Mara's point of view.
Nagising ako ng maaga tulad ng inaasahan, 11 pm palang kasi pinatulog nako ni Josh. Sabi niya, simula ngayon matutulog na daw ako ng maaga. Ang hindi niya alam, 9-10 pm ang laging tulog ko noon bago ako mapunta dito at pag umabot ako ng 11 pm, matik pagpupuyat na ang tawag ko doon.
Pero ayos lang din naman na abutin ako ng ganoong oras dito gayong wala rin naman akong ginagawa paggising ko. Wala kong ibang pinagpapaguran.
Bumangon ako nang medyo nahihilo parin, pero pakiramdam ko wala na rin naman akong lagnat. Dumiretso ako sa banyo para mag wisik wisik lang. Syempre bawal pakong maligo, baka balikan ako ng lagnat.
Tamang hilamos, sipilyo at punas punas lang ng katawan.
Paglabas ko ay nagsuot ako ng panibagong bistida na puti. Pinulupot ko nang pa-bun yung buhok ko para hindi ako magmukhang baliw mamaya. Wala naman din kasi akong suklay kaya di ako makapag ayos. Walang make up kaya mas lalo akong mag mumukhang zombie pag hinayaan kong nakalugay buhok ko diba? At saka, ang putla ko pa ngayon kasi nga galing pa ng sakit.
Tinungo ko ang bintana namin ni Lia, "naligo kana?" Tanong ko sa kanya.
Nakupo siya sa gilid ng kama niya habang sinusuklay yung medyo basa niya pang buhok. Mahaba na rin yung sa kanya kaso manipis, kaya kaya niyang suklayin gamit kamay. Yung akin kasi parang yarn na buhol.
"Katatapos lang" Sagot nito saka humarap sa gawi ko.
"Ngayon ba sila pupunta?" Habol niya. Tiningnan ko siya, tumango saka sinenyasan ko siyang tapusin muna ang ginagawa niya saka ako babalik.
Hinintay na lang namin sila Josh, darating kasi sila ngayon. May mahalaga daw kaming pag uusapan. Kasama niya yung kapatid niya.
"Hoy Mara, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya
"Oo, ayos na'ko"
Maya maya lang ay narinig ko nang may kumalikot ng kandado sa labas at ilang sandali lang ay nandidito na sila Josh. Kasama si Iyah.
Sinenyasan niya akong maupo sa bintana malapit kay Lia. Pumwesto na rin si Lia malapit sa amin, katabi ko siya kaso nga lang may nakaharang sa amin. Kaharap ko naman si Josh at Iyah. Naka indian seat kami maliban kay Lia. Nakaupo siyang pa bukaka tapos nakapatong yung dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Palibhasa di nakikita yung bulaklak niya. Malakas loob mag ganoong pwesto kasi hanggang balikat niya lang yung kita namin.
"Okay ka na ba?" Nag aalalang tanong sa akin ni Josh.
"Yeah, I'm fine" Tinanguan niya lang ako at ngumiti.
Inabot niya ang isang unan sa kama ko saka nilagay iyon sa likod ko. Tumingin siya kay Lia.
"Ikaw, kamusta ka naman?"
"I'm great, papi" Natawa kami sa turan niya.
Tumikhim si Josh. "Uhm, Mara and Lia, meet Janiyah, my sister"
Ngumiti samin si Iyah at kinamayan ako. Nagtanguan lang sila ni Lia.
"Hi" Nahihiyang bati niya samin.
Nagkamustahan lang kami saglit saka tinuon na ang topic patungo sa plano ni Josh.
"Ano bang klaseng pagtakas ang gagawin natin, Josh?" Nagtatakang tanong ni Lia dito.
Bumuntong hininga muna siya saka dinukot mula sa bulsa ang isang papel. Binuklat niya iyon sa harap namin at bumungad ang malawak na sketch, more likely a...
"Blueprint?! San mo nakuha yan kuya?" Gulat na naibulalas ni Iyah. Maging kami ay namangha, ang laki pala ng building na to? At tsaka teka, Cèstra Palace? De asylum pa?
"Nakita ko ito sa lumang laboratoryo, pagkatapos nating tumakas noon"
Nakanganga lang si Iyah.
"So nasa isang lumang ayslum pala talaga tayo?" Tanong ko habang tinuturo ang pangalan ng asylum nato.
Napatingin sila sakin.
