Share

KABANATA 1

Nasa kotse pa lang sila ng estranghero’y hindi na matigil ang kanilang paghahalikan at maging ang panayang haplos nito sa kanyang nakalantad na hita. Hinihimod din nito maging ang palibot ng kanyang leeg. Panay ang kanyang daing at halos igiya niya ang isang kamay nito upang dakmain ang kanyang mga dibdib na naghahanap ng atensyon. Nang itigil nito ang ginagawa’y halos magprotesta siya.

Hindi niya maitatanggi sa sarili na napakabango ng lalaki at para siyang nakasinghot ng love potion. At aminado rin siya na first time niya mag-make out kaya deep inside ay alam niyang atat na atat siya. At siguro na rin ay dahil sa mga alak na ininom niya kanina kaya halos ayaw niyang tumanggi sa mga ginagawa nila.

Pinasibad nito ang sasakyan paalis sa parking space ng club. Kitang-kita niya ang mga ugat sa braso nito’t kamay habang mahigpit na nakakapit sa manubela, maigting din ang panga.

Nag-iinit ang pakiramdam ni Lilliane at hinahanap ng kanyang katawan ang mga haplos ng lalaki at maging ang mga labi nito. Lasing na lasing na nga yata siya at tuluyan nang nawala sa katinuan.

Namumungay ang mga mata na nilinga niya ito. Naglalaro sa mukha nito ang mga ilaw mula sa mga establisyemento na kanilang nararaanan.

Sa kabila ng mga namumungay na mata ay batid niyang guwapo talaga ang lalaki. Ang tangos ng ilong at parang nais niyang abutin ang nakaigting nitong panga.

Lumilis ang suot niyang silk dress nang kumilos siya upang ayusin ang ulo mula sa pagkakasandig sa headrest ng kinauupuan. Hindi rin niya maunawaan pero hindi niya mapigil igalaw ang mga balakang dahil sa hindi niya maipaliwanag na kiliti sa kanyang pagkababae na kanina pa niya nararamdaman. She was getting l ubricated down there at hindi niya alam kung bakit.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niyang napadalawang sulyap ang lalaki bago nito inabot ang kanyang hubad na hita.

Naglakbay ang init mula sa palad nito sa kanyang sistema lalo na nang haplusin at pisilin nito ang bahaging iyon ng kanyang katawan.

Napaliyad siya at hindi niya mapigilan ang paglabas ng mahinang ungol mula sa nakaawang niyang bibig. May gusto siyang maabot at hindi niya batid kung ano iyon. Narinig din niya ang malutong na mura na nanulas sa bibig nito bago nito mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Ang sunod na lang na alam ni Lilliane ay nasa loob na sila ng isang silid. Natagpuan na lamang din niya ang sarili na nakakandong pasaklang sa mga hita ng lalaki habang nakaupo ito sa paanan nang malaki at puting kama at mainit silang naghahalikan.

Ang sarap nitong h umalik kaya parang siyang baliw na nawawala sa sarili kanina pa. Ramdam din niya ang mainit at malaki nitong kamay na nakahawak sa isang pigi niya upang alalayan marahil siya mula sa pagkakaupo sa mga hita nito habang ang isa ay nasa kanyang hita, parehas h umihimas at p umipisil doon.

Gumapang ang mga labi nito sa kanyang panga at muling humimod sa kanyang leeg ang dila nito. Hindi mapigilan ni Lilliane ang mapasinghap na nasundan nang masarap na daing at ungol. Napapagiling na rin siya sa kandungan nito dahilan kung bakit malutong itong nakapagbitaw nang mura.

Tumayo ang lalaki kasabay nang marahang pag-angat sa kanya at inilapag siya nito sa kama. Pakiramdam ni Lilliane ay nagdedeliryo na siya at mas lalo pang tumaas ang init na nararamdaman niya.

Malamlam ang liwanag na nagmumula sa lampshade na bukod tanging nakabukas ng mga sandaling iyon. Hindi rin niya gaanong maaninag ang mukha ng lalaki pero nakita niya nang mabilis na isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot na long sleeve polo at saka iyon marahas na hinubad. Tila nagmamadali ito.

Hindi niya maalis ang mga mata sa katawan nito. Nasa tamang mga lugar ang nag-uumbukan nitong muscles.

Hindi niya mapigilan ang mga binti na paulit-ulit na umuunat gaya ng mga kamay niya na lumalandas sa kanyang katawan dahil hinahanap-hanap ng mga iyon ang haplos ng lalaki.

