Biglang tumahimik ang buong silid. Mas lalo ring nanalim ang mga matang nakatutok kay Mathilda. Marahas naman na napasinghap si Richard kasabay nang paghilot sa sintindo. Ngayon naman ay napunta ulit kay Lilliane ang topic. Hindi niya alam kung paano sasaluhin ang asawa buhat sa mga patutsada kung gayong kahit siya’y walang alam kung minsan sa mga ginagawa at plano nito sa kumpanya. Dahil din sa mga salitang binitawan ni Mr. Lim ay nagsimula ang mga bulungan. “Iyon ba ang strategy na sinasabi mo? Kaya ba walang tigil din ang paghahanap n’yo sa kanya para ipangbayad sa maibibigay ni Fuentes upang isalba ang kumpanya?” nangangalit ang ngipin na ani ni Mr. Lim. “Hindi ka na nahiya, Mathilda, sarili mong pamangkin handa mong ipagkanulo upang masagot ang mga problemang ikaw ang may dala.” Nanigas ang leeg ni Mathilda pero nagawa niyang ngumiti nang kaunti. Subalit gayon pa man ay hindi pa rin maisasalba niyon ang kaba na nagsisimulang kumalat sa kanyang dibdib gaya nang maliit na apo
“Pero Uncle!” protesta ni Lilliane. “Si Mr. Fuentes ay, a-ay fifty-years-old na ho, hindi ba?” nagsimulang mabalisa ang mga mata niya. “Bakit—” “Sixty-years-old na si Mr. Fuentes, Lilliane!” inip at inis na saad ni Richard. Mukhang tututol pa ang pamangkin sa kagustuhan nila. Napaangat ang tingin ni Lilliane at nakasalubong niya ang galit na mga mata ng tiyuhin. “Napakayaman ni Mr. Fuentes. Hindi ka magugutom, hindi ka maghihirap sa piling niya! Maisasalba pa niya ang ating pamilya at negosyo! Napakahalaga ng konsiderasyon na ‘yan kaya dapat ngayon pa lang ay i*****k mo na sa kokote mo ang bagay na ‘yan!” Marahas na napatayo si Lilliane nang hindi na makapagtimpi at nakuha niya ang buong atensyon ng dalawa. Sigurado siyang nababatid na rin nila Mathilda kung gaano kapula ang kanyang mukha mula sa pinaghalong galit at frustration. Inaamin naman niya na kahit hesitant siya sa nais ng mga ito na magpakasal siya sa taong hindi niya kilala ay handa niyang tanggapin—para sa naiwang kump
Nasa kotse pa lang sila ng estranghero’y hindi na matigil ang kanilang paghahalikan at maging ang panayang haplos nito sa kanyang nakalantad na hita. Hinihimod din nito maging ang palibot ng kanyang leeg. Panay ang kanyang daing at halos igiya niya ang isang kamay nito upang dakmain ang kanyang mga dibdib na naghahanap ng atensyon. Nang itigil nito ang ginagawa’y halos magprotesta siya.Hindi niya maitatanggi sa sarili na napakabango ng lalaki at para siyang nakasinghot ng love potion. At aminado rin siya na first time niya mag-make out kaya deep inside ay alam niyang atat na atat siya. At siguro na rin ay dahil sa mga alak na ininom niya kanina kaya halos ayaw niyang tumanggi sa mga ginagawa nila.Pinasibad nito ang sasakyan paalis sa parking space ng club. Kitang-kita niya ang mga ugat sa braso nito’t kamay habang mahigpit na nakakapit sa manubela, maigting din ang panga.Nag-iinit ang pakiramdam ni Lilliane at hinahanap ng kanyang katawan ang mga haplos ng lalaki at maging ang mga
Inabot ni Lilliane ang doorknob ng kanyang unit, nanginginig ang kanyang kamay habang sinususian iyon at sinusubukan ding ibalik ang kanyang katinuan. Para siyang sinalakay nang malakas na buhawi mula pagkagising niya at matagpuan na mayroon siyang katabi sa kama, at ang kanyang huling inaasahan ay ang makita ang dalawang tao na ayaw muna niyang makaharap na ganoon ang hitsura niya. Sa wakas ay nagawa na rin niyang tuluyang maipasok ang susi, pinihit niya ang doorknob sabay tulak sa dahon ng pinto. Pagod siyang napabuntong-hininga. Ngunit nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ay nabitin sa lalamunan niya ang kanyang paghinga. Nakatayo sa gitna ng kanyang living room ang kanyang tiyuhin na si Richard na nakahalukipkip, tumaas ang noo ni Richard nang makita siya at nilinga naman siya ni Mathilda na nakaupo sa pang-isahang sofa, magkahalong galit at pagkayamot ang nababakasan niya sa ekspresyon ng mga ito. Damang-dama ni Lilliane ang matindi at mataas na tensyon sa loob ng unit at p