"Yes, pero hindi yung iniisip niyong asylum for mentally ill people. It is used to be a place of retreat and security. Itinayo ito noong panahon pa ng digmaan between US and Japanese military. Dito ginagamot ang mga naiipit sa laban, karamihan sa kanila ay mga hapon. Pero hindi rin nagtagal ay dito na rin sila pumanaw. Ito ay naiwan sa pangangalaga ng gobyerno, pero noon lang yon. Di nagtagal, binili ito ng isang American-German na chemist, noon pa man ay nagdi dispense na ng iba't ibang uri ng gamot o droga ang chemist na 'yon" Pauna niya.
"Nang mabili niya ang lugar na 'to ay ginawa niyang pribado, which means hindi ito pwedeng pakealaman ng gobyerno. Nagkaroon siya ng isang anak sa pinay, pero saglit lang nila nakasama ang anak. Sabay silang pumanaw sa car accident. Naiwan ang anak nila, yun ay si Richard Heidelberg. Lumaki siyang matalino kagaya ng ama, pero di rin maikakaila ang pagiging bulakbol niya. Sa katunayan, siya ang nagtayo ng maliit na gang, unang mga miyembro ng gang na yon ay mga schoolmates niya lang. Pinalago niya iyon kasabay ng pangangalaga sa lugar na'to, hanggang sa napagdesisyunan niyang ipagpatuloy ang proyekto ng ama niya. Pagkalago ng gang ay pinangalanan niya iyong 'chronus' and the rest is history."
Kung kanina ay si Iyah lang ang nakanganga, ngayon tatlo na kaming laglag panga.
Ghad! Ang dami niya palang nalalaman sa lugar na ito! Hindi ako makapaniwala na naidetalye niya lahat.
"Creepy" Sabay na naibulalas ni Iyah at Lia.
"Pero bakit ganoon, kuya?" Sabay sabay kaming napalingon kay iyah nang nagsalita ito.
"Ano?" Ani Josh
"Bakit napunta kay dad ang asylum na 'to? E diba kalaban natin ang Chronus?"
"Noon kasi, miyembro rin ng Chronus si Algo, Iyah. Kaso nagkainitan sila ni Richard. Kaya bumuo siya ng sarili niyang gang nang palihim, si uncle don pa ang unang miyembro noon. Hanggang sa dumami sila at sumali na rin si mom, mainit ang dugo ni Algo kay Richard because of Algo's insecurities. Kaya nung makita niya yung formula ng gamot na malapit nang mabuo, saka nila inatake si Richard. Ang mga nabihag nilang miyembro ng chronus ay kinulong nila dito."
"Pero di rin nagpatalo si Richard at inagaw ang formula, dahilan kung bakit nasawi si mom. At ang building na'to, ay pinagkatiwala ni Richard kay Algo bago pa siya traydurin nito, habang bumubuo sila ng formula. Kaso naagaw rin ni Algo lahat nang may mga rebeldeng sumuporta sa kanya. Palihim ang lahat ng nangyari lalo na't nakapribado ang lahat. At nang mapatay ni Algo si Richard ay tuluyan nang napasakanya ang building na ito na iniwan niya rin sa pangangalaga ni dad." Paliwanag niya.
Nanatili lang kaming nakatingin sa kanya.
"At... Nung isang araw, narinig kong kausap ni dad si uncle don. Nalaman ko rin na... Yung sampung natitirang bihag nila ay wala na"
Sabay sabay kaming napasinghap sa narinig.
"Wut?!"
"What happened?"
"Nag failed ang mga samples pero buo na ang formula, at dahil yun sa trial na ginawa nila kay Mara. Hindi na nila pwede i-inject pa ulit sa iba ang mga naunang drug kaya kailangan nila ng panibagong samples. Kaya next month, ipapadala na kayo.." Nanghina ako nang tumingin siya samin ni lia nang nag aalala.
"Papalayain na kami ni dad, at pag naging successful ang proyekto nila. Makikilala na sila sa buong mundo."
"Anobayan! Bakit ba tayo naiipit sa ganto?! Diba dapat nag eenjoy tayo ngayon? Nakaka bwiset naman!" Reklamo ni Iyah.
Napayuko si Josh.
"So here's the plan" Agad kaming umayos ng upo nang magpatuloy ito.
"As you can see, 6 floors ang building na to, pero nasa groundfloor tayo" Turo niya sa pinaka babang bahagi ng blueprint.
"Eh bakit hindi tayo makahanap ng hagdan pa akyat?"
"Exactly" Sagot ni Josh sa tanong ni Iyah.
