Share

A Night with the Billionaire
A Night with the Billionaire
Author: RURI

SIMULA

“Pero Uncle!” protesta ni Lilliane. “Si Mr. Fuentes ay, a-ay fifty-years-old na ho, hindi ba?” nagsimulang mabalisa ang mga mata niya. “Bakit—”

“Sixty-years-old na si Mr. Fuentes, Lilliane!” inip at inis na saad ni Richard. Mukhang tututol pa ang pamangkin sa kagustuhan nila.

Napaangat ang tingin ni Lilliane at nakasalubong niya ang galit na mga mata ng tiyuhin.

“Napakayaman ni Mr. Fuentes. Hindi ka magugutom, hindi ka maghihirap sa piling niya! Maisasalba pa niya ang ating pamilya at negosyo! Napakahalaga ng konsiderasyon na ‘yan kaya dapat ngayon pa lang ay i*****k mo na sa kokote mo ang bagay na ‘yan!”

Marahas na napatayo si Lilliane nang hindi na makapagtimpi at nakuha niya ang buong atensyon ng dalawa. Sigurado siyang nababatid na rin nila Mathilda kung gaano kapula ang kanyang mukha mula sa pinaghalong galit at frustration.

Inaamin naman niya na kahit hesitant siya sa nais ng mga ito na magpakasal siya sa taong hindi niya kilala ay handa niyang tanggapin—para sa naiwang kumpanya ng namayapa niyang mga magulang. Ngunit ang kaalamang sa isang matanda siya ikakasal—na parang lolo na niya ay hindi niya maaatim!

Kasuklam-suklam!

Naiisip pa lang niya na makasasama niya ito sa araw ng kasal at pagkatapos—o kahit ngayon pa lang kapag makahaharap niya ito’y gusto niyang masuka!

“Paano naman po ako? Paano ang sarili kong buhay at kaligayahan? Wala po ba akong karapatan sa buhay ko?”

Nag-isang linya ang mga labi ni Richard at niinis na nagpaypay namang muli si Mathilda na katulad ng mister ay nagtatagis ang bagang.

“Akala ko ba ay malinaw na sa atin ang usapang ito? Hindi ba’t pumayag ka sa arrange marriage? Bakit ngayon tumututol ka na!”

Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Lilliane.

“Pero bakit sa matandang iyon!”

Napasandal sa kanyang upuan si Richard Amante.

“Ang kaligayahan ay walang puwang sa panahong ito at hindi tayo maisasalba ng kaligayahan mong iyan. Nasa bingit na tayo nang pagkalugi’y iyan pa rin ang iniisip mo! Kaligayahan mo! Buhay mo! Mahalaga ang gagawin mong sakripisyo para sa kaligtasan namin at maging ng negosyo! Sarili mo pa rin ang iniisip mo!”

Nabasag ang boses ni Lilliane nang muling umimik, pinaghalo ring sakit at hindi makapaniwala ang mahihimigan doon.

“Sakripisyo? Iyon po ang tingin n’yo sa akin? Kung makapagsalita kayo parang isa lang akong bagay. You talk as if I am a mere commodity. Wala man lang kayong pakialam sa akin? Sa nararamdaman ko at maging sa magiging kahihinatnan ko dahil sa kagustuhan n’yong ito!”

“Our priority is the family’s future.” Kasing lamig ng yelo ang tinig ni Mathilda nang muling umimik, taas din ang noo. “Ang nararamdaman mo ay walang puwang sa pamilya natin ngayon. Hindi tayo maisasalba niyan. If Mr. Fuentes is willing to marry you and offer his support, then you accept.”

Lalong naglandasan ang mga luha ni Lilliane buhat sa narinig sa tiyahin. Animo’y talon na umaagos ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi, walang patid. Napalunok siya habang pilit ding pinipigilan ang pag-ahon ng tunog na magmumula sa kanyang lalamunan.

Masakit para sa kanya ang mga pinabatid ng mga ito. Kung ituring siya’y parang hindi siya kamag-anak at isa lamang kasangkapan.

“Inaasahan n’yo na ikakasal ako sa isang lalaki na sapat na para maging lolo ko? Isusuko ko ang sarili at kaligayahan ko para lamang mailigtas ang negosyo? Pangsarili lamang ninyo ang iniisip n’yo!”

Tumabingi ang mukha ni Lilliane nang dumapo ang palad ni Mathilda sa kanyang pisngi. Halos mabingi siya at pakiramdam niya’y tumilapon ang kanyang ulo sa kung saan dahil sa lakas ng impact ng sampal na iyon.

