Share

KABANATA 12

Isang two-storey house ang nasilayan ni Lilliane matapos makababa sa tricycle. Mukhang itinayo pa ang bahay matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mga bahay na kilala sa tawag na, ‘post-war’.

Pansin ni Lilliane ang mga naglalakihang mga bintana, batid niyang presko ang bahay dahil malayang nakapapasok doon ang hangin. Halata ring alaga ito dahil na-maintain pa rin nito ang kagandahan sa kabila ng mga lumipas at pagiging moderno ng panahon. Wala siyang makitang sira o lamat sa mga dingding na gawa sa kahoy. Ang mga bubong ay mukhang katatapos lang din pinturahan.

Malawak din ang bakuran ng bahay at napalilibutan ng mga matataas at iba’t ibang uri ng punong-kahoy. May mga namumulaklak din na halaman na isa sa nagpapaganda sa malawak na solar. Tila napakasarap tumambay at magpahinga sa ilalim ng mga naglalakihan at nagtataasang puno.

Kanina habang binabaybay nila ang kalsada sakay ng tricycle matapos makababa sa terminal ay kapansin-pansin ang mabeberdeng kapaligiran.

Naaaliw siyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
RURI
Thank you po sa mga comment, ate. Malaki po itong tulong para kila Lilliane. ...
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
omg,hala ka bka buntis ka nga lilliane,naku kelangan mahanap ka na tlga ni miguel,,,bka nman maligaw Jan sa kinaroroonan mo sa apayao c Miguel,ayiieee
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status