Share

VIII

"You're doing it wrong" Reklamo ko kay Josh nang maramdaman kong mali yung direksyon ng kamay niya. 

He's currently braiding my hair pero parang di naman braid yung ginagawa niya. 

"Mag antay ka kasi, ikaw may gusto nito diba? Pulupot ko 'to sa leeg mo e." He murmured

"Ang iingay niyo naman, magpatulog naman kayo aba"

Sabay kaming napalingon sa gawi ni Lia na nakadungaw na sa maliit na bintana. Tinanggal na ni Josh ang spring no'n kaya kitang kita na namin siya. 

"Alas dose na umaalingawngaw parin mga boses niyo" Aniya bago bumalik sa kama.

Nagkatinginan kami ni Josh. Tinawanan na lang namin siya at nagpatuloy na ito sa ginagawa. 

"Ikaw kase--"

"Anong ako?" Pagdepensa ko kay Josh nang sisihin niya 'ko. 

Narinig ko ang mahinang pag hagikhik niya kaya siniko ko siya dahilan para mapasigaw siya. Agad ko itong nilingon at tinakpan ang bibig niya kaya nabitawan niya yung buhok ko.

"Wala na! Ba't mo binitawan?!" Inis na singhal ko sa kanya sa mahinang tono. 

"You kicked me. Didn't you? Your fault." Pinaningkitan niya ko ng mata. 

"Gutom pa ako, kukuha muna ulit ako ng pagkain. Pinatos mo kasi lahat." Asik niya at kinuha ang tray ng pagkain.

Napabuntong hininga na lang ako. At maya maya ay namutawi na naman ang simpleng ngiti sa labi ko. Kahit paano pala, may maganda ring naidulot ang napunta ako dito. 

Yung pakiramdam na, ikinulong ka sa isang aparador?

But instead of crying, you smiled. You somehow realized that it's comfortable. No one will bother you, hanggang sa makasanayan mo na. Na hindi pala ako nagkamali ng pananaw. Kahit gaano pa kadelikado, kahit gano kadilim o kahit gaano kalungkot, there will always be the thing we called peace.

I can't deny it. Unti unti na kong sumasaya sa lugar na'to. 

"Here" Alok sa'kin ng barbecue ni Josh, kararating lang niya matapos pakyawin lahat ng pagkaing para sana sa tauhan ng papa niya. Mabilis namin iyong nilantakan habang nagkekwentuhan. 

"You know what? Pangarap ko 'tong ganito, yung masaya sa hapag" Aniya kahit puno pa ang bibig. 

Napangiti ako sa narinig. Ibang iba na ang nakikita ko kay Josh ngayon, madalas na siyang nag kekwento ng mga bagay na naranasan niya. Pakiramdam ko tuloy, masaya akong kasama para sa kanya. 

"Di ko inexpect na ikaw pa pala makakasama ko sa ganito, na dapat pamilya ko." 

"Bakit? Di niyo ba naranasang sumaya habang kumakain?" Tanong ko na ikinangiti niya nang pilit. 

"Tuwing okasyon, syempre masaya. Pero pag typical family day lang, hindi kami ganito kasaya. Yung tipong buo kayo pero parang ikaw lang din mag isa? Ganon ang family namin. Masaya lang kami kapag nasa harapan ng maraming tao, pero para kaming durog pag kami lang magkakasama. Yung kapatid ko at si mom lang ang ka close ko. Si dad kase laging busy sa ibang bagay" Tinititigan ko siya habang nagsasalita. 

"Pero di rin maiwasan na mawalan na kami ng time sa isa't isa. Yung tipong sa loob ng maraming taon, mas matumbas pa yung mga naging problema niyo kesa sa naipundar niyong saya? Akala ko nga, yun na ang pinakamasakit na na experience ko sa pamilya ko. Kasi mas pipiliin ko na lang sumaya sa ganong set up kesa sa sitwasyon namin ngayon. Kaso wala eh, yung dating magulo mas lalo pang ginulo." He said in a soft voice. 

Ang sakit marinig. Parang dinudurog ako habang pinapakinggan ko siya. 

Akala ko ako lang ang broken sa pamilya, siya rin pala. 

Ang kaibahan nga lang, nakakasama niya yung sa kanya. Yung akin, hindi. 

Pero yung hinagpis na natatamasa ko ay wala pa sa kalingkingan ng kay Josh. Para pala siyang nanlilimos ng saya sa loob ng tahanan nila. Ang buong akala ko, masaya palagi pag kasama mo ang buong pamilya. Pero di ko akalaing mayron din palang ganoong katulad ng kay Josh? 

Ngayon alam ko na, kung bakit parang gano'n lang kadali para sa papa nila na dalhin sila dito. Kasi parang di naman pamilya ang turing niya sa mga anak niya. 

