Ramdam ni Lilliane ang mabilis na pagkabog ng kaniyang puso nang lumabas siya ng elevator at pumasok sa marble-floored lobby ng kaniyang condo unit. Ang alingawngaw ng suot niyang takong ay animo dumaragdag sa pagkabalisa niya na sumasabay rin sa bawat tambol sa kanyang dib dib.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam pa rin ni Lilliane ang hapdi at kirot mula sa mga sampal at sabunot na tinamo niya mula kay Mathilda. Pinilit niyang inayusan ang sarili kahit ayaw niyang sumipot. Sinuot din niya ang dalang dress ng kanyang tiyahin na iniwan nito sa coffee table. Magang-maga ang kanyang mga mata habang katitigan ang sariling repleksyon sa salamin. Gusto niya muling umiyak pero wala na yata siyang iluluha pa. Wala rin siyang ibang maramdaman kundi matinding awa para sa sarili. Napahinga nang malalim si Lilliane, bakas sa kaniyang mga mata ang pagod. “Miss Lilliane Olivares?” Tipid na tumango si Lilliane sa matandang lalaki na agad tumayo matapos siyang makita. “Ako nga,” “Ako ho si Pedring, ako ho ang maghahatid sa iyo mansyon ni sir Fuentes. Naghihintay na rin po sa inyo sa mansyon si Mr. and Mrs. Amante.” Sinundan niya ang matandang lalaki at magalang na pinagbuksan siya nito ng pinto ng naghihintay na magarang sasakyan, sumakay si Lilliane sa backseat. Magara man ang sasakyan na ito’y para kay Lilliane, isang hawla iyon na siyang nagpapaalala sa buhay na pinipilit ni Mathilda at Richard sa kanya. Sinulyapan niya ang kanyang repleksyon sa katabing bintana. Classic and elegant man ang dating ng soft blush pink dress na suot niya at bumagay iyon sa kanya’y hindi niya magawang matuwa. Sino bang babae ang matutuwa kung ikakasal ka sa isang matandang papasa na bilang lolo mo? Malalim na napabuntong-hininga si Lilliane, ang isip niya ay nananatiling magulo at puno ng pagkabalisa habang pinagmamasdan ang mga tanawin ng lungsod na lumalabo sa bintana ng sasakyan. Huminto sila sa tapat ng isang mataas at magarang gate na kulay itim. Sa bandang taas nito’y ang initial na AF na kulay ginto. Bumukas ang gate at agad na pumasok ang kotse kung saan siya lulan. Lumiko sila sa kahanga-hangang driveway ng mansyon, at hindi ipagkakaila ni Lilliane ang pagsikip ng kaniyang tiyan dahil sa takot na biglang bumangon sa kaniya. Hindi magawang purihin at hangaan ni Lilliane ang mansyon ng mga Fuentes, ang kadakilaan nito ay isang simbolo ng mismong karangyaan na kinasusuklaman niya ng mga sandaling iyon. Nang huminto ang sasakyan, lalong tumindi ang pagkabalisa ng dalaga. Sa labas nang mataas at bukas na double door ay naghihintay sa kanya ang tito at tiyahin niya, mababakas sa ekspresyon ng mga ito ang halong pananabik at awtoridad. Ang mga mata ni Mathilda ay tila nagyeyelo habang kababakasan naman ng bagsik ang mukha ng tiyuhin. Pakiramdam ni Lilliane ay may hila-hila siyang bilog na bakal sa magkabilang paa niya. Bawat hakbang niya patungo sa mansyon ni Mr. Fuentes ay nagpapaalala sa pasan na dinadala. Hinablot ni Mathilda ang kaniyang braso nang makalapit siya sa mga ito. “Lilliane,” matalim na sabi ng kanyang tiyahin, “napakaganda mo. Tandaan mo, napakahalaga nito para sa ating pamilya at sa kumpanya. Kaya puwede ba, ayusin mo ‘yang mukha mo!” mariin at mahina nitong bulong bago padaskol siyang binitawan. Huminga nang malalim si Lilliane at pilit na ngumiti kapagkuwan. “Good thing you arrived, Lilliane, and didn’t let us down. I hope that by now you are prepared for what is about to happen.” Napalunok si Lilliane at sinalubong ang mga mata ng tiyuhin. “I’m ready, Uncle.” tahimik niyang wika, sinusubukang panatilihing matatag ang tinig sa kabila ng nagaganap na digmaan sa kanyang loob. “That's good then,” kababakasan sa tinig ni Mathilda na walang puwang ang pakikipagtalo sa mga sandaling iyon bagama’t nakaismid ito matapos iyon sambitin. “And what's even better, let’s finish this.” Tumabi si Richard