Share

KABANATA 5: THE SECRET BLESSING

Sa loob naman ng sasakyan ay agad na napasandal si Zian. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa at sa wakas ay nakita na niya ang babaeng hinanap sa loob ng anim na taon ay kabaliktaran ang nararamdaman niya.

Bakit parang iba ang babaeng iyon sa babaeng laging nasa alaala niya?

Why did he feel different? Or has she changed after six years?

"Saan tayo, Zian?" Sinilip pa siya ni Arthur mula sa rearview mirror ng kotse.

Kapag sila lang dalawa ay first name basis ito sa kanya. Anak si Arthur ng isa sa mga katiwalang matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Pinaaral nila ito at nang makatapos nga ay ito ang nagboluntaryong maging assistant niya kahit saan. Alam niyang may mga magagandang oportunidad itong natanggap na hindi na kailangan pang manatili sa pamilya nila para manilbihan.

Siya mismo ang nagtulak sa lalaki na tanggapin iyon dahil hindi naman nila inoobligang magtrabaho pa sa kanila si Arthur, pero si Arthur ang nagpumilit na manatili sa kanila. Sa tingin niya ay paraan nito iyon para tumanaw ng utang na loob sa kanilang pamilya.

Ipinagpasalamat din naman niya ang pananatili nito. Halos magkasing-edad lang kasi sila ng lalaki at sa kanila na ito lumaki. Itinuring na nga niya itong kapatid. Kahit ang lola niya ay kapamilya na rin ang turing kay Arthur.

Hindi siya umimik at napatinging muli sa boutique na nilabasan nila kanina.

"Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya, Arthur. Biglang bumalik sa akin kung gaano ako kahalimaw no'ng gabing iyon," parang walang lakas ang boses niya nang sabihin iyon.

"Ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo alam ang ginawa mo. Wala ka sa matinong pag-iisip dahil nilagyan ng drugs ang ininom mo. Ni hindi mo nga alam kung ano'ng klase dahil ang sabi mo ay para kang hayok na hayok sa laman na halimaw pagkatapos. Sa ngayon ay mag-focus ka sa kung ano pa ang magagawa mo para makabayad sa kasalanan mo sa babaeng inangkin mo nang marahas. I think you should start by explaining what really happened that night para maintindihan niya kung bakit mo iyon nagawa."

Ang lahat ng pangyayaring iyon ay nangyari dahil sa pagtalikod sa kanya ni Heather. Mahal na mahal niya ang babae. Apat na taon ang relasyon nila nang mag-propose siya sa kasintahan. Hindi niya matanggap na hindi pa pala sapat ang pagmamahal at yaman nila para manatili si Heather sa kanya.

Alam niyang may nilagay na drugs ang lalaki sa inumin niya dahil sa kakaibang naramadaman niya nang gabing iyon. Isa iyong drugs na nagpainit ng buong katawan niya kaya't alam niyang hindi iyon simpleng kalasingan lamang nang pwersahan niyang angkinin si Chelsea.

Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niya munang balikan ang gabing iyon dahil binabalot na naman siya ng matinding guilt.

Muling bumalik sa pag-uusap nila ni Arthur ang isip niya.

"Do you think she will believe me? I still can't get the sound of her cry that night out of my mind. Anim na taon iyong nag-eecho sa utak ko na para bang isa akong demonyong lalaki. Pinuwersa ko siya, Arthur! I took her virginity with force!" Bakas ang paghihirap sa kalooban niya nang isambulat ang nararamdaman.

He was sure that she was pure and innocent because when he woke up, there was a trace of blood on the bed under the light.

Naaawang napalingon si Arthur sa kanya.

"And you found her already, you have the chance now to make it right."

"I know my responsibility to her, Arthur." Medyo mahinahon na ang boses niya.

"And that is?" Curious na tanong ni Arthur.

"I'm going to marry her. Ito lang ang paraang alam ko para maalis nang tuluyan ang guilt na nararamdaman ko. I will marry her. This time, hindi ko pakikinggan ang lola. Hindi ko pakakasalan ang isang Jenna Alegria na sinasabi niya dahil kay Chelsea Rivera ako may pananagutan." Pinal na sabi ni Zian bago ito umayos na nang upo sa likod ng sasakyan.

"Let's go to the villa."

Nagulat man sa naging desisyon ni Zian ay hindi naman matanong ni Arthur ang desisyon ng lalaki. Saksi siya sa anim na taon na tahimik na nalulunod ito sa pagkakasalang hindi nito kailan man ginusto.

Sa isang apartment naman sa UK...

"Okay, I will return to the Philippines in a week at the latest to prepare for this project," sagot ni Jenna sa kausap sa telepono.

"Mommy, are we going to the Philippines na?" Isang bibong bata ang basta na lang sumulpot sa likod niya at yumakap sa isang binti niya.

He's just five years old, but he already exuded an unparalleled aristocratic temperament.

Ngumiti siya habang niyuko ang anak, "Do you want to go to the Philippines with Mommy?"

"Yes! Yes! I want to go to the Philippines, Mommy. I want to see Lolo Diego. I will be able to see my lolo at last, right?" Bumitiw ito sa binti niya saka masayang tumalon-talon.

Napalis ang ngiti sa mga labi niya nang banggitin nito ang ama. Kahit kasi itinakwil na siya nito ay hindi niya naman ipinagkakait sa anak na makilala nito ang lolo nito kahit man lang sa mga larawang ipinapakita niya.

Ang trabaho niya lagi ang ibinibigay niyang dahilan sa tuwing nagtatanong ito kung bakit nasa malayo sila at hindi kasama ang lolo nito.

Nakatingin siya sa kawalan nang biglang nagtanong uli ang anak.

"Mommy, is Daddy in the Philippines too?"

Mas lalo siyang natameme sa tanong na iyon ng anak.

Sa lahat ng mga tanong nito, iyon ang tanong na lagi niyang kinakatakutan dahil kahit siya mismo ay hindi alam ang pagkakakilanlan ng lalaking lumapastangan sa kanya.

Ang tanging pamilya na mayroon siya ngayon ay ang anak na si Xavier na siyang naging bunga ng gabing kanyang isinumpa at pilit na kinakalimutan sa loob ng anim na taon.

Napatitig siya sa maamong mukha ng anak. Kung may nakikita man siyang minana ng anak sa kanya ay ang tanging hugis-pusong labi lang nito.

Hindi iilang beses na napapatanong siya sa sarili sa tuwing natititigan nang gano'n ang anak.

Kahit limang taon pa lang ang anak ay makikita na ang mestiso features nito na alam niyang hindi nakuha sa angkan nila.

Kamukha ba ng anak niya ang ama nitong kinamumuhian niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status