Share

VI

Napakapit ako sa paanan ng kama ko nang pumasok ang tatlong kalalakihan sa kwarto ko. Napasigaw na lang ako nang hilahin nila ako palabas.

"Wag niyo siyang gagalawin!" Rinig kong sigaw ni Lia. Nakita kong nakabukas ang bintana at pilit na hinahawakan ni Lia ang paa ng isang lalake.

Sinipa siya nito at tinadyakan ang bintana para sumara. Napaaray ako nang higpitan pa nila ang pagkakakapit sa braso ko. Hindi ko kayang manlaban kaya't hinayaan ko na lang na tangayin na ko.

Akmang palabas na kami sa hallway nang matigilan ang mga ito.

"Huwag siya" Anang isang lalakeng matangkad at maputi. Seryoso itong nakatingin sa lalakeng nakahawak sa braso ko.

"P-pero boss, kailangan may maibenta tayo ngayon."

Boss?

Tumaas ang sulok ng labi nito.

"Baguhan ang babaeng 'yan, humanap kayo ng iba. Ibalik niyo na siya sa kwarto niya." Utos nito.

"P-pero boss--"

"I said bring her back to her room!" Gulat akong napatingin dito. Ganon din ang ibang lalakeng nasa tabi ko.

His voice is full of authority. Sino ba siya? At tsaka? Boss nila 'to?

Bakit ayaw niya kong kunin ng mga 'to?

Napayuko na lamang ang mga 'to at iginiya ako pabalik sa kwarto ko.

I looked back at him - to the man who saved me.

He's still looking at me. And now, he seems so calm. Mood swings? Ikinandado na ulit nila ang kwarto ko at tuluyan nang umalis. I was left dumbfounded, I can't move. Nakatulala lang akong nakatingin sa pinto. What did just happened?

"Hey, you okay?" Muntik na kong mapatalon sa gulat nang marinig kong mag salita si Lia.

"O-okay lang ako, what was that for? Bakit pinaghihila nila ko palabas?" Tanong ko.

Lumapit ako sa bintana namin. Binuksan niya ang spring nito. Maliit lang ang bintana, para lang siyang box ng sapatos. Pero hindi naging hadlang para sa kanya na pigilan ang mga gustong kumuha sakin kanina.

Matagal bago siya sumagot.

"I'm not sure but, palagay ko ibebenta nila ang laman mo."

"Laman--what?" Naguguluhan kong angil.

"Yeah, alam kong alam mo rin ang ibig sabihin niyan, di ba nga kumukuha sila ng mga babae dito para gawing parausan ng mga rebelde? Malaki ang nakukuhang pera ni Carlos sa mga gano'n kaya pinagpapatuloy niya pa rin." Paliwanag nito.

Akala ko lamang loob.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong natulala sa narinig. Hindi ko ineexpect na ganon pala talaga sila ka baboy dito. Wala akong karanasan, at iniingat ingatan ko ang pagkababae ko, tapos ibebenta nila ko ng gano'n gano'n lang?

"By the way, papaanong ibinalik ka nila ulit? Anong nangyare?" Mahinang tanong niya.

"M-may lalakeng pumigil sa kanila, di ako pamilyar sa mukha pero matangkad siya, maputi at... at--"

"At gwapo?" Dugtong niya.

"O-oo, sino ba siya?" Pag iiba ko nang tanong nang magsimula na siyang humagikhik, mukhang kinikilig.

"Panganay na anak siya ni Carlos" Deretsang sagot nito na kinalaglag ng panga ko.

Oh my God.

Kaya pala gano'n na lang kung makautos ang lalakeng yon, kaya pala parang takot ang lahat sa kanya kanina. Pero ba't...

"Siya si Josh, napaka cold ng personality niyan, yun ang napansin ko sa kanya. Pero hindi ko alam kung gano'n ba talaga siya pag naging ka close mo." Aniya.

"Mukhang cold nga siya, yun din ang napansin ko. Masyadong seryoso." Pagsang ayon ko sa kanya habang inaalala ang mukha ng lalakeng yon, maging ang reaksyon at galaw niya.

"Pero di siya tulad ng daddy niya, pinoprotektahan niya ang mga babae hangga't kaya niya. Minsan pa nga naririnig namin ang sigawan nilang mag ama. Pinapatigil niya yung ama niya sa kahibangan."

Bahagya akong natigilan sa sinabi nito.

"So, hindi siya dumudukot ng mga babae?"

"Hindi. Pero kahit kontra siya sa ginagawa ng tatay niya, wala siyang choice. Sadyang matigas si Carlos."

Napatango ako sa sinabi nito. Sabagay, sino ba namang anak ang nasusunod?

_________________________________

Buong araw akong tahimik at sinasala ang lahat ng mga kaganapang bigla na lang nag sulputan sa buhay ko. Di ko na namalayan ang oras na tumakbo. Tulog tulala, tulog tulala at paulit ulit na tulog tulala lang ang nagawa ko sa isang buong araw.

