Mara's point of view.
"We're trapped here tito" rinig kong saad ni Iyah.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya at nandito kaming tatlo ni Josh. Nakikinig sa usapan ni Iyah at nang tito nila sa kabilang linya.
"Almost 11 months, he disabled our access, he confiscated our phones and what's worse? He deleted our friends contacts. We can't reach out for help, tito." Dugtong niya.
Napakayakap ako sa sarili ko. Nilalamig ako kahit suot ko naman yung hoodie ni Josh.
"Want a coffee?" Alok niya.
Tumango lang ako.
Tumayo na siya at lumabas saglit. Pagbalik ay may dala na itong tray, may sandwiches at apat na coffee.
"Mag almusal muna kayo" Alok niya saka inilapag ang tray sa maliit na lamesa sa tapat ng kama ni Iyah.
Inabot ko ang kape at agad na humigop doon.
"Aray!" Napaso ang dila ko kaya mabilis kong nailayo sakin ang kape at natapunan pa 'ko ng konti!
"A-aochhh"
"Hey! You alright?" Naalarma si Josh nang makitang natapunan ng kape yung kamay ko. Maging si Iyah ay napalingon samin at kinunotan kami ng noo.
"Oof. Inconvenient, unhandy, graceless and clumsy" Komento sakin ni Lia.
Inis ko itong tinapunan ng tingin at tinarayan habang pinupunasan ni Josh ang natapunan kong kamay. Binelatan niya lang ako saka harap harapan sa'king inihipan ang kape niya at hinigop iyon. Pinatirik niya pa ang mga mata para kunware nasasarapan siya.
Tss. Kahit kailan talaga, bruha.
"What time?" Ani Iyah.
Sabay sabay kaming napalingon dito.
"Okay okay" Aniya at bumaling sa amin.
"Later 10 pm" Sabi niya samin.
Agad na umaliwalas ang mga mukha nila.
Tinanguan siya ni Josh.
"Tito... Thankyou so much" Anito at pinutol na ang linya.
"Yes!" Masayang sigaw nito at napapalakpak pa.
"Pagkatapos ng 11 months na pagkakakulong ko dito, makakalabas na tayo. Siguradong pagtapak natin sa labas nito. Magdudulot tayo ng malaking isyu sa Pilipinas! Matutuon ang atensyon ng gobyerno sa'tin! Kasabay ng pagbagsak ng formula nila Alg--"
"Lumalamig na kape mo" Putol ni Lia sa kung anong sasabihin nito.
"So what? I didn't ask for a coffee" Ganti pa niya.
Sabay sabay namin itong tinignan ng masama.
Umirap lang siya sa amin at saka umupo na sa tabi ni Lia. Pabilog ang upo namin.
Kami ni Lia ay nasa gilid ng kama. Si Josh naman ay nakaupo sa single seat-sofa sa kanan ko at si Iyah naman ay nasa maliit na upuang kahoy sa kaliwa ni Lia.
"Ako yung may ari ng kwarto pero ako yung hindi komportable" Pagrereklamo niya kahit pa puno na ng pagkain ang bibig.
"Daming kuda te, kumain ka na lang diyan mamaya mabulunan ka pa tapos sa pagkain mo isisi" Patol ni Lia sa kanya.
"Sabi ko nga" Asik nito.
"So, what now?" Tanong ko sa kanila.
"Makakalabas na tayo mamaya, 10 pm" Deretsahang sagot ni Josh.
Hinarap ko ito.
"Tayo lang?"
"Nope. Kasama yung iba. Bale pagdating nila dad, wala na silang madadatnan"
"Whooh! Soyaaa!" Na eexcite na sigaw na naman ni Iyah.
Finally. Pero bakit ganoon? Parang di ko feel na lalaya na ko? Parang wala lang? Matutuloy kaya kami? Off. Napaka negative ko jusko. It's a big day. Dapat lang na magsaya ako.
Arghh. Of course yes! Masyado lang talaga kong nagpapadala sa negativity.
