Share

XIX

Mara's point of view.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang takpan nito ang bibig ko. 

"What the heck Josh!"

Napahawak ako sa d****b ko nang bitawan niya 'ko. Parang sumikdo palabas yung puso ko.

"You scared the hell out of me, damn you" Sinamaan ko ito ng tingin. Pero tawa pa rin siya ng tawa. Inirapan ko lang ito. Napaka mapang-asar din ng isang 'to. Pareho sila ni Lia. 

"What brought you here?" Tanong niya kalaunan. Still laughing.

"Uh, I was just looking for you" I teased. 

Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

Wow.

Parang sa lahat ata nang napasukan ko dito, ito na ang pinakamaaliwalas. He was such a well-organized person. Lahat naka arrange sa tamang lalagyan. A neat and clean room within this grimy hell. This man, he exceeded the highest point of any girl's standards. Forsooth.

Dumapo ang pangin ko sa kama niya. Ang linis ser! Ang comfy siguro humiga doon. 

"You're looking at my bed. Wanna lay down?" Tanong niya habang matamang tinititigan ang mga mata ko. Madilim din ang kwartong to, pero sapat nang makitang nakangiti siya. Napakagat labi ako at napapahiyang umiwas ng tingin sa kama niya. Haynako naman. Naramdaman ko agad na uminit ang mga pisngi ko. 

Napaangat ako ng tingin nang dahan dahan siyang lumapit sakin. Pero nilampasan niya 'ko. 

Lumapit siya sa pinto, at ni lock iyon!

"W-what are you doing?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Shit! Ito ba yung mga napapanood ko sa mga teleserye dati? Yung ilalock yung pinto tapos may mangyayareng ano?! Yung ano?

"I'm planning to take you here later, but since gala ka at napadpad ka dito. Then ngayon na lang" Aniya. Nasa likod ko siya at ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya. 

Nakakataas ng balahibo, at ibang sensasyon ang inihahatid. 

"Come here" Aniya at hinawakan ang kamay ko saka marahang hinila patungo sa gitnang bahagi ng kwarto. At wala akong nagawa kundi magpatianod na lang. Tinitigan ko ang mga kamay naming pinagsalikop. Ang paraan ng pagkakahawak niya, naghahatid ng nakakapanibagong pakiramdan sa katawan ko. 

"Did you bring your phone with you?" Tanong niya. 

Ngayon ko lang narealize na nakatitig na pala ko sa mga labi niya. 

"Ah o-oo. E-eto" Inilabas ko ang phone sa bulsa ko at inabot iyon sa kanya. Hindi ko planong mautal sa ganitong mga sitwasyon, pero ito ako ngayon, nahihirapan magsalita. 

Binuksan niya iyon at may kung anong kinalikot, pero ang mga kamay namin, magkahawak parin. Ang sarap tignan. Sandaling katahimikan muna ang bumalot sa amin bago siya nagsalita ulit. 

"Let's dance, baby" And eyes quickly widened. Pakshet di ako marunong gumiling. 

"What?!"

Josh's point of view.

Ito na siguro ang huling kahilingan ko sa kanya bago kami makalaya dito. Ilang oras na lang ang nalalabi. Matutupad ko na ang ipinangako ko sa kanya noon. 

"Dance with me, please?" I asked, looking at her brown tantalizing eyes. 

It took seconds before she answered. 

"I can't, di ako marunong sumayaw Josh"

"Just follow me, can you?" I pleaded.

Maya maya lang ay tumango siya. Napangiti ako sa kanya. Saka pinindot ang kantang alam kong babagay sa mga oras na kasama ko siya sa dilim na to. Nakita ko pang pasimpleng pag ngiti niya nang masimula na ang kanta. Then i started swaying my body, my hands are on her waist, and hers are on my shoulders.

The song's lyrics really suited its title. 

Perfect.

We danced the moment like we're the happiest couple in this whole planet. 

Her eyes. Shouting her confidence. Alam kong, pakiramdam niya ay protektado siya pag kasama niya ako. And yes, i won't let anything or anyone touch even a single strand of her hair except me. 

Ang sarap palang mahulog sa taong hindi mo inaasahang darating sa buhay mo. Di mo inaasahang makakapagpabago sa'yo, ang taong bubura sa mga maling paniniwala mo. 

This girl, is really awesome. She changed me.

I just wish, I could look at those eyes. Forever.

My strength. My courage, my weapon. I wanna die looking at her eyes. Her soul's windows.

They're beautiful, like my mom's.

Mara's point of view.

Darling just dive right in, follow my lead.

Well, i found a girl. Beautiful and sweet

Oh, i never knew you were someone waiting for me.

'Cause we we're just kids when we fell in love

Not knowing what it was

I will not give you up, this time..

But darling just kiss me slow.

Your heart is all i own.

And in your eyes you're holding mine...

Accurately perfect. We're dancing in the midst of this darkness. I wrapped my hands on his neck as he guides my steps. And we leaned closer to each other.

"Let's do it again, after we got out of here, can you still guide me? I wanna dance this song with you again, under the thousand stars. Barefooted in the grass. Can we?" Tanong ko sa kanya. Napababa ang tingin ko sa mga labi niya. 

His lips. They're luscious. 

"We will dance like this forever baby" He answered, flashing a sweet genuine smile. Pero ngayon, sasayaw muna ako sa harap ng nagiisang bituin sa buhay ko. 

Ang mga ngiti niya. Napakaganda ng ngiti niya, it was like Leonardo DiCaprio's. Idagdag mo pa ang buhok niya, ilan sa mga strand nito ay tumatakip sa mga mata niya. 

We finished the song while dancing romantically. I smirked as I realized that...

My first dance was held inside this remarkable place. Well I found heaven in hell. 