Nagsimula siyang makaramdam ng frustration at gusto niyang ibulalas dito na ituloy nila ang kanilang ginagawa.

Naramdaman ni Lilliane ang paglubog ng kama kasunod nang malambot at basang bagay na dumampi muli sa kanyang bibig na kanya namang tinugon. Marahan niyang sinapo ang magkabilang panga nito.

Sa muling pagkakataon ay hindi niya mapigilang malunod muli sa mga halik ng estranghero. Hindi rin niya mapigilan ang muling pag-ungol at pagdaing habang inaangkin ng mga labi nito ang bawat sulok ng kanyang bibig.

Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg at gumapang sa kanyang balikat. Nakakakiliti na nakakikilabot. Isang kilabot na napakasarap sa kanyang pakiramdam ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Hinawi nito ang itaas na bahagi ng kanyang dress at agad na lumantad sa mga mata ng lalaki ang kanyang mabilog at nakatayong dib dib.

Napaarko ang katawan ni Lilliane nang isubo nito ang naninigas niyang dunggot kasabay nang malalim niyang pagsinghap. Tila kinakapos ang hangin na lumabas sa kanyang bibig kasabay mahaban niyang pag-ungol.

Nahawi na rin nito ang sa kabila kaya naman marahan nang pumipisil at minamasahe ng isang kamay nito ang kaliwa niyang d ibdib.

“Ohh,” nakagat ni Lilliane ang kanyang ibabang labi, ang mga mata'y nakapikit at ninanamnam ang sarap na hatid ng ginagawa nito sa kanyang sistema. Hindi na niya kaya.

Dumaloy ang init sa pagitan ng kanyang mga hita. Hindi pamilyar sa kanya ang mga uri ng damdamin na rumaragasa sa kanyang buong katawan at sumasakop sa kanyang isipan pero gustong-gusto niya ang mga ito. Hindi niya batid na ganoon pala ang pakiramdam hindi pa man siya tuluyang naaangkin.

“Please,” pakiusap niya sa isang bagay na hindi niya alam kung para saan.

Naabot niya ang ulo ng lalaki at hindi niya mapigilang masabunutan ito. Bumibiling-biling na rin ang kanyang ulo. Namimilipit ang mga daliri niya sa paa.

“I’m begging you,” hindi na niya makilala ang kanyang boses at hindi rin niya alam kung ano nga ba ang gusto niyang ipakiusap dito.

Narinig niyang malutong itong nagmura.

“Calm down, babe.” ani nang baritono nitong tinig na animo’y naghahabol nang hininga. Kung hindi ito aayos ay baka mauna pa siyang labasan kaysa rito.

Naramdaman ni Lilliane ang paggapang nang magaspang at mainit nitong kamay sa isa niyang hita pataas. Bumuka ang kanyang bibig at naghugis O iyon nang salatin nito ang guhit ng kanyang pagkababae sa ibabaw ng suot niyang underwear na noo’y basang-basa na. Napaliyad siya at narinig niyang nagmura ulit ito.

Hindi makapagpigil na inabot nito ang suot niyang seamless underwear at isang hila lang nito ay tuluyan na nitong nahubad iyon mula sa kanya.

“F uck it, babe.”

Maingat na ibi nuka ng lalaki ang kanyang mga hita bago nito itinapat ang bibig sa kanyang p agkababae.

Malalim na muling napasinghap si Lilliane kasabay nang pamimilog ng mga mata niya nang simulan siya nitong kainin. Napanganga siya at muling napapikit na animo’y nilalasap ang sarap ng ginagawa nito sa kanya.

Pakiramdam ni Lilliane ay tuluyan na siyang mawawala sa kanyang ulirat dahil sa napakasarap nitong paghagod sa kanyang p agkababae. Inabot niya ang ulo nito, hinimas, at halos sabunutan at ingudngod na rin niya sa kanyang gitna habang walang humpay nitong kinakawag-kawag ang dila roon hanggang sa magkabila niyang singit. Ang mga binti at paa niya’y hindi niya alam kung paano ipupuwesto.

“Ohh!” mahaba at masarap niyang ungol. Nakaangat na rin ang kanyang balakang at tila may sariling pag-iisip na gumiling-giling iyon.

Hindi maipaliwanag ni Lilliane ang uri ng sarap na nalalasap niya ng mga sandaling iyon at halos magmakaawa na siya sa lalaki na angkinin siya.