"Here's your phone" Ani Josh.
Agad akong napalingon dito.
OMG! My phoneee!!
Hinablot ko ito sa kanya at binuksan. Gosh! Mag tatalong buwan ko din tong di nahawakan no?! Natural na mamiss ko 'to. Good thing at wala itong password kaya wala akong makakalimutan. 72% pa! Siguro pinatay nga 'to ni Carlos nung nakuha niya sa akin.
"I gave him your phone number" Sambit ni Josh.
"Ha? Kanino?"
"Kay tito"
"Iyah, ibalik mo na mamaya ang telepono" Utos niya dito.
"Yezzer" sagot ni iyah.
"Let's take a bunch of selfiesss" Natutuwang sambit ni Lia at inagaw sa'kin yung phone ko.
And yeah, we took a lot of it.
Hindi niya iyon tinigilan nang hindi nag vibrate ng sunod sunod ang phone ko.
"Akina!" Agaw ko sa kanya.
Tinignan ko ang mga notifications no'n. Andaming messages! Unang una si Zea! Tinignan ko ang call log, napakaraming missed calls.
Atbp.
Yung iba galing sa mga room mates ko, mga kaibigan at yung ilan sa mga prof ko pa! Then the rest sa mga kaklase at ka schoolmates ko na. Ang dami nilang nag alala sakin.
Maya maya nag vibrate na naman yung cp ko. Bago na naman! Kay Zea ulit!
"Kung sino ka man, mamatay na may hawak sa cp ng kaibigan ko"
(-,-)
Seriously?
Natapat pa sa'kin 'tong message na 'to?
Buti na lang di nag expire tong sim card to? Diba pag matagal di nagamit di na makaka receive ng sms at di mo na magagamit?
Rereplyan ko na sana sila para makahingi ng extra tulong nang maalala kong wala nga pala kong load.
Lintek.
Pero kahit pala papaano, may naghahanap parin sa'kin. May nag aalala pa rin. Napangiti akong binabasa ang mga messages nila. Maging yung tatlong katabi ko ay nakiusyuso na rin.
Noon, halos walang nag memessage sa'kin tapos ngayong tatlong buwan akong nawala na nagalala sila?
"Tingnan mo 'to, kahit mga di ko kilala nagtatanong kung nasan ako, tss" Asik ko habang nag i-scroll down ng mga messages. Ang dami talaga.
Natawa sila Iyah.
"Ganoon talaga pag nandyan ka, parang wala ka lang sa kanila. Pero pag nawala kana, saka lang nila marerealize yung halaga ng presensya mo" Ani Lia.
Ow, tagos hanggang spinal cord.
"Replyan mo na yang mga yan o? Todo panic, baka mamaya mag RIP na yan sa'yo sige ka" Suhestiyon ni Iyah.
"Wala siyang load" Sagot naman ni Josh.
"Parang kayo, walang label"
Agad na nanlaki ang mga mata namin kay Lia nang bitawan niya ang salitang yon! Natigilan kaming tatlo, si Iyah naman ay napapaubo ubo. At si Josh... Argh! Nakayuko siya!
Bwiset ka Lia, ang awkward tuloy!
11:00 A.M
"Isauli mo na yung telepono Iyah" Utos ni Josh sa kapatid.
Agad naman iyong sinunod ni Iyah at sinabay na rin niyang ilabas ang tray at mga pinag kainan namin.
Habang ako, eto. Nakahiga sa kama niya at kinakalikot ang phone ko. Ang lambot ng kama niya, in fairness. Ako naman sasakop ng kama niya, ako ang bisita ngayon e.
Si Lia naman ay nasa banyo, naliligo. Ako naman ay tapos na kanina pa. Kaya hayahay na. Si Josh naman ay pumunta sa kwarto ni Mike. Nakita ko kaninang tinali niya ang mga kamay nito at hiniga sa iisang kama. Tapos kumuha siya ng syringe at tinurukan ang dalawa. Inawat ko pa siya kasi baka matuluyan. Pero sabi niya mas okay pa nga daw yung gano'n. Tss, brutal talaga.
