Share

I

Author: Maricinth
last update Last Updated: 2021-11-11 13:31:05

"Law without justice is like a wound without a cure, do you agree on this saying?" tanong ni Prof. Alfonso.

Mataman niyang tinitigan ang bawat isa sa buong klase na tila ba naghihintay ng kasagutan sa mga estudyante niya. 

Of course yes, I agree. Lahat naman ata ay alam kung paano i-explain ang saying na ito at lahat din ay alam ang malalim na kahulugang nakapaloob dito. 

I was a college student and soon to be a degree holder. And I'm currently taking up a pre-law course. Disinuwebe na ako at hindi na madali para sakin ang landas na tinatahak ko ngayon. I need to focus nang sa gayon ay 'di masayang ang napakaraming taon na ginugol ko sa pag-aaral. Dahil pag college kana, lahat ng detalye sa kursong kinuha mo ay dapat alam mo. 

"Yes Mr. De Veyra?" Nakangiting tawag ni prof sa lalaking nasa likuran nang magtaas ito ng kamay.

Agad namang tumayo si Jeff saka sumagot.

"Yes sir, I agree. Because law is literally made for what we called katarungan" Sagot nito saka umupo. 

Psh. Jeff and his ineffectual answers, again. Nagkibit balikat ako sa naging sagot nito. Came from what he said, literal na ginawa ang batas para sa katarungan. Specific na sana kaso mali ang point. 

Tinitigan siya ni prof nang may halong inis pero napa buntong hininga na lang ito. We all know that Jeff is a bird brained person. Minsan lang magseryoso sa discussions, pag gusto niya lang yung topic. 

Natigilan kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto. And there she is, kung kami nangangalahati na ng oras, siya naman kapapasok lang. 

"Good morning, sorry. I took such a long time to prepare, sir." Pagpapa-umanhin ni Zea. Ngumiwi lang si prof at nginuso ang upuan niya.

"Lagi ka namang late mag prepare" Pang aasar ni Jeff sa kanya. Dahilan para maghagikhikan ang mga estudyante. Tinarayan lang siya ni Zea saka deretsong nagtungo sa upuan niya. 

At nang maka get over na ang lahat, nagtuloy na rin si Prof. Alfonso sa dinidiscuss nito. 

Tumawag pa ito ng ibang estudyante para sumagot sa mga katanungan niya. 

Napangiti ako sa isiping nandidito nako sa puntong abot kamay ko na ang pangarap ko. Malapit na akong makapag tapos at maging isang ganap na abogado. Matagal ko nang inaasam-asam ang makapag-aral sa isa sa mga kilalang unibersidad dito sa maynila, para dito mag tapos at mag iwan ng bakas at aral sa mga mag-aaral na hirap sa pagtataguyod ng kanilang pag aaral. Marami pa akong gustong patunayan gaya ng kaya kong abutin ang mga pangarap ko nang walang natatanggap na suporta mula sa pinanggalingan ko. 

Yes. Self-support ang ginagawa ko. Sariling kayod para magtapos. Sariling kayod para mabuhay. Hindi ako nakakilala ng magulang. Ni wala ngang tumayong magulang para sa'kin simula nang masilayan ko ang mundong to. Hmn, meron naman. Pero hindi ko kadugo. At pakiramdam ko, naging sayad lang ako sa pamilya nito. Minsan napapa isip na lang ako, sadya nga bang hindi ako mahal ng mga magulang ko? Para basta na lang itapon ng parang b****a sa kung saan?

Natigil ang paglalakbay ng isip ko nang biglang tawagin ni Prof. Alfonso ang apilyedo ko. 

Agad akong tumayo. 

'Law without justice is like a wound without a cure' basa ko sa screen ng malaking TV sa harapan ko. 

Tumango ako sa propesor bago sumagot. 

