Mas lalong tumindi ang pag iyak at kaba ko nang maramdaman ang unti unting pagluwag ng kawit na nagtataas sa akin. Habang pahigpit naman ng pahigpit ang kadenang nasa paa ko.
Hawak lang ni Josh ang baril at halos hindi na ito makatingin sa akin.
"We made this blade trap 5 months ago, Josh. Hindi pa namin ito nasusubukang gamitin at alam kong di mo kakayanin na makitang mag lasog lasog ang katawan ng babaeng mahal mo sa harapan mo." Anito sa malamig na tono.
Puro hagulgol ko lang ang maririnig sa buong paligid.
"I know you wanna save her" Nakakabinging tawa ang pinakawalan nito.
"Kill me now Jos--"
"Put her down, Carlos" Anang isang tinig.
Lahat kami ay napatingin sa gawi ng pinanggalingan ng boses na yon. At nabuhayan ako ng loob nang makita siya.
Uncle Don.
Marahan niyang tinutukan ng baril si Carlos at dahan dahang lumapit sa amin.
"Wag mong takasan ang mga pagkakamali mo Carlos. At wag mong bigyan ng kasalanan ang anak mo. Alam kong hindi mo gugustuhing mamatay pero habang buhay kang babatikusin ng mga tao." Mapait na tugon niya dito.
"Sumuko kana, ibigay mo ang nararapat na hustisya para sa mga biniktima niyo ni Algo" Dugtong niya pa.
Mabagal itong lumapit sa amin at laking gulat namin nang bigla niyang paputukan ang button para pakawalan ako.
"Mara!" Sigaw ni josh, binitawan niya ang baril na hawak kanina at mabilis na tumakbo palapit sa gawi ko.
"What have you done Andrew?!" Galit na sigaw ni Carlos kay Uncle Don ngunit hindi siya makalapit sa amin ni gumalaw ng kaunti palapit sa amin dahil nakatutok na sa noo niya ang bibig ng baril nito.
"I just did what's right, Carlos." Tugon nito sa malamig na tono.
Agad na natanggal ang bakal na nakapulupot sa mga paa ko, dahan dahan bumaba ang blades at sumara ang sahig saka ako binitawan ng kawit dahilan para mahulog ako.
Saka ako marahang sinalo ni Josh.
Nanginginig ang mga kamay kong kusang pumulupot sa leeg niya, at ginantihan niya ko ng isang mahigpit na yakap.
"It's your fault Carlos" Rinig kong sambit ni Unclel Don sa kanya.
"I know it's my fault! But Arriane died because of that fucking treatment! At hindi ako papayag na hindi ko maipaghiganti ang pagkamatay niya" Derterminadong saad niya.
Umiiyak na siya. Nang lingunin ko si Josh ay nakahawak lang ito sa mga kamay ko at nakayuko, na tila walang pakialam.
"Matagal mo na siyang naipaghiganti Carlos, naipaghiganti mo pero sa maling paraan" Ani Uncle Don.
Tumalim ang titig ni Carlos dito. Pero nagulat na lang kami sa mga susunod na nangyare. Padausdos itong naupo at humagulgol sa kaiiyak.
"Nilamon ako ng galit ko" Anito. Nanginginig ang katawan niya.
Napakagat labi ako nang masaksihan itong nag sisisi.
Hindi ko alam pero napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Josh at parang dinudurog ang puso ko sa nakikita.
Nagkamali siya, dahil sa pagmamahal.
"I am sorry, love" Anito sa gitna ng malalakas na hikbi. Mahigpit siyang nakakapit sa kwelyo niya habang nakakuyom naman ang isang kamao.
"It's too late, dad" Ani Josh dito.
Nang silipin ko siya ay parang winasak na nang tuluyan ang puso ko. Tumutulo na ang mga luha niya. Ito ang kauna unahang beses na makita ko ang mga luha niya.
"It's not too late!" Sigaw ni Carlos.
Nabigla kami sa mabilis na pagdampot nito sa baril na nabitawan ni Josh kanina.
Dali dali siyang tumayo at tinutok ang baril kay Josh.
