Miguel Gunther Salvatierra, the 29-year-old billionaire and CEO of a multinational company, is busy moving from one desk to another.
Ang kaniyang opisina ay nasa ika-30 palapag ng isang mataas na gusali na puno ng mamahaling kagamitan at mga modernong teknolohiya. Abala siyang tinatapos ang ilang mga papeles ng pumasok sa kaniyang opisina ang sekretarya niyang si Beatrice. “Sir Miguel, nandito na po ang ilang mga report na hinihingi n’yo,” ang saad nito. Mahihimigan sa tinig ng matandang babae ang pag-aalala. “Salamat, Manang Beatrice,” matagal nang naninilbihan sa kanilang kompanya ang babae. Sekretarya pa ito ng kaniyang ama bago nito tuluyang ipinasa sa kaniya ang responsibilidad ng kumpanya. “Pakilagay na lang ho sa kabilang desk,” tugon ni Miguel na hindi inaalis ang paningin sa screen ng laptop. Napahinga si Miguel matapos lumabas nang matandang babae, nanghahapong isinandal niya ang likod sa backrest ng kinauupuan at saglit na pinayapa ang sarili. Dinampot niya ang kaniyang tablet na nasa gilid ng mesa at binuksan iyon. Isang artikulo ang agad na kumuha ng kaniyang pansin: “Media Magnate, 68, Set to Marry Young Heiress in Surprise Wedding Announcement.” Wala sa sariling pinindot niya ang headline upang mag-usisa. Ayon sa balita ay ikakasal ang kilalang media magnate na si Arnulfo Fuentes sa naiwang tagapagmana ni Leandro Olivares ng NexTech Solutions na si Lilliane Olivares. Kilala ni Miguel ang mga taong nabanggit maliban sa huli. Si Arnulfo Fuentes ay isang influential figure sa media industry samantalang si Leandro Olivares naman ay isa sa mga tinitingalang Tech Mogul noong nabubuhay pa ito. Hindi pa kailan man nakita ni Miguel ang anak ng mag-asawang Olivares hanggang sa mamatay sa aksidente ang mga ito tatlong taon na ang nakalilipas. Sa kaniyang pagkakaalam, ang kasalukuyang namamahala sa NexTech Solutions ay ang kapatid ni Leandro na si Mathilda Amante at ang asawa nitong si Richard. Kasalukuyan ding nahaharap sa bankruptcy ang kumpanya at isa sa nakikita niyang solusyon upang isalba ito ay ang pagpapakasal ng anak ng mga Olivares sa matandang Fuentes. At hindi siya naniniwala na may pagmamahal sa pagitan ng dalawa. Nag-scroll pa si Miguel hanggang sa tumambad sa kaniya ang larawan ng dalawa. Napaahon mula sa pagkakaupo si Miguel nang mapako ang mga mata kay Lilliane. Umawang ang kaniyang labi habang nakatitig din sa mukha ng babae. “I know her...” bulong niya sa sarili. Muling bumalik sa alaala niya ang mainit na gabi na kanilang pinagsaluhan. Ang ilang beses niyang pag-angkin sa katawan nito. Ang mga ungol at daing nito’y malinaw pa rin sa isip at alaala niya. Wala naman talaga siyang balak makipag-one night stand ng gabing iyon pero napukaw nito ang kaniyang atensyon habang nakatunghay siya sa mga nagsasayaw sa baba at sumisimsim sa basong may lamang alak. Ang sexy at makinis nitong likod, ang kurba ng katawan nito, ang mapang-akit nitong suot na sinamahan pa ng buhok nitong nasa messy bun. Batid ni Miguel na lasing na lasing na ito, nakita niya ang ilang ulit nitong paglaklak ng mga in-order na alak kahit batid niyang sinusuway na ito ng nakatalagang bartender ng gabing iyon. Nang magsimula itong magsayaw sa dance floor ay hindi niya napigilang babain ito. Hindi niya alam kung bakit siya tinubuan ng concerned sa babae gayong hindi niya ito kilala at normal na rin naman ang ganoon sa club. Akmang may lalapit ditong lalaki nang sawayin niya ito at tinitigan nang masama dahilan upang hindi na nito itinuloy ang kung ano mang binabalak kay Lilliane. Batid niya na naakit siya nito. May kakaibang karisma ang babae at alam niyang ilang mata ang nakamasid at naghihintay ng pagkakataon na makalapit dito noong gabing iyon. Sa pagkakatitig ni Miguel sa larawan ni Lilliane ay kapansin-pansin