"I agree, sir. For me, law is a rule for everyone to follow. Justice is for those who deserves it and punishments are for those who disobeyed. Again, justice will be serve only for the victims, walang sinumamg suspek ang binibigyan ng hustisya dahil kung mayroon man, hindi ito matatawag na hustisya"

"At kung walang hustisya, para saan pa ang batas? Katulad lang ito sa sitwasyon ng epidemya, kung may kakulangan sa lunas, diyan na magagamit ang kapangyarihan which is kung sino ang mas mayaman at mas malaki ang offer ay siyang unang makatatanggap ng lunas kaysa sa lubos na nangangailangan. Ito ang tinatawag na 'mayroong batas ngunit kulang sa hustisya'." 

"Law without justice is like a wound without a cure. Dahil kung batas lang ng batas, hindi ito magiging makatarungan. Para lang tayong gumawa ng batas pero malaya pa rin lumabag. Bakit? Kasi hindi nabibigyan ng hustisya ang mga naabuso. Inshort, it'll be unfair."

Sa sandaling matapos ko ang mga salitang binitawan ko ay napansin kong halos lahat ng estudyante ay nakatitig lang sa akin. Maging si Prof. Alfonso.

Tumango ito sa akin nang nakangiti, "Very well said, Ms. Delizo, too much wisdom. But remember, defendants still have their rights to defend themselves inside the court called a fair trial, still considered as justice. But good job you made a powerful point." Papalakpak nitong puri. 

Nakangiti akong umupo

A simple compliment can really boost my confidence. Though lagi akong nakatatanggap ng iba't ibang papuri ay hindi ko parin nakalilimutan na marami pa akong dapat i-improve para sa sarili ko. Hindi dapat ikalaki ng ulo ko ang mga natatanggap na paghanga mula sa mga taong nasa paligid ko. Gayong marami pa akong kakulangan. Lagi ko itong itinatatak sa isip ko. 

Gusto ko lang mag improve nang mag improve hanggang sa maging successful ako. 

Ako si Samara Delizo. Isang adopted. Pero tinuring akong isang tunay na anak ni Mama Leste hanggang sa tumungtong ako ng kolehiyo. Sinuportahan niya ako, binihisan at binigyan ng karapatan maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. Apilyedo nito ang dala dala ko. Pero hindi naging gano'n kadali ang lahat, dahil hindi ko kailanman naging kasundo ang dalawang anak nito. 

Although hindi ko pa alam na adopted ako, noon pa man ay talagang nagdududa na ako, dahil sa kakaibang pakikitungo ng mga kamag-anak nito sa akin. Ngunit ayokong magtanong, ayokong isipin na hindi ako tunay na anak ni Mama Celeste. Na sampid lang ako sa kanila. Dahil sa buong buhay ko, siya lang ang naging sandalan ko at nagmahal sakin ng lubos. Pinag aral niya ko, at yun ang oportunidad na hindi ko pinalampas. Pinagbuti ko ang pag aaral ko at nakapasa sa scholarship na kalauna'y nagbigay ng napakalaking tulong para sa akin. Nag-ipon ako at naging working student sa edad na 16.

Hanggang sa noon lamang nakaraang taon, nagkaroon ng malubhang sakit si Mama Leste, at sa huling kita namin ay sinabi niya na ang lihim na sumagot sa mga katanungan ko. Bago siya tuluyang mamaalam, ipinagtapat niya ang lahat. Nag natagpuan niya lang ako sa tambakan ng mga kalakal sa likod ng bukas na bakuran nila. 

Halos gumuho ang mundo ko nang malamang itinapon lamang ako ng tunay kong mga magulang. Ni hindi man lang nila inisip na tinanggalan nila ko ng karapatang mabuhay. Mula noon ay mas tinatagan ko ang sarili ko, hindi ako nagpaapekto sa mga negatibong dumaan sa buhay ko. Pinagpatuloy ko ang sinimulan ko kahit wala na si Mama Leste. Lumayo ako sa pamilyang kinalakihan ko matapos nila akong itaboy pagkatapos pumanaw ni mama. Sinikap kong bumangon ulit kahit walang wala akong makapitan. Nanalig at nanghingi ako ng gabay sa Diyos. At pinagpatuloy ko ang buhay ko nang ako na lang mag isa. 

