Muli nila akong dinala sa kwartong pinanggalingan ko. This time, mas madilim at mas nakakatakot. Wala nang lubid na nakapulupot sa katawan ko pero ikinadena nila ang mga paa ko.
Iniwan nila akong mag isa sa nakakatakot na lugar na 'to.
Nararamdaman kong pagabi na dahil balot na balot na ng dilim ang buong paligid. Humiga ako sa manipis na karton na nakalatag sa malamig na simento nito saka niyakap ang sarili.
Ang lamig at ang lungkot.
Napatitig ako sa pinakamataas na parte ng kwarto na 'to nang mapansin ko ang kakarampot na liwanag mula dito.
May bintana, isang transparent window na may kaliitan ngunit sapat na para masilayan ang kalangitan. Nakita ko ang buwan. Buong buo ito gayundin ang liwanag na hatid nito.
My tears suddenly burst down when a painful memory came back rushing my mind.
"Ate tama na po!" Sigaw ko kay ate Kaye habang hawak hawak ko ang kamay nito na mahigpit na nakakapit sa buhok ko.
Halos maluha ako sa sakit ng pananabunot nito sa akin. Nararamdaman ko ang mga kuko nito na bumabaon sa batok at anit ko.
"Mama! Mamaa!--"
"Sabi nang tumigil kana eh!" Sumbat nito sa akin bago bitawan ang buhok ko at binigyan ako ng malakas na sampal.
"Sa susunod na pakikialaman mo ang mga gamit ko mag paalam ka muna. At saka sinong nagsabi sayo na pwede mong galawin ang mga
gamit ko?!" Panduduro niya sa'kin. Kitang kita sa mga mata niya ang matinding galit."K-kailangan ko po kasi talaga, di na po ako nakapag paalam kasi ang tagal niyo pong d-dumating." Paliwanag ko sa kanya habang hawak niya parin ang buhok ko.
"So anong pinaglalaban mo? Ako ang may kasalanan kaya di ka nakapag paalam?! Ang kapal ng mukha mo!" Sumbat niya sakin at mas lalo niya pang diniinan ang pagkakasabunot sakin, nararamdaman ko na ang paghapdi ng anit ko dahil sa mga kuko nito.
"A-ate tama na po!" Nagmamakaawang iyak ko.
"Kaye? Kaye jusko!" Tila nabuhayan ako ng loob sa biglang pagdating ni mama. Agad niya kaming pinaghiwalay ni ate saka ako niyakap ng mahigpit.
Nagsumiksik ako sa higpit ng pagkakayakap nito.
"Ano bang pumasok sa isipan mo kaye? Kinse
anyos kana pero pinapatulan mo parin 'to?" Panunumbat niya kay ate."Eh kasi kasalanan din naman ni Mara yun ma!" Sabat ni Leina, ang kaedad ko na pangalawang anak ni mama.
"Isa kapa! Alam mong mali ang ginagawa ng ate mo pero di mo man lang inaawat!" Sumbat niya rito.
"Nakakaintindi ka ba?! Kasalanan niya nga diba?!" Sigaw ni ate Kaye kay mama Leste na ikinagulat ko.
At sa isang iglap ay dumapo ang palad ni mama sa pisngi nito.
"Ayusin mo ang pagsagot mo Kaye. Hindi ko kayo pinalaking ganyan" Panunumbat niya dito habang pinapalipat lipat ang tingin kay ate Kaye at leina.
Walang imik si ate Kaye pagkatapos niyang makatanggap ng malutong na sampal mula kay mama. Nanatili itong nakayuko.
"Sa
susunod na makita kong saktanniyosi Mara, higit pa diyan ang aabutinniyo"Hinawakan ni mama Leste ang kamay ko at saka ko iginiya palabas.
Napangiti ako nang maalala ko ang mga senaryong 'yon. Kahit saan ako magpunta, o kahit sino ang nakakasalamuha ko sa pamilya nito ay may galit sakin. Pero di ko ramdam ang lahat ng 'yon, di ko alintana ang mga pananakit nila sakin dahil nandiyan siya, ang tumayong ina sa'kin sa loob ng maraming taon.