doon ang malungkot at pagod nitong mga mata sa kabila nang nakangiti nitong mga labi. Halatang napipilitan lamang ang babae sa nangyayari sa buhay nito ngayon. Bigla ring sumagi sa isip niya ang mga salitang binitawan nito nang yayain niya itong magpunta sa kung saan. S-sama ako sa iyo, kahit saan! Wala na rin naman akong halaga bukas! Bahagyang nangunot ang kaniyang noo. Kaya rin ba pinakiusapan siya nito na angkinin niya ito, na ituloy nila ang kanilang ginagawa ng gabing iyon? Ayaw nitong ibigay sa matanda ang pagkabirhen nito! Nagsimulang mapukaw ang kaniyang interes dahil doon. “Manang Beatrice!” tawag niya sa kaniyang cincuenta y nueve na sekretarya. Sumungaw ang babae sa pinto ng kaniyang opisina. “Ano ‘yon, Miguel?” Kapag sila lang dalawa ay hindi siya nito tinatawag na sir kung minsan—kahit noon pa man ding bata-bata pa ang lalaki. Para din kila Miguel ay pamilya na ang turing nila sa babae. Lumapit sa desk niya si Beatrice. “I need to know all the details and information about Lilliane Olivares.” Dinungaw ni Beatrice ang screen ng kaniyang tablet. Nangunot ang noo nito. “Hindi ba’t si...” turo nito sa matandang Fuentes na may malapad na ngiti sa mga labi habang nakaakbay sa babaeng katabi nito. “At iyan ba ang Lilliane?” sabay lipat ng mga mata nito sa magandang dalaga na kasama ni Arnulfo sa larawan. Nakasuot ito ng kulay soft blush pink na dress. Napahinga si Miguel. “Yes. Can you help me gather information about her?” “Ano bang mga impormasyon ang nais mo?” “Her address, Manang Beatrice. Find out where she lives—every detail I need to know, as thoroughly as possible.” Hindi mapigilan ni Beatrice na itaas ang isang kilay. “Immediately, Miguel?” sagot ni Beatrice. “How much time will you need?” “I would like it done right away.” May nais sanang sabihin si Beatrice ngunit pinili na lang niyang itikom ang bibig at lumabas ng opisina upang simulan ang pinagagawa nito. Nang makaalis ang sekretarya niya ay binigyan ni Miguel ang sarili na magmuni-muni. Hindi niya batid kung bakit nagkakaroon ng emosyonal na epekto sa kaniya ang kasalukuyang kalagayan ng babae. Batid niyang pagod ang mga mata nito, walang buhay kahit nakangiti. Kung pagmamasdan din ang hitsura nito sa larawan ay halata rin ang pagiging tensyonado nito. Kailan man ay hindi pa niya nakita si Lilliane sa mga mahahalagang pagtitipon na dinadaluhan niya kung saan naroon din ang mga magulang nito noong nabubuhay pa ang mga ito—o maaaring hindi lang niya napagtutuunan nang pansin. Bigla’y naglaro sa isipan niya ang malamlam na mga mata nito noong nagtagpo ang kanilang paningin habang magkasayaw sila sa club. Gayon din sa mga mata nitong nang-aakit, inuutusan siyang ituloy ang nais niyang gawin sa katawan nito. Ang makinis at mabango nitong balat na kung saan ay pinaglakbay niya roon ang kanyang mga kamay, bibig at dila. Ang pag-arko ng katawan nito at ang mga ungol at daing ng dalaga na sadyang nakawawala ng ulirat. Nahilot ni Miguel ang bridge ng kaniyang ilong, napapikit at muling napasandal sa backrest. Hindi rin niya mapigilang mag-usal nang mahinang mura lalo na nang maramdaman niya ang pagkabuhay ng kaniyang pagkala laki. Matapos ang naging pagtatagpo at pagsasalo nilang iyon sa init ay hindi na ito kailanman nawaglit sa isipan niya kahit saglit. Umaasam na sana ay muli niya itong makatagpo.Hindi mapakali si Mathilda habang paroo’t parito sa loob ng kaniyang opisina. Ilang araw ng hindi pumapasok si Lilliane at hindi rin nito sinasagot ang ano mang tawag at message niya at nababahala siya. At kung hindi pa niya pinagtanong kanina kung pumasok ba si Lilliane ngayon ay hindi rin niya malalaman na ilang araw na pala itong absent. Nabinbin din ang mga dapat ay trabaho nito. Naikuyom ni Mathilda ang kaniyang mga kamao at nanggigigil