Kasalukuyan kong tinitignan mga pictures ko. Napapangiti ako habang nag i-scroll. Ang laki pala ng pinayat ko? Lobong lobo yung mga pisngi ko dati, ngayon mukha na 'kong kengkoy. Paano ba naman, isang beses sa isang araw lang kami pakainin. Madalas, wala pang kanin.
Buti na lang talaga, simula nung naging close kami ni Josh. Hindi na kami nagugutom ni Lia. Laging sobra hinahatid nilang pagkain samin. Well, ganoon ako ka special dito.
Sinubukan kong i-open yung mga social media accounts ko. Pero sobrang hina ng signal, free data na nga lang, wala pang masagap. At tsaka, deleted yung f******k, at twitter ko. I* lang ang meron. Kaso nga wala kong load. Kaya bumalik na lang ako sa nga pictures. Tutal, makakalabas na rin naman ako dito. No need to worry na.
Nag scroll pa ko sa mga pinaka una kong photos. At natigil ako nang makita ang litrato namin ni Mama Leste. Nagtayuan ang mga balahibo ko at uminit ang gilid ng mga mata ko. Ang saya namin dito.
Graduation ko ito noong highschool, tandang tanda ko pa yung sinabi niya sa'kin nang araw na 'yan. Hinabilinan niya 'ko na ayusin ko pa lalo pag-aaral ko sa kolehiyo. Mag aabang daw ulit siya sa susunod na pag akyat ko sa entablado.
Marahan akong bumuntong hininga para pigilan ang mga luha ko. Di na mangyayare ang pinangako mo ma. Kaya mga pangako ko na lang sayo ang tutuparin ko. Sila Lia, Iyah at Josh. Ipapakilala ko sila sayo sa oras na makalabas ako dito. Mga naging kakampi at nagpalakas ng loob ko noong mga panahong wala akong malapitan.
Ipapakilala ko yung lalakeng unang sumungkit ng puso ko.
"Si Lia?" Anang tinig ni Iyah.
Napalipat ako sa ibang litrato nang makita ko si Iyah na papasok. Baka makita niya pa. Ayokong mag kwento, sasaktan ko lang sarili ko.
"Naliligo" Sagot ko sa kanya.
Maya maya lang ay lumabas na rin si Lia. At tumabi sa'kin.
Habang ako ay unti unti nang tinatalo ng antok. Ang aga ba naman magising kanina e. Alas tres pa yun. Mga ganyang oras dati saka palang kami matutulog ni Josh. Nang magising ako ay tahimik ang paligid. Ingay lang ng ceiling fan ang maririnig. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid saka bumangon at umayos ng upo.
Alas kwatro na ng hapon.
Natutulog sa tabi ko si Lia. Habang si Iyah naman, sa sofa natulog. Pero wala si Josh. Umalis na 'ko ng kama at sinilip ang banyo, wala rin siya don.
Nang buksan ko ang pinto ay di 'yon naka lock.
Hmm, baka nag hahatid ng pagkain 'yon. Pero bakit ang aga naman?
Nevermind.
Sinilip ko muna sila Iyah at nang masigurong tulog sila ay dahan dahan kong binuksan ang pinto. Sumilip ako sa kabilang kwarto. Tumba nga talaga sila Zion at Mike. Tulog na tulog.
Kala mo mga weak at nag passed out sa inuman.
Dahan dahan akong naglakad patungo sa kabilang pasilyo. Trying to find him.
Napasilip ako sa isang malawak na silid doon, mukang laboratoryo rin pero parang kusina?
Ang gulo naman ng set up nila dito.
Nang lumiko ako ulit ay napansin ko ang isang imahe ng lalake sa dulo. Malapit sa isa pang kwarto.
"J-josh?"
Kinikilabutan man ay nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Habang papalapit ako ay nakaramdam ako ng kaba. At nang masilip ko ang kwarto, wala namang tao.
Napahinga ako ng malalim. Medyo creepy na. Babalik na lang ako.
