Share

KABANATA 16

Isang marahang katok ang pumukaw kay Lilliane habang sinusuklay niya ang maiksi niyang buhok. Inilapag niya ang suklay at lumapit sa pinto ng silid.

Nakangiti si Consuelo nang pagbuksan niya ito ng pinto.

“Ready ka na?”

Tipid siyang ngumiti kasabay nang mahinang pagtango.

Sasamahan daw siya nito sa klinika bago pumasok sa eskuwelahan.

Tahimik ang kanilang biyahe patungo sa doktor at halos wala silang imikan sa loob ng tricycle.

Hindi alam ni Lilliane ang dapat niyang maramdaman. Kinakabahan siya na may halo ring excitement na hindi niya maunawaan.

Hindi rin niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Mga bagay na maaaring tuluyang magpabago sa kanyang buhay kapag napatunayang totoo ang hinala ni Consuelo.

Bigla’y sumagi sa isip niya ang kanyang sitwasyon.

Hindi siya puwedeng magtago at tumakbo habang buhay. Ayaw niyang ilagay sa magulong sitwasyon ang kanyang anak. Hindi rin ito maaaring magtatago na lang habang-buhay kasama siya.

Nang maalala sila Mathilda ay hindi niya mapigilang kabah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
love it ...thanks author
goodnovel comment avatar
RURI
Thank you po sa pagbasa! ...️ Wait po. Hehe.
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status