Share

KABANATA 2

Inabot ni Lilliane ang doorknob ng kanyang unit, nanginginig ang kanyang kamay habang sinususian iyon at sinusubukan ding ibalik ang kanyang katinuan.

Para siyang sinalakay nang malakas na buhawi mula pagkagising niya at matagpuan na mayroon siyang katabi sa kama, at ang kanyang huling inaasahan ay ang makita ang dalawang tao na ayaw muna niyang makaharap na ganoon ang hitsura niya.

Sa wakas ay nagawa na rin niyang tuluyang maipasok ang susi, pinihit niya ang doorknob sabay tulak sa dahon ng pinto. Pagod siyang napabuntong-hininga.

Ngunit nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ay nabitin sa lalamunan niya ang kanyang paghinga.

Nakatayo sa gitna ng kanyang living room ang kanyang tiyuhin na si Richard na nakahalukipkip, tumaas ang noo ni Richard nang makita siya at nilinga naman siya ni Mathilda na nakaupo sa pang-isahang sofa, magkahalong galit at pagkayamot ang nababakasan niya sa ekspresyon ng mga ito.

Damang-dama ni Lilliane ang matindi at mataas na tensyon sa loob ng unit at para siyang masa-suffocate kaya mas higit pang tumindi ang nerbyos na nararamdaman niya. Ang mga tingin ng dalawa sa kanya ay nagdudulot din nang pagkabalisa.

“Lilliane!” matalas ang boses ni Mathilda na parang patalim na humiwa sa katahimikan.

Bago pa man tuluyang rumehistro kay Lilliane ang nangyayari ay lumipad na ang kamay ni Mathilda sa hangin at malutong na humampas iyon sa kaliwa niyang pisngi.

Tumabingi ang mukha ni Lilliane at nasapo ang namanhid na pisngi, tigagal din dahil sa gulat.

Hindi agad nakaimik si Lilliane dala nang matinding pagkagulat, nanlalaki rin ang kanyang mga mata na napatitig sa tiyahin.

“A-auntie,” nauutal niyang wika, sinusubukang pakalmahin ang sarili.

Nananatiling mabangis ang mga mata ni Mathilda, at ang matinding galit nito ay damang-dama ni Lilliane.

Napatuon ang tingin nito sa suot ng pamangkin—isang kapansin-pansin at eskandaloso na silk dress, matapang at lantad. Dumagdag ding umagaw sa pansin nito ay ang puting long sleeve na may mahabang manggas na wala rin namang nagawa upang tabunan ang epekto nang matinding pang-akit niyang dress, mas nakadagdag pa nga yata iyon sa ningas ng galit ng dalawang tao na kasama niya ng mga sandaling iyon.

“Ikaw na babae ka,” halos hindi bumubuka ang bibig ni Mathilda sa gigil nang sambitin iyon bago nito inangat ang dalawang kamay upang sabunutan ang pamangkin.

Napahiyaw sa sakit si Lilliane lalo na nang maramdaman niyang tila mahuhugot ang kanyang mga anit mula sa pagkakasabunot nito.

“Aray ko po, auntie, bitawan n’yo po ako!”

“Malandi kang babae ka!”

Pilit inaalis ni Lilliane ang dalawang kamay ng tiyahin na nakasabunot sa kanyang buhok ngunit napakatindi nang kapit nito at ayaw siyang bitawan.

Maluha-luha sa sakit ang dalaga habang nagmamakaawa sa tiyahin na bitawan siya nito. Ngunit wala itong puso, muling sinalubong ang mukha niya nang mag-asawang sampal. Sa lakas niyon at dulot na rin nang pananabunot nito’y bumagsak siya sa sahig.

Pakiramdam ni Lilliane ay naalog ang kanyang ulo at mas tumindi rin ang pananakit.

Hindi pa man siya nakababawi ay dinaklot nito ang buhok niya sa ituktok ng kanyang ulo dahilan upang mapatingala siya. Pilit na tinatanggal niya ang kamay ng tiyahin na nakahawak doon.

“Auntie, tama na po! Masakit po!” hagulgol ni Lilliane.

Inilapit nito ang mukha sa kanya sa nanlilisik na mga mata, nangangalit ang mga ngipin at nag-aalab sa galit.

“Ano, nagpakan tot ka sa kung sinu-sinong lalaki sa club ha! Wala ka nang kahihiyan sa sarili mong hayop ka! Idadamay mo pa kami sa kaputa nginahan mo!” bulyaw nito.

Nakaramdam na rin ng galit at gigil si Lilliane habang lumuluha, wala siyang nagawa kundi sagutin ang tiyahin.

