Share

VII

"Grabe ka naman! Hindi kaba natatakot lia? Sanay kana ba na laging ganon nakikita mo?" Singhal ko kay Lia na kinatigil niya. Alam kong baguhan lang ako dito at di pa lahat ng napagdaanan nila ay naranasan ko na. Pero bakit gano'n na lang ang reaksyon niya? Di ba siya nanghihinayang sa buhay ng iba? 

Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang sunod sunod na kalabog ang narinig ko mula sa labas. 

Napabalikwas ako at medyo hilong bumangon at sinilip ang nangyayare sa labas. Nakita ko ang grupo ng kalalahkihan na pumasok sa isang kwarto katapat ng kay Lia. 

Narinig ko ang pagmamakaawa ng babaeng nandoon na pakawalan siya ng mga ito. Nang ilabas nila ang babae ay gano'n na lang ang pagkagulat ko. 

She can't even look. I think she's losing her eyesight pero pinipilit parin nila itong tumayo at maglakad. Namamaga ang buong mukha nito lalo na sa may bandang mata at halos hindi na ito makakita. 

Nang hindi pa siya makatayo ay hinampas nila ito ng tubo sa paa. Napakagat labi ako sa nakita at hindi ko na napigilan ang sariling luha ko habang naririnig ang sigaw nito, nasasaktan siya. 

Pinagmasdan ko ulit ang itsura niya, ngayon ko lang napansin na namamantal ang buong katawan niya at ang daming pasa. Nakaluhod na ito ngayon at sinisikap tumayo habang hila hila ng isang lalake ang makapal na lubid na nakapulupot sa mga kamay niya. 

Nanginginig na siya at nang makatayo ay bigla na naman itong natumba at dumura ng dugo. Mukhang may sakit din siya.

Hindi na ito nakatayo at sinimulan na naman nila itong hampasin. But she didn't even move a bit. She's just shaking. 

Nakita kong tuloy tuloy ang luha niya, umiiyak siya nang walang ingay. 

"Stand up slut!" Sigaw ng lalake at nang hindi ito tumayo ay bumulong siya sa katabi niya. Tumango ito sa kanya at pinakawalan sa lubid ang kamay ng babae. 

Iniabot niya iyon sa humahampas. Halos mapasigaw ako nang bigla niyang hatawin ito ng lubid sa likod. Napasigaw sa sakit ang babae. 

Tinuloy tuloy niya iyon, hinataw niya lang ng hinataw ang katawan nito ng maraming beses. Until she stopped screaming. Unresponsive. 

Napatakip ako ng bibig para pigilan ang hikbing gustong kumawala. I saw everything! I witnessed her cries, the way she begged to them but they didn't listened. Now she's just lying down the floor. Showering in her own blood, unconscious. 

They killed her.

Mahigpit na nakakuyom ang mga kamay ko. Gustong gusto ko silang gantihan! Gusto kong sumigaw! Pero naduduwag ako. 

Nanatili akong nakatingin. 

Nang mapansin nilang wala nang buhay ang babae ay hinila nila ito palabas sa hallway. 

Ang tatlong lalake ay nagpaiwan. Nagmasid lang ako. 

They looked around the hallway. At agad na nagtungo sa dulo, tumigil ang mga ito sa harap ng pangalawang pinto at pinasok iyon. 

"No! Please!" Sigaw ng babaeng nasa loob nito. 

Hinatak nila ito palabas at wala na itong nagawa nang makita niya ang makapal na lubid na pinanghampas sa babaeng pinatay nila. May mga bahid pa iyon ng dugo. 

Nagpahila na lang siya sa mga ito.

Natuyo ang mga luha ko nang tulala parin sa mga nasaksihan. 

Dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama at maya maya lang ay narinig ko ang boses ni lia. 

"Don't mind them, as long as you're safe. You don't need to cry." Aniya na ikinapantig ng tainga ko. 

"Grabe ka naman! Hindi kaba natatakot lia? Sanay kana ba na laging ganon ang nakikita mo?" Singhal ko sa kanya na ikinatigil niya. 

Alam kong wala akong karapatan maging ganto dahil pare parehas lang naman kaming natatakot pero ang hindi ko maintindihan ay bakit parang hindi man lang siya naawa sa kapwa niya babae? 

"Bakit parang wala kang pakealam? Alam kong nakita mo rin kung pano nila patayin yung babae, bakit parang wala lang sa'yo?" Tanong ko.

Binuksan niya yung bintana kanina kaya alam kong nasilip niya kong umiiyak. 

"Come here" Aniya. 

Marahan akong lumapit sa kanya at padabog na naupo. 

"Wipe your tears, Mara. Akala mo lang wala akong pakealam pero pinipigilan ko lang din ang sarili kong umawat. Pag ginawa ko yon, ako ang kukunin nila. Gano'n din ang mangyayare sa'yo pag sinubukan mong magsalita. Sa ganitong sitwasyon, dapat pa tayong magpasalamat kasi hindi tayo kinuha. Ang babaeng 'yon ay di na rin naman magtatagal, nakasama siya sa mga nag failed na samples kaya nanghihina na siya ngayon. Naiintindihan kong gusto mo silang pigilan, pero mas mainam kung manahimik ka na lang." Anito. 

