Share

XXIV

Mara's point of view.

Nagising akong nakailaw na ang kwarto.

Kinusot ko muna ang mga mata ko, naramdaman ko ang pamimigat no'n dahil onting oras lang ako natulog. Bumangon ako at nilibot ng paningin ang kabuuan ng kwarto. 

Nakita ko si Josh, katabi ni Zion. Magkaharap sila sa isa't isa at parehong sumisimsim ng kape. Napangiti ako nang mapagtanto na nagkakaunawaan na ulit ang mga ito. 

Tumayo na'ko kaya naagaw ko ang atensyon ng mga ito. 

"H-hey, ang aga mo naman magising" Bungad sakin ni Josh nang makalapit ako sa kanila. Umurong siya nang kaunti at pinaupo ako sa sofa, katabi niya. 

"Magang maga ang mga mata mo" Puna ni Zion sa akin. 

Nagkibit balikat lang ako sa mga ito at napatingin sa kapeng iniinom nila. 

"Sandali ipagtitimpla kita" Ani Zion saka nilapag ang kape niya at dali daling lumabas ng kwarto. 

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ko kay Josh. Napansin kong nakalapag ang cellphone ko sa tapat niya at parang may inaabangan mula roon. 

Humarap siya sa akin at ngumiti. 

"Good morning, inaantay ko ang update ni Uncle Don. Nakapag report na sila sa mga pulis. Natagalan lang dahil naghanap pa ng proweba ang mga ito, pero nagkaroon din ng warrant nang makita na nila ang mga babae sa ospital. Nag suffer sa trauma ang isa. Pero tumawag na siya sa akin kanina, darating na raw sila." Anito. 

Biglang sumigla ang pakiramdam ko sa narinig.

"Yes!" Natutuwang saad ko dito saka siya niyakap nang mahigpit. Ginantihan niya rin ako ng yakap. 

Naghiwalay lang kami nang biglang pumasok si Zion. May dala itong tray na may isang kape at isang bote ng tubig.

"Ba't may tubig pa?" Nagtatakang tanong ko rito habang nilalapag niya ang mga dala niya. 

"Uminom ka muna ng tubig para mahimasmasan ka bago ka uminom ng kape" Aniya saka inabot sakin yung tubig. 

"Ahh, s-salamat" Nahihiya kong kinuha ang tubig na dala niya saka iyong ininom. 

"Ngayong tinutulungan mo kami Zion, p-paano mo makukuha yung gamot?" Kalauna'y tanong ko dito matapos kong uminom.

Maging si Josh ay napatingin rin sa kanya. Nag kibit balikat lang ito at pilit kaming nginitian. 

"Alam kong matagal ko nang nakuha ang tiwala ni Kit at Algo, kaya kayang kaya ko na silang utuin. At isa pa, yun lang naman ang habol ko, ang gamot para kay Gryce" Deretsang sagot nito. 

Napatango si Josh sa kanya. 

"We'll be looking forward. I'll pray for your girlfriend's fast recovery" Dugtong niya. 

Nang matapos ko nang inumin ang kape ko ay agad na ding niligpit ni Zion ang mga basong ginamit namin saka lumabas para ibalik iyon. 

Pero laking pagtataka namin nang bumalik itong naghihingalo at mukhang kabado. Napatayo kami ni Josh sa kinauupuan nang dali dali niyang ni lock ang pinto. 

"What's happening?" Natatarantang tanong ni josh. 

"Nakita kong nilalabas na nila ang mga babae, j-josh. Nandito na si Algo." Aniya at nagpalipat lipat ng tingin samin ni Josh. 

"Let's go, Mara" Aniya at hinawakan ang mga kamay ko. 

Agad akong bumitaw dito. Kaya gulat na napatingin sakin si Zion. Samantalang si Josh naman ay mataman lang aong tinititigan. He knows that I'm scared.

"Trust me, they can't take you away from me" Aniya at sinubukang abutin muli ng mga kamay ko. 

Nang mahawakan niya ko ulit ay may kung anong dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. 

Para akong nagkaroon ng lakas. Pinagsalikop ko ang mga kamay namin saka tumingin ng diretso sa mga mata niya. 

"Tara?" Tanong nito. 

Huminga muna ako ng malalim at tumango sa kanila. Napangiti sa amin si Zion. Kaya ginantihan ko iyon. Inilahad niya sa amin ang pinto at sabay kaming lumabas nang magkahawak ang mga kamay. Nasa unahan namin si zion. At kami ay nakasunod lang dito. 

Wala na kaming pakealam sa mga magiging reaksyon nila, basta't kasama ko si Josh. Alam kong wala akong dapat na ikatakot. Nang pumasok kami sa pinaka malaking parte ng building, ang pwesto ni Carlos. Buong atensyon nila ay nasa amin. Nang makita ko ang grupo ng mga binihag nilang babae ay agad na hinanap ng mga mata ko Lia. 

Nakita ko itong nakatulala sa amin, at dahan dahan siyang nag angat ng tingin sakin na para bang naluluha sa nakikita niya. 

Pasimple ko itong nginitian para kahit papano ay mapanatag ang loob nito. Lahat nang naroroon ay tila ba nagtataka, lalo na si Kit. Nakakunot ang noo nitong nakatingin kay zion. 