Hindi na talaga niya kilala ang sarili. Naghalo na yata nang tuluyan ang mga alak na ininom niya kanina at ang li bog na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Halos magprotesta siya nang tumigil ang lalaki at nawala sa kanyang presensya. Ngunit saglit lang iyon dahil sunod na naramdaman niya ay ang isang bagay na kumiskis sa kanyang basang hiwa na nagdagdag sa nagliliyab niyang pakiramdam.

Nanlaki ang mga mata ni Lilliane. Nararamdaman na niya ang pagka lalaki nito sa kanyang gitna na dahilan nang muling pamumuo nang panibagong init at sarap na kanyang nararamdaman.

Dumukwang ang estranghero at sinakop ng bibig nito ang kanyang mga labi. Tinugon niya iyon kasabay nang biglaang pagpasok nito sa kanya.

Natigil sa kanyang paghalik si Lilliane at nabitin sa ere ang kanyang paghinga.

Masakit. Iyon ang nararamdaman niya matapos nang ginawa nitong biglaang pagpasok. Halos mapangiwi at maiyak siya. Sumisigid ang kirot sa buong pagkatao niya at parang may nabasag din dahil sa biglaan nitong pagsalakay.

Malutong at malakas na mura ang sunod na narinig ni Lilliane.

“You’re a virgin?!” hindi makapaniwalang saad nito.

Hindi mabatid ni Lilliane pero tila isang kasalanan para sa lalaki na isa siyang birhen. Nahimigan din niya ang galit sa tono nito nang sambitlain ang mga katagang iyon.

Nangilid ang luha sa gilid ng mga mata niya. Mahapdi at masakit, iyon ang mga kasalukuyan niyang nararamdaman at kailangan niyang kumalma.

Akmang aalis ang lalaki sa kanyang ibabaw nang pigilan niya ito. Inabot niya ang matigas nitong braso. Hindi man niya gaanong maaninag ang mukha nito’y batid niyang galit ito.

Naalala ni Lilliane ang minsa’y narinig niyang usap-usapan ng mga kaklase noong college siya. Kadalasan daw sa mga lalaki ay ayaw sa mga babaeng birhen pa, mas nais daw ng mga ito ng babaeng may experience na sa kama. Kapag birhen daw kasi ay napaka-clingy, at ayaw na ayaw raw iyon ng mga lalaki. At malamang ay ganoon din ito.

“Please,” makaawa niya, lumalandas ang mainit na likido sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata. “Angkinin mo ako,”

Umigting ang panga nito saka tumunghay sa kanya. Ang mga mata’y hindi niya matanto kung galit ba ang nababakas niya roon o may halo pa ring pagnanasa.

“H-hindi,” saad niya, umiiling. “Hindi ako maghahabol. Hindi kita guguluhin after this. Basta angkinin mo ako!”

Walang sabi-sabi na sinunggaban nitong muli ang kanyang bibig. Nanggigigil. Marahas. Ibang-iba iyon sa pinaramdam nito sa kanya kanina. Animo’y uhaw na uhaw ito habang walang tigil nitong s********p at hinahalikan ang kanyang mga labi.

Ang malaki nitong kamay ay muling sumapo sa isa niyang dib dib at pinong pipisilin ang kanyang naninigas na u tong.

Isinubo nito ang isa niyang dunggot habang ang dila nito’y nilalaro iyon mula sa loob ng bibig nito.

Hindi mapigilang mapaungol at mapadaing sa sarap si Lilliane habang salit-salitan nitong inaangkin ang mabilog niyang dib dib at ang dalawang korona sa ituktok niyon. Ang kanina’y masakit na nararamdaman sa gitnang bahagi niya’y unti-unting nawawala.

Nang muli nitong ipasok ang pagkalalaki sa kanya ay hindi mapigilang umarko ang katawan ni Lilliane kasabay nang pagsigid ulit ng kirot. Naluha siya. Ramdam din niya ang marahas na paghinga ng lalaki habang maingat nitong sinasalakay siya.

Nakikita niya ang pagtatagis ng bagang nito, ang pinagpapawisan at namumula nitong dib dib, at ang apoy ng pagnanasa na nababanaag sa mga mata nito.

Dumagan sa kanya ang lalaki nang tuluyan nitong maipasok ang kahaba an nito. Naramdaman niya ang basa at malambot nitong bibig sa kanyang punong-tainga, magaan at masuyo na humahalik doon.

“Just tell me if it hurts, alright?” maamo nitong sabi at mukhang sinasanay rin siya sa kalakihan nito dahil nananatili itong hindi gumagalaw sa ibabaw at loob niya.

Parang tupa na napatango siya, kagat ang ibabang labi.

Kalaunan ay naramdaman ni Lilliane ang unti-unti nitong paggalaw. Sa una’y masuyo ang bawat hugot at diin nito sa gitna ng kanyang mga hita ngunit nang lumao’y bumilis iyon at naging mapaghanap. Makirot pa rin pero mas lumalamang ang sarap na hatid ng ginagawa nito.

Dama ni Lilliane ang parehas nilang paghahabulan nang hininga at paulit-ulit na masarap na ungol at pagdaing. Batid niya na first time man niya iyon ay inaamin niya sa sarili na nae-enjoy niya.

Napangiwi si Lilliane nang maramdaman ang matinding pagkirot sa kanyang ulo hindi pa man niya naididilat nang tuluyan ang mga mata.

Masakit ang kanyang ulo at para itong binibiyak.

Idinilat niya ang mga mata na namumungay pa habang sapo-sapo rin ang ulo. Tumambad sa kanya ang ceiling nang hindi pamilyar na kuwarto. Inilibot niya ang paningin, kulay krema ang dingding ng silid. Mataas at makapal ang floor to ceiling na kurtina at batid niyang maliwanag na sa labas.

May pagtataka na gumuhit sa kanyang mukha, hindi batid kung nasaan siya.

Bahagya niyang iniangat ang katawan upang tumayo pero sinalubong siya nang sakit ng katawan maliban sa kanyang ulo—at lalo sa pagitan ng kanyang mga hita.

Nanlaki ang mga mata niya higit pa noong may makapa siyang mainit na bagay sa kanyang tabi.

May katabi siya!

Mabilis siyang napalingon sa kanyang kaliwa upang makita lamang ang isang bulto nang malaking katawan na nakadapa sa kama. Bumungad sa kanyang paningin ang mamasel nitong likod. Moreno ang lalaki at halatang alaga sa gym ang katawan nito.

Hindi niya mapigilang iginala ang mga mata sa hubad nitong likod. Sumisilip ang ituktok ng guhit nang pang-upo nito dahil sa nakalilis na comforter.

Nang maalala ni Lilliane ang mainit nilang pinagsaluhan kagabi ay nanlalaki ang mga mata na nataranta siya.

Ngayon lang siya tinubuan nang matinding hiya sa katawan lalo na kung paano siya nagmakaawa rito na angkinin siya nito. Kung paano siya umungol at dumaing sa bawat haplos at halik nito sa kanya, at sa bawat pagdiin at hugot ng pagkala laki nito sa pagitan ng kanyang mga hita.

Hindi na rin niya matandaan kung anong oras sila natapos ngunit hindi rin siya nito tinantanan hangga’t hindi pa ito pagod.

Dali-dali at maingat na bumaba siya nang kama kahit kumikirot ang kanyang pagkababae, takot na magising ang estranghero.

Hinanap niya ang damit na hinubad nito sa kanya kagabi at agad iyong sinuot habang hindi inaalis ang mga mata sa lalaki na mahimbing pa rin mula sa pagkakatulog. Binabantayan na baka magising ito.

Nang tuluyang maisuot ni Lilliane ang damit ay saka lang niya napagtanto kung gaano kaeskandaloso iyon. Hindi niya kayang maglakad palabas ng hotel na ganoon ang suot!

Natataranta na humagilap siya nang ipangpapataong doon nang makita niya ang puting long sleeve na nasa karpaletadong sahig. Hinablot niya iyon at saka ipinatong sa suot na silk dress.

Bahala na!

Inisang lingon niya ang estranghero na hindi na niya inabalang silipin ang mukha bago siya nagmamadaling lumabas ng silid.

Lakad-takbo ang gawa ni Lilliane matapos niyang makalabas ng elevator at habang binabaybay rin ang corridor patungo sa kanyang unit.

Kabadong-kabado siya habang nag-uunahan din ang takot na sumasalakay sa kanya nang maalala na may appointment nga pala sila kay Mr. Fuentes sa araw na iyon. Sinabi ng kanyang auntie na kailangan ang presensya niya sa ganap na alas nueve pero mag-a-alas diez na.

Pagbukas niya sa pinto ng kanyang unit ay sumalubong sa kanya ang galit na galit na mukha ng mag-asawang Amante. Ang ngipin ng mga ito ay parehas nagtatagis.

Nahintatakutan si Lilliane lalo na nang tumayo ang tiyahin at salubungin ang mukha niya ng palad nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status