Share

KABANATA 10

Ibinaba si Lilliane ng sinakyang jeep sa kanto ng Petron sa GMA, Cavite. Hanggang doon na lang daw kasi ang byahe nito at magsasakay naman pauwing Laguna bago mag-boundary.

Iginala niya ang paningin. Kahit alas nueve na nang gabi’y may ilang mga tao pa rin ang nakakalat sa bawat paligid ng lugar. May ilang establisyemento pa rin ang nananatiling bukas.

Lumapit siya sa vendor ng Japanese cake. May ilang piraso pa ang natitira doon at bumili siya ng lima na yema flavored.

“May alam ka po bang motel dito?” aniya.

Tumuro ito sa bandang kaliwa niya at nasundan ng tingin ang dereksyon ng kamay nito.

“‘Yang gusaling ‘yan,” wika nito, tinuturo ang tatlong palapag na building na nakatunghay sa highway. “motel po ‘yan, Ma’am.”

Inabot niya ang binili at nagpasalamat. Ngunit nang maalala na baka sumabit siya sa oras na mag-check in sa motel ay muli niyang hinarap ang vendor.

“Bed... space for female? May alam ka po ba kuya?”

Tumunghay sa kaniya ang payat na lalaki.

“B-baka kasi magkulang ang pera
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status