sa pamangkin at hindi maipagkakaila ni Lilliane na ang presensya nito ay nakadaragdag sa bigat ng sitwasyon na nararamdaman niya. “Lilliane, remember, what happens today is important for our family and the company. You need to fulfill the responsibility that has been entrusted to you. Don’t embarrass us in front of Mr. Fuentes.” Tumango si Lilliane. “Yes, uncle. I understand,” mahinang bulong niya. Pasimpleng lumibot ang kanyang mga mata sa magandang interior ng mansyon habang nananatili sila sa labas ng pinto. Ang mataas na kisame, ang mga kumikinang na chandelier sa itaas, ang marmol na sahig ay tila siya tinutuya at higit pang pinalalim ang pagkabalisang nararamdaman niya. “Maligayang pagdating, Miss Olivares.” magalang na wika ng mayordoma at bahagyang yumukod matapos nitong sumulpot mula sa kung saan. “Naghihintay na po sa inyo si Mr. Fuentes.” Inakay sila nito patungo sa dinning area. Sinundan ito nila Lilliane at bawat hakbang niya ay tila isang hakbang patungong impyerno. Sa kabisera ay naroong nakaupo at naghihintay sa kanila si Mr. Fuentes, ang matandang lalaki na itinakda sa kanya upang pakasalan niya. Hindi mapigilang makaramdam ni Lilliane ng kaba, takot, at labis na pagkabalisa nang makita ang matanda. Umaalon ang kanyang dibdib sa bawat marahas niyang paghinga na pilit niyang tinatago at pinipigilan. Tumutok kay Lilliane ang matalim na titig nito at habang papalapit sila rito ay ramdam ng dalaga ang init nang titig ng matandang lalaki na nakapangingilabot—malayong-malayo sa kilabot na naramdaman niya sa estranghero na pinag-alayan niya ng kaniyang pagkababae. Nabitin sa ere ang kaniyang pagsinghap nang muling maalala ang lalaking nakilala niya sa club at ang maiinit na sandaling pinagsaluhan nila sa hotel, gayon din kung makailang ulit siyang inangkin nito. “Mr. Fuentes,” naagaw ang pansin ni Lilliane nang marinig muli ang tinig ng tiyahin. Bakas sa boses nito na pilit lang ang pagiging cheerful, “here is my beautiful niece, Lilliane.” Halos umaray si Lilliane nang diniinan nang kaniyang tiya ang pagkakahawak sa kanyang mga balikat matapos siyang hawakan nito roon. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ng matanda’y agad siyang kinilabutan nang ngisihan siya nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang matinding pagnanasa at gayon din ang malayong agwat ng kanilang edad. Mabilis na iniiwas niya ang kanyang mga mata, ang mga kamay ay nagsisimulang manginig at mamawis. Tumayo nang dahan-dahan si Mr. Fuentes, ang mga mata ay hindi pa rin inaalis kay Lilliane. “Miss Olivares,” sabi nito. Hindi inaasahan ni Lilliane ang mahihimigan sa boses nito dahil banayad iyon bagama’t bakas din doon ang awtoridad at pagnanasa. Bumaba ang mga mata ni Lilliane sa nakalahad nitong kamay. Hindi niya alam kung tatanggapin ba niya iyon o hindi ngunit kalaunan ay kusang umangat ang nanginginig niyang kamay. “Ikinagagalak kong makita kang muli.” Akmang hahalikan nito ang likod ng kanyang palad nang marahas niyang binawi iyon kasabay nang malalim na pagsinghap. Ang dib dib ay kumakabog sa sobrang nerbyos. Hindi magawang tumingin ni Lilliane rito pagkatapos, wala pa sana siyang balak umimik kung hindi lang niya naramdaman ang pagsiko sa kanya ni Mathilda. Isang maliit at magalang na tango ang isinagot ni Lilliane saka ito sinulyapan nang nangingilap niyang mga mata. “M-Mr. Fuentes,” tugon niya, sinusubukang panatilihing matatag ang tinig sa kabila nang kaguluhan sa kanyang loob. Naramdaman ni Lilliane ang matalim na mga mata ni Richard at Mathilda na nakatunghay sa kanya habang ang kanyang mga mata ay nananatiling nakatingin sa baba. “Ikinagagalak ko ring... makita kang m-muli.” napalunok siya ng laway. Tumaas ang gilid ng labi nang matanda na pasimple namang ikinahinga nang maluwag ni Mathilda. Gustong mag-roll eyes nang babae pero tinitiis niyang huwag iyon gawin. “Please, have