Kung gaano kaboring yung buhay ko sa labas ay wala pang katiting kumpara dito. Literal na bilanggo. Hanggang sa gumabi, gano'n parin.

Di na halos nag iba ang posisyon ko simula pa kaninang umaga.

Maya maya ay napaayos ako ng upo nang may marinig akong nagtutulak ng cart sa labas, at nang mabuksan ang pinto ay bumungad sa akin ang bulto nito.

Hindi ko alam, pero sa lahat nang nakikita ko dito ay sa kanya lang ako nawalan ng takot. Ni wala akong naramdamang kaba o galit simula nang makita ko siya.

There he is.

Josh.

May dala itong malaking tray ng pagkain at isang malaking bote ng tubig. Nilapag niya iyon sa gilid ng kama ko.

"Eat" Alok niya. As usual, malamig ang boses nito. Seryoso lagi sa bawat kilos.

"Salamat."

"Para saan 'yang salamat mo?" Anito. Bahagya akong nagulat sa tanong niya kaya nag angat ako ng tingin.

"Sa pagkain."

Narinig kong napatikhim iyon pero di ko pinansin.

"Sa pagkain lang? I think, you also need to thank me for saving you earlier" Tanong niya ulit. So hindi lang siya cold, sarcastic din.

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin pero umiwas siya at binaling sa kisame ang paningin. Nagpipigil ng tawa.

Pambihira.

"Thank you, then" I said, sarcastically.

Pilit siyang ngumiti saka tumango.

"How old are you?" Bawi niya.

"19" Simpleng sagot ko.

Sandali siyang nanahimik.

"Sorry." Napatingin ako sa kanya, sa mga mata niya. At parang may tumamang patalim sa puso ko nang mapansin ang pagbabago ng emosyon sa mga mata niya.

He's sincere.

Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa ito ang unang nagbaba ng tingin.

"It's fine." Sagot ko na lang at hindi na ito kinibo.

Sinimulan ko nang kainin ang mga pagkaing dala niya, sinimot ko. Nakakagutom eh. Mag dadalawang araw na nila kong di pinapakain. Tapos yung dinala naman ni kit sakin, di ko rin ginalaw. Mas inuna ko yung tubig na may pampatulog naman. Ang tanga ko.

Saka lang siya nag salita nang matapos na akong kumain.

"Can I stand by?" Tanong niya at umupo sa sofa na katapat lang ng kama ko.

Sinilip ko ang wall clock. 11:39 pm. Almost midnight.

Tatanggi na sana ako nang bigla akong makaisip ng magandang ideya. Pasimple akong napangiti.

Yes, I think it's time to know the rest.

"You can. But, in one condition." Saad ko nang nakataas ang kilay. Natawa siya at napailing, yan ba yung cold personality huh? Ba't parang nakakaasar naman.

"Fine. What is it?" Kalauna'y tanong niya rin.

"Simple lang. Just tell me the exact reason why the hell is this happening?" Biglang nawala nag ngiti nito at napalitan ng blangkong ekspresyon. Hindi siya sumagot.

"If you can't, then leave--"

"Okay. This is my first time. No one had ever ask me about it eversince I came here." Malamig ang tono nito. Parang napipilitan lang siya.

Di nako umimik at hinintay ko na lang magsimula siyang mag salita.

"Ang pagkamatay lang naman ni mom ang puno't dulo nito. Masyadong brutal ang pagkamatay niya at talagang binaboy nila si mom. But before that happened. Pinigilan na ni dad si mommy na sumali sa isang grupo dati na kalaunan, naging malakas na gang. Pero may mga kalaban rin sila. Ang Chronus, ang gang na yun ay kinalaban ng lider nila mommy dahil malakas ito at karamihan sa mga miyembro ng Chronus ay magagaling sa siyensya"

"Nagiimbento sila ng gamot na nag rereboost ng brain cells, at hindi lang 'yon. Usually sa mga taong nag de-deteriorate na ang kondisyon. Kailangan nila ng ganong uri ng droga para bumalik ang sigla ng mga pangangatawan nila. At isa pa, ang magandang epekto pa ng cell treatment na yun ay nagpapanatili rin ng magandang kaanyuan ng isang tao. Kaya iniingat ingatan nila ang bawat detalye nito. Si Algo Lim, ang lider nila mommy at ang kalahati ng gang ay palihim na ninakaw ang ilang mahahalagang sangkap ng chronus dahilan kung bakit nasira ang formula nila"

"Galit na galit sila sa gang nila mom at sinugod nila ito nang walang kamalay malay. Nung panahon na yun ay may di pag kakaunawaan sila mom at dad kaya sa hideout tumuloy si mom, nagsasalin siya ng mga sangkap non nang bigla silang pasukin ng chronus. Pinatay nila si mom sa harap ni uncle Don. At ang iba pang nasa hideout ay ginilitan nila isa isa. Na breakdown si papa nang malaman niya 'yon at halos isang buwan siyang di umiimik sa amin. Ang hindi namin alam nung mga panahong yon, nagpaplano na pala siyang maghiganti. Umalis na si uncle Don sa gang, at ang pumalit sa kanya? Si dad na." Paliwanag niya.

