Mararamdaman ang namumuong tensyon sa loob nang malawak na living room ng mga Olivares sa pagitan nila Mathilda at Arnulfo dahil sa binitawan nitong mga salita. Akma na rin sanang papasok sa naturang lugar ang tinawag na katulong ngunit naestatwa na lang ito sa bungad at hindi na itinuloy ang paglapit. Awtomatiko rin itong napabalik sa dining area. Madilim pa rin ang aura ni Arnulfo at ramdam ng dalawa ang sumisingaw na galit at pagtitimpi nito lalo na sa kaalamang itinago nila rito ang tungkol kay Lilliane. Nagsimulang mangatal ang bibig ni Mathilda habang nag-iisip nang palusot. “M-Mr. Fuentes,” ninenerbyos na ngumiti siya sa matanda. “We didn’t expect that you would visit. Thank you very much for coming.” hilaw niyang nginitian ang matanda. Hindi umimik si Arnulfo, itinaas nito ang noo. Ang mga mata ay may bahid pa rin ng galit. “Hindi ba ninyo alam kung gaano kabigat ang sitwasyon na kinalalagyan n’yo ngayon?” pinagsalit-salitan niya nang tingin ang dalawa. “Lalo ka na, Mathil
“Señor,” anang matangkad na lalaki at may seryosong ekspresyon matapos pumasok sa loob ng opisina ni Arnulfo sa sarili nitong mansyon. Bahagya pa itong yumukod bilang pagbibigay galang sa amo. Nananatili namang matigas ang mukha ni Arnulfo habang nakatitig sa kawalan. Kapagkuwan ay inikot nito ang kinauupuan upang harapin ang lalaki. Bukod tanging ang lampshade lamang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng silid. At nababanaag ni Ruel ang blangkong ekspresyon sa mukha ng matanda. “Kumusta, Ruel, ang pinagagawa ko?” “Na-inform ko na po ang lahat ng ating mga tauhan tungkol sa paghahanap kay Miss Lilliane. Binigay ko na rin po sa kanila ang mga detalye na dapat nilang malaman upang mabilis matunton ang inyong fiancé. At nasa isang mahigpit din po silang direktiba na hanapin siya nang mabilis at tahimik upang hindi po siya makatunog.” Pagkaalis pa lang niya sa mansyon ng mga Olivares kanina’y inimporma na niya si Ruel tungkol sa bagay na iyon. Walang oras ang dapat masayang. “Magaling
Ibinaba si Lilliane ng sinakyang jeep sa kanto ng Petron sa GMA, Cavite. Hanggang doon na lang daw kasi ang byahe nito at magsasakay naman pauwing Laguna bago mag-boundary.Iginala niya ang paningin. Kahit alas nueve na nang gabi’y may ilang mga tao pa rin ang nakakalat sa bawat paligid ng lugar. May ilang establisyemento pa rin ang nananatiling bukas.Lumapit siya sa vendor ng Japanese cake. May ilang piraso pa ang natitira doon at bumili siya ng lima na yema flavored.“May alam ka po bang motel dito?” aniya.Tumuro ito sa bandang kaliwa niya at nasundan ng tingin ang dereksyon ng kamay nito.“‘Yang gusaling ‘yan,” wika nito, tinuturo ang tatlong palapag na building na nakatunghay sa highway. “motel po ‘yan, Ma’am.”Inabot niya ang binili at nagpasalamat. Ngunit nang maalala na baka sumabit siya sa oras na mag-check in sa motel ay muli niyang hinarap ang vendor.“Bed... space for female? May alam ka po ba kuya?”Tumunghay sa kaniya ang payat na lalaki.“B-baka kasi magkulang ang pera
Hindi pa kailan man naranasan ni Lilliane ang sumakay ng bus at bumyahe nang malayo, ito pa lang ang unang pagkakataon niya.Aminado siya sa sarili na kinakabahan at natatakot siya dahil pakiramdam niya’y patungo siya sa kawalan.Nang makarating sa bus terminal sa Pasay kanina’y hindi niya alam ang gagawin. Nagtanong-tanong siya kung may bus ba na patungong Norte—ang siste’y kakaalis lang daw ng bus na byaheng Dagupan, Pangasinan. Ang kasunod na raw na byahe na papuntang Norte ay sa Tuguegarao na at sa ganap na ala una nang hapon.Hindi niya alam ang lugar na iyon at hindi pa kailan man narating pero magandang lugar iyon para sa kagaya niyang may tinatakasan.Hindi mapigilan ni Lilliane ang magsimulang mabalisa. Kaya nang mag-anunsyo ang kundoktor ng bus na papuntang Tuguegarao na maaari nang sunakay ay nakipag-unahan na siya.Pinili niyang maupo sa dulo at tabi ng bintana. Ang aviator at baseball cap na suot ay hindi niya hinu bad. Ayaw niyang makampante.Alas diez na nang gabi nang
