Share

XX

Josh's point of view.

"Let's go" Aya ko kay Iyah. Pinapatawag kami ni dad. Yes, nandito na ulit sila. They ruined our plan. 

"Kuya, itutuloy pa ba natin?" Tanong ni Iyah. 

Naglalakad kami patungo sa malawak na parte ng ground floor. Kung saan naroron si dad. Tinanguan ko lang siya at tumahimik na lang rin ito. Nang makarating kami ay kami na lang ulit ang hinihintay. Kumpleto na sila, bukod kila Zion at Mike. Sila na lang ang wala.

Napatingin sa amin ang lahat, pero ang tingin lang ni dad at ni Kit ang umagaw ng atensyon ko. Mukha silang mga nagtataka. 

"Where's Zion and Mike?" Bungad kaagad sa amin ni dad. 

Pumwesto kami ni Iyah sa pinakaunahan. Hindi kami sumagot.

"Tinatanong ka Josh, nasaan sila Mike?" Panghuhuling tanong ni Kit. Matalim itong nakatitig sakin pero nilabanan ko lang iyon. 

"They're drunk" Sagot ni Iyah. 

Napatawa ako ng hilaw dahilan para tumingin sa'kin ang lahat. 

"T-they're what?" Lalo pang kumunot ang noo ni dad. 

"They're drunk, ilang oras silang nag inuman. They didn't even do their jobs. Kami lahat ni Iyah ang kumilos. Useless thugs" Deretsahang tugon ko dito habang nakatingin sa mga mata ni Kit. 

"Watch your words Josh" Komento ni dad. 

"Just saying the truth, they're useless." Pag uulit ko pa. 

Nakita ko pa ang pagtalim ng titig ni dad, pero agad din niya iyong iniwas. 

"Check them" Utos niya sa isa sa mga tauhan niya at agad iyong nagtungo sa kwarto ni Mike. 

"So, I think we're done doing our part." Paunang sabi niya na siyang kumuha sa atensyon naming lahat. What are you trying to indicate?

"What do you mean dad?" Tanong ni Iyah. She's as curious as me. 

Huminga siya ng malalim at mula sa isang maliit na paper bag ay may dinukot siya doon. Umayos siya ng upo bago humarap ulit samin. 

He showed us some pictures of the patients (samples). Some of them are laid down in an incubator. And some are in beds. 

"See? Tatlong samples na ang nagtagumpay. Ang mga nasa incubator, sila ang unang nakaligtas sa eksperimento. We need to send the girls, in order to make it ten. Pitong babae ang kakailanganin nila." Wika ni dad.

"But the conditions of those in beds are now deteriorating. Failed. Hindi nila kinaya ang mga gamot na sunod sunod na itinuturok sa kanila. Kagaya ng mga naunang failed. Nagpakita ng mas matitinding adverse effects ang mga pasyente na 'to." Turo niya sa mga nakahiga sa kama.

Mga babaeng nanghihina na. At iba na ang kulay nila. Mabibilang na lang ang mga araw na itatagal nila. Sila dad, ay pinaglalaruan lang ang buhay ng iba. 

"Namamantal at nangingitim ang mga balat nila and also, memory loss" Dugtong ni dad.

"It's their fault. Perhaps, they brutalized their patients" Walang galang kong komento rito. 

"So the new drug is being tested to severely depressed patients, huh?" Ani Iyah. 

Nakagat ko ang pang itaas na labi nang marinig ko itong magsalita. Kahit kailan talaga, matapang 'tong isang 'to. Nakuha niya pang maging sarkastiko. Napabuntong hininga na lang si dad at binalik na ang mga litrato sa paper bag. 

"We'll be sending the girls, next week. Take care of them, at wag niyo nang basta basta sinasaktan." Aniya habang sinusuyod ng paningin ang mga tauhan niya. 

"Kailangan maging maayos ang lagay nila bago sila ipadala roon, if they're unstable, maaaring matulad sila sa mga 'to" Dugtong niya. Itinuro ang mga litrato nang nasa mga kama. 

"Oh, anong nangyare?" Rinig kong tanong niya sa isang tauhan na dumating galing sa kwarto ni Mike. 

Nagtaas ako ng tingin dito. Gano'n din si Iyah.

"Tulog na tulog boss, mga amoy alak. Nag passed out" Anito na ikinahalakhak ng ibang tauhan. Maging ako ay di napigilang mapangiti. Lumapit ako ng kaunti kay Iyah at sinamaan ito ng tingin. 