"Di na tayo makahanap ng lusot paakyat kasi sinarado na nila ito. Na stuck tayo sa groundfloor. Sila dad lang ang may access sa main door paakyat. Sinimento nila ang lahat ng butas sa floor na'to, pati mga bintana para hindi tayo makasigaw ng saklolo. Ang nasa babang area kasi nito ay iniikutan ng mga sundalo at natatakot silang mahuli, kaya sobrang dilim dito. But hey, ginawan nila ito ng underground na daan patungo sa entrance gate. Sa gilid ng main entrance pumapasok sila kit at bumababa sa underground papunta dito. Ang purpose noon ay para di sila mahalata na may dinudukot sila. Ang underground ay located dito" Turo ni Josh sa gilid na bahagi.
"Mara" Napalingon ako nang tawagin niya ko.
I raised my brows.
"Naalala mo ba yung unang kwartong pinaglagyan nila sayo?"
"Y-yung ano, para siyang isang w-warehouse"
Tumango siya.
"Katapat noon ay ang pinto patungo sa underground"
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
Takte! Abot kamay ko na pala non yung daan palabas?!
"But it's locked, kailangan mo ng access para makapasok ka doon"
Ay di pa pala abot kamay.
"Unless, may magbubukas sa atin non na nagmula sa labas" Nanlumo ang mga mukha nila.
"What are we gonna do now?" Ani iyah.
Tumaas ang gilid ng labi ni Josh.
"I think, uncle don can d--"
"Yeah right!! Si uncle don!"- iyah.
"Pero diba di na parte ng gang yung tito mo?" Pag salungat naman ni Lia
"Oo. Pero di niya kami tinalikuram, nung narinig kong kausap siya ni dad, halatang di siya sang ayon sa ginagawa nito. Galit na galit siya nang malamang dinamay kami ni iyah dito"
"So ngayon, pano tayo makakalusot dito?" Tanong ko.
"We'll wait for the perfect timing" Ani Josh. Natahimik kami at hinintay ang mga susunod pa niyang sasabihin.
"Next month, kukunin na kayo. Pero bago mangyari yon ay aalis ang buong grupo ni dad, pupunta sila sa dating hideout nila Algo, buong araw silang wala dito. So I think, that would be a perfect time to move. Dalawa lang ang maiiwan para bantayan ang buong lugar so.."
Tumingin siya kay iyah.
"Kami na bahala sa dalawang 'yon" Ani Iyah.
"All we have to do is wait, at saka sigurado akong simula ngayon ay wala nang manggagalaw sa inyo dahil inihahanda na nila kayo sa eksperimento"
Rinig namin ang pagsinghap ni Lia.
"Kaya pala, parang nananahimik nga ang mga tauhan ng daddy niyo at di na kami pinapakealaman"
"Yes" Pagtango ni Josh.
Ang galing! Ang smooth ng plano niya! Nangangamoy laya na kaagad kahit one month pa naman.
Sa oras na makalabas kami dito. Humanda ka Carlos, sisiguraduhin kong hindi lang formula niyo ang masisira. Babagsak kayong lahat. Di magtatagal, mararanasan niyo rin ang pakiramdam nang makulong. Sisiguraduhin kong mangyayari 'yan.
Nang matapos iexplain ni Josh ang plano niya, ay nag stay muna sila iyah sa kwarto ko. Buong araw kaming nag asaran. And yeah, suki ako.
Pano ba naman kasi, kinwento ni josh yung boses ko kagabi. Kaya everytime na magsasalita ako tapos medyo paos, lagi nilang tinatawanan.
Mga tarantado talaga.
"Ako, 19. Si lia, 20. Ikaw mara, ilang taon kana?" Tanong ni iyah.
"19 din" Simpleng sagot ko.
Agad naman siyang humalakhak kaya nagtaka kami bigla bukod kay Josh.
"19 ka palang tapos si kuya 22 na hahahahahaha!" Humalakhak ito ulit kaya napatawa na lang din kami ni lia.
Nakita ko ang pag nipis ng labi ni Josh. Halatang napipikon na siya sa kapatid.
"Mag tu 21 palang ako, wag kang magmada--"
"Wala! Ang mahalaga tirador ka ng bata hahaha!"
Napakagat labi ako para pigilan ang tawa pero tumingin sakin si Josh kaya bigla kong sineryoso mukha ko.
"Hahahaha tignan niyo si Mara oh!" Pang aasar ni lia.
"Namumula ka gorl" Sambit ni Iyah.
Ghad! Seryoso?
"O-oy hindi a?!" Pagtanggi ko.
"Hindi nga ba?" Nag angat ako nang tingin nang marinig ko ang boses ni Josh. Nakikitawa na rin siya kina Lia.
Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi siya tumigil.
So hinihintay lang pala niyang malipat sa akin yung atensyon tapos aasarin niya na din ako? Ah ganon?
