Share

XI

Rise and shine! Kahit walang sunshine. I missed the sunlight, it's been a month since the last time I saw it. 

Maaga akong nagising, less puyat na kasi ako these past few days. Limang araw ko nang di nakikita si Josh. Limang araw na siyang hindi dumadalaw sakin. Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili kong nasanay na'ko sa presensya nito. 

Halos gabi gabi kong hinihintay ang pagdating niya, hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko iyong sakit sa tuwing naaalala ko mga ngiti niya. Iyong h***k niya. Para akong nauuhaw sa presensya nito. At ngayong wala siya, hindi ko maiwasang malungkot. Parang kulang ang bawat araw na nagdadaan nang wala siya. Kahit pa saglit na panahon palang kaming magkakilala.

Gusto ko na siyang makita.

Nevermind. 

Hindi naman ako nahuhulog diba? Hindi naman, diba? At saka yokong magmahal sa loob ng impyernong 'to. Mahirap na. 

Tss. Why am I thinking about those things? Gising Mara. Nasanay ka lang sa tao. Walang mahal mahal. Namimiss mo lang yung tao. 

Tssss.

Bumangon na'ko at naghanda ng damit bago pumasok sa banyo at maligo. Paglabas ko ay, as usual boring. Kaya naghanap ako ng pagkakaabalahan. Since tapos na'ko ko sa isang buwang kaartehan at pa iyak iyak. Alam kong ayos lang naman magbuhos ng emosyon but, I think it's enough. Nasanay na'ko. I should move forward. 

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto habang tinutuyo ang buhok ko. Mukhang wala naman akong makakalikot dito. Sumandal na lang ulit ako at napa buntong hininga. 

I was about to lay down when I remember something.

Yung ilalim ng kama ko. I haven't raid it yet before. 

Dali dali akong bumaba ng kama, may dalawang na pupull out doon, isa sa baba isa sa taas. Binuksan ko ang nasa baba, di ko pa kasi nakakalikot 'yon. I was expecting to see something inside but puro towel at damit pang asylum lang din iyon. Tskk.

Nagsayang lang ako ng madaming expectations para doon. Nang itulak ko iyon pabalik ay may kung anong humarang dito. 

I reach out for it only to find a small box, obviously it was a ring box. 

Nagtataka ko itong binuksan. And my lips parted when i saw a lot of small cut out printed family photos inside. 

These photos are perfectly cut as the size of the box.

Litrato ng pamilya nila Josh. 

They we're smiling, parang totoong masaya. Parang ordinaryong family picture lang. Ten pictures ito. May mga nagbabonding sila, mayroong nasa kainan, walang pinagkaiba. Ang galing nilang magpanggap, lahat ata ito ay mga litrato nilang magkakasama? 

Tinignan ko iyon isa isa until the last photo - that caught my attention. 

It was their mom and dad's wedding photo. Napangiti ako, ang ganda ng mommy niya. Ang hugis ng mukha, maging ang mga ngiti nito, kuhang kuha ni Josh. 

"Hey, what are you doing?" Napatingin ako sa gawi ni Lia nang nanlalake ang mga mata.

"Wala" Sabi ko at nagmamadaling ibinalik ang mga litrato sa box at tinago sa ilalim ng unan ko. 

"Wala, pero nakangiti ka--" Bigla siyang natigilan, parang may naisip na kung ano. 

"Nainjectionan ka ba nila?! Oh my God Mara! Baka nababaliw kana!" 

Exaggeration lvl 9999

Tinarayan ko lang siya at nagtungo sa bintana namin. 

"I saw Joshua's family photos" Pauna ko. 

She nodded. 

"Kaya naman pala nakangiti, may piktyur pala ng bebe" Hagikhik niya. 

"Ano?" Pagpapatay malisya ko. 

"Kaya naman pala nakangiti, may piktyur pala ng beb--" 

"Di ko sinabing ulitin mo!"

"You just said it, idiot" ganti niya. Inis ko siyang tinapunan ng tingin. 

Tss. 

"By the way, saan mo nakita yung photos?" Tanong niya.

"Diyan lang sa tabi tabi" Pinanlakihan niya ko ng mga mata. 

"San nga?" 

"Sa ilalim ng kama, okay?" Mukha namang nakumbinsi siya at tumango na lang. 