Numinipis na rin ang pasensya ni Richard para sa pamangkin at ang ekspresyon ng mukha ay mas higit pang tumigas kaysa kanina.

“Buo na ang desisyon, Lilliane. Hindi mo na ito mababago pa kahit ilahad mo pa sa amin ang mga karapatan mo!” Nagtatagis ang ngipin na wika ni Mathilda sa mukha ng pamangkin.

“You can’t do this! Hindi n’yo puwedeng diktahan ang kinabukasan ko sa nais ninyo! Hindi sa ganito n’yo ako mapapaikot! Hindi ako robot na susunod sa mga gusto n’yo!”

Humakbang nang isang beses si Mathilda na bahagyang ikinaatras ni Lilliane, nangangalit ang mga ngipin at matigas ang mukha ng ginang.

“We can and we have,” matigas din ang boses nitong saad. “This is a matter of survival. You should be grateful for the opportunity.”

“Wala na po bang ibang paraan?” nagsusumamong saad ng dalaga kapagkuwan, ang tinig ay kababakasan din muli nang panginginig. “Hindi po ba kayo maaaring humanap ng ibang alternative? I am begging you to reconsider.”

Umiling si Richard Amante.

“There are no viable alternatives. The bankruptcy is imminent, and Mr. Fuentes’s support is crucial. You must fulfill your part in this arrangement.” Pinal na saad ng lalaki.

“At paano kung tumanggi ako?” Mababa ang tinig ngunit may determinasyon na wika ni Lilliane kaya tila bulong na lamang iyon.

Nagulat siya at napaatras nang dakmain ng kanyang tiyahin ang kanyang panga. Bumabaon sa kanyang magkabilaang pisngi ang talim ng mga kuko nito.

“Wala kang karapatang tumanggi,” nanggigigil nitong saad, ang mga mata ay nagpupuyos sa galit at hindi mapigilan ni Lilliane ang mangilid sa luha. “Huwag mo akong dinaraan sa iyak mo! Wala ‘yang kuwenta at wala rin ‘yang magagawa!” sabay marahas nitong bitaw sa kanyang mukha.

Napahikbi si Lilliane at halos masinok na dala nang pag-iyak. Ang talim ng kuko ng tiyahin ay tila naroon pa rin, nakabaon.

Mapang-uyam na ngumisi si Richard dahil kahit sa kanyang pandinig ay hindi nakatakas ang sinambit ng dalaga.

“Sa oras na tumanggi ka, mawawala sa atin ang lahat. Ang pagtanggi mo ay isang indikasyon nang pagkaubos ng ating ari-arian, nang mansyong ito, ng katayuan natin sa lipunan, at maaaring pati ang mga kaligayahan natin. Maliit na sakripisyo lang naman ang gagawin mo, hindi mo pa magawa? Napakasimple lang ng pinagagawa namin sa iyo, Lilliane!”

Gusto pa niyang kastiguhin ang mga sinabi ng tiyuhin pero nauubusan na siya nang lakas. At kahit din yata hindi niya paburan ang sinabi nito ay wala pa ring magagawa iyon. Magpapaikot-ikot lang sila.

Bumalik sa kanyang upuan si Lilliane, nanghihina at ang mga balikat ay bagsak.

“So, hanggang dito na lang talaga. There's no way out.” wala sa hinagap niyang sabi.

Bahagyang napasinghap si Richard Amante at kahit paano ay lumambot din ang kanina’y matigas na mukha.

“Nauunawaan ko na isang napakabigat na pasanin para sa iyo ang desisyon naming ito, Lilliane. Ngunit kung minsan, kailangan natin magsakripisyo para sa higit na ikabubuti ng lahat.”

Sinulyapan ni Lilliane ang dalawa na may malalim na kawalan ng pag-asa.

“Kung makapagsalita kayo tungkol sa kabutihan akala n’yo’y may alam kayo tungkol sa bagay na iyon. Ni hindi n’yo nga nakikita ang paghihirap ko. Hindi ako makapaniwala na kaya n’yong gawin ang lahat ng ito sa akin na parang hindi n’yo ako kadugo.”

“Kumikilos lamang kami sa kung ano ang aming pinaniniwalaan at alam naming makabubuti para sa interes ng ating pamilya.” sambitla ni Mathilda Amante, bakas ang pagod sa tinig nito. “Kaya dapat mong pagkatiwalaan ang kaalaman namin, sa kung ano ang makabubuti at kinakailangang gawin nang higit pa sa alam mo.”