"Mara!" Agad akong napalingon sa gawi kung saan nanggaling ang boses nito. 

"Oh Zea, anong meron?" Takang tanong ko sa kanya, hingal na hingal ito. 

"Kanina pa kasi kita tinatawag!" Panunumbat nito sabay hampas sa braso ko.

"Hahahaha! Pasensya na ang lalim kasi ng iniimagine ko, papunta ka rin ng library?" Tanong ko dito ng mapansing may dala rin itong library pass. 

"Oo, tinawag lang kita para sabay na tayo hanggang sa pag uwi." Anito na ipinagtaka ko. 

"Hmn? Bakit? Wala ka bang service ngayon?" 

"Wala eh, at saka prefer kong maglakad ngayon, at aware naman akong nakasanayan mo nang kapag galing ka sa library e naglalakad ka na lang pauwi habang nagbabasa ng librong dinekwat mo." Paliwanag niya pa.

Napangiti ako at nagbuntong hininga. 

Quarter to five palang pero kumakalat na ang dilim sa paligid. 

Pagdating namin sa library ay kakaunti na lamang ang mga estudyanteng naroroon. Agad akong nagtungo sa bookshelf kung saan naroroon ang librong pagkukunan ko ng sources para sa presentation na ini-assign sa akin ni Prof. Alfonso. 

Pupuntahan ko na si Zea nang mapansin ko ang mahihinang pag uusap ng mga librarians at tila abala ito sa kung ano. Gawa ng kyuryusidad ay napilitan akong lumapit do'n. Ngunit di pa ko nakakalayo nang biglang hilahin ni Zea ang braso ko. 

"Ano? Tara na?" Tanong nito habang dala dala ang tatlong librong iuuwi niya. 

"Oo, ang dami naman niyan." Sagot ko at ininguso ang mga librong bitbit niya.

"Ganon talaga pag sigurista mara. At saka, para marami ring mapagkukunan ng sagot diba?" Natatawang katwiran nito saka kinuha ang librong hawak ko at hiningi ang ID ko. 

Iniabot ko iyon sa kanya at saka dumiretso na ito sa isang librarian sabay abot ng mga ID namin. 

Pagkatapos niyang makuha ang mga libro ay agad na kaming lumabas. Naglalakad na kami ni Zea, at maya maya pa'y nagsalita na ito. 

"Nakita mo yung ipinost ng isa sa mga admin ng school kanina?" Tanong nito sa mahinang tono. 

"Hindi. Bakit? Issue na naman?" Di makapaniwalang tanong ko dito.

"Hindi na issue to mara, kanina kasi nung nasa library tayo, nacurious ako kasi naguumpukan ang ibang staff at mga admins sa loob."

"Oh tapos?"

"Nakatutok sila sa laptop tapos may picture sila na pinapakalat ngayon sa social media. Missing dalawang araw na. At estudyante din dito. Huling araw daw nilang nakita ang babaeng yon noong sumama daw sa club party kaso mag isa daw umuwi." Kwento pa nito na ikinalaki ng mga mata ko. 

"Papanong?" Halos wala na akong masabi. 

Hindi na rin kasi ito ang unang beses na may nawalang estudyante. Actually pangatlo na 'to, iba't ibang unibersidad at halos ni isa sa kanila ay di na nahanap pa at ang mas nakapagtataka pa ay puro ito mga babae. 

"Hindi ba't dapat pinagtutuunan na 'to ng atensyon ng gobyerno? Hindi dapat porket tatlo pa lang ang nawawala ay isasawalang bahala na lang nila 'to." Nag aalalang saad ni zea. 

