Buong araw nga siyang nasa pantry nakatambay. Do'n na rin siya kumain ng lunch. Hinintay niyang tawagan siya ni Paula upang ipaalam kung pwede na siyang lumipat sa magiging opisina niya pero isang oras na ang lumipas pagkatapos ng lunch ay hindi pa rin ito kumontak sa kanya.Napagpasyahan niyang puntahan ito sa opisina nitong bago para tanungin kung maaari na siyang lumipat sa dating opisina nito.Kumatok muna siya ng tatlong beses sa pinto. Narinig niya ang boses nito para papasukin siya. Tantiya niya ay wala pa rin ito sa mood base sa tono ng boses nito.Nakaupo ang babae sa harap ng mesa nito habang busy pa rin sa pag-aarrange ng mga gamit nito roon.Hindi maikakaila na lalong nawala ito sa mood nang makita siya."So you have the nerve to come back now? I thought you went home at nag-alsa balutan para bumalik ng UK. You shouldn't have come back here in the Philippines." Malditang sabi nito na ibinalik nang muli ang atensiyon sa ginagawa.Naisip niyang huwag nang patulan pa ito kay
Hindi niya tuloy alam kung saan didiretso nang pumasok na siya kinabukasan. Hinanap niya na lang din ang dating opisina ni Paula at umaasang nailipat na nito lahat ng mga gamit nito sa bagong opisina.Nakita niyang pangalan pa rin ng babae ang nakalagay sa pinto. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero naka-lock iyon.Napahinga siya nang malalim. Kaaga-aga pa at sisirain na agad ng senior designer ang araw niya. Isang oras pa bago ito papasok kaya't malamang sa pantry na naman siya maglalagi.Nakita niyang may mga empleyado na ring ando'n at hindi maiiwasang mapapatingin sa kanya ang mga ito. Alam ng lahat na siya ang bagong salta sa kompanya. May ibang nginingitian siya, meron namang hindi namamansin.Pumuwesto na agad siya sa sulok na mesa ng pantry. Agad na inilabas ang mga initial designs na isa-submit kay Paula mamaya. Nang buksan niya ang bag ay nakita niya ang nameplate para sa desk kaya't inilapag niya muna sa mesa iyon para mailabas ang ang hinahanap sa ilalim ng bag. Nakali
Nang bumalik siya ng opisina ni Paula ay naabutan niya itong parang naiinis habang kausap ang mga staff na inaalis ang mga gamit nito. "Who told you to bring my things back to my old office? Inutusan ko ba kayo?" Kahit gigil na gigil ang boses nito ay hininaan lamang nito sa takot na baka marinig ni Zian sa kabilang opisina. Maaaring hindi alam ng babae na soundproof ang office na iyon. Natigilan ang dalawang may mga bitbit na gamit saka nagkatinginan. Bakas sa mukha ng mga ito ang kalituhan at takot dahil sa galit na babae. "Napag-utusan ho kami ng-" "I want to talk to whoever that person is!" Medyo lumakas na konti ang boses nito. "Just continue what you're doing." Napalingon sila lahat sa pinanggalingan ng boses. Sa narinig ay tuluyan na ngang lumabas ng opisina ang mga lalaki bitbit ang mga gamit ni Paula. Saglit lang ang pagkatigagal ni Paula saka ito napilitang ngumiti at lumapit kay Zian. "I think there was a slight misunderstanding here, Mr. Escobar. I will han