Ramdam ni Lilliane ang mabilis na pagkabog ng kaniyang puso nang lumabas siya ng elevator at pumasok sa marble-floored lobby ng kaniyang condo unit. Ang alingawngaw ng suot niyang takong ay animo dumaragdag sa pagkabalisa niya na sumasabay rin sa bawat tambol sa kanyang dib dib.Hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam pa rin ni Lilliane ang hapdi at kirot mula sa mga sampal at sabunot na tinamo niya mula kay Mathilda.Pinilit niyang inayusan ang sarili kahit ayaw niyang sumipot. Sinuot din niya ang dalang dress ng kanyang tiyahin na iniwan nito sa coffee table.Magang-maga ang kanyang mga mata habang katitigan ang sariling repleksyon sa salamin. Gusto niya muling umiyak pero wala na yata siyang iluluha pa. Wala rin siyang ibang maramdaman kundi matinding awa para sa sarili.Napahinga nang malalim si Lilliane, bakas sa kaniyang mga mata ang pagod.“Miss Lilliane Olivares?”Tipid na tumango si Lilliane sa matandang lalaki na agad tumayo matapos siyang makita.“Ako nga,”“Ako ho si Pedr
Miguel Gunther Salvatierra, the 29-year-old billionaire and CEO of a multinational company, is busy moving from one desk to another. Ang kaniyang opisina ay nasa ika-30 palapag ng isang mataas na gusali na puno ng mamahaling kagamitan at mga modernong teknolohiya. Abala siyang tinatapos ang ilang mga papeles ng pumasok sa kaniyang opisina ang sekretarya niyang si Beatrice. “Sir Miguel, nandito na po ang ilang mga report na hinihingi n’yo,” ang saad nito. Mahihimigan sa tinig ng matandang babae ang pag-aalala. “Salamat, Manang Beatrice,” matagal nang naninilbihan sa kanilang kompanya ang babae. Sekretarya pa ito ng kaniyang ama bago nito tuluyang ipinasa sa kaniya ang responsibilidad ng kumpanya. “Pakilagay na lang ho sa kabilang desk,” tugon ni Miguel na hindi inaalis ang paningin sa screen ng laptop. Napahinga si Miguel matapos lumabas nang matandang babae, nanghahapong isinandal niya ang likod sa backrest ng kinauupuan at saglit na pinayapa ang sarili. Dinampot niya ang kaniyang
Hindi mapakali si Mathilda habang paroo’t parito sa loob ng kaniyang opisina. Ilang araw ng hindi pumapasok si Lilliane at hindi rin nito sinasagot ang ano mang tawag at message niya at nababahala siya. At kung hindi pa niya pinagtanong kanina kung pumasok ba si Lilliane ngayon ay hindi rin niya malalaman na ilang araw na pala itong absent. Nabinbin din ang mga dapat ay trabaho nito. Naikuyom ni Mathilda ang kaniyang mga kamao at nanggigigil sa galit sa isiping tinakasan at pinagtataguan sila ngayon ng kaniyang pamangkin. Mabibigat ang mga paa na nagmartsa siya palabas ng opisina. Kailangan niya ngayong gumawa ng aksyon. “Carla!” “Ma’am,” gulantang na napatayo ang kaniyang sekretarya sa biglaang sigaw niya. Hindi mapigilang matakot at bahagyang mapaatras ni Carla dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata ng amo. “Kailangan kong malaman kung nasaan si Lilliane ngayon!” nagtatagis ang mga ngipin na sigaw nito, hindi alintana ang ilang mga empleyado na nakatingin at napasusulyap
Pagkatapos mag-withdraw ni Lilliane ng pera ay muli siyang sumakay ng taxi. “Saan po tayo, Ma’am?” “Dalhin mo ako manong sa...” saglit siyang nag-isip. Nang kumalam ang kaniyang sikmura at tila naghahanap nang mainit na kape ang lalamunan ay, “may alam po ba kayong coffee shop sa labas nitong Las Piñas?” Sinilip siya ng driver sa rearview mirror. “Laguna na po, Ma’am.” Binasa niya ang nanunuyong mga labi at mahinang napatango. “Sige, Manong, sa Laguna ho tayo.” Nanghahapong isinandal niya ang likod sa backrest upang kahit paano ay maipahinga ang nanglalatang katawan. “Ayos lang po ba kayo, Ma’am?” Napasulyap si Lilliane sa matandang driver na pinanonood siya mula sa rearview mirror at ginawaran ito nang maliit na ngiti saka tinanguan. “Oho, maraming salamat.” Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatakbo at magtatago. Iniisip pa lang na ganito na siya sa mga susunod na buwan at taon ay nahahapo na siya. Kung tutuusin ay wala siya gaanong alam