"Hindi muna dapat tayo sumumbat sa gobyerno Zea, bukod sa tatatlo palang ang kaso e wala ding matibay na ebidensya na dinukot nga sila, baka nga ang iba sa kanila ay naglayas lang e." Tugon ko kahit na sa palagay ko ay imposibleng paglalayas nga iyon. 

"No. Walang din namang matibay na ebidensya na naglayas nga sila kasi kung ganon nga, bakit sa mga unexpected situations pa sila nawawala? Yung unang babaeng nawala, awarding day sa contest yon at nasa school din siya. So, hindi maitatangging baka kidnapping na ang nagaganap. At iisang kasarian lang ang puntirya nila. Mga babae lang. At posible na iisa lang din ang suspek sa likod no'n." Pagpapaliwanag nito. 

Napaisip ako sa sinabi ni Zea, nakakaalarma ito lalo na't baka sa susunod na mga araw ay may mabiktima na naman. 

"Oo nga, iisa lang ang puntirya at pare parehas pa ng kaso. Banta 'to sa mga estudyante. Kailangang ipagbigay alam na ito sa gobyerno para mabigyan ng hustisya."

Nang makaliko kami sa isang kanto ay nagpaalam na sa akin si Zea. 

Ako na lang mag isa.

Binilisan ko pa ang mga lakad ko dahil tuluyan ng nabalot ng dilim ang bunong paligid. Delikado na lumakad nang wala kang kasama.

Habang naglalakad ay di ko maiwasang luminga linga sa paligid. Pinapakiramdaman ang mga galaw ng mangilan ngilan sa mga tao rito. Tila lahat naman sa mga ito ay abala sa kanilang mga ginagawa. Kaya isinawalang bahala ko na lang ang kaba at nagpatuloy.

Natatanaw ko na ang gate ng private dormitory kung saan ako tumutuloy.

Huminahon ako ng tuluyan na akong makapasok dito. Sumilip pa muna ako sa labas habang iniaabot ko ang id ko sa guardhouse nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Dali dali akong nagtungo sa hagdanan.

At akmang paakyat na ko ng mapansin ang isang laser na tila sinusundan ang mga hakbang ko. Nang lingunin ko ang pinanggagalingan nito ay binalot ako ng matinding kaba. 

Isang lalaking nakatayo sa di kalayuan habang nakasandal sa isang poste sa gilid ng mayabong na puno. 

At matatalim ang titig nito sa akin. 

Related chapters

  • Decay of Dawn   II

    Mga ilang minuto ko ring tinitigan ang litrato ng estudyanteng dalawang araw na raw nawawala. Si Demi Lobusta. Isang engineering student, ang pagkakaalam ko ay napakahirap ng engineering pero bakit kase nakuha niya pang umattend ng mga parties? At alam naman niyang mahirap malasing pero bakit umuwi pa siya ng mag isa? Sa dis oras pa ng gabi.Isinara ko na ang laptop ko saka pumasok na sa banyo para maligo. Nang matapos na ako ay sinimulan ko nang gawin ang presentation na kailangan ko nang ipresent pagkatapos ng dalawang araw.Ibinuklat ko na ang librong inuwi ko na siyang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon o detalye sa magiging report ko. Sinabayan ko na rin to ng madaliang research para sigurado at walang malilito sa mga makikinig.Halos nangangalahati palang ako ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko.Sinilip ko ang orasan, saktong alas dyes na ng gabi. Kailangan k

    Last Updated : 2021-11-11
  • Decay of Dawn   III

    Nagising ako dahil sa ingay. Mga babaeng umiiyak, nagmamakaawang mga sigaw. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa.Unti unting tumulo ang mga luha ko, nais kong pigilan ngunit tila di ito nagpapaawat, naririnig ko ang pag ragasa ng saganang ulan na tila ba nakikiramay sa akin.Sinubukan kong kumilos, pero sobrang bigat ng katawan ko.Nang idilat ko ang mga mata ko ay wala akong makita. Madilim. Walang kahit na anong makikita bukod sa dilim.Ngunit ang iyak ng mga taong nandidito ay tila mas malakas pa sa ingay na gawa ng ulan. Nararamdaman ko ang mabigat at matigas na bagay na nakapulupot sa aking buong katawan.Hilong hilo ako, para akong nanggaling sa napakatagal na pagtulog, pero inaantok pa rin ako.Wala akong ibang magawa kundi umiyak, naguunahan ang mga luha ko ngunit walang hagulgol na lumalabas sa bibig ko. 

