Itinakwil ng ama kaya't anim na taong nawala sa Pilipinas si Jenna. Kailangan lang niyang bumalik ng bansa dahil sa trabaho. Hindi niya naman akalain na magugulong muli ang buhay niya nang bumalik ng bansa lalo pa at bumalik uli ang ala-ala ng nakaraang gusto na niyang kalimutan. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya ang "out of the blue" na proposal ng isang Zian Walton Escobar. Ni hindi niya personal na kilala ang lalaki kaya't ipinagtataka niya ang pag-alok nito ng kasal sa kanya. Hindi na sana niya sasakyan ang kahibangan ng lalaki dahil maaaring pinag-tripan lang siya nito lalo pa't alam niyang isa sa pinakamayaman sa bansa ang angkan nito. Ang tanging nakapagpukaw ng interes niya ay ang malaking pagkakahawig nito sa anak niyang si Xavier. Sino nga ba si Zian Walton Escobar?
View MoreKatatapos lang niyang mag-shower. Napatingin siya sa ibinigay na damit ni Zian na nasa ibabaw ng kama.Isang malaking shirt at boxers iyon na pag-aari nito. Kahit kakaligo lang niya ay nag-init ang pakiramdam niya sa isiping ang damit nito mismo ang susuotin niya.May kung anong intimate feeling kasi na binibigay iyon. Kinuha niya ang white shirt nito saka inamoy muna. Ang bango ng damit nito.Tinanggal niya ang pagkakabuhol ng towel na nakatapis sa katawan niya at hinayaan lang iyong bastang mahulog sa sahig.Sinuot niya ang shirt na hawak. Sumunod ay ang boxers ng lalaki. Natawa pa siya dahil maluwang iyon. May nakita siyang rubberband at itinali ang gilid ng boxers para huwag mahulog.Pinulot niya ang towel saka isinampay iyon sa loob ng banyo. Nang lumabas uli ng banyo ay dumiretso siya sa kabinet na may malaking salamin. Tiningnan niya ang sarili habang suot ang damit ni Zian.Napangiti siya pero nang maalala ang tagpong nakita kanina sa parking lot ay bigla ring nawala ang ngiti
"I said we should stop this. We can just tell them that we decided to cancel the wedding 'cause we broke up. Let's just let them assume that we had a misunderstanding because of Heather, your ex-fiancee," nagtuloy-tuloy na ang bibig niya. Huli na para bawiin niya ang sinabi.Ilang segundo itong hindi umimik at dama niya ang pagtitig nito sa kanya kahit nanatili lang ang mga mata niya sa harap ng sasakyan. Hindi pa rin nito pinaandar iyon."So this is about Heather?" Maya-maya ay tanong nito na mas kumalma na ang boses. Ewan niya kung imagination lang niya ang nahimigan niyang amusement sa boses nito.Bigla siyang napatingin dito. Di nga siya nagkakamali dahil may amusement siyang nakita sa mga mata nito."Of course not! What I mean is, hayaan na natin silang mag-speculate na baka iyon ang rason bakit nagkahiwalay tayo. Baka pwede na rin nilang i-connect ang pag-alis mo sa kompanya sa pag-aaway natin kaya't magandang timing na tapusin natin itong pagkukunwari natin-""Were you pretendi
Pagkatapos ng event ay may malaking after party sa same venue. Kung ano ang suot niyang gown sa designer's walk niya ay iyon na ang suot niya hanggang sa party dahil wala na siyang panahong magbihis ulit.Dinumog na siya ng mga dumalo sa event na iyon para i-congratulate. Ilang sikat na designers ang kusang nagpakilala sa kanya sa party. Si Zian ay hinayaan siyang makahalubilo ang mga bisitang namangha sa mga gawa niya. Kasama nito ang pamilya niya sa isang mesa."Jenna, that was a surprise! You looked so amazing with your designs. I don't know what happened, but I'm so glad you were the one who modeled your works," masayang bati ni Patrick sa kanya."Thanks, Patrick. It was a sudden decision we need to make. I'll tell you everything once we have the time." Iyon lang ang sinabi niya dahil kahit ito ay kailangang harapin ang iba pang kliyente. May mga pinakilala rin ito nang personal sa kanya na interesado sa mga gawa niya.Nang mapatingin siya sa direksiyon ni Zian ay kausap din nito