"Hey, Mara" Napakurap ako nang bigla niya kong tapikin. 

"Sa kakatitig mo sa'kin, nadudumihan kana" Saad nito at sinubo ang barbecue nang di man lang ako tinitignan. 

Tss. Conceited. 

Kukuha pa sana ako ng isang stick nang mahagip ko ang mantsa sa damit ko. Ghad! Ang daming sauce! 

Hinampas ko ang braso ni Josh dahilan para tumulo yung sauce ng barbecue na hawak niya pero di niya yon pinansin at nagtuloy sa pagkain. 

"Hayst" Inis kong pinunasan ang damit ko. 

"Ang gwapo ko kasi masyado e no?" Aniya pa at nakataas ang kilay. 

"Tss. Gwapong gwapo sa sarili mukha namang tubol." Natigilan ito sa pag nguya at nanlalaki ang mga matang lumingon sakin. 

Humalakhak ako, kanina lang takaw na takaw siya sa kinakain niya tapos ngayon mukha na siyang palakang nasusuka! 

"Kadiri ka" Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy na sa kinakain. 

_______________________________________________

"Ikaw mara? Anong pangarap mo ngayon? Tanong niya. 

Nandito pa rin siya sa kwarto ko kahit pa mag uumaga na. Kasalukuyan kaming nakasandal sa kama ko, at nananakit na yung likod ko kasi walang nakaharang na unan. Na kay Josh lahat. 

May isa sa likod, mayron sa bandang ulo tapos yakap niya pa yung isa.

Marahan kong inagaw yung sa bandang ulo. Napahagikhik ako nang marinig ko ang nahinang pag lagubo ng ulo nito sa pader. 

"Dahan dahan naman! Malalaglag utak ko e" Sumbat niya at kinamot kamot ang ulo. Umirap lang ako. 

"Feel at home ka kasi masyado" 

"Eh kwarto naman natin to parehas a?" 

Eh kwarto naman natin to parehas a?

Eh kwarto naman natin to parehas a?

Nanaas ang mga balahibo ko nang sabihin niya yon.

Arghh.

"I-i mean impyerno kase" Nauutal kong saad.

"Oo nga, atleast nasa iisang impyerno lang tayo" Tuluyan nang bumagsak ang panga ko dahil sa sinabi nito.

Ano 'yon? Ba't ang bilis kong maapektuhan sa pinagsasabi niya?

"Alam mo mara? Iwas iwasan mong tumulala, pumapanget ka e" Pang aasar niya. Siniko ko siya ng malakas. 

"A-aw! Amazona ka eno?" Angil niya. Di ko na lang ito pinansin. 

"Ano nga ulit yung tanong mo?" Pag iiba ko ng usapan. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Anong-ahh. Sabi ko, anong pangarap mo ngayon?" 

"As in ngayon?" Tumango siya. 

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. 

"Makalaya dito." 

Tumahimik siya ng ilang segundo kaya nilingon ko ito. 

Napaatras ako nang mapagtanto na nakatingin rin pala siya sakin. At halos dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. 

"Yun lang?" He asked. I nodded.

Hindi niya inalis ang mga mata niya sa'kin, maya maya ay ngumiti siya. Heto na naman ako. Dalang dala sa charms niya.

"Kung pwede lang no? Kung pwede lang makalabas ngayon mismo" Saad ko at ako na rin ang unang nag iwas ng tingin. 

Matagal bago siya sumagot. Hanggang sa tuluyan na kaming binalot ng katahimikan. Akala ko ay hindi na siya sasagot kaya ililihis ko na sana ang topic, pero akmang magsasalita na ako nang unahan niya ito.

"Malamang. Kailangan mo pang maging abogado, marami ka pang ipagtatanggol na mga tao."

Napangiti ako sa sinabi nito. Parang nabuhayan tuloy ako ng loob. Nakakamotivate makarinig ng gano'n sa isang tao. Buo ang tiwala nila sayo. Para tuloy gusto kong lumabas sa kwarto na'to kahit alam kong buhay ko ang nakataya. 

"Don't worry. I'll help you. I'll get you out of here" 

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig at nanlaki ang mga mata ko kaya agad ko siyang nilingon.

"H-ha? Paano?" Kinakabahan ako sa pinagsasabi nito. 

"I'll make a way. Hindi ko man matupad yung pangarap mong makalaya ngayon din. Gagawa ako ng paraan, para mailabas kita dito." Aniya. Nakatitig sa mga mata ko. 

Habang ako ay nanatili lang na nakatulala sa kanya, hindi ko ma sink in ang nga sinabi nito, at ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay kaba.

"P-pero kayo? Paano ka? Si Lia? Ayaw niyo na bang lumaya?"