"J-josh" Tanging salitang naibulalas ko at mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko sa mga kamay niya.
Maging si Uncle Don ay nagulat sa ginawa nito.
"I-ibaba mo yang baril mo, Carlos!" Naaalarmang sigaw nito.
Pero parang wala lang itong naririnig.
Maya maya lang ay nakakabinging halakhak na ni Carlos ang umalingawngaw sa buong paligid.
Tawa lang ito nang tawa habang kami naman ay di makaalis sa kinatatayuan sa pangambang hinaharang niya sa amin.
Looks like he's the one who needs a treatment.
"Since your mom's dead, can't we just follow her? Mamatay na lang tayo ng sama sama Josh. Sira na rin naman ang mga buhay natin bakit di na lang tayo sumunod sa kanya?! Right?!" Tanong nito.
Tinignan ko si Josh, pero di man lang nagbago reaksyon niya.
"Wag mong idadamay ang anak mo sa sarili mong problema Carlos, wag mo siyang isama sa tatahakin mong impyerno. Ibaba mo ang baril, parang awa mo na" Pakikiusap ni Uncle Don sa kanya dahilan para mas lalo itong magalit.
"No!! Please!" Napasigaw ako ng malakas at hinarang si Josh nang akmang kakalabitin niya ang baril.
Ngunit agad din akong inilipat ni Josh sa likuran niya at prinotektahan ako.
"Hahahahaha oh well, Mara." Sarkastikong banggit niya sa pangalan ko at binaling kay Josh ang atensyon.
"Isama mo na rin siya, para di kana mag alinlangan p--"
Hindi na natuloy ni Carlos ang mga sasabihin niya nang sa mabibilis na galaw ay sinipa ni Uncle Don ang baril na hawak niya.
"Run Josh!" Sigaw nito sa amin na agad din naming sinunod.
Tumakbo kami palabas ng kwartong 'yon at pabalik sa kinaroroonan namin kanina. Medyo mabagal na ang kilos namin dahil parehas na kaming may natamong sugat. Pero kahit pa mas malala ang kay Josh ay sinikap niya pa rin akong alalayan.
Naririnig namin ang sigawan ng mga ito habang nasa kahabaan kami ng pasilyo na tinahak namin kanina.
May nadaanan pa kaming baril at agad iyong dinampot ni Josh.
Nang makarating na kami sa dulo ng pasilyo, lumiko kami sa kaliwa at bumungad na naman sa amin ang isa pang mahabang pasilyo. Nakita ko ang dulo non na tila may kakaunting liwanag.
Ito na siguro. Habang papalapit ay palawak ng palawak ang nasasakop ng liwanag. Ito na nga.
Makakalabas na kami.
Nang marating namin ang dulo no'n ay kagaya ng una, may malawak ring espasyo. Sinundan namin ang sinag ang liwanag.
Nakita namin ang isang pinto sa di kalayuan. Bahagya itong nakabukas.
Ang labasan.
Wala na kaming sinayang na segundo at tinakbo na namin ang pinto pero hindi pa kami nakakalayo ay nawalan ng balanse si Josh.
Naalarma ako nang makita ang isang syringe na nakatarak sa kanang braso niya.
"Josh!" Kasabay ng pagsigaw ko ng pangalan nito ay ang tuluyang pagbagsak niya sa sahig.
Sinubukan niyang kumapit sa akin pero parang lalo siyang nanginginig pag pinipilit niyang gumalaw.
Nilingon ko ang pinto at nakasara na iyon. What happened?!
"M-mara" Nahihirapan na sambit niya. Nagsimula nang tumulo ang luha ko.
Pero nilakasan ko ang loob ko para itayo siya at alalayan palabas, pero nanghihina na agad siya.
Nang makatalikod kami ay nagulat ako sa biglang pagyakap niya sa akin ng mahigpit at umalingawngaw ang isang putok ng baril kasunod niyon ay ang pagluwag ng kapit niya sa akin.
Hinanap agad ng mga mata ko ang may kagagawan no'n at nakita ko ito sa taas ng isang hagdang may kalayuan din sa amin.