Umawang ang labi ko at parang gusto ko ulit umiyak. 

"A-ayoko na dito." Ang bigat sa d****b.

"Makakaalis din tayo dito, di magtatagal ay makakalabas din tayo. Sa ngayon, kailangan mo munang mag tiis." Pag aalo niya sa akin. Gusto ko siyang yakapin kaso napakalaki ng harang namin.

"Shh. Magpakatatag ka lang, diba ikaw ang nagsabi na makakamit rin natin ang hustisya? Magiging maayos din ang lahat." Tinanguan ko ito. Kahit papaano ay nabawasan ang sama ng loob ko dahil sa mga sinabi nito. Sana lang. 

Sana lang makalabas pa kami. 

Ayokong manatili sa lugar na to. Ayokong gamitin nila ko nang walang kalaban laban.

Ayokong mamatay. 

_______________________________________________

Gabi na nang magising ako ulit, agad akong nakatulog dahil pagod ang mga mata ko. Unang pumasok sa isipan ko yung nangyare kanina. Pero agad ko rin iyong iwinakli. 

Bumangon na ako para maligo. Binilisan ko lang at nagpalit na ng baby blue na hospital dress. 

Pagkalabas ko ng banyo ay saktong pagdating ni Josh. At sa isang iglap, kinabahan ako. Kabang hindi dahil sa nerbiyos. Basta nang makita ko siya, di ako mapakali na ewan.

"Ba't lugaw?" Tanong ko agad dito kahit kabubukas lang ng pinto. 

Natigilan siya saglit at kinunotan lang ako ng noo bago ilapag yung tray sa kama ko at dere deretso siyang umupo sa sofa. 

"Eat" Tinitigan ko lang ito saka marahang umiling. 

"Wag kang mag-inarte" Pagrereklamo niya. 

Nang tingnan ko siya ay natawa ko sa itsura nito. 

He's annoyed. Ang cute niya asarin. At sa muling pagkakataon, napakaginhawa sa pakiramdam. 

"Kumain kana"

"Di ako gutom"

Bigla namang tumunog yung tiyan ko. Ang lakas.

This badass belly. Nambubulabog e.

He chuckled after hearing it. Di na tuloy ako makatingin sa kanya. 

"Next time, galingan mo magsinungaling" Sinamaan ko siya ng tingin at bumuntong hininga na lang. No choice. 

Agad kong pinatos yung lugaw and infairness. Malasa siya. Okay gusto ko na pala nito. 

Grabe, gutom na gutom ako tapos ganito lang yung ihahain nila sakin? Dapat seafoods na may kasamang desserts para kahit papano maging hayahay naman buhay namin dito kahit sa pagkain lang.

"Dahan dahan" Puna niya pero di ko siya pinansin. 

Mabilis ko iyong inubos at nakulangan pa ako. 

"Kulang pa" Abot ko sa kanya ng bowl, naningkit bigla ang mga mata niya. 

"Sabi mo hindi ka gutom, nag iinarte ka pa sa pagkain tapos ngayon sasabihin mo kulang?" Panunumbat niya na di man lang nagbago ang ekspresyon.

"Nyanyenye tepes sesebehen me keleng?" I said while rolling my eyes, mocking him. 

"F" Pagsusungit niya at agad na kinuha ang bowl ko.

"Sigurado ka bang gutom ka pa?" Tanong niya. 

"Oo nga" Tumayo siya at naglakad palabas ng kwarto ko. Omg. Kukunan niya pa talaga ko. Nang makalabas na siya ay napansin kong di niya iyon ni lock. Maingat akong kumilos at sinilip ang labas ng kwarto ko.

Ang daming mga nakabantay sa dulo.

Dali dali ko iyong sinara at nag behave na lang sa kama ko. 

Nagpagulong gulong ako saka tumitig sa kisame. What just happened earlier is traumatic. 

Pero parang di ako nakakaramdam ng takot kapag kasama ko si Lia at Josh. Parang nawawala ang kaba ko knowing na hindi niya ko basta basta hahayaang makalapit ang mga alagad ng tatay niya sakin. 

Sweet isn't it? With a little bit of possessiveness.

Nakangiti kong iniimagine ang itsura niya. The way he glance at me, the way he smiles. Nakakatunaw. I can't deny the fact that he's attractive. 

Oh men, shut up. Dalawang beses palang kayong nag uusap. 

Mariin kong nakagat ang pang ibabang labi ko nang maalala ko naman yung mga ngiti niya kagabi.

Napagulong ako sa kama habang naiiling. 

"Umalis lang ako saglit, pinagnasaan mo na ako." 

Halos mapatalon na ko sa gulat nang makita siyang nakatayo at sinasara na pabalik ang pinto. May dala siyang pagkain at hindi na iyon lugaw.

"Ayusin mo bibig mo salpakan ko ng pagkain yan." Napakurap ako sa sinabi niya at tinikom ang bibig ko nang marelize na nakakanganga pa rin pala ako. Di naka get over.

