mga luha ko. 

Sinubukan kong bumangon pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. 

Ang sakit. Sobrang sakit. 

"I'm sorry" Tanging salitang nasambit niya. 

Sinubukan kong magsalita kahit pa alam kong magiging garalgal ang boses ko. 

"Ang sabi mo, magiging tayo pa pag nakalabas tayo ng sabay" Nauutal na sambit ko dito. 

"Mara. The time's running out. Remember my promise? Gagawin ko ang lahat makalabas ka lang dito. Di ka nila pwedeng makuha. Kailangan mong makalabas-"

"No. Please Josh, kahit wag mo na tuparin yan. Wag ka lang aalis sa tabi ko--"

"Shhh. Ipaglalaban ko ang karapatan mo" Anito. 

Umiling iling ako kahit ang higpit ng yakap niya sakin. Pero hindi ako nagpumiglas. 

Hindi ako nagpupumiglas bagkus ay hinayaan ko lang ang ganto naming posisyon, ayokong humiwalay sa kanya. 

Hindi ako nakaimik, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang magsalita. Ngayong hindi ko alam kung ito na ba talaga ang huli. 

Marahan niyang hinagod ang likod ko napabuntong hininga. 

"Sleep now, baby" Anito. Nahihirapan siyang magsalita pero pinipilit niya parin. 

Nasasaktan ako. Sobra. Pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang tanggihan ang lalakeng to. Kahit mahirap. Kahit mapait, wala akong magagawa. Kahit walang kasiguraduhan kung bukas ba ay makakasama ko pa siya.

"Look at the stars above. They were so many. They shine around the moon, as if they're protecting it. Looks like the moon is their queen." Aniya. 

Ang mga tinutukoy niyang bituin at buwan ay ang mga liwanag na hinihintay ko kanina na masilayan. At ngayon lang sila lumabas nang nasa tabi ko na si Josh. 

Nararamdaman ko ang malalim na paghinga niya, napakakalmado ng pananalita niya, na tila ba walang panganib na nakapalibot sa amin. 

"And also, just like the stars. There's so many possibilities, so many ways. Right?" Tanong niya. 

Dahan dahan akong tumango dito kahit di ko makita ang mga bituing tinutukoy niya. 

Naramdaman kong hinalikan nito ang noo ko at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

"I will always find a way to save my princess."

Song by Westlife-'I wanna grow old with you'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status