"Fuck you!" Buong galit na sigaw ko dito.
Si Algo.
Hawak niya ang baril na nakatutok pa rin kay Josh. At sa bulsa niya ay nakasabit ang iba't ibang susi. Marahil na isa do'n ay ang susi sa pintong labasan. Pinilit kong pahigain si Josh pero nagpupumiglas siya.
"What do you want?!" Panunumbat ko kay Algo.
Sarkastiko itong tumawa pero di siya lumapit sa amin at nanatili lang sa kinatatayuan niya.
"Wanna play a game, where I am the main character and I should kill you in order for me to win and taste the sweet reward of victory" Anito habang hinihimas himas ang bibig ng baril.
Matalim ko lang itong tinitigan at binaling na kay Josh ang atensyon.
"Josh. Please you're bleeding" Pakikiusap ko sa kanya, pilit kong tinatatagan ang sarili ko kahit pa di nako makahinga ng maayos sa kakaiyak.
Pero umiling lang siya sa akin.
"I'll protect y-you" Aniya sa mahinahon ngunit nahihirapang tono.
Marahan niyang niluwagan ang pagkakayakap sa akin at hinarap ako sa pintong nagsisilbing pag asa namin.
"Go on, Mara. Malapit na. Kaunting hakbang na lang. T-tapusin ko na to para sayo" Anito na lalong nagpawasak sa puso ko.
Paulit ulit akong umiling at hindi ko man lang magawang lumingon dahil di ko alam kung kakayanin ko pang makita siyang nahihirapan.
But when I finally got the courage. I hurriedly looked back at him.
"We can make it together. Just c-come with me Josh" Pagmamakaawa ko sa kanya ngunit garalgal na ang boses ko.
"Hold this, Mara" Saad nito at inabot sa akin ang baril na nadampot niya kanina. Ang syringe na iyon ay may lason, dahilan ng unti unting pamumutla ng labi ni Josh.
"I can no longer move. F-fight. Fight for yourself, use me as your shield. Play his game" Aniya.
"This time. Be the moon and I'll be your star, do your best to shine bright, and I'll be doing my best to protect you" Dugtong niya pa.
Binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti dahilan para magkaroon ako ng lakas ng loob. At sa huli, nakumbinsi niya rin ako.
Marahan akong tumango rito at bumitaw na sa kanya saka humarap kay Algo.
Sinilip ko pa si Josh at napansin kong nahihirapan na itong idilat nang buo ang mga mata niya. Damn I need to move, he is bleeding.
Kulang na siya sa dugo.
Matalim ang mga mata kong sinalubong ang mga titig ni Algo. Bahagya niyang itinutok ang armas niya sa akin. At dahan dahan ko namang itinutok ang handgun ko sa kanya.
Wala akong alam sa paghawak ng ganito. Hindi ko sigurado kung magagawa kong magpaputok ngunit isa lang ang nasa isip ko. Gagapiin kita algo.
Sa isang iglap lang ay sinimulan na niyang magpaputok sa gawi ko at agad ko iyong iniwasan. Nanlalamig ang buong katawan ko at para akong hihimatayin sa sobrang kaba. Narinig ko pa ang nagaalalang pagsigaw sa akin ni Josh nang gantihan ko ng isang bala si Algo.
At hindi ko akalaing natamaan siya. Sumayad ang bala sa tainga nito, dahilan nang pagkaluhod nito sa sakit.
Napaungol sa pangalawang pagkakataon, saka sinuportahan ang sarili.
"Damn you" Pagmumura nito saka sunod sunod akong pinaulanan ng bala. Nanlaki ang mga mata ko kasunod ng pagahon ng matinding galit ko dito. Apat na putok ang sumalubong sa akin at lahat nang iyon ay marahan kong iniwasan.
Bumwelo ako para makakuha ng balanse sa pagputok. Ngunit nang akmang kalabitin ko na ang trigger nito ay nauhan niya na ko.
"Mara!" Rinig kong sigaw ni Josh at ang susunod na namalayan ko na lang ay nakayakap na ito sa akin kasabay ng patuloy na pagputok ng baril.