Kanina pa siya hindi mapakali habang iniisa-isang tingnan ni Zian ang isang folder na puro designs niya. Tatlong araw mula nang pirmahan niya ang bagong posisyon bilang Senior Designer ay saka lang niya uli nakita ang lalaki.Inaamin niya na sa loob ng tatlong araw na iyon ay ilang beses ding napapadako sa bakanteng opisina nito ang mga mata niya, nagbabakasakaling makita uli ito roon.Alam niyang sa dami ng inaasikasong negosyo ng pamilya nito ay inaasahan na niyang hindi ito palaging makikita sa opisina. Kahit pa man ay hindi niya maintindihan kung bakit laging umaasa ang sarili niyang makikita itong pumasok kahit saglit lang.Sa pagbabalik nga nito pagkatapos ng tatlong araw ay ipinatawag agad siya ng lalaki sa opisina nito. Nakakunot ang noo nito habang matamang tinitingnan isa-isa ang mga designs niya.Ngayon lang siya kinakabahang muli nang gano'n. Hindi niya kasi mawari sa expression ng mukha nito kung nagugustuhan ba nito ang mga nakikita.Nang sa wakas ay nasa huling design n
Kinuhang muli ni Zian ang kaheta ng singsing sa loob ng box na nasa mesa niya. Binuksan niya iyon saka kinuha ang singsing sa loob.Hindi niya inaasahan ang mabilis na pagtanggi ni Jenna Alegria sa proposal niya. Ang akala niya kasi ay magniningning ang mga mata ng babae katulad ng mga brilyanteng nakapalibot sa singsing kapag narinig ang alok niyang kasal.Napatawa siya nang mahina sa sarili.Alam niyang hindi naman siya nagyayabang sa naisip na iyon. Base kasi sa reaksiyon ng babae sa tuwing nagkakaharap sila ay umaasa siyang susunggaban agad nito ang alok niya.Akala niya ay hindi siya mahihirapang ialok ang kasal na iyon kay Jenna lalo pa't ilang beses itong nakatulala sa mukha niya gaya nang halos lahat ng mga babaeng nakakasalamuha na niya.Napatingin siya glass wall na dingding nila. Nakita niyang hindi maipinta ang mukha nito kahit pa nga busy ito sa ginagawang trabaho.Ni hindi sumagi sa isip niya na may babaeng maba-bad trip kapag inalok niya ng kasal. Mukhang gano'n kasi an
Ang laki ng ngiti ni Chelsea kahit pa nga parang nagmamadali pa rin si Zian nang ibaba nito ang phone. Alam niya kung gaano ka-busy ang lalaki, pero anytime ay pwede niya itong disturbuhin.Napahiga siya sa bagong-bagong sopa habang hinihintay ang juice na pinakuha sa maid na inutusan.Buhay prinsesa siya mula nang puntahan siya ni Zian sa kanyang boutique sa pag-aakalang siya si Jenna na inangkin nito nang sapilitan nang gabing iyon, anim na taon na ang nakalipas.Agad namang napalitan ng pagsimangot ang ngiti niya nang maalala ang babae pero nang maisip na kung hindi dahil dito ay hindi niya matatamasa ang gano'n kasarap na buhay kaya muli ay ngumiti siya hanggang sa unti-unting natatawa.Hay, Jenna... you pathetic little bitch.Gustong-gusto niya ang pakiramdam sa tuwing nakikita niya sa isip ang hitsura nito nang lumabas ito ng kwarto sa inn na iyon. Ang totoo ay pareho silang nag-celebrate ni Amanda pagkatapos no'n. Hindi man lang na-guilty o kaya'y natakot sa ginawa nila kay Jen
Kinagabihan nang mapatulog na si Xavier ay sinubukan niya uling tawagan ang numero sa bahay nila. Umaasa siyang kakausapin na rin ng ama. Hindi niya alam kung may balita na ito na nakauwi na siya ng Pilipinas. "Hello?" Bigla ang kasiyahang naramdaman niya nang marinig ang boses ng ama."D-dad?" Ngayon lang siya nakatiyempo na ito mismo ang nakasagot sa phone dahil madalas kung hindi katiwala nila ay ang madrasta o kaya naman ay si Amanda ang nakakasagot ng tawag niya. At siyempre ay aasahan na niyang hindi niya makakausap ang ama kapag gano'n. Lagi ay sinasabi ng mga ito na hindi tatanggapin ng ama ang tawag niya.Matagal na katahimikan ang namagitan. Pakiramdam niya tuloy ay nawala na ito sa kabilang linya."Dad?" Ulit niya.Narinig niya ang pagtikhim nito upang alisin ang bara sa lalamunan."Kumusta ka na, Jenna?" Pinilit nitong maging pormal ang boses.Sunod-sunod ang pag-agos ng mga luha niya nang kumustahin siya ng ama kahit pa nga masyadong pormal ang pagkakatanong no'n na pa