Akmang liliko na ko pabalik nang maramdaman ko ang mahigpit na kapit sa kamay ko. Saka ako marahang hinila papasok sa kwarto at sinara iyon.
●
●
Mara's point of view.Agad na nanlaki ang mga mata ko nang takpan nito ang bibig ko."What the heck Josh!"Napahawak ako sa dibdib ko nang bitawan niya 'ko. Parang sumikdo palabas yung puso ko."You scared the hell out of me, damn you" Sinamaan ko ito ng tingin. Pero tawa pa rin siya ng tawa. Inirapan ko lang ito. Napaka mapang-asar din ng isang 'to. Pareho sila ni Lia."What brought you here?" Tanong niya kalaunan. Still laughing."Uh, I was just looking for you" I teased.Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto.Wow.Parang sa lahat ata nang napasukan ko dito, ito na ang pinakamaaliwalas. He was such a well-organized person. Lahat naka arrange sa tamang lalagyan. A neat and clean room within this grimy hell. This man, he exceeded the highest point of any girl's stand
Josh's point of view."Let's go" Aya ko kay Iyah. Pinapatawag kami ni dad. Yes, nandito na ulit sila. They ruined our plan."Kuya, itutuloy pa ba natin?" Tanong ni Iyah.Naglalakad kami patungo sa malawak na parte ng ground floor. Kung saan naroron si dad. Tinanguan ko lang siya at tumahimik na lang rin ito. Nang makarating kami ay kami na lang ulit ang hinihintay. Kumpleto na sila, bukod kila Zion at Mike. Sila na lang ang wala.Napatingin sa amin ang lahat, pero ang tingin lang ni dad at ni Kit ang umagaw ng atensyon ko. Mukha silang mga nagtataka."Where's Zion and Mike?" Bungad kaagad sa amin ni dad.Pumwesto kami ni Iyah sa pinakaunahan. Hindi kami sumagot."Tinatanong ka Josh, nasaan sila Mike?" Panghuhuling tanong ni Kit. Matalim itong nakatitig sakin pero nilabanan ko lang iyon."
Josh's point of view."What a nice traitorous act, Josh" Wika sa akin ni Kit.Nandidito ako sa kwarto niya, dinala nila ako dito matapos nila kaming mahuli. Iginapos nila ako ng mahigpit dahilan para mas dumaloy ang dugo mula sa natamo kong sugat ng matamaan ako ng bala sa braso."At least, I'm not a murderer" Ganti ko sa kanya."Fuck off. Dahil sa ginawa mo, hindi lang sarili mo ang ipinahamak mo Josh. Buong pamilya mo ang sinugal mo. Baka nakakalimutan mo, si Algo ang mas makapangyarihan kaysa sa tatay mo! Pare parehas kayo! Mga tanga!" Sumbat niya sakin.I chuckled a bit after hearing those."So you're not just a murderer or kidnapper. You're also a backstabber, magaling kang mag mukhang mabait sa harapan ni dad, but you're fake" Deretsang saad ko dito hanggang sa maramdaman ko ang madulas na pagdapo ng kamao niya sa mukha ko.