Sarkastiko ko siyang nginitian. Napansin niya sigurong gagantihan ko siya kaya dali dali siyang tumayo.
"Wait, I'll get some foods for us" Paalam niya at mabilis na lumabas ng kwarto ko. Tinawag ko pa siya pero di na niya ko nilingon. Tss. Parang babae.
"Alam mo? Babaero at bulakbol yan si kuya dati, kaso ngayon ewan e. Ginayuma mo ba yun Mara? Lumambot bigla e" Ani iyah na natatawa pa.
Kinunotan ko siya ng noo. "Hindi no? At saka, type ko lang din naman siya dati. Di ko alam na may gusto rin pala siya sa'kin"
"From badboy to a snob at ngayong nandito na, naging pabebe na hahaha" Saad ni Lia.
Natawa ako sa mga turan nito.
"Maybe he saw something special in you, Mara. Ito ang unang beses na makita ko siyang masaya ulit simula nung pumanaw si mommy"
Napangiti ako sa sinabi nito. Her smiles are genuine, halatang masaya siyang nakikitang masaya ang kapatid niya.
"Can you do me a favor?" Agad akong nag angat ng tingin dito.
"What is it?"
"Keep him. Wag kang magpapadala sa mga pagsubok na darating sa inyo."
"Just keep on loving him, he needs you more than you need him. Lalo na sa mga oras na'to"
●
●
"P-pag nakalabas na tayo dito Mara, saan ka unang pupunta?" Tanong ni Lia sa akin.Normal na araw lang ngayon at nandito ako, nakaupo sa may bintana. Nakikipag chikahan sa isang to."Uhm, wala baka tumabay lang ako sa dorm ko""Tss. Ang boring mo namang tao" Reklamo niya. Napailing ako at natawa sa sinabi nito. Yun kasi ang nakasanayan kong gawin kapag ako lang mag-isa. Madalas nasa kwarto lang at inuubos ang oras sa kababasa ng libro."Ikaw ba?" Natigilan siya at nag isip ng isasagot."Iisa isahin ko mga sikat na pubs, sama ka?!" Na e-excite na tugon niya."Talagang niyaya mo pa ko sa ganyan ha? Napaka bad influence mo talaga" Sumimangot ito bigla."Bakit? Wag mong sabihing di ka umiinom?!" Panunumbat niya."Umiino--""Oh e ba't ayaw mo sumama?!" Lalo niy
OCTOBER 15.Mara's point of view.Nagising ako nang maramdaman akong may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Dahan dahan akong umayos at humarap ng higa.Tss. Paa ni Iyah.Ang bigat! Yung hita niya nakadagan sa bewang ko.Napabuntong hininga ako ay dahan dahan inalis ang paa nito. Nang makabangon ay tinitigan ko ang pwesto niya.Nasa unan pa rin ang ulo, pero yung katawan papuntang kaliwa na. Pabukaka pang nakahiga. Tapos, nakanganga.Di ko napigilang kumawala ang impit na tawa mula sa bibig ko. Ang panget niya matulog hahahaha. Kawawa naman ang mapapangasawa nito.Pinalakasan ko ang ceiling fan, pinagpapawisan si Iyah e.Napailing na lang ako, ganyan daw talaga siya matulog simula pa nung mga bata sila sabi ni Josh. Kaya pag pasensyahan ko na lang
Mara's point of view."Don't forget my phone, Josh" Napalingon ito sakin at sabay silang napahalakhak ni iyah. Tinarayan ko lang ang mga to.Matagal ko na kasing sinasabi kay Josh na once na mapasok niya ang kwarto ng dad niya, kukunin niya pati cellphone ko. 86% pa yun nung sumakay ako ng bus ilang minuto bago ako makababa at makidnap ni kit kaya sigurado akong hindi yun lowbat duh. Unless, hindi pinatay ni carlos ang phone ko or inalis ang battery nito."Miss na miss mo na cp mo gorl? Don't worry, pare parehas tayo. Yung samin nga lang, binasag ni dad hahaha, okay lang. Siya din naman bumili non e" Ani iyah."Tss. Kailangan kong mag selpi selpi bago tayo makalabas dito. Para may memo diba?" Asik ko na tinanguan naman nila.Tumingin si Josh sa orasan ko.4:00 am. Sharp."So, tara na?" Tanong niya sa amin.&nb
Mara's point of view."We're trapped here tito" rinig kong saad ni Iyah.Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya at nandito kaming tatlo ni Josh. Nakikinig sa usapan ni Iyah at nang tito nila sa kabilang linya."Almost 11 months, he disabled our access, he confiscated our phones and what's worse? He deleted our friends contacts. We can't reach out for help, tito." Dugtong niya.Napakayakap ako sa sarili ko. Nilalamig ako kahit suot ko naman yung hoodie ni Josh."Want a coffee?" Alok niya.Tumango lang ako.Tumayo na siya at lumabas saglit. Pagbalik ay may dala na itong tray, may sandwiches at apat na coffee."Mag almusal muna kayo" Alok niya saka inilapag ang tray sa maliit na lamesa sa tapat ng kama ni Iyah.Inabot ko ang kape at agad na humigop doon.