a seat,” iminuwestra ni Mr. Fuentes ang upuan sa kanan nito para doon maupo si Lilliane. Sumunod si Lilliane, ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa kanyang kandungan para itago ang panginginig at nerbyos. Umupo naman si Richard at Mathilda sa magkabilang gilid ni Mr. Fuentes sa kaliwa, ang kanilang mga mata ay hindi inaalis sa pamangkin. “Shall we start?” nakataas ang kilay na saad nang matandang lalaki, ang mga mata ay nakatutok pa rin kay Lilliane na nananatiling nakatungo sa mga sandaling iyon. “I understand the seriousness of the situation and I appreciate your willingness to cooperate.” Napalunok si Lilliane. “Nauunawaan ko,” sabi niya na nang sambitin iyon ay halos ibulong na lang niya sa hangin. Naramdaman ng dalaga ang pagbilis ng kaniyang pulso habang sinusubukan niyang patatagin ang paghinga. Pakiwari ni Lilliane ay sinisimulan na siyang apihin, kutyain, at pagtawanan nang marangyang paligid. Nagsimulang mag-init ang kaniyang mga mata, pinipigilan ang sarili na dumaloy ang luha sa mga pisngi ano mang sandali. “Bakit hindi mo ako tignan, honey,” Nanginig si Lilliane sa ginamit nitong endearment sa kaniya. Gusto niyang kilabutan, gusto niyang masuka. “Ayaw mo bang hagurin ko kung gaano kaganda ang mukha ng aking magiging kabiyak?” nakataas ang kilay nitong wika, tila nangungutya. Humigpit pang lalo ang pagkakakapit ni Lilliane sa kanyang kandungan. Napatingin siya sa dalawang taong katapat niya sa mesa matapos siyang sipain ng kung sino sa dalawa mula sa ilalim ng na mesa. Nanlilisik ang mga mata ni Mathilda nang makasalubungan niya ito ng tingin. “Huwag mo kaming ipahiya!” bulong at mariin nitong saad. Napasinghap si Lilliane, nais niyang umiyak pero pinipigilan lamang niya ang sarili bago unti-unting tinignan ang matandang lalaki na kanina pa hindi inaalis ang mga mata sa kaniya. “Do you know how beautiful you look in what you’re wearing, and I’m the one who chose it.” pagmamalaki at malisyosong saad nito saka bumaba ang paningin sa cleavage ni Lilliane. Awtomatikong naiharang niya ang isang braso sa dib dib, naeeskandalo. Para itong asong ulol, kulang na lang ay maglaway. Nang tunghayan niya itong muli’y nakita niya ang manyak nitong pagdila sa ibabang labi. Tila siya isang masarap na putahe sa paningin nito habang hinahagod nito nang tingin ang kanyang buong katawan. Batid ni Lilliane na hindi talaga niya kayang ipagatuloy ang nais mangyari ni Mr. Fuentes at nila Mathilda, kaya naging buo ang pasya niya matapos ang kanilang naging appointment sa matanda. Dali-dali niyang hinagilap ang kaniyang traveling bag—isinalpak ang ilang damit doon at ang mga mahahalagang dokumento na magagamit niya sa paglayo. Bawat kilos niya ay mabilis at puno ng pangamba pero desperada na siya, kailangan niyang tumakas. Nang malingunan ang larawan ng mga magulang ay mabilis niyang hinablot iyon at pinakatitigan. Nagsimula siyang humagulgol. “Mommy, daddy...” impit niyang iyak, “I’m sorry, I can’t... I can’t do what tiya Mathilda wants. I can’t marry that old man! Sana mapatawad at maunawaan n’yo po ako kung hindi ko kayang isalba ang kumpanyang pinaghirapan n’yo.” Niyakap niya ang picture frame at napuno ang buong silid ng kanyang pagpalahaw. Wala na yata siyang ginawa sa mga nakalipas na araw kundi ang umiyak. Tumunghay si Lilliane sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan. Malapit nang magbukang-liwayway, alam niya sa kaniyang sarili na tama ang desisyon niya at hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-ahon ng pag-asa at pananabik sa unang pagkakataon matapos siyang iwanan ng kaniyang mga magulang. Malaya na siya, kahit sa ngayon lang.Miguel Gunther Salvatierra, the 29-year-old billionaire and CEO of a multinational company, is busy moving from one desk to another. Ang kaniyang opisina ay nasa ika-30 palapag ng isang mataas na gusali na puno ng mamahaling