"What? Bumalik ng Pilipinas ang babaeng iyon?" Hindi maipinta ang mukha ni Amanda nang salubungin siya ng masamang balita ng inang si Zenaida."At ito namang si Diego ay nagpapakatanga uling tanggapin ang lapastangan! Hindi niya ba naisip ang matinding kahihiyang ibinigay ng babaeng iyon? Kung kani-kaninong lalaki pumapatol dahil sa kakatihan ng katawan. Sino naman kaya ang ama ng anak niya? Sigurado akong isa sa mga naging customers niya." Inis na wika naman ni Zenaida.Walang kaalam-alam ang babae na ang anak nito at si Chelsea ang nasa likod ng iskandalong kinasangkutan ni Jenna. Siniguro naman nina Amanda at Chelsea na hindi na umabot pa sa labas ang ginawa nilang kwento dahil sa kanila naman babalik iyon kapag napatunayang hindi totoo ang mga paratang kay Jenna.Sinadya lang nila iyon para sa amain niya dahil gusto niya talagang mapaalis ng pamamahay si Jenna. Nang mawala nga ang babae sa landas nila ay sa kanila na ipinagkatiwala ng ama nito ang pamamahala sa halos kalahati ng m
Akala niya ay sa mansiyon ng mga Escobar ang tinutukoy nitong bahay nito na pupuntahan muna nila. Dinala sila nito sa isang malaking bahay na ayon rito ay ang sariling bahay nito mismo. Hindi nalalayo sa laki ng mansiyon ng mga Escobar ang bahay ng lalaki.Kahit si Xavier ay hindi mapigilang mamangha sa bahay ni Zian."Whoah, Dad, your house is so big and beautiful!" Hindi magkamayaw na sabi ng anak na iniikot ang tingin sa paligid."You love it?" Nakangiting tanong ni Zian sa anak niya."Yes, Dad, I love it so much! Dito ba kami titira kapag ikinasal na kayo ni Mommy?""Xavier, kung ano-ano na lang iyang tinatanong mo," agad na saway niya sa bata.Ayaw niyang malagay sa alanganin si Zian sa mga katanungan ng anak."Of course, kung nasaan si Daddy, do'n din kayo, di ba?" Hindi naman pinansin ni Zian ang pagsaway niya sa anak."I'm going to love it here, Daddy!""I'm sure you will." Ginulo pa ni Zian ang buhok ng anak.Hindi na lang din siya umimik. "Do you want to see my room?" Napa
Nagising siya sa mumunting mga halik sa mukha niya. Antok na antok pa siya dahil mag-uumaga na yata nang tuluyang gupuin siya ng antok.Sinusubukan niyang ibuka ang mga mata dahil parang ayaw tumigil sa kakahalik ng kung sino man iyong pinupupog siya ng mga halik sa mukha."Mommy, wake up. We made you breakfast in bed, but it's almost eleven already." Boses ng anak niya ang naririnig niya.Nahulaan niya agad na ito ang nasa ibabaw ng kama at walang tigil sa paghalik sa kanya. Ito yata ang paraan nito para gisingin siya.Almost eleven?Napilitan na nga siyang ibuka ang mga mata at agad na sumalubong sa kanya ang liwanag mula sa bintana na nagmumula sa tirik na tirik na araw.Ngumiti siya sa anak kahit kalahati pa lang ng mga mata ang naibuka."Oh, you made me breakfast, baby?" Inisip niya agad na malamang ay cereal na may gatas ang dinala nito sa kanya dahil hindi pa naman ito marunong magluto.Bumangon siya at umupo sa kama habang inaantok pa rin na tinitingnan ang pagkain sa tray na
