Share

XVII

Mara's point of view.

"Don't forget my phone, Josh" Napalingon ito sakin at sabay silang napahalakhak ni iyah. Tinarayan ko lang ang mga to. 

Matagal ko na kasing sinasabi kay Josh na once na mapasok niya ang kwarto ng dad niya, kukunin niya pati cellphone ko. 86% pa yun nung sumakay ako ng bus ilang minuto bago ako makababa at makidnap ni kit kaya sigurado akong hindi yun lowbat duh. Unless, hindi pinatay ni carlos ang phone ko or inalis ang battery nito. 

"Miss na miss mo na cp mo gorl? Don't worry, pare parehas tayo. Yung samin nga lang, binasag ni dad hahaha, okay lang. Siya din naman bumili non e" Ani iyah.

"Tss. Kailangan kong mag selpi selpi bago tayo makalabas dito. Para may memo diba?" Asik ko na tinanguan naman nila. 

Tumingin si Josh sa orasan ko. 

4:00 am. Sharp. 

"So, tara na?" Tanong niya sa amin. 

Nginitian ko lang siya, at si Iyah naman ay tumango. 

"Let's G!" Na eexcite na saad ni Iyah. Mukhang wala man lang ka kaba kaba tong mga 'to. Parang simpleng bagay lang ang gagawin. 

Tumayo na kami ng kama. 

Unang sumilip sa labas si Iyah, lumingon ito sa amin at nag okay-sign. Dahan dahan kaming humakbang palabas.

Nang makatapak ako sa labas ng kwarto ko ay may kung anong excitement at kaba akong naramdaman. This is it pansit! Nakapatay ang ilaw sa buong paligad kaya yung dilim ay mas dumoble pa. Tahimik ang buong hallway. 

Ang bawat kwarto ay nakapatay ang ilaw. Walang kaalam alam ang iba...

Na malapit na silang maligtas. 

"Pst, Lia. Tara na" Rinig kong tawag ni Iyah sa kabilang kwarto. Halos pabulong na niya itong tinawag. Mahirap na, baka mahuli nang wala sa oras. Pinatay na ni Josh ang ilaw ng kwarto ko at ganoon din si Iyah sa kwarto ni Lia. Nang makalabas, agad itong humawak sa mga kamay ko. 

Nangangarag siya at ang lamig ng kamay, mukhang siya yung pinaka kabado saming apat. 

"Hold this" Abot sakin ni Josh ng blueprint. Saka niya dali daling hinubad ang hoodie niya at inabot iyon sakin. 

Naka black polo na lang tuloy siya. 

Ganon din ang ginawa ni iyah kay Lia. 

"Paano kayo? Eh ang lamig kaya" Angal ni Lia. 

"Girl, ang mahalaga kami yung nalalamigan, hindi kayo. Kaya shut up kana diyan, baka hubaran pa kita" Ani Iyah. 

Napahagikhik ako sa sinabi nito. 

Lumingon sa kaliwa't kanan si Josh saka binalik ang atensyon sa amin. 

"Iyah, alam mo na gagawin mo. Wag mo silang ipapahamak" Utos nito kay Iyah na tinanguan lang. 

Saka niya binaling ang atensyon sakin. 

"Be careful, wag na wag mong tatanggalin ang kamay mo kay Lia, okay? Iyah will lead the way" Habilin nito sa akin. Nginitian ko lang siya at ginulo niya ang buhok ko. Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon rin ang ganti ko rito.

"Go on" Anito at iminuwestro sa amin ang daan palabas ng hallway. 

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng hallway, humiwalay na sa amin si Josh. Sa kabilang dulo siya ng hallway dumaan. 

Tahimik, dilim, at lamig ang bumabalot sa buong paligid habang dahan dahan kaming umuusad. Magkahawak kamay kami ni Lia at si Iyah naman ay nasa unahan. Di niya pinagana ang flashlight niya dahil baka daw maaninag kami. Kaya nagtitiis kami sa dilim.