Si Carlos, na nakatutok sa mga kamay namin ni Josh. 

At ang huli, si Algo. 

Balbasin ito at maaliwalas ang porma, mistula siyang isang mabuting pastor, na siyang kabaliktaran ng panloob na kaanyuan niya. 

Nakatingin ito ng direkta sa mga mata ko. 

At buong tapang ko iyong ginantihan. Lahat ng bangungot na pinagdadaanan namin ngayon ay kagagawan mo, Algo. Alam kong sa mga sandaling ito, nararamdaman mo na ang katapusan mo. 

Pinaghiwalay kami ni Zion nang makarating na kami sa gitna. Akmang dadalhin niya na ko sa gawi ni Lia nang biglang tumikhim si Kit. 

"Wag mo silang paghiwalayin" Anito habang nakatingin sa akin. Kami ni Josh ang tinutukoy niya. 

Napatango siya rito at walang nagawa kundi hilahin ako palapit kay Josh. Pero pumagitna siya sa aming dalawa. 

"Hayaan mong makasama niya sa huling sandali ang babaeng pinaglalaban niya" Sarkastikong saad ni Kit. 

Matalim ko itong ginantihan ng tingin pero nginitian niya lang ako. 

"So, iyang batang yan ang tinutukoy mo sa akin, Carlos? Anak mo pa mismo?" Tanong ni Algo kay carlos habang nakatingin sa gawi ni Josh. 

Napayuko sa kahihiyan si carlos habang si Josh naman ay tila walang pakealam na naririnig. 

"Es tut mer leid" Seryosong tugon nito kay Algo. 

(Es tut mer leid-- I'm sorry)

"Fine. Go on Carlos, I'll wait" Anito at nagsimula nang maglakad kasama ang mga tauhan niya. 

Pero bago siya makalampas ay huminto muna ito sa tapat ni Josh at may kung anong binulong rito. 

"Fast hands, valiant and a risky fighter. I like your skills, Josh" Anito saka tuluyang umalis. 

Sinilip ko si Josh at hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Sinundan ko ang dinaanan ng mga ito. At nakita kong pumasok sila sa tabi ng kwarto ni Carlos. 

It's a small passageway. Siguradong labasan ang mga yon. Naagaw ni Carlos ang pansin ko nang bigla itong tumayo sa kinauupuan niya. 

"Pakawalan niyo na sila at ilabas niyo na ang mga 'yan" Utos niya sa mga tauhan niya. 

Agad namang nagsikilos ang mga ito at sinimulan nang igiya ang mga babae patungo sa dinaanan nila algo kanina. 

Napatingin ako kay lia, malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin at pilit na ngumiti. 

At ako ay napayuko na lang, para hindi ako maluha. Nasaan na kayo Iyah. Onting oras na lang. Maya maya lang ay may ingay na kaming narinig sa labas. 

Helicopters. 

"Say goodbye to Mara, Josh. We need her cooperation" Ani Kit at saka sumenyas sa mga tauhan na kunin ako. Mabilis na humarang sakin si Zion at mahigpit na humawak sa mga kamay ko si Josh. 

"You can't have her" Matigas na saad ni zion sa mga tauhan nito. 

"Kalabanin niyo muna ako bago niyo siya maku--" 

Hindi na niya natapos ang anumang sasabihin nang bigla itong bumulagta dahil sa malakas na suntok ni kit. 

"Sabi na nga ba't traydor rin." Anito at dinuraan si Zion. 

Tumingin siya kay Josh dahilan para mapahigpit ang pagkakahawak ko dito. 

Akmang susugurin na siya nito nang bitawan ako ni Josh at inunahan niya na ito. At sa isang iglap lang ay nagkagulo na ang lahat. 

Iba't ibang ingay ang naririnig ko. Ang ingay ng helicopter, ang mga sigawan sa labas at ang tunog ng mga kamao nila. Kami na lang ang natitira rito dahil lumabas na sila Carlos at Mike. 

Si kit, ang apat na tauhan niya, si Zion, Josh at ako. 

Nataranta ako nang matamaan ni Kit si Joshua sa mismong tagiliran nito at ngayon ay napapulupot siya sa sakit. 

Agad kong inawat ang mga ito at hinila mula sa kanya si Josh ngunit naitulak ako ng malakas ng isa sa mga tauhan niya dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba sa harap ng mga ito. 

"Mara!" Rinig kong sigaw sakin ni Zion nang itayo ako ni Kit at may dinukot mula sa bulsa nito. 

At nanlamig ang buong katawan ko nang ipulupot niya sa leeg ko ang kamay na may hawak na laser, laser na pulang may matulis na patalim.

Mahigpit ang pagkakakapit niya at nakatutok sa leeg ko ang patalim. 

Isang maling galaw ko lang, dadanak ang dugo ko. 

"Mas matibay ka pa pala kay Demi" Bulong nito sa akin. 

"Let her go, Kit." Nagpipigil nang galit na utos ni josh. 

"Why would i? Just one step closer Josh, makikita mo nang harap harapan ang paraan ng pagkamatay ng mommy mo sa babaeng 'to" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status