Naging kaagapay at taga protekta ko sa tuwing napag iinitan ako ng ibang tao. Sobrang gaan ng pakiramdam ko dito at wala akong pangamba dahil tiyak kong di niya ko hahayaang maapi ng iba. I'm secured whenever she's around.
Pero ngayon, wala na siya. Wala nang gagabay, poprotekta at magpapagaan ng loob ko ngayong pakiramdam ko ay naliligaw ako sa napakalayong lugar at wala nang pag-asang makalaya pa.
Mabilis na namang umagos ang masasaganang luha ko nang marealize ko na, wala na kong kakampi sa impyernong 'to. Muli, ako na lang ulit mag isa.
Nanatili ako sa ganoong posisyon habang mataman na tinitignan ang buwan na unti unti nang natatakpan ng mga ulap, maging ang mga bituin ay lumalabo na rin.
Nababawasan na ang mga liwanag, lumalalim na ang gabi. Ito ang pangalawang gabi ko sa lugar na to. Ito na rin yata ang pinaka masaklap na gabi sa buong buhay ko. Although di ko alam kung ilang araw at gabi pa akong magdurusa dito.
Kung makakalaya pa kaya ako? O makukulong na'ko sa dilim na 'to?
I never experience being in this kind of darkness before. Puro kapayapaan ang naratamdaman ko kapag nasa dilim ako noon. The reason why I considered darkness as my comfort zone. Hindi kagaya ngayon, malamig, nakakakilabot. Sa dami ng nararamdaman ko ngayon ay wala doon ang kapayapaan. This one's different, this darkness tells me that I'm totally in danger.
Ilang saglit pa akong nakatitig sa mga ulap, inaantay ang muling paglitaw ng buwan at mga bituin, ngunit tuluyan na iyong naglaho.
Natigil ang pag mumuni muni ko nang biglang kumalabog ang pinto at pumasok ang isang lalaking may dala dalang tray ng pagkain. Inilapag niya ito sa tabi ko, I stay still. Hindi ko kinibo ang presensya nito nang maramdaman kong si Kit iyon.
"Kumain kana, kung ayaw mong subuan pa kita at baka dumugo yang bibig mo" Malamig ang boses nito.
Ilang saglit pa itong nakatayo sa gilid ko hanggang sa marinig ko ang malalim na pag buntong hininga niya saka tumalikod at naglakad palabas ng silid.
Narinig ko ang muling pagkalabit nito ng kandado sa pinto. Nang masiguro kong wala na ito ay dahan dahan kong iginalaw ang katawan ko. Bumangon ako at walang ganang tinitigan ang mga pagkaing inihatid ni Kit. Ilang oras nang kumakalam ang sikmura ko pero wala akong ganang kumain. Ininom ko na lang ang tubig na kasama nito at bumalik sa pagkakahiga.
Lumipas ang ilang minuto at lalong tumitindi ang pagkalam ng sikmura ko. Bumangon ako ulit at napagdesisyunang kumain na lang. Wala na rin namang mangyayare kung paiiralin ko parin pride ko, mas papahirapan ko lang din sarili ko kung di pa ko kakain.
Akmang gagalawin ko na ito nang biglang umikot ang paningin ko. Biglang sumakit ang ulo ko at nahilo. At ilang segundo lang ay unti unti nang lumalabo ang paningin ko.
Bumigat ang talukap ng mga mata ko at tuluyan nang natumba. Nakaramdaman ako ng labis na pagka antok.
________________________________________
Di ko nabilang ang haba ng oras na naitulog ko, mabigat pa rin ang katawan ko at parang kahit anong oras ay bibigay ako.
Ang lamig na nararamdaman ko kanina ay mas dumoble pa ngayon, nang idilat ko ang mga mata ko ay maliwanag na ang buong paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize na nasa isang laboratoryo ako.
Napakadaming nakakabit sa iba't ibang parte ng katawan ko. Maluwang ang laboratoryong 'to ngunit ako lang mag isa dito. Pinilit kong gumalaw pero nanghina lang ako lalo.
Nakapulupot sa kamay ko ang makakapal na bakal, namilog lalo ang mga mata ko nang mapansing iba na ang suot ko! Ang damit na suot ko ngayon ay katulad sa suot ni Demi nang matagpuan siyang patay. Nakahospital dress.