Josh's point of view."You're such a disgrace!" Sumbat niya sa akin. Di ko siya magawang tignan pero alam kong gustong gusto na niya 'kong sugurin para bigyan ng leksyon. Hinaharangan lang siya ng mga tauhan niya."Paano mo nasikmurang traydorin ako Josh?" Dugtong niya. Galit na galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko, pero hindi niya alam yung haba ng panahong kinimkim kong poot sa kanya.Gusto kong isumbat sa kanya lahat. Gusto kong sabihin na kinakahiya ko siya bilang ama. Hindi ko na kayang palampasin pa.Ayokong sumabog lahat ng hinanakit ko, ayokong makasakit ng damdamin ng isang ama. Ayokong ilabas ang galit ko pero masyado nakong napupuno."Dapat kakampi kita Josh! Bakit di moko lapitan? Bakit nilalayo niyo ang loob niyo sakin? Nakalimutan mo na bang ama mok--""Bakit? Naisip mo ba yan noon? Naisip mo bang anak mo kami bago mo kam
Mara's point of view.Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa sinabi niya.Ayokong makasira ng relasyon.Ayokong makasira ng relasyon para lang sa formula na 'yon.Hindi pa kami ni josh.Hindi pa kami. Pero ang katotohanan na isinasakripisyo na ang sarili niya para sa'kin, ay nagpapadurog ng puso ko. Na gi-guilty ako. Kung hindi niya ko nakilala, kung hindi lang kami nagkita. Kung hindi niya lang ako niligtas noon, hindi sana siya napahamak.Ngayon, nararamdaman ko na naman ang galit. Galit para sa sarili ko. Masyado akong naging pabigat sa kaniya. Sana pinigilan ko na lang ang sarili ko, sana pinagbuntungan ko na lang siya ng galit ko, para di siya napalapit sakin. Sana di na kami umabot sa ganito.Sana di na lang kami nahulog sa isa't isa. Nagsisisi ako. Sana di ko siya pinayagang pumasok sa buhay ko
Mara's point of view.Nagising akong nakailaw na ang kwarto.Kinusot ko muna ang mga mata ko, naramdaman ko ang pamimigat no'n dahil onting oras lang ako natulog. Bumangon ako at nilibot ng paningin ang kabuuan ng kwarto.Nakita ko si Josh, katabi ni Zion. Magkaharap sila sa isa't isa at parehong sumisimsim ng kape. Napangiti ako nang mapagtanto na nagkakaunawaan na ulit ang mga ito.Tumayo na'ko kaya naagaw ko ang atensyon ng mga ito."H-hey, ang aga mo naman magising" Bungad sakin ni Josh nang makalapit ako sa kanila. Umurong siya nang kaunti at pinaupo ako sa sofa, katabi niya."Magang maga ang mga mata mo" Puna ni Zion sa akin.Nagkibit balikat lang ako sa mga ito at napatingin sa kapeng iniinom nila."Sandali ipagtitimpla kita" Ani Zion saka nilapag ang kape niya at dali daling
"I said let her go!" Umalingawngaw ang sigaw ni Josh sa bawat sulok ng malawak na espayong 'to.Kasabay no'n ay isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa labas.Lahat kami ay nawalan ng balanse dahilan para maisayad ni Kit ang matulis na patalim nito sa kanang braso ko.Mabilis na dumanak ang dugo. Sa isang iglap ay puro alikabok na lang ang nakita ko. Napaubo ako at unti unting sumikip ang paghinga kasabay ng paglabo ng paningin at tuluyan na akong natumba.Pero bago pa magdilim ang lahat ay naaninag ko ang isang liwanag na tila papalapit sa akin.Sinubukan kong palinawin ang paningin ko at gano'n na lang ang pagbuhos ng mga luha ko nang makita ang isang pamilyar na imahe nito.Mama Leste.Lumapit ito sa akin at saglit na tumingin sa mga mata ko."Lumaban ka, anak."
Mas lalong tumindi ang pag iyak at kaba ko nang maramdaman ang unti unting pagluwag ng kawit na nagtataas sa akin. Habang pahigpit naman ng pahigpit ang kadenang nasa paa ko.Hawak lang ni Josh ang baril at halos hindi na ito makatingin sa akin."We made this blade trap 5 months ago, Josh. Hindi pa namin ito nasusubukang gamitin at alam kong di mo kakayanin na makitang mag lasog lasog ang katawan ng babaeng mahal mo sa harapan mo." Anito sa malamig na tono.Puro hagulgol ko lang ang maririnig sa buong paligid."I know you wanna save her" Nakakabinging tawa ang pinakawalan nito."Kill me now Jos--""Put her down, Carlos" Anang isang tinig.Lahat kami ay napatingin sa gawi ng pinanggalingan ng boses na yon. At nabuhayan ako ng loob nang makita siya.Uncle Don.Marahan n