    Last Updated : 2021-11-11
  • Decay of Dawn   IV

    Muli nila akong dinala sa kwartong pinanggalingan ko. This time, mas madilim at mas nakakatakot. Wala nang lubid na nakapulupot sa katawan ko pero ikinadena nila ang mga paa ko.Iniwan nila akong mag isa sa nakakatakot na lugar na 'to.Nararamdaman kong pagabi na dahil balot na balot na ng dilim ang buong paligid. Humiga ako sa manipis na karton na nakalatag sa malamig na simento nito saka niyakap ang sarili.Ang lamig at ang lungkot.Napatitig ako sa pinakamataas na parte ng kwarto na 'to nang mapansin ko ang kakarampot na liwanag mula dito.May bintana, isang transparent window na may kaliitan ngunit sapat na para masilayan ang kalangitan. Nakita ko ang buwan. Buong buo ito gayundin ang liwanag na hatid nito.My tears suddenly burst down when a painful memory came back rushing my mind. "Ate tama na po!" Sigaw

    Last Updated : 2021-11-12
  • Decay of Dawn   V

    Blangko ang ekspresyon ko habang pinapakinggan ang pagmamakaawa ng ilang babaeng nakakulong rin kagaya ko, di ko sila masyadong marinig pero dahil tahimik dito sa kwarto ko, malinaw na umiiyak sila. Nanghihina ang katawan ko. Para akong pagod kahit wala naman akong ginagawa.Ang daming naglalakbay sa isipan ko nang bigla akong natigil ng isang maamong boses."Bago ka lang ba dito?" Tanong nito, nakasilip siya sa isang maliit na bintana, taga kabilang kwarto."Oo"Lumapit ako dito at umupo sa may sulok malapit sa siwang. May spring na nakaharang dito pero hindi iyon naging hadlang para di ko maaninag ang itsura nito."Ilang taon kana?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya nang mapansin kong medyo bata pa ang itsura niya."I'm 20" Sagot nito na ikinagulat ko."You have a pair of pretty eyes" Aniya.

    Last Updated : 2021-12-08
  • Decay of Dawn   VI

    Napakapit ako sa paanan ng kama ko nang pumasok ang tatlong kalalakihan sa kwarto ko. Napasigaw na lang ako nang hilahin nila ako palabas."Wag niyo siyang gagalawin!" Rinig kong sigaw ni Lia. Nakita kong nakabukas ang bintana at pilit na hinahawakan ni Lia ang paa ng isang lalake.Sinipa siya nito at tinadyakan ang bintana para sumara. Napaaray ako nang higpitan pa nila ang pagkakakapit sa braso ko. Hindi ko kayang manlaban kaya't hinayaan ko na lang na tangayin na ko.Akmang palabas na kami sa hallway nang matigilan ang mga ito."Huwag siya" Anang isang lalakeng matangkad at maputi. Seryoso itong nakatingin sa lalakeng nakahawak sa braso ko.