Hindi pa rin ako makapaniwala na lahat ng pinagdaanan ko ay napagdaanan din ni Demi. Agad akong napaayos ng upo nang pumasok ang isang lalaking may katangkaran, palagay ko ay isa ito sa mga tauhan ni Kit. Nakaputi nga lang siya, pang laboratoryo ang attire. Naka full surgical mask ito at gloves.
Tumalikod ito sakin at nagtungo sa isang bahagi ng laboratoryo kung saan naroroon ang iba't ibang kagamitan sa pag oopera. Nandoon din ang mga beaker na iba iba ang sukat at may makukulay na likido ito sa loob. Nang lumingon sa akin ang lalaki ay may hawak na itong syringe.
Naalarma ako nang lumapit ito sakin at marahang hinawakan ang kanang braso ko.
"A-anong gagawin mo?" Nauutal utal kong tanong dito pero hindi ko magawang makapalag. Pinigilan ko ang mga kamay niya pero hindi ko na kaya pang pumwersa, hanggang sa tuluyan na niya itong naiturok sa akin.
"Masaya bang magpakamatay sa gutom?" Tanong ng isang tinig na umagaw ng atensyon ko. Nilingon ko ang pinaggalingan nito. Si Kit.
Nakasansal siya sa pintuan, "Ano ba tong ginagawa niyo sa'kin?!" Sigaw ko.
"It was just an experiment, wag kang overacting." Paliwanang nito na ikinapantig ng tenga ko. Overacting? Tanga ba siya?
"Nahihibang kana ba? Tinurok turukan at nilason lason niyo lang naman ako! Tapos sasabihin mo wag akong overacting? Kulang pa ba ginawa niyo?!" Galit na angil ko sa kanya at pinalipat lipat ang tingin sa kanila ng lalakeng nasa tabi ko.
"Yes Mara, kulang na kulang pa yang nararanasan mo kaya matuto kang manahimik kung ayaw mong matapos ng maaga yang buhay mo." Malamig na turan niya.
Kahit may kalayuan ang distansya namin ay kitang kita pa rin ang galit sa mga mata niya.
"Dalhin mo siya sa panibagong tirahan niya" Utos nito sa lalake at lumabas na sa laboratoryo, hindi na hinintay ang mga sasabihin ko.
Tinanggal ng lalake ang mga aparato at bakal na nakakabit katawan at kamay ko. Nang hilahin ako nito patayo ay wala na kong nagawa kundi magpatianod na lang, wala na kong lakas para pumalag at hindi ko na rin alam ang gagawin ng mga 'to sa'kin pag nagmatigas parin ako. Besides, wala rin naman akong kalaban laban.
Hinawakan nito ang mga kamay ko patalikod at iginiya ako palabas ng laboratoryo. Ilang sandali lang ay nagulat na naman ako sa nadatnan ko.
Isang mahabang pasilyo at may mga kwartong magkakasunod sunod.
Looks like an old ward.
Marami akong naririnig na boses ng mga babae, at karamihan dito ay umiiyak. Nang magsimula na kaming lumakad ay sinilip ko ang bawat transparent glass na nasa pinto. At hindi ako nagkakamali, puro mga babae nga ang nasa loob nito. Isang kwarto, isang babae.
Ang daming naming mga nabiktima, pare parehas kami ng damit. Mga nakahospital dress din ang mga ito.
Ang iba ay tulala, nagmumukmok sa sulok ng kwarto, ang iba naman ay umiiyak. Ngunit ang lubos na umagaw ng pansin ko ay ang huling kwarto sa kanang bahagi ng pasilyo, wala itong laman. Walang sinoman ang naroroon ngunit kapansin pansin ang mga dugo na nasa kama nito.
Napakaraming dugo na maging sa sahig ay may mga bahid din.
Bahagya kaming umusad sa kwartong nasa tapat nito at ipinasok ako sa loob. Nang lumingon ako dito ay mabilis na niyang isinara ang pinto at kinandado ito sa labas. Tinitigan ko lang siya hanggang makaalis.
Inilibot ko ang paningin sa kwarto.
Nagmukha akong pasyente, walang pinagbago ang liwanag dito. Mahina ang ilaw at walang bintana, madilim rin ang kulay ng pintura na gray.