Mahina akong napamura nang bigla akong makatapak ng kung ano, tila isa itong bato. Dahilan kung bakit muntik na kaming matumba ni Lia. Nanumbalik ang kaba, galit, at sakit na nararamdaman ko nang maalala ko ang unang beses na nakatapak ako sa lugar na 'to. 

Kung paano nila ko hilahilahin at ibenta sa boss nila. 

Dahan dahan nang tumulo ang luha ko, pero pinigilan kong humikbi. Ayokong marinig ako ng mga kasama ko. Baka sabihin ang oa ko pa. 

Nang nasa ikahuling liko na kami ay natanaw namin ag isang kwarto, may ilaw ito sa loob at ang katapat niyon ay ang laboratoryo kung saan ako dinala nila kit at tinurukan ng kung ano.

Sabay kaming napatili ni Lia nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Pag lingon namin sa likod ay agad akong binalot ng kaba. Isang lalakeng nakatingin samin. May hawak itong lubid na may mga naka usling pako sa bawat gilid. 

Nakangiti itong naglakad papalapit sa amin. Kaya agad kaming hinarangan ni Iyah. 

"Rebelde nga" Anito habang matalim na nakatitig kay iyah. 

"Good morning, Mike" Sarkastikong bati niya dito. 

Napaatras kami ni Lia. She tightened her grip. Kinakabahan akong hinihintay ang mga susunod na mangyayare. 

Akmang hahampasin na ng lalake si Iyah nang bigla itong bumwelo at buong lakas na sinipa ang mukha ng lalake. 

"Woa" Mahina kong naibulalas. Ang angas ng galaw ni Iyah. 

Di ko maiwasang mapahanga. Mukang may skills siya sa self defense. Paatras na nagpagewang gewang ang lalake habang hawak hawak ang pumutok niyang labi.

Di pa siya nakakabawi ng lakas ay sinipa na naman ito ni Iyah at sa...

Private part 

Napaungol ito sa sakit. Marahan namang binawi ni Iyah ang panghampas nito saka ito binigyan ng malakas na suntok sa mukha. 

"Knock down-dragged out huh?" Natatawang saad ni Iyah habang tinititigan ang walang malay na lalake sa sahig. 

"Hindi ka man lang niya nahawakan" Puri ni Lia nang humarap na siya sa amin. 

"Well, mom trained me" Aniya at nagkibit balikat. 

Kaya pala...

Josh's point of view.

Tahimik akong naglalakad patungo sa kwarto ni dad. Iniwan ko na kay Iyah sila Mara. Kayang kaya niya na si Mike. Wala namang ambag sa mga proyekto ni dad yun e. Palagi siyang palpak kumilos, parehas sila ni Iyah. Pero mas magaling sa kanya ang kapatid ko. 

Magaling mangarate yun kaya siguradong ngayon ay nakahandusay na si Mike. Nang palapit na ko ay nakarinig ako ng halinghing ilang pasilyo lang ang layo sakin. Boses ni Mike. 

Natawa ako, anong klase na naman bang karate ginawa ni Iyah sa kanya? Umiling na lang ako at nagtuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa pinakadulong bahagi ay napansin ko ang anino ni Zion. Agad akong lumihis para magtago. 

Sinilip ko ito. Papalabas na siya sa kwarto ni dad. Napangiti ako nang may magandag ideya akong naisip. Mabilis kong tinakbo ang pagitan naming dalawa at nang makarating ako sa kinaroroonan nito ay kitang kita sa mga mukha niya ang labis na pagtataka. 

"A-anong nangyare? Josh?!" Natatarantang tanong niya. 

"N-nakatakas ang mga babae!" Pagpapalusot ko dito. 

"Ano?!" Di ko pa siya nasasagot ay mabibilis ang hakbang na nilisan niya ng kinatatayuan ko. 

Iniwang nakabukas ang pinto ng kwarto ni dad. A smooth move, indeed. 

Dali dali kong tinungo ang table nito at hinanap ang cellphone na tinutukoy ni Mara. At nang makita ko ito ay agad ko itong nilagay sa bulsa. Nilabas ko ang contact number ni uncle don saka tinawagan ito sa telepono. 