Muling bumuhos ang mga luha ni Lilliane.

“Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy mula rito. Paano ko siya haharapin?”

Tumindig si Mr. Amante. Matigas muli ang boses nang magsalita nang mahina.

“Haharapin mo si Mr. Fuentes ayon sa nararapat. Mayroon tayong appointment sa kanya bukas kaya dapat kang maghanda.”

“Magpahinga ka na, Lilliane, kakailanganin mo ito.”

“Magpahinga? Paano ko magagawa iyon kung gumuho na ang buong mundo ko?”

“We’re doing this for a reason, Lilliane.” Lumambot kahit paano ang tinig ni Richard pero naroon pa rin ang determinasyon. “I hope that, in time, you will understand.”

Nagsimulang lumakad patungong pinto si Mathilda.

“Halika na, darling.” ani nito sa asawa, “Marami tayong dapat ihanda para bukas.”

Napahinga nang malalim ang lalaki at walang kibo na nilisan ang silid.

Naiwan si Lilliane na mag-isang nakaupo. Ang katawan ay tila nalalanta mula sa kawalan ng pag-asa hanggang sa hindi na niya napigilan ang malakas na pagpalahaw nang iyak buhat sa kinahinatnan ng kanyang buhay mula sa sandaling iyon.

Nang mahimasmasan siya’y pinahid niya ang kaniyang mga luha.

Suminghap siya, tumigas ang kanyang mukha at nakabuo nang pasya.

Nilisan niya ang silid na iyon at uuwi siya sa kanyang unit at mag-aayos. Hindi niya alam kung nasa katinuan pa ba siya.

Kung hindi niya maiaalay ang kanyang pagkabirhen sa lalaking tunay niyang iniibig ay ibibigay na lang niya iyon sa iba. Hindi niya maaatim na ang matandang iyon ang makikinabang sa kanyang katawan!

Nagtungo sa isang high-end club si Lilliane matapos makapag-ayos ng sarili. Isang kulay pulang cowl neck silk dress ang kanyang suot. Humahakab iyon sa makurba niyang katawan at lantad ang kanyang makinis na likod at mabilog na mga hita.

Nanginginig siya kanina habang nakatitig sa kanyang repleksyon sa vanity mirror at nagpapahid ng kulay pulang lipstick sa labi. Hindi rin siya sanay magsuot ng ganoon kaseksi na damit na marami ang makakikita dahil pakiramdam niya ay nakahubo na siya kahit nakayakap naman ang makinis na tela sa katawan. Pero kailangan niyang gawin ang nasa isip niya. Ibibigay niya ang sarili sa kahit na sinong lalaki sa club basta huwag lang sa matandang hukluban na iyon!

Napangiwi si Lilliane nang maisip si Mr. Fuentes. Hindi niya mapigilang hindi makaramdam nang pagkasuka lalo na kapag naiisip niya na aangkinin nito ang kanyang batang katawan.

How disgusting!

Tinungga ni Lilliane ang hindi na niya mabilang na pang-ilang shot glass.

Malamang ay pinagpapantasyahan siya nang matandang iyon kaya hiniling siya nito sa kanyang tiyuhin at ginamit pang dahilan ang pagbagsak ng kanilang kumpanya!

Nakadidiri! Nangdidiri siya!

Gusto niyang umiyak pero naubos na yata niya ang kanyang mga luha. Nakararamdam na rin siya ng pagkamanhid.

Muling nilagok ni Lilliane ang bagong laman ng shot glass.

Hindi niya maatim na kayang gawin sa kanya iyon ng kanyang uncle at auntie. Kung ituring siya ay parang hindi kamag-anak ng mga ito!

Alam naman niya na para sa kumpanyang iniwan sa kanya ng mga magulang ang gagawin niyang sakripisyo pero hindi lang talaga niya masikmura na si Fuentes ang pakakasalan niya.

Matapos niyang lumagok pa nang lumagok ng ilang baso ng alak ay wala sa sarili na tinungo niya ang dance floor. Umiikot na ang kanyang paningin pero wala na siyang pakialam pa. Nawaglit na rin sa kanyang isipan ang tunay na pakay sa gabing iyon. Mas nananaig sa kanya ang pagwawala. Ang humagulgol sa labis na galit at pagkamuhi kahit pakiwari niya ay wala na siyang mailuluha pa. Palilipasin at lulunurin niya ang bawat sandali sa kinang ng mga neon lights at malakas na bayo nang musika.