    Last Updated : 2021-12-09
  • Decay of Dawn   VII

    "Grabe ka naman! Hindi kaba natatakot lia? Sanay kana ba na laging ganon nakikita mo?" Singhal ko kay Lia na kinatigil niya. Alam kong baguhan lang ako dito at di pa lahat ng napagdaanan nila ay naranasan ko na. Pero bakit gano'n na lang ang reaksyon niya? Di ba siya nanghihinayang sa buhay ng iba?Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang sunod sunod na kalabog ang narinig ko mula sa labas.Napabalikwas ako at medyo hilong bumangon at sinilip ang nangyayare sa labas. Nakita ko ang grupo ng kalalahkihan na pumasok sa isang kwarto katapat ng kay Lia.Narinig ko ang pagmamakaawa ng babaeng nandoon na pakawalan siya ng mga ito. Nang ilabas nila ang babae ay gano'n na lang ang pagkagulat ko.She can't even look. I think she's losing her eyesight pero pinipilit parin nila itong tumayo at maglakad. Namamaga ang buong mukha nito lalo na sa may bandang mata at halos hindi na ito makakit

    Last Updated : 2021-12-10
  • Decay of Dawn   VIII

    "You're doing it wrong" Reklamo ko kay Josh nang maramdaman kong mali yung direksyon ng kamay niya.He's currently braiding my hair pero parang di naman braid yung ginagawa niya."Mag antay ka kasi, ikaw may gusto nito diba? Pulupot ko 'to sa leeg mo e." He murmured"Ang iingay niyo naman, magpatulog naman kayo aba"Sabay kaming napalingon sa gawi ni Lia na nakadungaw na sa maliit na bintana. Tinanggal na ni Josh ang spring no'n kaya kitang kita na namin siya."Alas dose na umaalingawngaw parin mga boses niyo" Aniya bago bumalik sa kama.Nagkatinginan kami ni Josh. Tinawanan na lang namin siya at nagpatuloy na ito sa ginagawa."Ikaw kase--""Anong ako?" Pagdepensa ko kay Josh nang sisihin niya 'ko.Narinig ko ang mahinang pag hagikhik niya kaya siniko ko siya dahilan

    Last Updated : 2021-12-11
  • Decay of Dawn   IX

    "How are you mara?" Sarkastikong tanong ni Kit, ito ang bumungad sa pinto nang mabuksan iyon. Ang nakakainis na mukha ng isang kriminal.Sinuyod ko ang buong katayuan niya at nakataas ang kilay na sinalubong ang titig niya."So what brought you here, asshole?" Mayabang na tanong ko sa kanya. Napahagalpak ito ng tawa at kalauna'y ngumiti ng nakakaloko."You sounds like an owner of that room you're occupying. You're disrespecting me" Anito habang nililibot ng paningin ang kabuuan ng kwarto ko."First of all, you're an abductor and a big piece of shit so you don't deserve a piece of respect. What do you want?" Pagtataray ko dito nang hindi siya binibigyan ng espasyo para makapasok."I want your body" Aniya.Nayanig ang katauhan ko sa narinig, nanatiling nakanganga ang mga bibig ko habang malisyoso niyang tinititigan ang buong

    Last Updated : 2021-12-12

Latest chapter

  • Decay of Dawn   THE 'DECAY OF DAWN' NOVEL

    THE 'DECAY OF DAWN' NOVELCharacters:Mara - Samara DelizoJosh - Joshua Gabriel Gregorio Iyah - Janiyah Grace GregorioLia - Nathalia GomezZea - Zeanille VelazquezUncle Don - Andrew 'Don' MercadoCarlos - Carlo Sebastian GregorioKit - Kit Arizona FloresArianne Mercado GregorioPlaylist:Cat Stevens - Morning Has Broken Erik Santos - Kung Akin Ang MundoWestlife - I Wanna Grow Old With YouLord Huron - The Night We MetDaughter - MedicineThank you for reading Samara's story. Nawa'y maging aral ang simpleng kwentong ito sa inyo. You really have to fail a hundred times in order to succeed once - Sylvester Stallone. This underrated writer was still in the process of improving. And your advices will mean a lot to me. Thank you and G