Padampi-dampi lang ang ginawang paghalik ni Zian na para bang nananantiya muna. Hinayaan niya ang pagkilos ng bibig nito habang kumikibot-kibot naman ang mga labi niya.Kung tutuusin ay ito ang unang halik niya talaga kung hindi niya isasali ang lalaking lumapastangan sa kanya. Ilang segundo rin na nagkasya lang si Zian sa mabibining halik na ibinibigay nito sa kanya.Maya-maya ay nagsimula nang lumalim ang paghalik nito. Kinabig nito ang batok niya nang naging mapusok ang halik nito. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay. Ang instinct ng mga iyon ay dumako sa dibdib ng lalaki para pigilan ang pagdidikit masyado ng mga katawan nila.Saglit na binitiwan ni Zian ang mga labi niya at tingnan siya sa mukha."Just tell me if you want me to stop, Jenna," paanas na sabi nito na para bang habol nito ang paghinga.Ang utak niya ang nagsasabing kumawala sa yakap nito at lumabas ng kwarto, pero ang katawan niya ang may gustong habulin ang bibig nito upang ipagpatuloy ang mainit nilang
"H-huwag..." Pilit man niyang manlaban ay hindi man lang niya matinag ang lalaking nasa ibabaw niya.Ayaw niyang umiyak pero iyon na lang yata ang huling alas niya para magbago ang isip ng hindi kilalang lalaki. Ni hindi niya alam kung ano ang hitsura nito dahil nababalutan ng dilim ang loob ng kwarto."I like this. Is roleplaying part of the game?" Paanas na sabi ng lalaki na hindi niya mawari kung lasing or nasa ilalim ng pinagbabawal na gamot."Please... maawa po kayo." Humahagulgol na siya at inipon ang buong lakas para maitulak ito.Sa halip na umalis sa ibabaw niya ay kinuha ng lalaki ang dalawang kamay niya at ipininid sa kama. Mas lalong hindi na siya makagalaw.Naramdaman niyang muli ang nag-aalab na halik nito sa leeg niya. Wala na siyang nagawa kundi umiyak nang umiyak.Kahit binitiwan na siya nito ay hindi na siya nagtangka pang pumalag dahil sa takot at sa sobrang panghihina. Pumikit siya nang mariin nang isa-isa nitong hinubad ang damit niya. Awtomatikong itinakip niya
"Mind if I take a shower first?" Nasa loob na sila ng kwarto niya at hindi maikakaila ang pagkailang niya. Kabaliktaran naman ang kay Zian dahil wala man lang itong bakas ng pagkailang sa kanya.Naisip niyang siguro ay sanay na ito sa gano'ng eksena na kasama ang isang babae sa loob ng kwarto na kahit hindi nito girlfriend.Hindi girlfriend? Eh, engaged ka na nga sa kanya, di ba? Tukso ng isang parte ng utak niya."That door on the left, iyan ang banyo." Pinilit niyang maging kaswal lang din ang boses kahit ang totoo ay parang manginginig iyon.Kahit si Patrick na matalik niyang kaibigan ay hindi man lang nakapasok sa kwarto niya. Ito ang unang beses na may makakasama siyang lalaki sa kwarto at matutulog pa silang magkatabi.Well, of course, hindi niya isinali ang lalaking isinusumpa niya. Iwinaksi niya agad ang alaala nang gabing iyon. Ayaw niyang madagdagan ang tension na nararamdaman niya ngayon."Do you want to see me strip?" Tanong nito nang hindi niya namamalayang nakatingin pa
Siya na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. Hinayaan na niyang samahan ni Zian ang anak sa kwarto nito gaya ng request ng bata. Alam niyang ipagyayabang nito ang mga laruang galing kay Zian at sa lolo nito.Nakatapos na siyang maghugas. Pumunta siya ng sala at naririnig niya ang tawanan ng dalawa sa kwarto ng anak. Hindi niya alam kung gaano katagal ang mga itong nagkukwentuhan at naglalaro sa loob.Nanatiling nakaupo lang siya sa sofa. Habang nakatunganga ro'n ay napapatingin uli siya sa maliit na hiwang sinipsip ni Zian kanina.Kahit nag-iisa ay ramdam niya ang pamumula ng pisngi."Masakit pa rin ba?" Gulat na napaangat ang tingin niya sa nagsalita. Nakita niyang karga ni Zian sa likod ang anak niyang panay ang tawa."M-mahapdi na lang konti." Mabilis na ibinaba niya ang kamay at baka mahalata pa ni Zian na iba ang nasa isip niya habang nakatitig sa daliri niya kanina."What happened to your finger, Mommy?" Worried na tanong ni Xavier na mabilis na bumaba mula sa pagkaka