"Syempre gusto namin. Pero kung kalayaan ko ang tatanungin, walang kasiguraduhan. Pero ikaw, kailangan mong makalabas. Di ko alam pero, di ko maisip ang magiging reaksyon ko sa oras na galawin ka nila. Di ko alam kung kakayanin ko" He said, avoiding my gaze. 

My eyes watered instantly but I tried my best to stop my tears from falling. 

"I'll take the risk for you."

_______________________________________________

"Maaa. Please lumaban ka, please?" Umiiyak ako habang nagmamakaawa kay mama leste. 

Nandito ako sa ospital kung saan siya nakaratay, ngayong araw din na 'to nalaman ko ang lahat. Na hindi pala ako tunay na anak nito, pero hindi ako naapektuhan ng katotohanang 'yon. Ang mahalaga ngayon ay lumaban siya. Kailangan niyang mabuhay. Kahit siya na lang ang ibigay sa akin. 

"M-matagal ko na tong nilalaban anak, wala na kong lakas para ipagpatuloy pa." Anito. Hirap na hirap na siyang magsalita. Maging ang mga mata niya'y pumipikit pikit na rin. Parang pinipilit na lang niyang masilayan ako. 

"Ma, ikaw lang kakampi ko. Wag mong kong iwan ma, please?" Garalgal ang boses ko sa kakaiyak. 

"Ma please... Fight" Halos di na marinig ang boses ko sa sobrang hina nito. Hindi ko kayang huminto sa pag iyak. Di ko kayang pigilin ang mga luha ko. 

"Magkakaroon ka rin ng maraming kakampi anak. Isa kang mabuting bata kaya alam kong mangyayare 'yan. Huwag mong pababayaan ang pag aaral mo. G-gawin mong inspirasyon ang mga taong nagmamahal sayo. Tandaan mo, may aral na iniiwan ang mga taong kusang umaalis sa buhay mo. At alaala naman ang iniiwan ng mga taong inaalis ng Diyos sa buhay mo, kagaya ko. Alaala anak, magandang alaala. Kaya k-kahit sinomang tao ang dumaan at umalis sa buhay mo, lahat sila'y lagyan mo ng parte sa puso mo. Aral at magandang alaala anak.." Nahihirapang sambit nito. 

Tuluyan na kong napahagulgol, mas lalong lumakas ang pag iyak ko. Lalong sumikip ang d****b ko nang maramdaman ko ang unti unting pagluwag ng kapit nito sa mga kamay ko.

"No... Ma please" Tuluyan nang pumikit ang mga mata nito. 

"Ma..." 

_______________________________________________

"HOY MARAAA" Napadilat ako kasabay ng pag bagsak ng katawan ko sa sahig. 

Aoch.

"Yan! Di marunong umayos ng higa!" Satsat niya. Hays. Ang sakit ng bewang ko. Inis ko siyang tinitigan.

"Ba't kasi naninigaw ka?"

"Eh mahuhulog kana e, at yun. Na fall na nga. Tanga" Tinarayan ko lang siya. 

"Teka, hoy. Ba't ka umiiyak?" Napatigil ako sa tanong nito at wala sa sariling hinawakan ko ang pisngi ko. May luha nga. 

"Panaginip" Patawa tawa kong sagot para di halatang nasasaktan ako. 

"Tss. Grabe yung sama ng panahinip ha? Umiyak na bumalibag pa" Pang aasar niya. 

"Tss" Pagtataray ko dito at dahan dahang bumangon sa sahig. 

"Okay lang yan, Mara. Pag mga ganyang panaginip hanggang panaginip lang 'yan. Di mangyayari yan" Natatawa niyang saad. 

Mapakla akong ngumiti at pinunasan ang luhang tumakas mula sa mga mata ko. Di mangyayari kasi nangyari na. 

"Ligo muna 'ko" Paalam ko dito saka dali daling hinanda ang damit at tuwalya ko saka pumasok ng banyo. 

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang mapaisip. Para saan ang panaginip na yon? Bakit bigla kong napanaginipan yon? Ang eksaktong nangyare ay eksakto ring napanaginipan ko. 

'Aral at magandang alaala, anak'

Biglang sumagi sa isip ko ang itsura ni Josh kasabay niyon ang pagsigid ng kirot sa puso ko. 

Si Josh kaya? Isa ba siyang aral? O magandang alaala na lang? Parang hindi magandang isipin kung anong magiging sagot. 

Mabilis kong tinapos ang pagligo at pagkalabas ko ng banyo ay agad akong pumatong sa mahabang kahoy malapit sa pinto para silipin ang petsa sa ibaba ng wall clock. 

August 24, so bukas. Death anniversary na ni mama leste. 

Ang panaginip na iyon, ay isang paalala ng isang bagay na paparating. 

Nawalan ako ng balanse at nahulog sa kinalalagyan ko nang may kumatok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status