Nakataas ang kilay niya habang papasok sa isang maliit na cafe. Pagkatapos nitong hindi makontak at hindi nagpakita nang matagal ay basta na lang nag-text si Chelsea na makikipagkita sa kanya sa isang cheap na lugar.Iniwan na ba ito ng sugar daddy nitong mayaman na hindi man lang niya nakita? Plano na naman ba nitong mangutang sa kanya?Mas lalong tumaas ang isang kilay niya sa naisip. Agad na inilibot niya ang mga mata sa loob ng maliit na lugar. Agad na nakita niya ang babaeng nakasalamin pa sa mata kaya't di makikita ang mga mata nito.Mabilis niya namang nakilala agad si Chelsea kaya't lumapit na siya sa kinauupuan nito."Why here? Why can't we go somewhere else?" Parang nandidiring sabi ni Amanda nang makaupo sa harap ni Chelsea."Wala bang nakasunod sa'yo?" Palinga-linga pa si Chelsea sa likod niya habang hindi inaalis ang salamin sa mga mata."Are you a wanted person, girl?" Natatawang tanong niya dahil sa inakto ng babae.Nang makitang wala ngang nakasunod ay saka hinubad ni
Habang inaayusan siya ng makeup artist na kasama sa team ni Gina ay hindi rin niya inaalis ang mga mata sa malaking TV kung saan ay nakikita niyang rumarampa na si Heather. Suot nito ang isa sa mga designs ni Paula.Parang gusto niyang umatras sa gagawin. Nakaka-intimidate ang paglakad ni HeatherSiyempre dahil professional model iyan at international pa! Komento ng utak niya.Pinagsalikop niya ang nanlalamig na mga kamay dahil pagkatapos ng mga designs ni Paula ay designs na niya ang susunod, na siya mismo ang magsusuot at rarampa sa stage.Hindi kaya siya magkalat sa runway? Baka mas magiging kahiya-hiya ang gagawin niya?"Jenna, you'll be fine. Nakita kita habang nagpa-practice ka kaya't alam kong kaya mo ito. Isipin mong magiging sampal ito kay Heather sa plano niyang sabotahe sa'yo," mahinang bulong ni Gina na hinawakan pa ang dalawang kamay niya.Napansin yata nito ang pagkabahala niya habang nakatutok sa screen. Medyo nakatulong ang sinabi nito kaya't napatingin siya sa babae a
Daig pa yata niya ang mga modelong rarampa sa gabing iyon. Ilang araw na iyong kaba na nararamdaman niya. Kabado siya na excited na ewan.Dadalo sa gala event ang ama niya pati na si Zenaida. Alam niyang napipilitan lang ang madrasta niya dahil kailangan nitong samahan ang asawa nito.Nasa backstage siya kasama ang mga designers, makeup artists at iba pang mga modelong kasali sa event.Bibigyan sana siya ni Patrick ng sariling dressing room pero tumanggi siya dahil alam niyang mas kakabahan siya kapag walang ibang nakikita. Isa pa, ilang minuto lang naman na pagrampa ang gagawin niya at nasa last part pa iyon.Si Heather ay alam niyang may sariling dressing roon kaya't hindi niya nakikita ang modelo.May malaking TV sa kinaroroonan nila kaya't makikita ang mismong stage sa event na iyon.Lumabas muna siya para salubungin ang Papa niya at ang anak dahil kadarating lang daw ng mga ito.Naka-casual dress lang muna siya at mamaya pa niya susuotin ang napiling damit para sa designer's walk