"You're so beautiful" Komento niya. 

Impit akong napangiti at nag iwas ng tingin. Kasalukuyan siyang nasa likod ko. Nakayakap sa bewang ko.

"Thank you" Pasasalamat ko. 

"Ipangako mong magiging official tayo pag labas natin a? Ayoko ng walang label" Pagbibiro ko sa kanya. 

"I promis--" 

His words stopped when my phone suddenly rung. 

Agad akong humiwalay sa pagkakayakap nito at humarap sa kanya. 

"Y-yes Uncle Don?" Nang marinig ko ang pangalang binanggit niya ay umupo ako sa gilid ng kama nito. Nakaharap sa kanya.

Napatango tango ito nang ilang beses at saka tuluyang ibinaba ang tawag. 

"What is it?" Tanong ko sa kanya nang matapos na silang mag usap. 

"Tinanong niya kung kailangan pa bang magsama ng pulis" Aniya saka umupo sa tabi ko. 

"Oh tapos?"

Umiling siya. 

"Kailangan pa muna nila ng ibidensya. At isa pa, malakas ang kapit ni Algo sa pulisya" Dugtong niya. 

Kaya pala...

Di naaaksyonan ng gobyerno kasi may kasangga. 

"So paano makakapasok ang tito mo? Di ba may mga tauhan din sa labas?" Tumango siya.

"Kayang kaya niya ang mga yon, isa sa pinakamalakas na tauhan ni Algo si tito" 

Napahinga ako ng maluwag. Buti naman. 

"Tara? Mag gagabi na" Aya niya. 

Nauna siyang tumayo at naglahad ng kamay sakin. Inabot ko iyon at tumayo narin saka kami sabay na lumabas ng kwarto. 

Nang makabalik kami sa kwarto ni Iyah ay mga tingin nang aasar agad ang bumungad sa amin, lalo na nang makita nilang magkahawak kamay kami. 

"Nakaraos na ba?" Ani Lia

"Mukhang may dapat kang ichismis ngayon" Ani naman ni Iyah sa akin sabay kindat. 

Tinarayan ko ang mga ito.

Kumakain na sila nang datnan namin. Noodles tapos kakarampot na kanin. Nasa sofa si iyah at si lia na naman ang nasa kahoy na upuan. 

Diet?

"Stay here, kukuha lang ako ng makakain natin" Ani Josh saka lumabas ng kwarto. 

"Hindi na birhen!!!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lia. Kasunod noon ay humagalpak sila ng tawa. Habang ako ay pinaniningkita lang sila ng mata. 

"Ang dudumi talaga ng utak niyo" Komento ko. 

"Sabihin mo muna kung anong ginawa niyo ni Josh?" Tanong ni lia.

Tss, kahit puno ang bibig nakuha paring mang bwiset.

"Sumayaw lang kami" Simpleng tugon ko saka humiga sa kama. 

"Ahh sumayaw naman pala" Ani Iyah. 

"Sumayaw sila sa kama be" Kontra naman ni Lia. 

Tss. Di ko na lang pinansin ang mga ito at hinintay dumating si Josh. Nang bumalik ay may dala na itong tray ng pagkain. Dalawang noodles. 

"Ikaw naman ang maghatid ng pagkain nila Iyah." Utos ni Josh sa kapatid na agad namang tinanguan. 

Nang matapos kumain si Iyah ay dumiretso na siya sa kwarto ng mga babae at iniwanan ito ng mga pagkain.

"So Josh, sure na tayo mamaya? Wala nang mababago sa plano natin?" Tanong ni Lia. 

Umiling lang si Josh. 

"We just have to move smoothly" Aniya. 

Agad naman kaming napalingon kay Iyah nang nagmamadali itong pumasok sa kwarto at mabilis na ni lock ang pinto. 

"Kuya. T-they're here." Nag papanic na bungad niya samin. 

Agad akong binalot ng kaba nang tignan ko si Josh. Si Lia naman ay napatayo sa gulat.

"What? Why?!" Galit na tanong nito sa kapatid. 

"I-I don't know. D-dad said they're staying in their hideout for 24 hours, dapat mamayang 3 pa sila babalik" Ani Iyah. 

Napabuga ng malalim na hininga si Josh saka padabog na tumayo. 

"Mara, Lia. Come on." Aya niya samin at si Lia naman ay agad na kumapit sa braso ko. Nararamdaman ko ang panginginig niya. 

"Iyah, stay here. Those bastards, untie them ang put a beer beside Mike's bed" Utos niya. 

Nakita ko pang nanlaki ang mga mata ni Iyah sa sinabi nito pero agad rin niya iyong sinunod. Lumabas na kami ng kwarto at iniwang mag isa si Iyah. Hawak ni Josh ang kamay ko habang nakakapit naman sakin si lia. Dahan dahan kaming naglakad pabalik sa mga kwarto namin. 

At nang papalapit na kami ay narinig kong ang mga yabag ng paang nagmumula sa kabilang pasilyo. Mukhang galing sa underground ang mga ito.

Nang makapasok na kami sa mga kwarto namin ni Lia ay narinig kong nag ring ng malakas ang phone ko, dahilan para mapatingin ulit sakin si Josh.

Napatakip ako ng bibig sa sobrang kaba. Dali dali niyang binuksan ulit ang pintuan ko. 

"Give me your phone" Aniya. Dali dali kong inabot sa kanya ang phone ko. 

"W-what now Josh?" Nauutal kong tanong. Di ko alam kung bakit pero sobra akong nag aalala para sa kanila.

"Shh, marami pang natitirang paraan. I won't disappoint you, okay? Trust me. I'll get you out of here" Aniya. 

Napatango na lang ako dito at binitiwan na ang mga kamay niya. 

"I'll be right back"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status