"Sabagay. Kwarto nga naman pala ni Josh yan dati. Just informing you." 

"I know. He told me already." Pagkasabi ko niyon ay bigla siyang umayos ng upo paharap sakin. 

"Umamin ka nga, kailan pa naging kayo?" Para akong nabulunan kahit wala naman akong kinakain. 

Inis ko siyang tinignan, natatawa tawa pa ang gaga. 

"Anong klaseng tanong naman yan?"

"Just answer me girl" 

"Walang kami. Di ako nag boboyfriend no?" 

"We? Sayang ang pogi pa naman ni Josh"

"Di ko siya type" Pagtanggi ko kahit parang totoo naman. So what? Type lang naman e. Nothing's more than that. 

"Hindi daw type, pero ang laki ng ngiti pag nakikita. Girl masyado kang obvious mag sinungaling" Pang huhuli niya pa sa akin, tinaliman ko pa siya lalo ng tingin saka inambahan. 

"Oo na! Type lang naman e. Crush crush lang" Lumaki pa lalo ang mga mata niya. 

"God! Crush mo lang ngayon yan tapos mamaya mahal mo na! Oh my God Mara! Nafafall ka sa tamang tao. Wag mong pipigilan a? Masamang balewalain ang pagkain" Kinikilig na saad niya. 

"Pagkain?" Biglang lumiwanag ang mukha nito. 

"Oo girl, pagkain girl. Masarap na pagkain si Josh" Pinandirian ko siya ng tingin. 

"Masarap na pagkain? Bakit natikman mo na?" 

"Hindi. At saka wala akong balak tikman yan, iyo na yan. Ikaw type e" Parang kinuryente naman ang katawan ko 

'Ikaw type e' sabi na nga ba at mag e-echo na naman sa isip ko e. 

Seriously? Si Nathalia pa ba to? Ba't parang nasobrahan naman sa landi? 

Hayst, ang puso ko. Parang tumalon saglit yung puso ko. Nyeta tong si Lia, parang mali ata na kinausap ko 'to. 

"Ayan diba?! Nagba blush ka! Wag mong sabihing sinapak ka lang sa pisnge!" I smirked.

"Alam mo?--"

"Hindi pa"

"Makinig ka muna!" Singhal ko. Parang nasayang lang yung inis ko kase pinagtawanan niya lang ako. 

"Okay, go on sis" She said between her laughs. Umirap muna ako bago nagsalita. 

"Naa attract ako kay Josh pero hanggang dun lang 'yon, okay? Iwasan mo nang lagyan ng malisya, baka ikaw lang yung masaktan kakaasa mo sa love story namin."

Mapakla siyang natawa. 

"Masaya ka ba kapag kasama mo siya?"

"Yah" I answered, casually. 

"Nasasaktan ka kapag di ka niya pinupuntahan?" 

Natigilan ako. 

"O-oo"

"Malala kana Mara" Sambit nito. 

And now she seemed serious, kaya sumeryoso na lang din ako. Here it goes again, mag ispeech na naman 'to. 

"Those are the signs na nahuhulog kana sa tao, kung talagang infatuation lang yan, hanggang kilig lang mararamdaman mo towards that person. Pero kung higit pa diyan ang nararamdaman mo, ibig sabihin, nahuhulog kana. Gusto mo na laging makita siya, okupado niya isip mo. Di mo lang napapansin na nahuhulog kana kasi tinatanggi pa ng paniniwala mo. Kung ayaw mo talagang mahulog sa tao, then be careful" Pagseseryoso niya. 

"Madalas kasi, yung mga simpleng bagay na ginagawa ng taong nagpapasaya sayo, mabilis na umuukit ng pwesto sa puso mo. Kaya ultimo presensya niya hinahanap mo, kasi habang tumatagal nakukuha na niya buong sistema mo. Nako! Pag tumagal pa yan, diyan ka na mag sisimulang mag expect, umasa. Hanggang sa di mo na mapigilan, di na kayang i-deny ng puso mo. Yan ang dahilan kung ba't nagiging tanga ang mga tao. Tapos sasabihin nilang masakit magmahal kasi lagi silang umaasa" Aniya, sa pananalita niya ay para siyang nanunumbat ng isang batang gala. 

