Share

KABANATA 11

Hindi pa kailan man naranasan ni Lilliane ang sumakay ng bus at bumyahe nang malayo, ito pa lang ang unang pagkakataon niya.

Aminado siya sa sarili na kinakabahan at natatakot siya dahil pakiramdam niya’y patungo siya sa kawalan.

Nang makarating sa bus terminal sa Pasay kanina’y hindi niya alam ang gagawin. Nagtanong-tanong siya kung may bus ba na patungong Norte—ang siste’y kakaalis lang daw ng bus na byaheng Dagupan, Pangasinan. Ang kasunod na raw na byahe na papuntang Norte ay sa Tuguegarao na at sa ganap na ala una nang hapon.

Hindi niya alam ang lugar na iyon at hindi pa kailan man narating pero magandang lugar iyon para sa kagaya niyang may tinatakasan.

Hindi mapigilan ni Lilliane ang magsimulang mabalisa. Kaya nang mag-anunsyo ang kundoktor ng bus na papuntang Tuguegarao na maaari nang sunakay ay nakipag-unahan na siya.

Pinili niyang maupo sa dulo at tabi ng bintana. Ang aviator at baseball cap na suot ay hindi niya hinu bad. Ayaw niyang makampante.

Alas diez na nang gabi nang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status