  • Decay of Dawn   XXIX

    Zea's point of view."Zeanilleee!"Mabilis kong tinakpan ang mga tenga ko nang sandaling makapasok ako sa loob ng condo ni Iyah at bumungad sakin ang nakakabinging sigaw nito.Pasalampak akong naupo sa tapat ng vanity table saka inis na hinalungkat ang makeup kit ko para mag retouch. Grabe naman kaseng taas ng floor nato, ano ba naman kaseng pumasok sa isip niya bakit sa high end condo pa tumira."You're late, again" Puna sa akin ni Lia pero di ko na yon pinansin.Mas lalo akong binalot ng inis nang magsimula na namang mag soundtrip si Mara, inis ko siyang tinapunan ng tingin at nang mapalingon siya sa akin ay nagpatay malisya ito at nangingiting hininaan ang volume saka nagtuloy sa pag aayos ng sarili.Napangiti ako dito saka humarap ulit sa salamin at doon ko na tiningnan ang repleksyon ng maamo niyang mukha sa likod.&nbs

  • Decay of Dawn   XXVIII

    Iyah's point of view."Room 08, private. Please kindly assist her" Tugon ng isang officer sa isa pa nitong kasama. At iginiya na ako nito papasok.Ibinulsa ko ang sulat at pinatatag ang sarili ko.Hinatid na ko ng isang pulis at iniwan ako sa harap ng isang rehas na nakabukas, at nasa loob niyon ay bulto ng isang lalaking nakatalikod na nakatitig sa bintana. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko kaya naglakas loob na akong pumasok dito."D-dad" Nauutal na pauna ko. At nang sandaling lingunin niya ako, ay naramdaman ko ang mga luhang kusang umagos mula sa nga mata ko."Janiyah, anak..." Anito sa mahina ngunit garalgal na boses. Tuluyan na ring bumigay ang mga luha niya at hindi ko na kinaya, tinakbo ko ang distansya naming dalawa saka ito niyakap ng mahigpit.Ang sakit sakit. Hinahagod niya ang likod ko pero nararamdaman ko pa rin ang

  • Decay of Dawn   XXVII

    Mara's point of view.I thought life is just a bunch of trials, problems and failures. 'Cause success and happiness never happened to me. Each one us had given a chance to live, yes.But I thought, some are just living, they just live without knowing life's significance, they just accept realities without learning. And for them, failure is not a big thing that should be worried about.And I'm envy.Kasi bakit sila? Parang hindi naman nasasaktan, parang walang pinagdaanang pagsubok.But that's just what I thought.'Cause now, I realized. That life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced. You have to face every moment of it. And learn from it's lessons.Matagal ko nang itinatanong kung bakit ganito ang buhay ko, at ngayong araw na ito nalaman ko ang sagot. Binibigyan tayo ng pagsubok para

  • Decay of Dawn   XXVI

    Mas lalong tumindi ang pag iyak at kaba ko nang maramdaman ang unti unting pagluwag ng kawit na nagtataas sa akin. Habang pahigpit naman ng pahigpit ang kadenang nasa paa ko.Hawak lang ni Josh ang baril at halos hindi na ito makatingin sa akin."We made this blade trap 5 months ago, Josh. Hindi pa namin ito nasusubukang gamitin at alam kong di mo kakayanin na makitang mag lasog lasog ang katawan ng babaeng mahal mo sa harapan mo." Anito sa malamig na tono.Puro hagulgol ko lang ang maririnig sa buong paligid."I know you wanna save her" Nakakabinging tawa ang pinakawalan nito."Kill me now Jos--""Put her down, Carlos" Anang isang tinig.Lahat kami ay napatingin sa gawi ng pinanggalingan ng boses na yon. At nabuhayan ako ng loob nang makita siya.Uncle Don.Marahan n