sa galit sa isiping tinakasan at pinagtataguan sila ngayon ng kaniyang pamangkin. Mabibigat ang mga paa na nagmartsa siya palabas ng opisina. Kailangan niya ngayong gumawa ng aksyon. “Carla!” “Ma’am,” gulantang na napatayo ang kaniyang sekretarya sa biglaang sigaw niya. Hindi mapigilang matakot at bahagyang mapaatras ni Carla dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata ng amo. “Kailangan kong malaman kung nasaan si Lilliane ngayon!” nagtatagis ang mga ngipin na sigaw nito, hindi alintana ang ilang mga empleyado na nakatingin at napasusulyap
Pagkatapos mag-withdraw ni Lilliane ng pera ay muli siyang sumakay ng taxi. “Saan po tayo, Ma’am?” “Dalhin mo ako manong sa...” saglit siyang nag-isip. Nang kumalam ang kaniyang sikmura at tila naghahanap nang mainit na kape ang lalamunan ay, “may alam po ba kayong coffee shop sa labas nitong Las Piñas?” Sinilip siya ng driver sa rearview mirror. “Laguna na po, Ma’am.” Binasa niya ang nanunuyong mga labi at mahinang napatango. “Sige, Manong, sa Laguna ho tayo.” Nanghahapong isinandal niya ang likod sa backrest upang kahit paano ay maipahinga ang nanglalatang katawan. “Ayos lang po ba kayo, Ma’am?” Napasulyap si Lilliane sa matandang driver na pinanonood siya mula sa rearview mirror at ginawaran ito nang maliit na ngiti saka tinanguan. “Oho, maraming salamat.” Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatakbo at magtatago. Iniisip pa lang na ganito na siya sa mga susunod na buwan at taon ay nahahapo na siya. Kung tutuusin ay wala siya gaanong alam
Isang marahang katok ang pumukaw sa atensyon ni Miguel mula sa binabasang papeles. Kapagkuwan ay sumungaw ang ulo ni Beatrice mula sa bahagyang siwang ng pinto ng buksan nito iyon. “Miguel, nandito na si Agus,” imporma nito. “Patuluyin mo siya, Manang.” Lumaki nang bahagya ang pagkakabukas ng pinto ng pumasok ang isang matangkad, moreno at matipunong lalaki. Tahimik na pininid nito pasara ang dahon ng pinto at hinarap ang lalaking nakaupo sa likod nang malapad na lamesa na gawa sa mahogany. “Balita, Miguel,” bungad nito sa kaibigan. Tumaas ang sulok ng bibig ni Miguel matapos siyang batiin ni Agus. Ipinahinga niya ang likod mula sa backrest ng kinauupuan at mataman itong tinignan. College days pa lang ay magkakilala na sila ni Agus. Nang magkaroon siya ng interes kay Lilliane ay naisipan niya itong kunin bilang private investigator. Kagaya niya ay kabilang din ito sa isang pribado at misteryosong ahensya na ilang siglo nang nakatatag at nagbibigay serbisyo sa ilang mga piling ta
Mararamdaman ang namumuong tensyon sa loob nang malawak na living room ng mga Olivares sa pagitan nila Mathilda at Arnulfo dahil sa binitawan nitong mga salita. Akma na rin sanang papasok sa naturang lugar ang tinawag na katulong ngunit naestatwa na lang ito sa bungad at hindi na itinuloy ang paglapit. Awtomatiko rin itong napabalik sa dining area. Madilim pa rin ang aura ni Arnulfo at ramdam ng dalawa ang sumisingaw na galit at pagtitimpi nito lalo na sa kaalamang itinago nila rito ang tungkol kay Lilliane. Nagsimulang mangatal ang bibig ni Mathilda habang nag-iisip nang palusot. “M-Mr. Fuentes,” ninenerbyos na ngumiti siya sa matanda. “We didn’t expect that you would visit. Thank you very much for coming.” hilaw niyang nginitian ang matanda. Hindi umimik si Arnulfo, itinaas nito ang noo. Ang mga mata ay may bahid pa rin ng galit. “Hindi ba ninyo alam kung gaano kabigat ang sitwasyon na kinalalagyan n’yo ngayon?” pinagsalit-salitan niya nang tingin ang dalawa. “Lalo ka na, Mathil