"Well, kasalanan din naman nila. Di nila inaalam ang kaibahan ng 'crush' sa 'pagmamahal'. Hinahayaan nilang mag grow yung feelings nila sa taong nagiging happiness nila. Hanggang sa magsimula na rin silang mag expect, tapos masasaktan sila sa reyalidad. Na hindi sila kayang suklian ng pagmahahal, dahilan kung bakit sila nagiging bitter. They always say that love hurts without admitting that it's their fault. Actually di naman kasalanan mahulog sa isang tao, in fact, being inlove is a wonderful feeling. Kaso lang, sa mga ganoong sitwasyon, mahirap talaga. Nagiging one sided love pag hindi mo sigurado kung may nararamdaman din ba sayo yung isang tao. Yan yung nangyayare sa iba, masyado silang umaasa sa pagmamahal na di naman para sa kanila" Aniya, essay te?

Speechless. Hindi ako nakakibo. Paano? Eh bawat salita niya tumatagos sa diwa ko. 

"At lahat yan mangyayare din sayo, pag di mo inalam kung ano na ba talaga siya para sayo. Di mo na mapipigilan yan pag lumalim na, magugulat ka na lang ayaw mo nang humiwalay sa kanya." Paliwanang niya.

Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan siyang unti unting pinapaamin ang puso ko. Ang dami niyang alam sa pag ibig. Mukha ring naranasan niya na masaktan. 

"But, good for you Mara. Mukhang parehas lang naman kayong nagtataguan ng feeling e hahahaha. Aminin niyo na kase!"

Napailing iling ako nang magising niya ang diwa ko. Lahat ng sinabi niya tumutugma sa kasalukuyang nararamdaman ko!

No way, hindi pwede 'to. 

Napagakat labi ako. 

Paano? Eh nasapul niya ang totoo. Baka nga di ko pa maamin sa sarili ko kasi tinatanggi pa ng paniniwala ko. 

Paano na 'to ngayon? Nahuhulog nga ba ko? 

Shit.

Kung gano'n nga, then he'll be my first flirt. First love!

Para kong tangang nilingon si Lia. 

"K-kung sakaling nahuhulog nga ako, b-bakit ang bilis naman?"

Ngumiti siya. 

"Girl, walang pinipiling panahon ang pagmamahal. Yung iba nga, ilang araw lang nakita mahal na agad, palibhasa pogi. Paano pa kaya sa sitwasyon mo? Sinasamahan ka lagi ng tao tas pinapagaan pa loob mo. Sige nga? Ngayon mo sabihing crush mo lang talaga siya?!" 

Napabuntong hininga ako. Mariin kong kinagat ang pang ibabang labi ko. Paano to? Di ko alam gagawin ko! At mas lalong di ko alam kung tama pa ba tong nararamdaman ko. Kinakabahan ako bigla. 

Di ko naman alam na ganoon pala kabilis 'yon. I mean, isang buwan ko palang siyang nakakasama, isang buwan palang. Pero pakiramdam ko, ang laki na ng pwesto niya sa puso ko.

Ghad!! Hindi pwede!

Pipigilan ko ba? O hahayaan ko na lang mahulog ako sa kanya? Parang mas lalo akong nakulong.

Kasalanan ko 'to. Kung pinagpaliban ko na lang yung pag dedeliver noon tas nagsumbong nako sa pulis edi sana di nako napunta dito? Tas ngayon, nahuhulog ako? Nononononono. No way. 

Tsk. Problems are chasing me. 

"May iba ka bang gamit diyan na pwede kong pagkaabalahan?!"

"Ha?!" Gulat na tanong niya.

_______________________________________________

Nagising ako nang may maamoy akong pamilyar. The aroma of barbecue, nagutom ako bigla. Pagtingin ko sa orasan, pasado alas singko na ng hapon. Lumihis ako nang maramdaman ko ang isang bagay na nahigaan ko. 

Yung librong pinahiram sakin ni Lia. Iginilid ko ito saka bumangon. Hiniram ko talaga yun sa kanya para matigil yung topic namin since sabi din naman niya ay may mga libro na daw talaga sa kwarto niya nang dumating siya doon. Edi hiniram ko na lang din, napansin niya rin sigurong sensitive sakin yung pinaguusapan namin kaya no choice siya, pinahiram niya sakin tong librong 'to. 