Umupo ako sa kama nito na mukhang may kalumaan na rin. Minatyagan ko ang paligid.
Wala nang ibang gamit dito bukod sa isang kama, isang mahabang sofa at ceiling fan. May isang maliit na cabinet rin pero wala rin namang laman.
Ilang minuto akong nag nilay nilay, iniisip lahat nang nangyayare sa buhay ko.
Ngayong nawawala ako, may nakaka alala kaya sakin? May gumagawa kaya ng paraan para mahanap ako?
Dahan dahan na namang tumulo ang mga luha ko, agad ko tong pinahid at pilit na ngumiti.
Oo nga pala, hindi nga pala ako ganon kaimportanteng tao para hanapin ang presensya ko.
●
●Blangko ang ekspresyon ko habang pinapakinggan ang pagmamakaawa ng ilang babaeng nakakulong rin kagaya ko, di ko sila masyadong marinig pero dahil tahimik dito sa kwarto ko, malinaw na umiiyak sila. Nanghihina ang katawan ko. Para akong pagod kahit wala naman akong ginagawa.Ang daming naglalakbay sa isipan ko nang bigla akong natigil ng isang maamong boses."Bago ka lang ba dito?" Tanong nito, nakasilip siya sa isang maliit na bintana, taga kabilang kwarto."Oo"Lumapit ako dito at umupo sa may sulok malapit sa siwang. May spring na nakaharang dito pero hindi iyon naging hadlang para di ko maaninag ang itsura nito."Ilang taon kana?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya nang mapansin kong medyo bata pa ang itsura niya."I'm 20" Sagot nito na ikinagulat ko."You have a pair of pretty eyes" Aniya.
Napakapit ako sa paanan ng kama ko nang pumasok ang tatlong kalalakihan sa kwarto ko. Napasigaw na lang ako nang hilahin nila ako palabas."Wag niyo siyang gagalawin!" Rinig kong sigaw ni Lia. Nakita kong nakabukas ang bintana at pilit na hinahawakan ni Lia ang paa ng isang lalake.Sinipa siya nito at tinadyakan ang bintana para sumara. Napaaray ako nang higpitan pa nila ang pagkakakapit sa braso ko. Hindi ko kayang manlaban kaya't hinayaan ko na lang na tangayin na ko.Akmang palabas na kami sa hallway nang matigilan ang mga ito."Huwag siya" Anang isang lalakeng matangkad at maputi. Seryoso itong nakatingin sa lalakeng nakahawak sa braso ko.
"Grabe ka naman! Hindi kaba natatakot lia? Sanay kana ba na laging ganon nakikita mo?" Singhal ko kay Lia na kinatigil niya. Alam kong baguhan lang ako dito at di pa lahat ng napagdaanan nila ay naranasan ko na. Pero bakit gano'n na lang ang reaksyon niya? Di ba siya nanghihinayang sa buhay ng iba?Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang sunod sunod na kalabog ang narinig ko mula sa labas.Napabalikwas ako at medyo hilong bumangon at sinilip ang nangyayare sa labas. Nakita ko ang grupo ng kalalahkihan na pumasok sa isang kwarto katapat ng kay Lia.Narinig ko ang pagmamakaawa ng babaeng nandoon na pakawalan siya ng mga ito. Nang ilabas nila ang babae ay gano'n na lang ang pagkagulat ko.She can't even look. I think she's losing her eyesight pero pinipilit parin nila itong tumayo at maglakad. Namamaga ang buong mukha nito lalo na sa may bandang mata at halos hindi na ito makakit
"You're doing it wrong" Reklamo ko kay Josh nang maramdaman kong mali yung direksyon ng kamay niya.He's currently braiding my hair pero parang di naman braid yung ginagawa niya."Mag antay ka kasi, ikaw may gusto nito diba? Pulupot ko 'to sa leeg mo e." He murmured"Ang iingay niyo naman, magpatulog naman kayo aba"Sabay kaming napalingon sa gawi ni Lia na nakadungaw na sa maliit na bintana. Tinanggal na ni Josh ang spring no'n kaya kitang kita na namin siya."Alas dose na umaalingawngaw parin mga boses niyo" Aniya bago bumalik sa kama.Nagkatinginan kami ni Josh. Tinawanan na lang namin siya at nagpatuloy na ito sa ginagawa."Ikaw kase--""Anong ako?" Pagdepensa ko kay Josh nang sisihin niya 'ko.Narinig ko ang mahinang pag hagikhik niya kaya siniko ko siya dahilan