Tila bumagal ang ganap sa buong paligid nang maramdaman ko ang pagliyad ng katawan nitong nakayakap sa akin.
Para kong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nasaksihan, ni hindi ko magawang makagalaw.
Gumuho ang mundo ko at nabitawan ang baril nang sabay kaming matumba
"J-josh" Garagal ang boses na tawag ko dito nang magsimula na itong umubo ng dugo.
I froze.
Namalayan ko na lang na pumapatak na ang mga luha ko sa pisngi niya. Si Algo ay pilit na gumagapang pababa at naghanap ng makakapitan.
"Josh" Sinikap kong tatagan ang sarili ko, at inuyog uyog ito para lang idilat niya ang mga mata niya.
At nang sandaling masilayan niya ako...
Ngumiti ito..
Sa isang iglap ay parang dinurog ang puso ko.
Ang mga ngiting kahit kailan hindi ako binigo, ang mga ngiting totoo. Ang ngiting nagpapalakas ng loob ko.
Pero ngayon, kabaliktaran na ng lahat ang nakikita ko..
Tila ba unti unti akong pinapatay sa uri ng ngiti niya.
Ngiting sana'y hindi pamamaalam.
"Josh... T-tara na, l-lumabas na tayo dito"
Tuluyan nang bumigay ang puso ko. Nararamdaman ko ang unti unting pagkadurog nito nang umiling siya sa akin.
Pumikit siya ulit, at imbes na sumagot ay nagsimula itong kumanta.
Habang nasa mga bisig ko siya. Nararamdaman ko ang sakit na dala dala niya. Pisikal man o emosyonal, ramdam kong pagod na siya.
Pinipilit na lang niya para sa akin.
And then. He starts singing.
"Kung ako ang may ari ng mundo
Ibibigay ang lahat ng gusto mo
Araw araw pasisikatin ang araw
Buwan buwan pabibilugin ko ang buwan,
Para sayo
Para sayo
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling
Na sana'y maging akin,
Puso mo at damdamin
Kung pwede lang, kung kaya lang
Kung akin ang mundo
Ang lahat ng 'to, iaalay ko sayo"
Hindi ako makaimik. At patuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon palang, parang ako na lang ulit mag isa. Tinitignan ko siya habang pinipilit niya kong masilayan.
Simula nang dalhin ako dito, simula nang makilala ako ng lalakeng 'to, wala na siyang ibang ginawa kundi protektahan lang ako. Hindi niya ko hinayaang matulad sa iba. Hindi niya ko sinakripisyo para sa kagustuhan ng ama niya. At nagawa niya akong ipaglaban kahit kapalit pa ng buhay niya.
"M-mara" Rinig kong sambit nito kahit pa nakapikit na siya . Nararamdaman ko ang pagdaloy ng dugo niya sa mga bisig ko. At nanginginig akong pinapakiramdaman ang mga iyon.
Sobrang sakit man, pinilit ko paring ngumiti kahit di niya ko makita.
"Yes, Josh?" Sagot ko rito sa gitna ng patuloy na pag hikbi.
"C-can we... Can we just make it official, now?"
Tuluyan na akong napahagulgol. Paulit ulit lang ang pag iling ko sa mga sinabi nito.
"No. We won't make it official unless we're out of here. N-nangako ka Josh. Diba? Magiging tayo lang pag nakalabas na tayo dito." Tutol ko sa kanya habang umiiling.
Hindi. Mali ang iniisip ko. Hindi pwedeng maging kami sa loob ng impyernong 'to. Hindi kami pwedeng matapos sa loob nito. Ni wala pa kaming nasisimulan, naguumpisa palang kaming mangarap.
"Gusto na kitang maging akin, Mara. Gustong gusto na kitang angkini-"
"So anong ibig sabihin nito? Bakit ngayon pa? Diba sabi mo tutuparin mo lahat ng pangako mo pag nakalabas na tayo?! Josh, what the fuck are you saying?"
Dahan dahan niyang idinilat ang mga mata saka ngumiti.