"Here, two for you one for me" Alok niya. 

"Ba't ang laki niyan?"

"Eh malaki eh."

"Nakakapagod yan nguyain."

"Arte mo."

"Ang taba pa" Nakita ko lumingon siya sakin nang natatawa tawa. 

Ghad. Nakagat ko ang labi ko nang wala sa oras. 

Feeling ko namumula ako. Nag iinit pisngi ko. Ngayon ko lang narealize yung sinabi ko.

Ba't ba iba nasa isip nito ha? Napaka berde.

Tumahimik na lang ako at kinuha yung tinapay na may matabang hotdog sa loob at kinain. 

"Mataba pinili ko para mabusog ka kaagad"

"Shut up"

"Attitude" Tinarayan ko lang siya at di na pinansin. 

"Are you a college student?" Kalauna'y tanong niya. 

"Obvious naman sa edad ko diba? 2nd sem ko na sana ngayon kung di lang ako kinidnap kidnap ng tauhan ng daddy mo" Tinawanan niya lang ako. 

"Course?" 

"Legal management" Sagot ko habang ngumunguya. 

Nanlaki ang mga mata niya. "Future what? lawyer?" He said.

Tinanguan ko lang ito. 

"Ang hirap niyan, makakapal na libro babangga sayo"

Nagkibit balikat lang ako. 

"I'm not scared of big books and besides, I'm determined." I said looking directly to his eyes. 

Natahimik siya saglit, parang may biglang bumagabag sa kanya. Wala namang mali sa sinabi ko a?

Natapos na kaming kumain at di na siya muling nagsalita. 

"Uh, ang boring naman dito. Wala ka bang kayamanan sa kwarto na 'to?" 

"Remove that pillow" Aniyang nakatingin sa unang nakasandal sa headboard ng kama ko. 

"Bakit? Anong meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. 

"Tanggalin mo lang" Utos niya. 

Agad kong tinanggal ang unan na sinasabi niya at may nakasulat sa headboard. 

"Anong mayroon dito?" 

"Kayamanan" Aniya. I look back at it and realizes that it was a short poem. 

Sa isang nayon na malaya. 

Isang prinsipe ang tila nawawala

Napakaganda ng alon ng dagat

Ngunit nang lumapit ay agad iyong kumalat

Nagtungo siya nakapintang rosas, ngunit nang hawakan niya'y agad itong kumupas

Isang marikit na dalaga ang kanyang namataan

Ngunit nang lapitan ay naglaho ito sa kawalan

Luha. Pagod. Ipinikit niya ang mga mata 

Nang magdilat ay nasa madilim na silid na

Panaginip lamang ang saglit na saya

At ang nayong malaya ay di na niya makikita pa

That's it. Woah. Nagbibiro lang naman ako tungkol sa kayamanan kanina. 

May malalim na kahulugan ito pero parang di ko maisip kung ano iyon. Nilingon ko si Josh at ngumiti siya sakin. 

I got goosebumps. Ang ganda talaga lagi ng view pag ngumingiti siya.

"You might not understand its meaning right now. But, someday you will" Aniya. 

His cold tone. Ba't parang nasaktan ako sa paraan ng pagkakasabi niya no'n? 

He sounds serious but the way he said someday seemed like he's hopeless. Natahimik ang buong kwarto at sa huli, ako din ang unang nagsalita. 

"By the way, bakit alam mong may nakasulat dito?" I asked, breaking the silence.

"Room ko 'to dati, pero pinalipat nila ko nang dumami na kayo." Tinanguan ko siya. 

"Actually, punong puno ng sulat ko 'tong kwarto na 'to noon, boring e. Kaso pininturahan nila at 'yang tulang yan na lang ang natira, kaya tinuring kong kayamanan." 

Pilit ko siyang nginitian dahil do'n. 

Kung may magagawa lang ako. Kung kaya ko lang alisin yung lungkot na nararamdaman niya, gagawin ko. Ang sakit isipin na pare parehas lang kaming walang laban. Gusto man naming tulungan ang isa't isa ay wala kaming magawa. Dahil pare parehas lang kaming biktima. 

______________________________________________

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo. Akala ko noong umpisa, ay di ko makakayanang tumagal dito pero parang bumabaliktad na ang lahat. 

Sa loob ng dalawang linggo ay nakasanayan ko nang mabuhay sa tahimik na lugar na ito. Parang wala na lang din sakin na makarinig ng pagmamakaawa ng iba. Tama si Lia, dahil ngayon unti unti ko nang narerealize na dapat manahimik na lang. 

At ang lungkot? Dahan dahan na ring nabubura, dahil yun kay Josh. Walang gabi na nagdaan na malungkot ako. Palagi siyang nandiyan. Hindi lang pagkain ang dala, lagi na ding may baong topic na pwede naming pagkwentuhan. Para bang, tinutulungan namin ang isa't isa na manatiling buhay ang loob kahit nasa magulong lugar kami. 

Di ko ugaling makipag lapit sa mga lalake but because of his warm personality, we became close. So whenever he visits, we always laugh silently.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status