"How are you mara?" Sarkastikong tanong ni Kit, ito ang bumungad sa pinto nang mabuksan iyon. Ang nakakainis na mukha ng isang kriminal.Sinuyod ko ang buong katayuan niya at nakataas ang kilay na sinalubong ang titig niya."So what brought you here, asshole?" Mayabang na tanong ko sa kanya. Napahagalpak ito ng tawa at kalauna'y ngumiti ng nakakaloko."You sounds like an owner of that room you're occupying. You're disrespecting me" Anito habang nililibot ng paningin ang kabuuan ng kwarto ko."First of all, you're an abductor and a big piece of shit so you don't deserve a piece of respect. What do you want?" Pagtataray ko dito nang hindi siya binibigyan ng espasyo para makapasok."I want your body" Aniya.Nayanig ang katauhan ko sa narinig, nanatiling nakanganga ang mga bibig ko habang malisyoso niyang tinititigan ang buong
"Anong mayroon? San nila tayo dadalhin?" Nababalisang tanong ng isang babaeng sa tingin ko ay mas matanda sa'kin ng isa hanggang dalawang taon. Nag kibit balikat na lang ako, hindi ko rin naman alam kung bakit kami inilabas dito.Hinanap ng mga mata ko si Lia at nakita ko siya dun sa dulo - malapit sa mga lakake. Mukhang pinakikinggan niya ang usapan ng mga 'yon. Hindi ko alam pero nakakakutob na naman ako na may hindi magandang mangyayari sa araw na 'to. Well, wala naman talagang magandang nangyayare kapag inilalabas nila kami dito.Nakita ako ni Lia kaya dali dali itong naglakad papunta sakin. Sa itsura pa lang niya, malalaman mo na kaagad na may masamang balita na bumungad sa kanya."Anong meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa'kin. Nasa labas kami ng hallway, lahat kami. Nagmistula kaming mga pasyente ng isang asylum na pinagsama sama."Pagpipilian t
Rise and shine! Kahit walang sunshine. I missed the sunlight, it's been a month since the last time I saw it.Maaga akong nagising, less puyat na kasi ako these past few days. Limang araw ko nang di nakikita si Josh. Limang araw na siyang hindi dumadalaw sakin. Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili kong nasanay na'ko sa presensya nito.Halos gabi gabi kong hinihintay ang pagdating niya, hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko iyong sakit sa tuwing naaalala ko mga ngiti niya. Iyong halik niya. Para akong nauuhaw sa presensya nito. At ngayong wala siya, hindi ko maiwasang malungkot. Parang kulang ang bawat araw na nagdadaan nang wala siya. Kahit pa saglit na panahon palang kaming magkakilala.Gusto ko na siyang makita.Nevermind.Hindi naman ako nahuhulog diba? Hindi naman, diba? At saka yokong magmahal sa loob ng impyernong 'to. Mahirap na.
"Yes, sigurado akong si uncle Don ang kausap ni dad sa telepono. I heard their whole conversation. Next month, makakalabas na kami ni Iyah, hahayaan na kami ni dad. We will be having our freedom soon, Mara." Aniya. Mapait akong ngumiti sa sinabi nito."Good for you, hindi mo na kailangan maghirap" Nag angat siya ng tingin sa akin."But I won't leave you here, you're coming with me""Kailangan mong makalabas, Josh. Sa oras na makalabas ka, lumapit ka na agad sa awtoridad. Hindi mo naman ako iiwan para lang sa wala diba? Ang kailangan mo lang ay bumalik nang may kasamang kasangga. May kasamang mga pulis. Diba? Magandang ideya yon diba?" Paliwanang ko sa kanya pero pinagtaka kong hindi ito sumagot, yumuko lang siya na parang di kumbinsido sa sinabi ko."Come here" Anito at binigyan ako ng espasyo para tumabi sa kanya."Pag nakalabas na kami, sigurado ka