"Daddy!" Palundag ang ginawang pagtayo ng anak niya nang makitang kasabay niyang pumasok si Zian.Agad na inilagay muna ni Zian ang mga bitbit na grocery sa sahig para salubungin ng yakap si Xavier.Lumapit naman si Nana Meding para kunin ang mga pinamili nila."How are you, kiddo?" Masayang tanong ni Zian nang yakapin ang bata."I had fun at school. I kept looking at the time while waiting 'cause I know you'll visit.""Oh, thank God, we're here and the waiting is over. I have a pasalubong for you." Mabilis na kinuha ni Zian ang binili nitong laruan.Bumitiw sa pagkakayakap dito ang anak niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang binilhan ito ng bola ng lalaki.Naikwento pala ng anak niya rito na gustong-gusto nitong maglaro ng basketball."Just as I promised, I brought you this. We'll play together during the weekend.""Wow! Thank you so much, daddy!" Kinuha nito ang bola saka hinalikan sa pisngi si Zian.Ginulo naman nito ang buhok ng bata habang nakatawa. Tumikhim siya nang hind
Kita nila ang pagkagulat sa mukha ni Chelsea habang napatingin ito kay Zian. Kahit nasa may pinto pa lang ito nakatayo ay halata ang biglang pamumutla ng mga labi nito. Ni hindi na nga ito kumikilos at mukha bang gusto nitong lumabas uli."What's with her?" Inis na tumayo si Amanda para salubungin si Chelsea. Nang tingnan niya si Zian ay nakita niya rin ang pag-iba ng mood nito.May LQ nga ang dalawa! So naging girlfriend nga nito si Chelsea?Bumalik lang ang tingin niya sa dalawa nang marinig uli ang boses ni Amanda."By the way, Zian, this is Chelsea-""I know her," putol ni Zian sa pagpapakilala sana ni Amanda rito.Natigilan ito lalo pa at obvious ang galit sa tinig ni Zian. Hindi nito tiningnan man lang si Chelsea."Really? Saan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amanda.Nang walang sumagot sa mga ito ay hinila na nito ang babae at pinaupo sa upuan na nasa tabi ni Zian.Alanganing lumapit si Chelsea. Nanatili itong nakatayo lang at parang walang balak umupo."Ahm..." Parang nangin
Hindi na niya mabilang kung pang-ilang papel na ang nalamukos niya. Hindi makapag-concentrate ang utak niya habang nagtatrabaho. May hinahabol pa naman siyang deadline. Kung bakit ba naman kasi tinanong-tanong pa siya ni Zian ng tanong na iyon. Make you fall in love with me... Hindi na maalis-alis sa utak niya iyon. Seryoso ba ang lalaki nang sabihin iyon? Ayaw niya sanang pansinin ang kilig na nagsisimulang nararamdaman na ng puso niya. Ayaw niyang mahulog dito dahil alam niya namang magtatapos din ang pagkukunwari nila. Kanina pa siya patingin-tingin sa opisina nito. Nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa laptop na seryosong-seryoso ang mukha. Hindi man lang ito napapatingin sa gawi niya kahit isang beses. Inirapan niya ito na para bang makikita nito iyon. At nakita nga iyon ni Zian! Sakto kasing napalingon ito sa opisina niya nang bigyan niya ito ng napakalalim na irap. Mabilis na ibinaling niya ang tingin sa blangkong papel nang mahuli nito ang ginawa niyang pag-ir