"What the heck Iyah" Pabulong na sambit ko dito. 

Mahina siyang humalikhik bilang tugon. Tsaka binawi ni Kit ang atensyon naming lahat. 

"Pitong babae lang ang kailangan, edi pito lang ang ipapadala natin?" 

Natigilan ako sa tanong nito. Nang tingnan ko siya at mariin rin siyang nakatitig sakin. Sinusubukan niya ang pasensya ko, kung kami lang dalawa ang narito ngayon, kanina ko pa ginawang punching bag 'to. 

"Ipapadala natin silang lahat, para mapalitan ang ilang nag failed" Ani dad na ikinatigil namin ni Iyah. 

Napangiti si Kit nang marinig iyon at sarkastikong tumingin sakin. Alam niyang di ko siya mahahawakan kaya malakas ang loob niya. Bukas o sa mga susunod na araw, di kana makakangiti ng ganyan, Kit. 

_______________________________________________

"Paano na 'to? Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Mara. 

Nandirito ulit ako sa kwarto niya, malapit sa bintana nila ni Lia. 

9:15 pm na. At onting oras na lang ay darating na si Uncle Don. 10 pm ang usapan naming pagtakas, pero mukhang hindi ito ang tamang oras. Kailangan namin iurong ang plano. Lalo't ang daming nagbabantay sa labas ng underground. Isang maling galaw lang, mawawala na lahat ng pinaghirapan namin. Mapapahamak kaming lahat. At hindi ko mailalabas si Mara.

"Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kanina. Hindi ko alam kung nasaan na siya." Tugon ko. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Di ko kayang makita na natatakot siya. Ipinangako kong makakalabas siya dito at tutuparin ko 'yon kahit na anong mangyare. 

"Sa tingin niyo? Anong klaseng criminal case to?" Ani Lia. 

Agad akong napatingin kay Mara. Siya ang mas nakakaalam sa mga ganitong bagay. 

"General and sex offenses" Deretsong sagot nito. 

Napatango si Lia. 

"Okay? Sex offenses cause they have this lascivious behavior. Then what about the general?" Tanong ulit nito. 

"General offense includes assault, kidnapping and murder. Lahat nang 'yan ay nagawa na nila" Sagot naman ni Mara at sarkastikong tumawa. 

"Hey, bakit napili mong mag legal management? Balita ko 4 years ang law school. Mahabang panahon ang itetake mo" Hindi ko na maiwasang itanong. Sa una palang talaga, nagtataka na ko kung bakit ganoon ang gusto niya. 

Ngumiti muna siya sa amin saka nagbaba ng tingin. 

"Nothing. I just really want to be a human or children's rights advocate." aniya at nagkibit balikat. 

"Angas" Sambit ni Lia na ikinatawa naming tatlo. 

Maya maya lang ay tumunog ang cellphone ni Mara. 

"Wait, he's calling!" Napaayos ng upo sila Mara at nag abang ng magiging usapan namin ni Uncle Don. 

"What now--What?!" Nakita ko ang nagdaang pagkagulat sa mga mata ni Mara nang marinig ang mahinang sigaw ko.

"I'm here Josh, nakapasok na 'ko sa underground, naglalakad na 'ko papunta diyan."

Ikinalaglag ng panga ko ang narinig. 

Real quick? Paano niya nagawa 'yon?

"H-hey Josh, where are you?" Tanong nito sa kabilang linya. 

Parang nagising ang diwa ko at dali daling nag isip ng sasabihin. 

"H-how did you get in?" Wala sa sariling tanong ko dito. 

Napahalakhak siya kaya nailayo ko ng bahagya ang phone mula sa tenga ko. 

"I'm a well trained fighter, Josh. And besides, those thugs are skinny. Just a deep cut in their throats. By the way, nakuha ko rin sa kanila yung susi ng underground papasok diyan, antayin mo na lang ako sa mismong pinto" He said in a soft, calm tone. As if fighting was just an easy stuff.

Mapakla akong natawa sa uri ng pananalita nito. Perchance, running away tonight is not a bad idea. 

Mukhang mabilis lang kaming makakalusot. 

"We have a risky fighter. But wise" Sambit ko kila Mara nang ibaba ko na ang phone nito at hinarap ang nagtatanong nilang mga mukha. 

"W-what happened?" Nababalisang tanong ni Lia. 

Natawa ako nang makitang namumutla ito at kabadong kabado. 

"He strangled those thugs, and he's on his way here" I casually answered. 