kagamitan at mga modernong teknolohiya. Abala siyang tinatapos ang ilang mga papeles ng pumasok sa kaniyang opisina ang sekretarya niyang si Beatrice. “Sir Miguel, nandito na po ang ilang mga report na hinihingi n’yo,” ang saad nito. Mahihimigan sa tinig ng matandang babae ang pag-aalala. “Salamat, Manang Beatrice,” matagal nang naninilbihan sa kanilang kompanya ang babae. Sekretarya pa ito ng kaniyang ama bago nito tuluyang ipinasa sa kaniya ang responsibilidad ng kumpanya. “Pakilagay na lang ho sa kabilang desk,” tugon ni Miguel na hindi inaalis ang paningin sa screen ng laptop. Napahinga si Miguel matapos lumabas nang matandang babae, nanghahapong isinandal niya ang likod sa backrest ng kinauupuan at saglit na pinayapa ang sarili. Dinampot niya ang kaniyang
Hindi mapakali si Mathilda habang paroo’t parito sa loob ng kaniyang opisina. Ilang araw ng hindi pumapasok si Lilliane at hindi rin nito sinasagot ang ano mang tawag at message niya at nababahala siya. At kung hindi pa niya pinagtanong kanina kung pumasok ba si Lilliane ngayon ay hindi rin niya malalaman na ilang araw na pala itong absent. Nabinbin din ang mga dapat ay trabaho nito. Naikuyom ni Mathilda ang kaniyang mga kamao at nanggigigil sa galit sa isiping tinakasan at pinagtataguan sila ngayon ng kaniyang pamangkin. Mabibigat ang mga paa na nagmartsa siya palabas ng opisina. Kailangan niya ngayong gumawa ng aksyon. “Carla!” “Ma’am,” gulantang na napatayo ang kaniyang sekretarya sa biglaang sigaw niya. Hindi mapigilang matakot at bahagyang mapaatras ni Carla dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata ng amo. “Kailangan kong malaman kung nasaan si Lilliane ngayon!” nagtatagis ang mga ngipin na sigaw nito, hindi alintana ang ilang mga empleyado na nakatingin at napasusulyap
Pagkatapos mag-withdraw ni Lilliane ng pera ay muli siyang sumakay ng taxi. “Saan po tayo, Ma’am?” “Dalhin mo ako manong sa...” saglit siyang nag-isip. Nang kumalam ang kaniyang sikmura at tila naghahanap nang mainit na kape ang lalamunan ay, “may alam po ba kayong coffee shop sa labas nitong Las Piñas?” Sinilip siya ng driver sa rearview mirror. “Laguna na po, Ma’am.” Binasa niya ang nanunuyong mga labi at mahinang napatango. “Sige, Manong, sa Laguna ho tayo.” Nanghahapong isinandal niya ang likod sa backrest upang kahit paano ay maipahinga ang nanglalatang katawan. “Ayos lang po ba kayo, Ma’am?” Napasulyap si Lilliane sa matandang driver na pinanonood siya mula sa rearview mirror at ginawaran ito nang maliit na ngiti saka tinanguan. “Oho, maraming salamat.” Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatakbo at magtatago. Iniisip pa lang na ganito na siya sa mga susunod na buwan at taon ay nahahapo na siya. Kung tutuusin ay wala siya gaanong alam
Isang marahang katok ang pumukaw sa atensyon ni Miguel mula sa binabasang papeles. Kapagkuwan ay sumungaw ang ulo ni Beatrice mula sa bahagyang siwang ng pinto ng buksan nito iyon. “Miguel, nandito na si Agus,” imporma nito. “Patuluyin mo siya, Manang.” Lumaki nang bahagya ang pagkakabukas ng pinto ng pumasok ang isang matangkad, moreno at matipunong lalaki. Tahimik na pininid nito pasara ang dahon ng pinto at hinarap ang lalaking nakaupo sa likod nang malapad na lamesa na gawa sa mahogany. “Balita, Miguel,” bungad nito sa kaibigan. Tumaas ang sulok ng bibig ni Miguel matapos siyang batiin ni Agus. Ipinahinga niya ang likod mula sa backrest ng kinauupuan at mataman itong tinignan. College days pa lang ay magkakilala na sila ni Agus. Nang magkaroon siya ng interes kay Lilliane ay naisipan niya itong kunin bilang private investigator. Kagaya niya ay kabilang din ito sa isang pribado at misteryosong ahensya na ilang siglo nang nakatatag at nagbibigay serbisyo sa ilang mga piling ta