"Everything's blurred already baby. Maya maya lang ay di na kita masisilayan. So p-please? Gusto kong maging akin ka bago ka bawiin sakin ng dilim"
No
Mas lalong bumilis ang pagdaloy ng mga luha ko.
"A-are you giving up?"
Matagal bago siya sumagot hanggang sa napansin ko na rin ang mga luha nito.
Ang mga luhang umubos ng mga natitirang lakas ko, ang mga luhang sumasagot sa katanungan ko.
His tears. The only answers he gave me.
"No Josh, please fight. Kahit ikaw na lang ang matira sa akin. Ubos na ubos na ko Josh, hindi ko na kayang masaktan. Please? Fight for me. Fight for us." Garalgal ang boses kong pagmamakaawa dito.
Pero patuloy lang ang mga luha niya.
"Kayang kaya kong dalhin ang sakit at bigat na nararamdaman ko ngayon para lang sayo Mara, kahit habang buhay pa kitang ipaglaban ay hindi ako mapapagod. Kahit ilang beses pa'kong masaktan titiisin ko. Kung pwedeng habang buhay akong magsakripisyo, tatanggapin ko, wag lang akong mawalay sayo. Sobrang saya ko nang dumating ka sa buhay ko, n-na kahit masalumuot ang pinagdadaanan natin, nagawa kong maging matatag. Pero hindi pala lahat ng pinaglalaban natin ay napapanalunan, tama man tayo ng desisyon, pag di sumang ayon ang tadhana, matatalo pa rin tayo" Aniya.
Napapikit ako sa sakit, ang lahat ng sakit na naramdaman ko nang mapunta ako dito ay walang wala sa sakit na pinararanas niya sakin ngayon.
"B-bakit? Bakit kailangan nating matalo?" Wala sa sariling tanong ko kahit alam ko na rin naman ang sagot.
Sadyang di ko lang matanggap na ito na 'yon.
"Sa laban lang tayo natalo Mara, pero hindi sa buhay. Use me, as your strength. Alam kong ako ang pinagkukunan mo ng lakas, at kung sa tingin mo ay iiwan kita? No. Lagi mo'kong makakasama kahit saan, lagi mo'kong masasandalan sa mga problema mo. Sa sandaling lisanin ko ang mundong 'to, alam kong magiging kampante na ang puso ko. Kasi nagawa kong ipaglaban ang babaeng pinakamamahal ko. And I know, m-mom's proud of me. Alam kong nakikita niya ako ngayon, kung gaano kalaki ang pinag bago ko, ginagawa ang lahat para sa pag ibig. Bagay na ipinagkait sa amin." Aniya.
Unti unti niyang inabot ang mga pisngi ko at maingat na hinawakan.
Ang mga kamay niya ay sobrang lamig na.
"Just answer my damn question, Josh. Are you giving up? Iiwan mo na rin ba ko?" Lakas loob kong tanong sa kanya.
Wala na kong pake kung desperada ako, wala na akong pake.
Ang mahalaga ay manggaling sa kanya ang salitang pagsuko.
At ang pag tango niya...
Ang siyang tuluyang nagpaguho sa mundo ko.
"Marami ka pang kailangan maabot Mara, alam kong di nako magiging parte ng tagumpay mo, pero sana ipagpatuloy mo ang pinaglalaban natin. Ang karapatan na hinihiling natin. At sa magiging katayuan mo sa mga darating na panahon, sana'y gamitin mo ang mga salita ko. And yes, I need to give up. Just to fulfill my promises. Ayokong mauwi sa wala ang laban na 'to. Ayokong sabay tayong matalo, hayaan mo na kong mag sakripisyo Mara"
Binitawan niya ang pisngi ko at inabot ang baril na nabitawan ko kanina. Ilang ulit akong napailing habang walang hinto ang luha ko. Inilagay niya iyon sa kamay ko.
"W-what do you want me to do, then?" Nalilitong tanong ko sa kanya sa gitna ng malalakas na hikbi.
"M-maging tayo na..." Anito. Nakuha niya pang ngumiti ng nakakaloko kahit pa hirap na siya sa pagsasalita.
"At g-gusto kong lumaban ka, ipaglaban mo ang pangarap mo. Papanoorin kita sa lahat ng laban at pagkapanalo mo"
Marahan akong napatango sa sinabi niya...
Walang tigil ang luha ko pero lalakasan ko na ang loob ko, alam kong ito na ang mga huling salitang bibitawan niya sa akin. Kaya't gagawin ko na itong lakas para tapusin na ang lahat...
"Do you really... Want to make it official now?" Pilit na ngiting tanong ko dito
Tumango siya.
Marahan ko itong niyakap, sa huling pagkakataon.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa grip ng handgun...
"C-can you be my girl?" Tanong niya kalaunan nang sandaling humiwalay ako.
Buong puso akong tumango rito.
Kasabay ng mga luhang tila di nauubos.
"I love you baby so please fight, fight for your rights... I promise one day, I'll send a star. And it will lean down to kiss you.."
●
●
Mara's point of view.I thought life is just a bunch of trials, problems and failures. 'Cause success and happiness never happened to me. Each one us had given a chance to live, yes.But I thought, some are just living, they just live without knowing life's significance, they just accept realities without learning. And for them, failure is not a big thing that should be worried about.And I'm envy.Kasi bakit sila? Parang hindi naman nasasaktan, parang walang pinagdaanang pagsubok.But that's just what I thought.'Cause now, I realized. That life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced. You have to face every moment of it. And learn from it's lessons.Matagal ko nang itinatanong kung bakit ganito ang buhay ko, at ngayong araw na ito nalaman ko ang sagot. Binibigyan tayo ng pagsubok para
Iyah's point of view."Room 08, private. Please kindly assist her" Tugon ng isang officer sa isa pa nitong kasama. At iginiya na ako nito papasok.Ibinulsa ko ang sulat at pinatatag ang sarili ko.Hinatid na ko ng isang pulis at iniwan ako sa harap ng isang rehas na nakabukas, at nasa loob niyon ay bulto ng isang lalaking nakatalikod na nakatitig sa bintana. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko kaya naglakas loob na akong pumasok dito."D-dad" Nauutal na pauna ko. At nang sandaling lingunin niya ako, ay naramdaman ko ang mga luhang kusang umagos mula sa nga mata ko."Janiyah, anak..." Anito sa mahina ngunit garalgal na boses. Tuluyan na ring bumigay ang mga luha niya at hindi ko na kinaya, tinakbo ko ang distansya naming dalawa saka ito niyakap ng mahigpit.Ang sakit sakit. Hinahagod niya ang likod ko pero nararamdaman ko pa rin ang
Zea's point of view."Zeanilleee!"Mabilis kong tinakpan ang mga tenga ko nang sandaling makapasok ako sa loob ng condo ni Iyah at bumungad sakin ang nakakabinging sigaw nito.Pasalampak akong naupo sa tapat ng vanity table saka inis na hinalungkat ang makeup kit ko para mag retouch. Grabe naman kaseng taas ng floor nato, ano ba naman kaseng pumasok sa isip niya bakit sa high end condo pa tumira."You're late, again" Puna sa akin ni Lia pero di ko na yon pinansin.Mas lalo akong binalot ng inis nang magsimula na namang mag soundtrip si Mara, inis ko siyang tinapunan ng tingin at nang mapalingon siya sa akin ay nagpatay malisya ito at nangingiting hininaan ang volume saka nagtuloy sa pag aayos ng sarili.Napangiti ako dito saka humarap ulit sa salamin at doon ko na tiningnan ang repleksyon ng maamo niyang mukha sa likod.&nbs
THE 'DECAY OF DAWN' NOVELCharacters:Mara - Samara DelizoJosh - Joshua Gabriel Gregorio Iyah - Janiyah Grace GregorioLia - Nathalia GomezZea - Zeanille VelazquezUncle Don - Andrew 'Don' MercadoCarlos - Carlo Sebastian GregorioKit - Kit Arizona FloresArianne Mercado GregorioPlaylist:Cat Stevens - Morning Has Broken Erik Santos - Kung Akin Ang MundoWestlife - I Wanna Grow Old With YouLord Huron - The Night We MetDaughter - MedicineThank you for reading Samara's story. Nawa'y maging aral ang simpleng kwentong ito sa inyo. You really have to fail a hundred times in order to succeed once - Sylvester Stallone. This underrated writer was still in the process of improving. And your advices will mean a lot to me. Thank you and G
"Sadya bang ganito kalupit ang buhay ko? Puro pasakit at hinagpis ang natatamasa ko sa mundong 'to. Bakit hindi niyo na lang ako hayaang sumuko?" - Samara"Hindi lahat ng paghihirap ay napapalitan ng gantimpala Mara, ang ilan ay nananatiling ala ala na lang.""Ipangako mo saking lalaya tayo sa bangungot na 'to Josh. Lalaban tayo nang sabay"Hindi ako matibay na tao para subukin ng napakaraming pagsubok, nais kong mamuhay ng payak at masaya ngunit bakit para bang lahat ng pinapangarap ko ay ipinagkakait sa akin?Ayoko nang magpatuloy, napapagod na ako."Would you live for me, Mara?"No. Unless I'm with you.Decay of Dawn©All rights reserved.