“Señor,” anang matangkad na lalaki at may seryosong ekspresyon matapos pumasok sa loob ng opisina ni Arnulfo sa sarili nitong mansyon. Bahagya pa itong yumukod bilang pagbibigay galang sa amo. Nananatili namang matigas ang mukha ni Arnulfo habang nakatitig sa kawalan. Kapagkuwan ay inikot nito ang kinauupuan upang harapin ang lalaki. Bukod tanging ang lampshade lamang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng silid. At nababanaag ni Ruel ang blangkong ekspresyon sa mukha ng matanda. “Kumusta, Ruel, ang pinagagawa ko?” “Na-inform ko na po ang lahat ng ating mga tauhan tungkol sa paghahanap kay Miss Lilliane. Binigay ko na rin po sa kanila ang mga detalye na dapat nilang malaman upang mabilis matunton ang inyong fiancé. At nasa isang mahigpit din po silang direktiba na hanapin siya nang mabilis at tahimik upang hindi po siya makatunog.” Pagkaalis pa lang niya sa mansyon ng mga Olivares kanina’y inimporma na niya si Ruel tungkol sa bagay na iyon. Walang oras ang dapat masayang. “Magaling
Ibinaba si Lilliane ng sinakyang jeep sa kanto ng Petron sa GMA, Cavite. Hanggang doon na lang daw kasi ang byahe nito at magsasakay naman pauwing Laguna bago mag-boundary.Iginala niya ang paningin. Kahit alas nueve na nang gabi’y may ilang mga tao pa rin ang nakakalat sa bawat paligid ng lugar. May ilang establisyemento pa rin ang nananatiling bukas.Lumapit siya sa vendor ng Japanese cake. May ilang piraso pa ang natitira doon at bumili siya ng lima na yema flavored.“May alam ka po bang motel dito?” aniya.Tumuro ito sa bandang kaliwa niya at nasundan ng tingin ang dereksyon ng kamay nito.“‘Yang gusaling ‘yan,” wika nito, tinuturo ang tatlong palapag na building na nakatunghay sa highway. “motel po ‘yan, Ma’am.”Inabot niya ang binili at nagpasalamat. Ngunit nang maalala na baka sumabit siya sa oras na mag-check in sa motel ay muli niyang hinarap ang vendor.“Bed... space for female? May alam ka po ba kuya?”Tumunghay sa kaniya ang payat na lalaki.“B-baka kasi magkulang ang pera
Hindi pa kailan man naranasan ni Lilliane ang sumakay ng bus at bumyahe nang malayo, ito pa lang ang unang pagkakataon niya.Aminado siya sa sarili na kinakabahan at natatakot siya dahil pakiramdam niya’y patungo siya sa kawalan.Nang makarating sa bus terminal sa Pasay kanina’y hindi niya alam ang gagawin. Nagtanong-tanong siya kung may bus ba na patungong Norte—ang siste’y kakaalis lang daw ng bus na byaheng Dagupan, Pangasinan. Ang kasunod na raw na byahe na papuntang Norte ay sa Tuguegarao na at sa ganap na ala una nang hapon.Hindi niya alam ang lugar na iyon at hindi pa kailan man narating pero magandang lugar iyon para sa kagaya niyang may tinatakasan.Hindi mapigilan ni Lilliane ang magsimulang mabalisa. Kaya nang mag-anunsyo ang kundoktor ng bus na papuntang Tuguegarao na maaari nang sunakay ay nakipag-unahan na siya.Pinili niyang maupo sa dulo at tabi ng bintana. Ang aviator at baseball cap na suot ay hindi niya hinu bad. Ayaw niyang makampante.Alas diez na nang gabi nang
Isang two-storey house ang nasilayan ni Lilliane matapos makababa sa tricycle. Mukhang itinayo pa ang bahay matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mga bahay na kilala sa tawag na, ‘post-war’.Pansin ni Lilliane ang mga naglalakihang mga bintana, batid niyang presko ang bahay dahil malayang nakapapasok doon ang hangin. Halata ring alaga ito dahil na-maintain pa rin nito ang kagandahan sa kabila ng mga lumipas at pagiging moderno ng panahon. Wala siyang makitang sira o lamat sa mga dingding na gawa sa kahoy. Ang mga bubong ay mukhang katatapos lang din pinturahan.Malawak din ang bakuran ng bahay at napalilibutan ng mga matataas at iba’t ibang uri ng punong-kahoy. May mga namumulaklak din na halaman na isa sa nagpapaganda sa malawak na solar. Tila napakasarap tumambay at magpahinga sa ilalim ng mga naglalakihan at nagtataasang puno.Kanina habang binabaybay nila ang kalsada sakay ng tricycle matapos makababa sa terminal ay kapansin-pansin ang mabeberdeng kapaligiran.Naaaliw siyang