  • Decay of Dawn   XXV

    "I said let her go!" Umalingawngaw ang sigaw ni Josh sa bawat sulok ng malawak na espayong 'to.Kasabay no'n ay isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa labas.Lahat kami ay nawalan ng balanse dahilan para maisayad ni Kit ang matulis na patalim nito sa kanang braso ko.Mabilis na dumanak ang dugo. Sa isang iglap ay puro alikabok na lang ang nakita ko. Napaubo ako at unti unting sumikip ang paghinga kasabay ng paglabo ng paningin at tuluyan na akong natumba.Pero bago pa magdilim ang lahat ay naaninag ko ang isang liwanag na tila papalapit sa akin.Sinubukan kong palinawin ang paningin ko at gano'n na lang ang pagbuhos ng mga luha ko nang makita ang isang pamilyar na imahe nito.Mama Leste.Lumapit ito sa akin at saglit na tumingin sa mga mata ko."Lumaban ka, anak."

  • Decay of Dawn   XXIV

    Mara's point of view.Nagising akong nakailaw na ang kwarto.Kinusot ko muna ang mga mata ko, naramdaman ko ang pamimigat no'n dahil onting oras lang ako natulog. Bumangon ako at nilibot ng paningin ang kabuuan ng kwarto.Nakita ko si Josh, katabi ni Zion. Magkaharap sila sa isa't isa at parehong sumisimsim ng kape. Napangiti ako nang mapagtanto na nagkakaunawaan na ulit ang mga ito.Tumayo na'ko kaya naagaw ko ang atensyon ng mga ito."H-hey, ang aga mo naman magising" Bungad sakin ni Josh nang makalapit ako sa kanila. Umurong siya nang kaunti at pinaupo ako sa sofa, katabi niya."Magang maga ang mga mata mo" Puna ni Zion sa akin.Nagkibit balikat lang ako sa mga ito at napatingin sa kapeng iniinom nila."Sandali ipagtitimpla kita" Ani Zion saka nilapag ang kape niya at dali daling

  • Decay of Dawn   XXIII

    Mara's point of view.Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa sinabi niya.Ayokong makasira ng relasyon.Ayokong makasira ng relasyon para lang sa formula na 'yon.Hindi pa kami ni josh.Hindi pa kami. Pero ang katotohanan na isinasakripisyo na ang sarili niya para sa'kin, ay nagpapadurog ng puso ko. Na gi-guilty ako. Kung hindi niya ko nakilala, kung hindi lang kami nagkita. Kung hindi niya lang ako niligtas noon, hindi sana siya napahamak.Ngayon, nararamdaman ko na naman ang galit. Galit para sa sarili ko. Masyado akong naging pabigat sa kaniya. Sana pinigilan ko na lang ang sarili ko, sana pinagbuntungan ko na lang siya ng galit ko, para di siya napalapit sakin. Sana di na kami umabot sa ganito.Sana di na lang kami nahulog sa isa't isa. Nagsisisi ako. Sana di ko siya pinayagang pumasok sa buhay ko

  • Decay of Dawn   XXII

    Josh's point of view."You're such a disgrace!" Sumbat niya sa akin. Di ko siya magawang tignan pero alam kong gustong gusto na niya 'kong sugurin para bigyan ng leksyon. Hinaharangan lang siya ng mga tauhan niya."Paano mo nasikmurang traydorin ako Josh?" Dugtong niya. Galit na galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko, pero hindi niya alam yung haba ng panahong kinimkim kong poot sa kanya.Gusto kong isumbat sa kanya lahat. Gusto kong sabihin na kinakahiya ko siya bilang ama. Hindi ko na kayang palampasin pa.Ayokong sumabog lahat ng hinanakit ko, ayokong makasakit ng damdamin ng isang ama. Ayokong ilabas ang galit ko pero masyado nakong napupuno."Dapat kakampi kita Josh! Bakit di moko lapitan? Bakit nilalayo niyo ang loob niyo sakin? Nakalimutan mo na bang ama mok--""Bakit? Naisip mo ba yan noon? Naisip mo bang anak mo kami bago mo kam

DMCA.com Protection Status