"Law without justice is like a wound without a cure, do you agree on this saying?" tanong ni Prof. Alfonso.Mataman niyang tinitigan ang bawat isa sa buong klase na tila ba naghihintay ng kasagutan sa mga estudyante niya.Of course yes, I agree. Lahat naman ata ay alam kung paano i-explain ang saying na ito at lahat din ay alam ang malalim na kahulugang nakapaloob dito.I was a college student and soon to be a degree holder. And I'm currently taking up a pre-law course. Disinuwebe na ako at hindi na madali para sakin ang landas na tinatahak ko ngayon. I need to focus nang sa gayon ay 'di masayang ang napakaraming taon na ginugol ko sa pag-aaral. Dahil pag college kana, lahat ng detalye sa kursong kinuha mo ay dapat alam mo."Yes Mr. De Veyra?" Nakangiting tawag ni prof sa lalaking nasa likuran nang magtaas ito ng kamay.Agad namang tu
Mga ilang minuto ko ring tinitigan ang litrato ng estudyanteng dalawang araw na raw nawawala. Si Demi Lobusta. Isang engineering student, ang pagkakaalam ko ay napakahirap ng engineering pero bakit kase nakuha niya pang umattend ng mga parties? At alam naman niyang mahirap malasing pero bakit umuwi pa siya ng mag isa? Sa dis oras pa ng gabi.Isinara ko na ang laptop ko saka pumasok na sa banyo para maligo. Nang matapos na ako ay sinimulan ko nang gawin ang presentation na kailangan ko nang ipresent pagkatapos ng dalawang araw.Ibinuklat ko na ang librong inuwi ko na siyang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon o detalye sa magiging report ko. Sinabayan ko na rin to ng madaliang research para sigurado at walang malilito sa mga makikinig.Halos nangangalahati palang ako ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko.Sinilip ko ang orasan, saktong alas dyes na ng gabi. Kailangan k
Nagising ako dahil sa ingay. Mga babaeng umiiyak, nagmamakaawang mga sigaw. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa.Unti unting tumulo ang mga luha ko, nais kong pigilan ngunit tila di ito nagpapaawat, naririnig ko ang pag ragasa ng saganang ulan na tila ba nakikiramay sa akin.Sinubukan kong kumilos, pero sobrang bigat ng katawan ko.Nang idilat ko ang mga mata ko ay wala akong makita. Madilim. Walang kahit na anong makikita bukod sa dilim.Ngunit ang iyak ng mga taong nandidito ay tila mas malakas pa sa ingay na gawa ng ulan. Nararamdaman ko ang mabigat at matigas na bagay na nakapulupot sa aking buong katawan.Hilong hilo ako, para akong nanggaling sa napakatagal na pagtulog, pero inaantok pa rin ako.Wala akong ibang magawa kundi umiyak, naguunahan ang mga luha ko ngunit walang hagulgol na lumalabas sa bibig ko.