Isang two-storey house ang nasilayan ni Lilliane matapos makababa sa tricycle. Mukhang itinayo pa ang bahay matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mga bahay na kilala sa tawag na, ‘post-war’.Pansin ni Lilliane ang mga naglalakihang mga bintana, batid niyang presko ang bahay dahil malayang nakapapasok doon ang hangin. Halata ring alaga ito dahil na-maintain pa rin nito ang kagandahan sa kabila ng mga lumipas at pagiging moderno ng panahon. Wala siyang makitang sira o lamat sa mga dingding na gawa sa kahoy. Ang mga bubong ay mukhang katatapos lang din pinturahan.Malawak din ang bakuran ng bahay at napalilibutan ng mga matataas at iba’t ibang uri ng punong-kahoy. May mga namumulaklak din na halaman na isa sa nagpapaganda sa malawak na solar. Tila napakasarap tumambay at magpahinga sa ilalim ng mga naglalakihan at nagtataasang puno.Kanina habang binabaybay nila ang kalsada sakay ng tricycle matapos makababa sa terminal ay kapansin-pansin ang mabeberdeng kapaligiran.Naaaliw siyang
“Arnulfo, my love, I'm here!” malandi at mataas ang tinig na bungad ni Scarlet pagpasok pa lamang niya sa mataas at malaking double doors ng mansyon.Mapang-akit at kumekendeng itong naglakad sa malawak na living room. Suot ay isang kulay pulang dress na may mababang neckline, ang malulusog na mga dib dib ay nagmamalaki. Humahakab din sa malaki nitong balakang ang tela ng suot na damit na ang haba ay hanggang sa ilalim ng tuhod. Ang tatlong taas na takong ng suot na nude strappy stilletos ay nagbibigay taas sa hindi katangkarang babae.Huminto si Scarlet sa gitna ng living room at maarteng hinawi ang mahabang buhok na bahagyang tumabing sa gilid ng mukha. Pinaarte rin ang buhok nitong orihinal na deretso dahil ngayon ay nakakulot iyon.Iginala niya ang paningin. Napakatahimik ng mansyon na tila walang nakatira. Mayamaya ay lumabas ang isa sa mga katulong ni Arnulfo at hindi mapigilan ni Scarlet na taasan ito ng kilay at kutyain gamit ang mga mata. Sa pagkakaalam niya ay ito ang pinaka
“Arnulfo,” sabi niya habang nakahilig sa dib dib ng kaulayaw, ang mga daliri ay nilalaro ang ilang pinong balahibo sa dib dib nito.“Hmm,”“Bakit mo ba siya pinag-aaksayahan ng panahon?” tukoy niya kay Lilliane.Nang umabot sa kanya ang balita na magpapakasal ito sa anak ng noo’y kilalang tech mogul ay nagulantang ang kanyang buong pagkatao. Tinubuan din siya agad nang matinding inis at selos.Kung magpapakasal ito sa ibang babae ay baka mawalan na ito ng oras at panahon sa kanya. Ayaw niya ng may kaagaw kay Arnulfo kahit marami naman din siyang palihim na kinakalantaring may edad na kapwa artista. Karamihan din sa mga iyon ay may pangalan na sa showbiz.Ibang-iba para sa kanya si Arnulfo pagdating sa pagtatalik. Sa matandang ito lamang niya naramdaman at nalasap ang tunay na sarap na hindi naibigay ng mga nakatalik niya.Gaano man din kaguwapo at kakisig ang mga actor na iyon, nakatatrabaho man niya o hindi, hindi pa rin ng mga ito matutumbasan si Arnulfo pagdating sa kama. Hanggang
Hindi kaya buntis ka?Tila alingawngaw ng sirena ang mga salitang iyon buhat kay Consuelo.Natigagal siya at napatitig dito matapos nito iyon sambitin. Kumakabog ang kanyang puso at ramdam niya ang pagyanig ng kanyang sistema dahil doon.Mahinang umiling siya habang nakatitig dito, hindi siya naniniwala. Akala lang marahil nito iyon at imposible rin namang mangyari iyon.Ngunit nang maalala ang isang gabi sa piling ng estranghero na hindi na niya maalala ang mukha, at ang maiinit na sandali na ilang beses nilang pinagsaluhan ay lalong nagpatibay na maaaring tama ang hinala ni Consuelo.Pero isang gabi lang ‘yon! Giit ng isang bahagi ng isip niya.Isang gabi pero ilang ulit ka niyang inangkin! Sikmat naman ng kabila.Bumaba ang mga mata ni Lilliane sa sink.Katatapos lang niyang dumuwal. At gaya nang dati ay wala naman siyang inilalabas kundi puro laway.Nagsimula siyang makaramdam nang panginginig.Paano nga kung totoong buntis siya? Anong gagawin niya? Paano niya ipaliliwanag kay Con