Itinaas niya ang mga kamay at nagsimulang i-sway ang balakang habang ang mga mata ay pikit. Pinaglandas pa niya ang mga kamay mula sa kanyang leeg pababa.

Nawawala na nga yata talaga siya sa sariling katinuan.

Hindi na namalayan pa ni Lilliane ang isang lalaki na nasa kanyang likuran at nagsasayaw. Hindi na rin masama para sa katulad niyang lasing na lasing na lalo na nang maisip muli ang tunay na sadya sa pagparoon.

Napapitlag ang dalaga nang maramdaman ang mainit na kamay na yumapos sa kanyang baywang gayon din ang mainit na katawan na dumikit sa kanyang hantad na likod.

Ipinagpatuloy niya ang pagsasayaw, tuluyang nawalan nang pakialam sa kung ano man ang nais na gawin sa kanya ng lalaki. Bawat pag-indayog niya sa musika ay sinasabayan din nito.

Mas lalo pang umingay ang buong bar nang magpalit nang musika ang DJ. Nahihilo siya sa mga imahe ng mga taong nagsasayaw sa kanyang harapan na sinabayan pa ng makukulit na neon lights kaya pinanatili niyang nakapikit ang mga mata habang nararamdaman pa rin niya ang lalaki na sumasabay sa bawat indayog ng kanyang katawan.

Umawang ang labi ni Lilliane nang maramdaman ang marahang haplos nito sa kanyang tiyan. Napakainit ng palad nito at hindi niya alam kung bakit naghahatid iyon ng kakaibang ginhawa sa kanya.

Hindi rin mapigilang mapasinghap ng dalaga ng may dumapong mamasa-masa at malambot na bagay sa hugpungan ng kanyang leeg at balikat. Nanindig ang kaniyang mga balahibo sa batok. Naghatid din iyon ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan at hindi niya mapigilang makaramdam ng kagustuhan sa ginawa nito.

Umikot siya upang makaharap ang lalaki. Una niyang nakita mula sa bahagyang nanlalabong mga mata ay ang nakaigting nitong panga, ang labi nitong nakapinid na mamula-mula na mukhang malambot at... masarap, higit lalo ang ibabang labi nito. Matangos din ang ilong nito. Umangat pa ang kanyang tingin at nakasalubong niya ang mga mata nitong kasing-dilim ng gabi, ang mga kilay ay nag-e-eskrima at may kahabaan ang buhok.

Matangkad ang lalaki at very manly.

Mukha ring galing pa ito sa trabaho base sa suot nitong white polo na may mahabang manggas. Nakabukas din ang unang butones ng polo nito at nababanaag niya ang ilang pinong buhok sa dibdib nito.

Naramdaman ni Lilliane ang pagpisil nito sa kanyang baywang at hindi niya mapigilang mapasinghap at muling mapatunghay sa mukha nito.

Nagkasalubong ang kanilang mga mata at hindi niya mapigilang makagat ang ibabang labi. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang pagbaba nito nang tingin habang ipinagpapatuloy niya ang pagsasayaw habang ito ay nakatigil. Hindi niya batid pero pakiramdam niya ay inaakit niya ito sa paraan ng kanyang mga kilos.

Ang bango rin ng estranghero. Ang pabango nito’y hindi masakit sa ilong ngunit nang-aakit.

Nadepina rin ang tatag ng balikat at mga braso nito nang humigpit ang hawak nito sa kanya nang mawalan siya ng balanse habang tila wala sa sarili na umiindayog siya sa harapan nito. Nakita niyang tumaas ang gilid ng labi ng lalaki at animo’y nawala ang kanyang kalasingan dahil doon.

Ngayon lang siya nakakita ng ganito kaguwapong lalaki. Ito na yata ang pinakamakisig at guwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Walang-wala rito ang mga naging manliligaw niya o kahit ‘yong mga naging crush niya noon at ang mga sikat na artista sa Pilipinas o abroad. At hindi niya aakalain na makatatagpo siya ngayong gabi ng ganito kaguwapo sa bar.

Kung kanina ay isang kamay lang nito ang nakalapat sa kanyang baywang, ngayon ay dalawa na iyon. Humahaplos at pumipisil na rin ang mga ito sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Nagsisimula na rin siyang makaramdam nang pag-iinit higit nang dumausdos ang isang kamay nito sa kanyang pang-upo at marahan iyong pisilin na ikinasinghap niya.