Napanganga ako sa sinabi nito. Detalyado niya ang lahat. Napailing ako at bumuntong hininga.

"Bakit? Bakit di niyo na lang ipaalam sa awtoridad na may ganitong nangyayari?"

He shook his head.

"Kilala namin si dad, gusto niya siya mismo ang gumanti. Ayaw niya ng basta hustisya lang, ayaw niyang matapos ang lahat nang hindi niya napapatay ang pumatay kay mom. Kaya imbes na mag sumbong, sumama pa siya sa gang nila mom. And he's definitely making his way to the top, funny isn't it? And now we're here, with our dad as our boss. Trapped. He didn't even hesitate for involving us here"

Napayuko ako sa sinabi nito.

"Bakit hindi niyo sinubukang tumakas?" I asked out of curiosity.

"We tried, once."

"So what happened?" Natahimik siya bigla.

"We got caught and he immediately blocked our access to the main door."

Tumango ako, nakakapanghinayang.

"How long has it been since you last saw your mom?" Wala sa sariling tanong ko dito.

Seconds passed but...

He's not answering. So i looked back at him.

Oh my God.

Natutop ko ang labi ko nang marealize kung gaano ka sensitive sa kanya yung tanong.

"Next week, will be her first death anniversary." He casually answered as if it's not that important.

First anniv? Ibig sabihin.

"Bago lang nagsimula tong ganito?" Tumango siya.

Ba't feeling ko, sa paraan ng pagkakakwento ni Lia, parang matagal nang nangyayare to. Pasimple kong kinagat ang dila ko, ano ba Mara. Ang dami na kasi agad na nangyare kaya parang matagal na panahon na. Next week is August right?

"So kailan kayo dinala ng papa mo dito?"

"Three month after mom's death" Aniya habang kinakalikot ang relo niya.

So November sila dinala dito? Hmn.

So they've been staying here for the whole 8 months? And their access have been blocked!

8 months lang naman silang kinulong ng ama nila dito. A merciless father, indeed.

Natahimik kami sandali.

"May nakakaalam ba na may nangyayareng ganito? Bukod sa mga taong nandidito?"

"None. Si uncle Don sana, but I guess, he doesn't care for us anymore. He left their gang, pagkatapos no'n di na siya nagparamdam pa" Tumango ako sa sinabi nito.

Then what are we gonna do now? Walang makakatulong samin mula sa labas. Walang nakakaalam ng lokasyon namin at lalong walang ideya ang mga nasa labas sa sitwasyon namin. We're so fucked up.

Napalingon ako kay Josh nang bigla itong tumayo. He look at the wall clock and look back at his wrist watch.

1:22 am. Umaga na.

He hurriedly cleaned my mess and took the tray.

"I'm leaving. Thank you for allowing me to stay here." He said. Nga pala, I forgot to ask him about that.

"Bakit kinailangan mong mag stay ng ilang oras dito?" I asked, confused.

He looked at me.

"I. I just don't want to be with them." He said as he turns his back and was about to leave my room.

But before he close the door, he glanced at me.

"See you later, evening" He said with a sweet smile plastered in his face.

Then he closed the door, I heard the chains clattering outside. He's locking it.

Nanatili na naman akong tulala. Napako ang tingin ko malapit sa pintuan kung saan siya nakatayo kanina.

He smiled at me. At namalayan ko na lang ang sarili ko na nakangiti na rin.

What's with that guy.

Stop it mara. May oras ka pa talaga sa mga ganyan kahit nasa impyerno ka?

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. I just realized something.

"So I'm in a bargain huh?" Sarkastikong saad ko as if may nakikinig sakin.

Hindi ko namalayan na nakatulog nako sa kakaisip ng kung ano ano. Nagising ako nang mainitan ako. Basang basa ng pawis ang likod at mga braso ko. Tinignan ko ang orasan.

It's 1 pm. Ganon kahaba ang tulog ko? Tapos inaantok pako? Naailing iling ako nang maramdaman ko na naman ang sakit sa ulo ko, yung epekto ng gamot na inilagay ni Kit sa inumin, ay nandidito pa rin.

Agad akong bumangon at inilang hakbang ang switch ng ceiling fan at pinalakasan iyon.

It's a normal day. Walang bago, magulo parin.

I miss my phone. Ganitong oras dapat nasa cafeteria ako e. Bwist na Kit 'yon.

Nagbuga ako ng malalim na hininga, nararamdaman kong inaantok parin ako.

Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang sunod sunod na kalabog ang narinig ko mula sa labas.

Sinilip ko ito at agad akong binalot ng kaba.

No.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status