"What?!" - Lia and Mara. I hurriedly got up and went out of her room, leaving them speechless. 

Someone's point of view.

"Bakit ba hindi mo na lang tigilan yang kahihinala mo kay Josh?" Tanong sakin ni Carlos. 

Matatalim ang mga mata kong sinalubong ang tingin nito. 

"Boss ka diba? Matuto kang tumingin sa kinikilos ng mga anak mo, baka akala mo mapagkakatiwalaan talaga sila" Saad ko dito saka tuluyang tumalikod. 

"Saan ka pupunta?" Pahabol na tanong pa niya. 

Tinatamad ko itong nilingon. 

"Si Mike at Zion, alam mo kung gaano sila kalakas sa inuman carlos. Miyembro natin yan e" Tugon ko. 

Dahan dahan akong naglakad ulit papalapit dito at inilapat ang mga kamay ko sa lamesa niya. 

"Hindi ba't nakakapagtaka na ilang oras silang tulog? Matuto kang magmasid, hindi yung namumuno ka lang" Sarkastiko kong saad dito. Saka tuluyang umalis. 

"Tara" Utos ko sa mga tauhang nag aantay sa'kin. 

Tinapon nila sa kung saan ang mga sigarilyong hinihithit kanina at sumunod sakin sa paglalakad. Nang buksan nila ang kwarto ni Mike ay pamilyar na amoy ang sumalubong sa amin. 

Gamot pampatulog.

Napangisi ako nang makita ang mga bagsak nilang katawan. Mga tangang trabahador. 

"Gisingin niyo sila" Utos ko sa mga ito. 

Dinukot ko ang pulang laser mula sa bulsa at binuksan iyon saka tinutok ng palipat lipat sa mga mukha nila. 

Nang magkaroon sila ng malay ay agad itong napabalikwas nang makita ako sa harapan nila. Marahan nilang tinakpan ang mga mata nang masilaw sila sa laser. 

"Mga wala kayong kwenta!" 

"K-kit, m-magpapaliwanag kami. M-masyadong malakas ang magkapatid na yo--"

"Nagpadaig kayo sa mga bata? Mga tanga!" Napayuko sila at hindi na nagsalita pa.

"Oh ano?! Basag ba 'yang bayag mo?!" Inis kong tanong kay Mike nang makita kong mariin niyang hinawakan ang maselang parte ng katawan niya. Hanggang ngayon ay napapangiwi parin siya sa sakit. 

"Malaking pera ang nakasalalay dito! Hindi tayo pinadala ni Algo dito para utuin ng mga batang 'yon! Pinaghirapan natin 'to ng ilang buwan!" Pagpapatuloy ko. 

Wala ni isa sa kanila ang nakasagot, puro sila mga nakayuko. 

"Anong binabalak ni Josh?" Tanong ko kalaunan. 

"B-balak nilang itakas yung d-dalawang babae. Y-yung baguhan tapos yung bunsong kapatid ni Nalyn." Nauutal na sagot ni Zion.

Mapakla akong natawa sa turan nito saka pinatay ang laser. 

"Samara at Nathalia?" Paninigurado ko sa kanila. 

"O-opo boss" Ani Mike. 

Tinanguan ko ang mga ito saka tumalikod. 

"Maghanda kayo, sabihin niyo lahat kay Carlos at ipaalam niyo na rin kay Algo" Habilin ko sa kanila bago tuluyang lumabas ng kwartong 'yon. Nagtungo ako sa kwarto ko at binuksan ang malaking cabinet. 

Kinuha ko sa malaking karton, ang mga kagamitan ni Demi, kasama ng kay Mara. 

"Samara Delizo" Naibulalas ko. 

Sa pangalawang pagkakataon. Sisiguraduhin kong mamatay ka nang mas brutal pa kay Demi. Kung inaakala mong may hustisyang naghihintay sayo, nakakamali ka. Napailing ako at saka binuksan ang maliit na compartment ng bag ko at may dinukot na kung ano doon. Bagay na aagaw sa hininga ni Mara. 

Steyr M1912

Joshua Gabriel, wala ka talagang kinatatakutan. Pero magtatapang ka pa rin kaya pag buhay na ng babaeng mahal mo ang nakasalalay?

Napakagandang laro ng hinamon mo sakin. 

Janiyah's point of view.

"Uncle don!" Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin at mahigpit itong niyakap. 

"Janiyah! You okay?" Nag aalalang tanong niya habang hinahagod ang likod ko. 