Lumalapat na rin ang kanilang mga katawan sa isa’t isa sa tindi nang kanilang pagsasayaw. Nagsisimula na siyang hingalin sa dahilang hindi niya alam. Para siyang mayroong hinahangad na hindi niya mabatid kung ano.

“You wanna go somewhere else?” Dinig niya ang pamamaos sa tinig nito. Ang init nang hininga nito ay dumampi sa kanyang punong-tainga.

Tila nalalasing si Lilliane dahil sa tinig nito na animo’y katumbas ng mga alak na ininom niya kanina.

Marahas na nilingon niya ang lalaki. Nagkasalubong ang kanilang mga mata at kita niya ang kakaibang init na nakapaloob sa mga matang iyon at tila nasasalamin din niya roon ang kanya.

Bumaba ang mga mata nito sa kanyang nakaawang na bibig habang nasa ganoon pa rin silang posisyon.

“Somewhere... else," ulit niya na tila wala na sa sarili. Ang hangin sa bibig ay halos kinulang.

“Yeah,"

Bago pa makapagsalita si Lilliane ay inangkin na nito ang kanyang mga labi. Umawang ang bibig niya sa gulat pero tinugon din niya ang halik nito kahit wala siyang karanasan.

Napakainit at lambot nang bibig nito at parang nakakaadik, nakakauhaw.

Naramdaman ni Lilliane ang pag-ngisi nito sa pagitan ng kanilang mga halik.

Kinagat nito ang kanyang ibabang labi at sinipsip din pagkatapos. At hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mapaungol at mas tugunin din lalo ang mga halik nito. Parang naghatid din iyon nang libo-libong boltahe ng kuryente sa buong katawan niya.

Pakiramdam ni Lilliane ay lumipad na sa kung saan ang kanyang katinuan. Dumadaing na rin siya sa bawat halik at haplos na iginagawad nito sa kanyang katawan.

“Come with me,” hikayat pa nito sa kanya matapos nitong itigil ang halik. Gaya niya ay hinihingal na rin ito.

Iniangat ng estranghero ang kanyang baba upang magkasalubong ang kanilang mga mata. Kitang-kita ni Lilliane ang matinding init at pagnanasa sa mga mata nito.

Nang hindi sinasadya ay may nakatulak sa kanya mula sa likod at napasandal siya sa mainit at matigas na katawan ng estranghero.

Marahas siyang napasinghap nang maramdaman ang matigas na bagay na nakaumbok sa pagitan ng mga hita nito. Nanlaki ang kanyang mga mata at nakita niya ang pag-angat ng gilid ng bibig ng lalaki.

“S-sasama ako sa ‘yo,” aniya kapagkuwan at napalunok. Hindi rin niya mapigilang kumapit sa kuwelyo nito at ilapit ang mukha rito. Sa tindi nang kapit niya sa kuwelyo nito’y halos yumuko na ito sa kanya. “Kahit saan! Wala na rin naman akong halaga bukas!”

Ituturing niya ang gabing ito bilang kanyang bachelorette party. Kung hindi rin naman ang kung sino mang lalaki na mapupusuan niya at gugustuhing asawahin ang makakukuha ng kanyang pagkabirhen, mas maigi pang ibigay na lang niya sa estrangherong ito ang pagkababae niya kaysa sa matandang Fuentes na iyon! Hindi ito makikinabang sa kanyang katawan! At ang isipin ito ay nakapagpapataas ng kanyang balahibo.

Hindi na napansin ni Lilliane ang pagdaan nang pagtataka sa mukha ng binata dahil sa kanyang mga sinambit. Pero pinaunlakan pa rin nito ang kanyang sagot sa naging tanong nito.

“Let's go!” ani nang malagom nitong tinig.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
RURI
Thank you po ate Meg. Lutang din kasi ako noong ni-recommend ko po ito sa iyo gamit iba kong pen name kaya namali rin ako sa title. Haha.
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
kawawa nman c lilliane kung magppkasal sya sa hnd nman nya gusto,tuloy makkagawa sya ng hnd dpt para sa Sarili nya,natuloy Kya un pgppaksal nya sa Mr Fuentes na un??
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
thanks author,na add ko na ...iba pla un na add ko,,,w/ex-husband Pala un...Isang English at Isang Tagalog...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status