Mararamdaman ang namumuong tensyon sa loob nang malawak na living room ng mga Olivares sa pagitan nila Mathilda at Arnulfo dahil sa binitawan nitong mga salita. Akma na rin sanang papasok sa naturang lugar ang tinawag na katulong ngunit naestatwa na lang ito sa bungad at hindi na itinuloy ang paglapit. Awtomatiko rin itong napabalik sa dining area. Madilim pa rin ang aura ni Arnulfo at ramdam ng dalawa ang sumisingaw na galit at pagtitimpi nito lalo na sa kaalamang itinago nila rito ang tungkol kay Lilliane. Nagsimulang mangatal ang bibig ni Mathilda habang nag-iisip nang palusot. “M-Mr. Fuentes,” ninenerbyos na ngumiti siya sa matanda. “We didn’t expect that you would visit. Thank you very much for coming.” hilaw niyang nginitian ang matanda. Hindi umimik si Arnulfo, itinaas nito ang noo. Ang mga mata ay may bahid pa rin ng galit. “Hindi ba ninyo alam kung gaano kabigat ang sitwasyon na kinalalagyan n’yo ngayon?” pinagsalit-salitan niya nang tingin ang dalawa. “Lalo ka na, Mathil
“Señor,” anang matangkad na lalaki at may seryosong ekspresyon matapos pumasok sa loob ng opisina ni Arnulfo sa sarili nitong mansyon. Bahagya pa itong yumukod bilang pagbibigay galang sa amo. Nananatili namang matigas ang mukha ni Arnulfo habang nakatitig sa kawalan. Kapagkuwan ay inikot nito ang kinauupuan upang harapin ang lalaki. Bukod tanging ang lampshade lamang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng silid. At nababanaag ni Ruel ang blangkong ekspresyon sa mukha ng matanda. “Kumusta, Ruel, ang pinagagawa ko?” “Na-inform ko na po ang lahat ng ating mga tauhan tungkol sa paghahanap kay Miss Lilliane. Binigay ko na rin po sa kanila ang mga detalye na dapat nilang malaman upang mabilis matunton ang inyong fiancé. At nasa isang mahigpit din po silang direktiba na hanapin siya nang mabilis at tahimik upang hindi po siya makatunog.” Pagkaalis pa lang niya sa mansyon ng mga Olivares kanina’y inimporma na niya si Ruel tungkol sa bagay na iyon. Walang oras ang dapat masayang. “Magaling
Ibinaba si Lilliane ng sinakyang jeep sa kanto ng Petron sa GMA, Cavite. Hanggang doon na lang daw kasi ang byahe nito at magsasakay naman pauwing Laguna bago mag-boundary.Iginala niya ang paningin. Kahit alas nueve na nang gabi’y may ilang mga tao pa rin ang nakakalat sa bawat paligid ng lugar. May ilang establisyemento pa rin ang nananatiling bukas.Lumapit siya sa vendor ng Japanese cake. May ilang piraso pa ang natitira doon at bumili siya ng lima na yema flavored.“May alam ka po bang motel dito?” aniya.Tumuro ito sa bandang kaliwa niya at nasundan ng tingin ang dereksyon ng kamay nito.“‘Yang gusaling ‘yan,” wika nito, tinuturo ang tatlong palapag na building na nakatunghay sa highway. “motel po ‘yan, Ma’am.”Inabot niya ang binili at nagpasalamat. Ngunit nang maalala na baka sumabit siya sa oras na mag-check in sa motel ay muli niyang hinarap ang vendor.“Bed... space for female? May alam ka po ba kuya?”Tumunghay sa kaniya ang payat na lalaki.“B-baka kasi magkulang ang pera
Hindi pa kailan man naranasan ni Lilliane ang sumakay ng bus at bumyahe nang malayo, ito pa lang ang unang pagkakataon niya.Aminado siya sa sarili na kinakabahan at natatakot siya dahil pakiramdam niya’y patungo siya sa kawalan.Nang makarating sa bus terminal sa Pasay kanina’y hindi niya alam ang gagawin. Nagtanong-tanong siya kung may bus ba na patungong Norte—ang siste’y kakaalis lang daw ng bus na byaheng Dagupan, Pangasinan. Ang kasunod na raw na byahe na papuntang Norte ay sa Tuguegarao na at sa ganap na ala una nang hapon.Hindi niya alam ang lugar na iyon at hindi pa kailan man narating pero magandang lugar iyon para sa kagaya niyang may tinatakasan.Hindi mapigilan ni Lilliane ang magsimulang mabalisa. Kaya nang mag-anunsyo ang kundoktor ng bus na papuntang Tuguegarao na maaari nang sunakay ay nakipag-unahan na siya.Pinili niyang maupo sa dulo at tabi ng bintana. Ang aviator at baseball cap na suot ay hindi niya hinu bad. Ayaw niyang makampante.Alas diez na nang gabi nang