“Kaysa naman ang matandang iyon ang makinabang sa katawan ko—” isang malutong na sampal ang nagpatigil kay Lilliane na ikinatumba niya nang tuluyan sa sahig.

Muling sinalubong ang katawan niya nang malamig na lapag.

Sa lakas din ng sampal ay parang niyanig ang kanyang mundo. Dinakma ng tiyahin ang kanyang panga, ramdam niya ang talim ng kuko nito sa kanyang mga pisngi habang pilit nitong pinatitingin siya rito.

Basang-basa ang mukha ni Lilliane dulot ng pinaghalong luha at pawis. Ang ilang hibla ng kanyang buhok ay dumikit na rin sa kanyang mukha.

“Huwag kang umiyak! Hindi ‘yan gagana sa akin! Hindi ako naaawa sa iyo!”

Pinagsasampal siya ulit nito habang pilit na hinaharang niya ang sariling mga braso.

Sinubukan ni Lilliane na mag-ipon nang isasagot, ngunit natitigil ang mga nais niyang sabihin sa kanyang lalamunan. Ang sakit ng mga sampal at sabunot nito sa kanya ang nagiging dahilan kung bakit nahihirapan siyang mag-isip nang maayos.

“You’re such a whore!” gigil na wika ni Mathilda sa pamangkin. “Akala mo kung sinong santa-santita kang babae ka, malandi ka! Kahit magpakan tot ka pa sa kung sinu-sinong lalaki diyan hindi na magbabago ang isip namin! Ikakasal ka kay Mr. Fuentes sa ayaw mo at hindi!” gigil na naman nitong sinikmat ang kanyang panga. “Naiintindihan mo ako?!” bulyaw nito sa nanlalaki at naninindak na mga mata.

Hindi sumagot si Lilliane, napahagulgol na lang siya sa sinabi nito.

Si Richard na kanina pang tahimik na nakatayo ay nagsalita na rin sa wakas, ngunit bago iyon ay inawat na muna niya ang asawa at inilayo kay Lilliane. Hindi maaaring magkagalos ito sa mukha dahil haharap pa ito mamaya sa mapangangasawa.

Pabalya naman na binitawan ni Mathilda ang mukha nang lumuluhang pamangkin.

“May isa kang dapat gawin ngayon, Lilliane. Isa lang. Ang maging handa para sa appointment natin kay Mr. Fuentes.” mahina ngunit may bigat nitong wika. “Inaasahan ka namin kaninang bago mag-alas nueve pero ano ang ginagawa mo? Paano kung umabot ito kay Mr. Fuentes? Para kang walang alam sa kung ano ang nakataya.”

Nananatiling walang imik si Lilliane na sapo-sapo ang mga pisngi at nakaupo sa sahig. Tahimik din siyang humihikbi habang nakayuko. Kahit bumoses siya ay wala pa ring saysay. Pagod na rin ang isip niya, pagod na siyang makipag-argumento sa mga ito.

“May ideya ka ba kung ano ang ibig sabihin nito? Naayos na namin ang lahat para sa inyo ni Mr. Fuentes pero anong oras na kanina ay wala ka pa rin!” mahina ngunit pasigaw at galit na wika ni Richard. “Mag-ayos ka nang sarili mo, Lilliane! Hihintayin ka namin sa mansyon ni Mr. Fuentes bago mag-alas sais nang gabi mamaya.”

Huminga nang malalim si Mathilda, pilit kinakalma ang sarili at pinipigalan din na muling dambahin ang pamangkin.

“Pasalamat ka at nakauunawa ang matanda at napakiuusapan,” ani nito na hindi halos bumuka ang bibig. “Pumayag na ilipat ang oras kaya ihanda mo ang sarili mo! Dapat nasa mansyon ka na bago ang itinakdang oras dahil kung hindi ay hindi lang ‘yan ang aabutin mo!”

Wala na ang mga ito ay hindi pa rin nagawang tumayo ni Lilliane. Pagod na pagod ang katawan niya. Mabigat ang kanyang ulo at masakit din mula sa hangover at sabunot na inabot niya.

Niyakap niya ang sarili habang walang humpay sa pag-iyak. Wala na yatang natitirang pag-asa para sa kanya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
dpt umalis k nlng at magpakalau Lau ,un d ka nila massundan
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
wla k bng way na tumanggi kht na ba mawla Ang ipinundar na kabuhayan ng magulang mo lilliane? KC bka nman lumubog DHL din sa kapabayaan ng tiyuhin at tiyahin mo...pero napaisip nman ako ,bka anak ng matandang Fuentes o pamangkin un naka one night mo ,d Kya??
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status