Humiwalay ako ng yakap dito at marahang tumango. 

Kasalukuyan kaming nasa tapat ng underground, bahagyang nakasara ang pinto nito dahil baka may makakita sa amin. 

"Nakita mo ba si kit Iyah?" Agaw atensyon na tanong ni kuya. 

"Nope" Maikling sagot ko dito. 

Napansin kong mahina siyang napamura. At balisang napalingon sa paligid. 

"B-bakit? Anong meron?" Tanong ko dito. Maging si tito ay nagtataka. 

"Wala na sila Mike sa kwarto niya" Anito. 

Napatakip ako ng bibig, hell no. 

"W-where did they g--"

"Wala na tayong oras, kumilos na kayo" Suhestiyon ni tito. 

Agad kaming nagtinginan ni kuya at kalauna'y tumango rin ito sa'kin. Pero bago siya tumalikod ay pinigilan ko siya. 

"Wag mong unahin sila Mara, marami pang tauhan sa labas. Sisiguraduhin muna naming ligtas ang daan bago sila makalabas" Natigilan siya sa sinabi ko at napa buntong hininga. 

Pero tumango rin ito saka tumalikod at dali daling nagtungo sa kwarto ng mga babae. Alam kong nagdadalawang isip na siya sa mga oras na'to, pero mahuhuli na kami.

"Mag aabang na'ko sa labas, aantayin ko kayo. Bilisan ninyo iha" Ani tito don. 

Tinanguan ko ito at niyakap ulit. 

"Thank you so much, tito" Naramdaman kong tinapik niya ang likod ko bago ito sumagot. 

"Mag iingat kayo sa mga kilos niyo Iyah, hihintayin ko kayo sa labas. Ako nang bahala sa mga babara. Aasahan kong makakalabas kayo, ha?" Aniya saka ako tinalikuran. 

Sisikapin naming makalabas, tito. Hindi ka namin bibiguin. 

Maya maya lang ay dumating na si kuya. Kasama ang apat na babae. Ang isa ay paika ika pa habang inaalalayan ni kuya, ang dalawa naman ay mahinang humihikbi at ang isa ay nakatulala lang na nakasunod sa kanila. 

"Dali, pasok!" Inalalayan ko ang mga ito at iginiya sila pababa sa underground. 

"S-salamat Iyah" Ani Jona, isa sa mga binihag nila Kit. Tinanguan ko lang ito ay pinapasok na sa loob. Nang makababa kami at makapasok na ang apat ay malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. 

Nanlamig ang buong katawan ko at muntik nang mapabitaw sa hawakan ng hagdan.

"Kuya! What the hell is that?!" Bahagya akong umakyat para silipin siya pero nakatulala lang itong nakatingin sa kanan. 

"Kuya!" Halos mapiyok ako nang isigaw ang pangalan niya pero ni hindi niya ko tinapunan ng tingin. 

"Mara" Aniya. Ang tanging salitang naibulalas niya bago tumingin sakin. Halos madurog ang puso ko nang magsalita siya ulit. 

"Run, Iyah" Aniya sa seryosong tono. 

Nagsimula nang bumagsak ang mga luha ko. 

Paulit ulit akong umiling. 

"No! I won't leave you he--"

"Just run away! Uncle Don's waiting for you. I need your cooperation, please. Help us" Wika nito. Naririnig ko na ang papalapit na ingay ng mga yabag ng paa. 

"K-kuya.." Patuloy parin akong lumuluha. Hanggang sa narinig kong umiiyak na rin ang mga babaeng kasama ko. 

"Go on, Iyah. Or else, sama sama tayong mamamatay dito" 

Sambit niya at tuluyan na itong napayuko. 

"B-babalikan ko kayo.." Saad ko dito kahit pa puro hagulgulan na lang ang naririnig ko. 

"Hihintayin ka namin" Aniya hanggang sa tuluyan nang binalot ng ingay ang paligid. 

Tango lang ang tugon ko dito bago kami tumalikod at nagsimula nang maglakad ng mabilis. Mabibilis at malalaking hakbang. Papalayo sa lugar na 'yon. Papalayo kila kuya. 

Isang putok pa ng baril ang umalingawngaw bago kami tuluyang makaliko at makita ang maliit na liwanag sa kaduluhan ng daan. 

Ang katapusan ng underground. 

Ilang hakbang na lamang...

Nakikita ko na ang liwanag. 

Makakalabas na kami. 

Makakalabas na ako. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status