Mga apat na ring pa muna bago ito tuluyang masagot. 

"What is it Carlos?! Have you change your mind? I'll go get the kids, napakawalang kwenta mong ama!" Sunod sunod na sigaw nito sa kabilang linya. 

Uncle Don's voice. Naistatwa ako nang marinig ang boses nito. I missed our bond. My tears are now coming out.

"Carlos?! Pakawalan mo na ang mga anak mo!" Dugtong nito. 

I let out a deep sigh before answering. 

"U-uncle Don" Basag na agad ang boses ko. 

Naikuyom ko ang kanang kamao. 

"J-josh?! Joshua?! A-asan ka? Anong nangyayare sayo? Anak?!" Nagpapanic na saad nito. 

Napahilamos ako, nanginginig ang buong katawan ko. 

"Uncle Don, help us. We badly need to get out" 

Mara's point of view.

Dahan dahan naming hinila ang katawan ng lalake sa kwarto nito. Katabi lang kasi ito ng kwarto ni Iyah. 

Nang maipasok namin ito ay agad naming kinuha ang susi ng kwarto ng mga babae. 

"Iyah? Ba't ang tagal ni Josh?" Tanong ko sa kanya. 

"I don't know e. Let me check" Sagot nito saka lumabas ulit. 

Ngunit naistatwa ito sa tapat ng pinto. 

"Iyah anong meron?" Tanong ni Lia

Kinabahan ako bigla. Hindi siya gumagalaw at nanatili lang nakatingin sa kabilang banda. Hanggang sa makarinig kami ng papalapit na mga yabag. 

"There!" Turo niya samin. 

"Yan ang mga itinakas ni Mike!" 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Matatalim ang titig niya sa amin. Iyah? 

"A-anong. Iyah anong ibig sabihin nito?!" Galit na sumbat sa kanya ni Lia. 

Di ako makagalaw. Maya maya lang ay dumungaw ang isang lalake at galit na tumingin sakin. Siya? Siya si Zion? 

Yung lalakeng sinabihan ko ng...

"Hindi lalake ang tawag sa katulad mong nananakit ng babae, kung nananakit ka, hindi ka lalake. Kung hindi ka lalake, anong uri ng hayop ka?"

Natutop ko ang ibabang bahagi ng labi ko. 

Argh! Yare. 

What the hell are you doing, Iyah.

Mabilis itong pinasok ang kwarto at sumunod naman sa kanya si Iyah. Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko dahilan para mapabitaw sa'kin si Lia. 

Akmang susuntukin niya na ko nang bigla itong matigilan at pumungay ang mga mata. 

"As what I've told you, hindi mo magugusguhan ang gagawin sayo ni kuya sa oras na galawin mo ang mga babaeng 'to" Ani Iyah. 

Saka tuluyang bumulagta si Zion. 

OMG?! It's Janiyah's strategy. 

kumindat pa samin si Iyah. Si Lia naman ay napasapo sa sariling noo nang makita ang nangyare. Nakatarak kay Zion ang isang syringe. Pampatulog ata iyon?

"Akala ko sinabotahe mo na plano ng kuya mo!" Ani Lia saka napabuga ng malalim na hininga. 

"That's the strategy" Asik ni iyah. 

"F-you" Sabay naming saad ni Lia sa kanya at naka middle finger pa. 

"Aw, what a motivational compliment" ani Iyah.

"It's not a compliment" Sabat ni Lia.

"But I'll consider it as one" Ganti naman ni Iyah. 

Saka niyakap kaming dalawa. Pero agad akong napahiwalay dito. 

"Iyah sa likod mo!" Natatarantang saad ko nang makitang may nakatutok na baril sa ulo ni Iyah. 

Si Zion, nakatayo ulit! 

"Iyah nga naman talaga, masyado kang marangal, you're a plan virtuos--"

Hindi na natuloy ang mga sasabihin nito nang bigla na naman itong bumulagta. 

And there he is. Josh. Our ultimate rescuer. 

"Are you girls okay?" Nag aalalang tanong niya sa amin. 

"Yes" Sabay sabay naming tugon. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status