Mara's point of view.Agad na nanlaki ang mga mata ko nang takpan nito ang bibig ko."What the heck Josh!"Napahawak ako sa dibdib ko nang bitawan niya 'ko. Parang sumikdo palabas yung puso ko."You scared the hell out of me, damn you" Sinamaan ko ito ng tingin. Pero tawa pa rin siya ng tawa. Inirapan ko lang ito. Napaka mapang-asar din ng isang 'to. Pareho sila ni Lia."What brought you here?" Tanong niya kalaunan. Still laughing."Uh, I was just looking for you" I teased.Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto.Wow.Parang sa lahat ata nang napasukan ko dito, ito na ang pinakamaaliwalas. He was such a well-organized person. Lahat naka arrange sa tamang lalagyan. A neat and clean room within this grimy hell. This man, he exceeded the highest point of any girl's stand
Josh's point of view."Let's go" Aya ko kay Iyah. Pinapatawag kami ni dad. Yes, nandito na ulit sila. They ruined our plan."Kuya, itutuloy pa ba natin?" Tanong ni Iyah.Naglalakad kami patungo sa malawak na parte ng ground floor. Kung saan naroron si dad. Tinanguan ko lang siya at tumahimik na lang rin ito. Nang makarating kami ay kami na lang ulit ang hinihintay. Kumpleto na sila, bukod kila Zion at Mike. Sila na lang ang wala.Napatingin sa amin ang lahat, pero ang tingin lang ni dad at ni Kit ang umagaw ng atensyon ko. Mukha silang mga nagtataka."Where's Zion and Mike?" Bungad kaagad sa amin ni dad.Pumwesto kami ni Iyah sa pinakaunahan. Hindi kami sumagot."Tinatanong ka Josh, nasaan sila Mike?" Panghuhuling tanong ni Kit. Matalim itong nakatitig sakin pero nilabanan ko lang iyon."
Josh's point of view."What a nice traitorous act, Josh" Wika sa akin ni Kit.Nandidito ako sa kwarto niya, dinala nila ako dito matapos nila kaming mahuli. Iginapos nila ako ng mahigpit dahilan para mas dumaloy ang dugo mula sa natamo kong sugat ng matamaan ako ng bala sa braso."At least, I'm not a murderer" Ganti ko sa kanya."Fuck off. Dahil sa ginawa mo, hindi lang sarili mo ang ipinahamak mo Josh. Buong pamilya mo ang sinugal mo. Baka nakakalimutan mo, si Algo ang mas makapangyarihan kaysa sa tatay mo! Pare parehas kayo! Mga tanga!" Sumbat niya sakin.I chuckled a bit after hearing those."So you're not just a murderer or kidnapper. You're also a backstabber, magaling kang mag mukhang mabait sa harapan ni dad, but you're fake" Deretsang saad ko dito hanggang sa maramdaman ko ang madulas na pagdapo ng kamao niya sa mukha ko.
Josh's point of view."You're such a disgrace!" Sumbat niya sa akin. Di ko siya magawang tignan pero alam kong gustong gusto na niya 'kong sugurin para bigyan ng leksyon. Hinaharangan lang siya ng mga tauhan niya."Paano mo nasikmurang traydorin ako Josh?" Dugtong niya. Galit na galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko, pero hindi niya alam yung haba ng panahong kinimkim kong poot sa kanya.Gusto kong isumbat sa kanya lahat. Gusto kong sabihin na kinakahiya ko siya bilang ama. Hindi ko na kayang palampasin pa.Ayokong sumabog lahat ng hinanakit ko, ayokong makasakit ng damdamin ng isang ama. Ayokong ilabas ang galit ko pero masyado nakong napupuno."Dapat kakampi kita Josh! Bakit di moko lapitan? Bakit nilalayo niyo ang loob niyo sakin? Nakalimutan mo na bang ama mok--""Bakit? Naisip mo ba yan noon? Naisip mo bang anak mo kami bago mo kam