Makapal na history book, sobrang luma na nito at kargado pa ng iba't ibang lenggwahe. Puro washingingwashinging nababasa ko, alien ata may ari nito.

Inayos ko na ang sarili ko at sinuklay ang buhok ng sariling kamay. Napakahaba na nito. Balak ko na sanang magpagupit no'n pagkauwi ko galing school. Kaso bigla naman akong dinukot ng lintek na Kit yon. Hanggang bewang ko na tuloy. Nakakainis minsan bumubuhol pa. 

Yung shampoo nila pang makaluma din e. 

Mapa tao o gamit dito di matitino, well except samin. 

Ilang ulit pa kong nagpa gulong gulong sa kama ko sa kakaintay ng pagkain, pagkain nga ba hinihintay ko? O si

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng ingay sa tapat ng pinto. Pumasok ang lalaking tagapag hatid namin. Siya na lagi ang naghahatid ng tray simula nung magkainitan si Josh at daddy niya, yun na rin ang huling kita naming dalawa. 

Natatakam kong tinignan ang dala nito, may barbecue eh. Tulad nang nangyare nung nakaraan, iniwan lang din ako ng lalakeng yon, di na ko inantay matapos. 

Pag nilanggam tong tray niya dito ibabato ko 'to sa mukha niya. Wala nang ano-ano. 

Dare me.

Marahan akong humiga pagkatapos kong mag countdown. Wala lang, nag count down lang ako ng oras. Saktong alas nuwebe na ng gabi at napag desisyunan ko na ring matulog. Wala na rin naman akong gagawin, napag sawaan ko na yung libro ni Lia. Di rin naman kasi maintindihan yung nilalaman non. 

Ganoon naman talaga diba? Pag di na naiintindihan, nakakasawa na. Periodt.

Tsaka wala na rin naman akong nakakausap kase di na ko dinadalaw ni Josh, ayoko ko rin makipagdaldalan kay Lia at puro panunukso na naman ang ibubungad niya. 

Napakaboring ng buhay. 

Hayss. 

Saglit akong tumulala sa kisame, when suddenly... Eto na naman. Naalala ko naman mga ngiti niya. 

You know what? He got this 'killer smile'. Yung tipong sa sandaling ngumiti siya, patay ka. Kaya di na ko magtataka pag nangyare sakin yung mga sinabi ni Lia, kapag naiisip ko siya, para akong nahuhulog ng paulit-ulit. And yeah, aware nakong mabilis 'tong mag grow and the decision is up to me kung hahayaan ko ang sarili kong mahulog sa kanya ngayong wala kami sa tamang panahon, o lugar. Wala kaming kalayaan. 

But incase na matuluyan ako, sasaluhin niya kaya ko? 

Ang hirap. Ganito ba talaga pag nagmamahal? Kailangan lahat ng gawin mo aprubado ng puso at isip mo? 

Natigilan ako nang makarinig ako ng kaunting ingay mula sa labas. 

I got up and was about to sneak when my door quickly opened. 

At nalaglag ang panga ko sa bumungad sakin...

A man standing infront of me, wearing a plain black shirt and black shorts. Holding a bottle of beer. 

As I look back at him, he plastered a sweet smile and my heart just skipped a beat. 

"Josh"

"Hi" He uttered. Staring directly into my eyes. Siya ang unang nagbaba ng tingin nang hindi ako makasagot. I was stunned, he's so handsome. Pero natauhan ako nang tumikhim ito. 

Umatras ako ng kaunti para magbigay daan. He closed the door and walked in. 

Totoo ba 'to?! Nandirito siya ngayon?

Umupo agad ito sa gilid ng kama ko.

"B-bakit ka nandito?" Natawa siya sa tanong ko. 

Mara naman, mali tanong mo e! Dapat nag hi kana lang muna.

"I just missed you" Tuluyan nang nalaglag ang panga ko sa sinabi nito.

Parang may kung anong dumaloy sa buong katawan ko. Nagwala bigla ang puso ko! No way. 

Di ako makapagsalita hanggang sa siya na unang bumasag ng katahimikan. 

"Mara"

"Y-yes?

"Let's escape"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status