Hindi pa man niya naipasok ang susi sa door knob ay agad nang bumukas ang pinto ng condo niya.Sumalubong agad ang nakakunot-noong si Zian habang karga si Xavier."Uncle Pat!" Masayang bati ni Xavier nang makitang si Patrick sa tabi niya."Wow! You've grown so much pero nagpapakarga ka pa rin," nakangiting sabi ni Patrick.Mabilis na bumaba si Xavier sa pagkakakarga ni Zian. "Nope, I'm a grown up now, Uncle Pat. Daddy, just missed me so much," agad na depensa ni Xavier.Natawa naman si Patrick sa tinuran ng anak. Sila ni Zian naman ay tahimik lang na nagpapakiramdaman. Ilang araw nga ba naman silang hindi nagkita. Napansin niya agad ang mumunting bigote nitong nagsimula nang tumubo.Parang ilang araw itong hindi nakapag-shave or sinadya nito iyon. Ewan niya."I got you gifts, Xavier." Itinaas pa ni Patrick ang dalawang malalaking plastic bags na dala."Oh, thank you, Uncle!" Papasok na sana siya pero nakaharang sa may pinto ang malaking katawan ni Zian na parang walang balak umali
Pinakiusapan niya si Patrick na kung pwede ay pagkatapos ng schedule ng practice ni Heather ang schedule niya. Sinabi niya lang sa kaibigan na hindi niya maiwasang mailang sa presensiya ni Heather knowing na muntik na rin itong ikasal kay Zian. Nilinaw rin naman niya kay Patrick na maayos ang pakikitungo ng model sa kanya at siya ang lang ang nakakaramdam ng pagkailang. Mabuti at naayos nito ang schedule niya sa runway coach dahil ang sabi ni Patrick ay hindi rin alam ng kompanya na may spotlight siya bilang designer sa gala night. Gusto nitong maging special intermission iyon sa lahat ng mga dadalo. Kahit pa nga ang mga modelong kasali pati na si Heather ay hindi alam iyon. Kaya ang ginawa ni Patrick ay kumuha ng ibang coach para sa kanya at isang oras kada matapos ang work hours niya ang schedule ng practice niya sa runway stage. Laking pasasalamat niya sa kaibigan. Nagtaka naman siya nang sa unang araw ng practice ay siya lang at ang fashion coach niya ang ando'n. Akala niya k
Tatlong araw na wala siyang narinig mula kay Zian. Hindi na nga ito pumapasok sa Glamour Fashion. Wala pa rin namang inaanunsiyong papalit dito.Iniiwasan niyang isipin ito. Mabuti na lang at lagi siyang busy sa trabaho dahil sa nalalapit na gala night. Pero tuwing gabi ay hindi niya maiwasang isipin ito gaya na lang nang gabing iyon.Ni hindi nito sinabi sa kanya na hindi na ito papasok ng opisina. Kung hindi pa niya nalaman mula sa lola nito ay blangko siya sa mga plano nito sa buhay.Si Xavier naman ay hindi nagtatanong dahil nakausap na ito ni Zian bago pa man hindi na nagparamdam ang lalaki sa kanya pero kay Xavier, alam niyang lagi itong nag-uupdate.Sino nga ba naman siya para i-update nito?Nasa gano'n siyang pagmumuni habang nakahiga sa kama nang biglang tumunog ang phone niya. Tinatamad na kinuha niya ang phone at agad din namang napaupo sa kama nang makita sa screen kung sino ang tumatawag.Huminga muna siya nang malalim bago sinagot iyon."Hello," walang emosyong sagot niy
Pilit na ibinubuka ni Jenna ang mga mata para makita nang maayos ang numero ng kwarto ng inn na iyon. Ipinilig pa niya ang ulo nang sa tingin niya ay naliliyo na siya habang nakahawak sa door knob para lang huwag mabuwal.Pumikit muna siya nang ilang segundo bago itinuong muli ang mga mata sa numero ng kwarto.Pinauna kasi siya ng kaibigan sa kwarto dahil nga lasing na siya. Ang sabi nito ay susunod na ito sa kanya pagkatapos nang ilang minuto. Sinamahan niya ang kaibigan na magpakalasing dahil brokenhearted ito. Hindi siya umiinom talaga pero dahil umiiyak na nakiusap sa kanya si Chelsea ay wala siyang nagawa kundi ang samahan nga ito. Hindi niya naman planong uminom pero pinilit siya ng kaibigan kahit tatlong baso lang daw.Tatlong baso nga lang ba ang nainom niyang alak? Bakit halos hindi na siya makatayo sa kalasingan?Bigla ay parang umiikot na naman ang paningin niya. Kung siya lang ang masusunod ay uuwi na siya sa bahay nila, kaso isa sa pakiusap ng kaibigan ay ang samahan ito...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments