Isang marahang katok ang pumukaw kay Lilliane habang sinusuklay niya ang maiksi niyang buhok. Inilapag niya ang suklay at lumapit sa pinto ng silid.Nakangiti si Consuelo nang pagbuksan niya ito ng pinto.“Ready ka na?”Tipid siyang ngumiti kasabay nang mahinang pagtango.Sasamahan daw siya nito sa klinika bago pumasok sa eskuwelahan.Tahimik ang kanilang biyahe patungo sa doktor at halos wala silang imikan sa loob ng tricycle.Hindi alam ni Lilliane ang dapat niyang maramdaman. Kinakabahan siya na may halo ring excitement na hindi niya maunawaan.Hindi rin niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Mga bagay na maaaring tuluyang magpabago sa kanyang buhay kapag napatunayang totoo ang hinala ni Consuelo.Bigla’y sumagi sa isip niya ang kanyang sitwasyon.Hindi siya puwedeng magtago at tumakbo habang buhay. Ayaw niyang ilagay sa magulong sitwasyon ang kanyang anak. Hindi rin ito maaaring magtatago na lang habang-buhay kasama siya.Nang maalala sila Mathilda ay hindi niya mapigilang kabah
Nasapo ni Lilliane ang panga ng lalaki habang parehas nilang dinarama ang marahang haplos ng mga labi sa isa’t isa, ang kanilang mga mata’y pikit. Tila nilalasap ang lambot at tamis ng bawat halik. Naramdaman niya ang kamay nitong masuyong gumapang mula sa makinis niyang balikat, sa pisngi ng kanyang kaliwang dib dib, sa kurba ng kanyang baywang hanggang sa kanyang hita at pumirmi roon. Ang haplos nito’y nakapagdudulot sa kanya ng masarap na kiliti habang lumalandas din ang labi nito kanina sa kanyang pisngi pababa sa kanyang panga. Hindi mapigilang umungol at dumaing ni Lilliane sa bawat hagod ng bibig at kamay nito sa kanyang makinis na balat. Ang kamay nitong gumagapang kanina sa kanyang katawan ay pumirmi at tila nanggigigil na humawak sa kanyang mabilog na hita. Umaarko ang kanyang katawan, ang mga mata’y nananatiling pikit, ang bibig ay naglalabas nang mahihina at masasarap na daing at ungol, ang kanyang gitna at mga dib dib ay naghahanap nang matinding atensyon. Tila kakapusi
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawaln ni Lilliane. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ang katotohanan at sitwasyon kahit gaano man ito kahirap.Nagpasya siyang bumaba sa kama at inilapag ang polo roon, tinungo niya ang isang antique vanity mirror at naupo sa upuang nasa harapan nito.Hindi niya mapigilang pagmasdan ang eleganteng design ng vanity dresser na gawa sa narra at ang mismong salamin.Mula noong araw na nakita niya iyon ay hindi niya mapigilang mamangha dahil sa intricately carved designs na mayroon ito. Walang-wala roon ang kanyang vanity table sa mismong silid niya sa mansyon at sa kanyang condo unit.Ayon kay Consuelo ay naroon na iyon mula pa noong ipatayo ang bahay. Nang makita siya nitong nakatunghay sa vanity mirror ay sinabi nito na gawa iyon sa Ilocos Norte mula sa isa sa pinakamahusay na craftsman sa mismong lalawigan; at pinakikita ng design ang sining at tradisyon ng mismong rehiyon.Ang nakikita raw niyang design sa paligid ng salamin at n
“You made a huge mistake, Mathilda!” nanggagalaiti sa galit na bulyaw ni Mr. Briones nang hindi na makapagtimpi, isang kilalang shareholder ang matanda dahil sa pagiging masigasig pagdating sa pamumuhunan. Dahil sa mga binitawang salita na iyon ng matandang lalaki ay tuluyang pumutok sa hangin ang kanina lamang ay namumuong matindi at mainit na tensyon sa loob ng conference room ng NexTech Solutions. Mas higit na ring naramdaman sa loob ng silid na iyon ang nakatutupok na init ng galit mula sa mga shareholders. Ang malaking lamesa ay napaliligiran ng mga naka-business attire na nakaupo, ang ilan ay may mga folder na puno ng mga dokumento. Ang kanilang mga mata ay tila nag-aalab, puno ng galit at pagkabigo habang nakatingin kay Mathilda na nakatayo sa harapan. Kasalukuyang ginaganap ang isang emergency meeting ng mga sandaling iyon. Hindi sila makapaniwala na dinaranas ngayon ng kumpanya na dating masigla at nangunguna sa larangan ng teknolohiya sa Pilipinas ang ganito kasadlak na s
Biglang tumahimik ang buong silid. Mas lalo ring nanalim ang mga matang nakatutok kay Mathilda. Marahas naman na napasinghap si Richard kasabay nang paghilot sa sintindo. Ngayon naman ay napunta ulit kay Lilliane ang topic. Hindi niya alam kung paano sasaluhin ang asawa buhat sa mga patutsada kung gayong kahit siya’y walang alam kung minsan sa mga ginagawa at plano nito sa kumpanya. Dahil din sa mga salitang binitawan ni Mr. Lim ay nagsimula ang mga bulungan. “Iyon ba ang strategy na sinasabi mo? Kaya ba walang tigil din ang paghahanap n’yo sa kanya para ipangbayad sa maibibigay ni Fuentes upang isalba ang kumpanya?” nangangalit ang ngipin na ani ni Mr. Lim. “Hindi ka na nahiya, Mathilda, sarili mong pamangkin handa mong ipagkanulo upang masagot ang mga problemang ikaw ang may dala.” Nanigas ang leeg ni Mathilda pero nagawa niyang ngumiti nang kaunti. Subalit gayon pa man ay hindi pa rin maisasalba niyon ang kaba na nagsisimulang kumalat sa kanyang dibdib gaya nang maliit na apo
“Pero Uncle!” protesta ni Lilliane. “Si Mr. Fuentes ay, a-ay fifty-years-old na ho, hindi ba?” nagsimulang mabalisa ang mga mata niya. “Bakit—” “Sixty-years-old na si Mr. Fuentes, Lilliane!” inip at inis na saad ni Richard. Mukhang tututol pa ang pamangkin sa kagustuhan nila. Napaangat ang tingin ni Lilliane at nakasalubong niya ang galit na mga mata ng tiyuhin. “Napakayaman ni Mr. Fuentes. Hindi ka magugutom, hindi ka maghihirap sa piling niya! Maisasalba pa niya ang ating pamilya at negosyo! Napakahalaga ng konsiderasyon na ‘yan kaya dapat ngayon pa lang ay i*****k mo na sa kokote mo ang bagay na ‘yan!” Marahas na napatayo si Lilliane nang hindi na makapagtimpi at nakuha niya ang buong atensyon ng dalawa. Sigurado siyang nababatid na rin nila Mathilda kung gaano kapula ang kanyang mukha mula sa pinaghalong galit at frustration. Inaamin naman niya na kahit hesitant siya sa nais ng mga ito na magpakasal siya sa taong hindi niya kilala ay handa niyang tanggapin—para sa naiwang kump
Nasa kotse pa lang sila ng estranghero’y hindi na matigil ang kanilang paghahalikan at maging ang panayang haplos nito sa kanyang nakalantad na hita. Hinihimod din nito maging ang palibot ng kanyang leeg. Panay ang kanyang daing at halos igiya niya ang isang kamay nito upang dakmain ang kanyang mga dibdib na naghahanap ng atensyon. Nang itigil nito ang ginagawa’y halos magprotesta siya.Hindi niya maitatanggi sa sarili na napakabango ng lalaki at para siyang nakasinghot ng love potion. At aminado rin siya na first time niya mag-make out kaya deep inside ay alam niyang atat na atat siya. At siguro na rin ay dahil sa mga alak na ininom niya kanina kaya halos ayaw niyang tumanggi sa mga ginagawa nila.Pinasibad nito ang sasakyan paalis sa parking space ng club. Kitang-kita niya ang mga ugat sa braso nito’t kamay habang mahigpit na nakakapit sa manubela, maigting din ang panga.Nag-iinit ang pakiramdam ni Lilliane at hinahanap ng kanyang katawan ang mga haplos ng lalaki at maging ang mga
Inabot ni Lilliane ang doorknob ng kanyang unit, nanginginig ang kanyang kamay habang sinususian iyon at sinusubukan ding ibalik ang kanyang katinuan. Para siyang sinalakay nang malakas na buhawi mula pagkagising niya at matagpuan na mayroon siyang katabi sa kama, at ang kanyang huling inaasahan ay ang makita ang dalawang tao na ayaw muna niyang makaharap na ganoon ang hitsura niya. Sa wakas ay nagawa na rin niyang tuluyang maipasok ang susi, pinihit niya ang doorknob sabay tulak sa dahon ng pinto. Pagod siyang napabuntong-hininga. Ngunit nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ay nabitin sa lalamunan niya ang kanyang paghinga. Nakatayo sa gitna ng kanyang living room ang kanyang tiyuhin na si Richard na nakahalukipkip, tumaas ang noo ni Richard nang makita siya at nilinga naman siya ni Mathilda na nakaupo sa pang-isahang sofa, magkahalong galit at pagkayamot ang nababakasan niya sa ekspresyon ng mga ito. Damang-dama ni Lilliane ang matindi at mataas na tensyon sa loob ng unit at p