"What? Bumalik ng Pilipinas ang babaeng iyon?" Hindi maipinta ang mukha ni Amanda nang salubungin siya ng masamang balita ng inang si Zenaida."At ito namang si Diego ay nagpapakatanga uling tanggapin ang lapastangan! Hindi niya ba naisip ang matinding kahihiyang ibinigay ng babaeng iyon? Kung kani-kaninong lalaki pumapatol dahil sa kakatihan ng katawan. Sino naman kaya ang ama ng anak niya? Sigurado akong isa sa mga naging customers niya." Inis na wika naman ni Zenaida.Walang kaalam-alam ang babae na ang anak nito at si Chelsea ang nasa likod ng iskandalong kinasangkutan ni Jenna. Siniguro naman nina Amanda at Chelsea na hindi na umabot pa sa labas ang ginawa nilang kwento dahil sa kanila naman babalik iyon kapag napatunayang hindi totoo ang mga paratang kay Jenna.Sinadya lang nila iyon para sa amain niya dahil gusto niya talagang mapaalis ng pamamahay si Jenna. Nang mawala nga ang babae sa landas nila ay sa kanila na ipinagkatiwala ng ama nito ang pamamahala sa halos kalahati ng m
Tatlong araw mula nang mabalitaan niya mula kay Amanda na bumalik na ng bansa si Jenna ay pumayag siyang makipagkita rito. May mga bagong nalaman kasi ang babae tungkol kay Jenna at gusto nitong ikwento nito iyon nang personal sa kanya.Kahit gusto niya pa ring iwasan si Amanda dahil ayaw niyang magtatatanong ito tungkol sa bago niyang lalaki ay napilitan na rin siyang makipagkita rito. Alam niyang napukaw niya ang interes ng babae lalo at nakikita nito ang mga posts niya sa social media na araw-araw na lang ay may bagong alahas na pinagyayabang.Nagkita sila sa isang cafeteria na hindi masyadong dinadayo ng mga tao para makapag-usap sila nang maayos.Agad na nakita niya si Amanda sa isang sulok na busy sa kakasimsim ng shake na inorder nito. Kumaway siya sa babae. Parang luluwa naman ang mga mata nito nang makita siya.Sino ba naman ang hindi?Suot niya ang mamahaling damit ng isang sikat na brand. Kumikinang din ang mga alahas na suot niya. Matamis ang ngiting nilapitan niya ang bab
Nagmamadali ang mga hakbang niya habang papasok ng building ng Glamour Fashion. Muntik na siyang ma-late dahil alas siyete na siya nagising. Kung hindi pa siguro siya pinuntahan ni Xavier sa kwarto niya ay baka tatanghaliin na nga siya ng gising.Alas singko ng umaga na kasi siya nakatulog sa kakaisip kung sino ang lalaking ihaharap niya sa ama upang ipakilala bilang daddy ni Xavier. Ilang beses na siyang tinanong nito kung kailan nila dadalawin ito lalo pa at bagot na bagot na itong maglalagi sa bahay.Napag-alaman niya kasing pinapahinga muna ito ng doktor ng isang buwan kaya bawal dito ang magtrabaho muna.Napatingin siya sa relo at lalong binilisan ang paglalakad nang makitang five minutes na lang bago mag-alas nuebe ng umaga. Hindi siya kumain kagabi at hindi na nakakain ng breakfast kaya't nag-aalburuto na rin ang tiyan niya.Kinuha niya ang hopia sa bag at habang naglalakad papuntang elevator ay inisang lamon lang niya ang may kalakihang piraso ng hopia.Nakita niyang papasara
Mabilis na tumayo si Fannie at nakangiting binati si Zian. Sumunod na rin silang bumati ni Paula. Siya lang yata ang nanatiling pormal ang mukha nang batiin ang lalaki.Mula nang nag-propose kasi ito ng kasal sa kanya dahil sa utos ng lola nito ay nanatiling pormal na ang pakikitungo niya sa lalaki. Kung hindi lang siya pumirma ng limang taong kontrata sa Glamour Fashion Philippines ay hindi siya magdadalawang-isip na mag-alsa balutan at bumalik ng Glamour Fashion UK.Hindi pa man siya umabot ng isang buwan sa Pilipinas mula nang bumalik siya ay nawala na agad ang peace of mind niya. "Mr. Escobar, I already discussed with them that whoever will be selected between them, their designs will be featured in the gala event two months from now." Masayang sabi ni Fannie na lumapit kay Zian na bitbit ang folders nila ni Paula na may mga designs nila.Agad na iniiwas niya ang mga mata nang tumingin sa banda niya si Zian pagkaupo pa lang nito.Inabot ni Fannie ang dalawang folders sa lalaki pe
Kahit abala siya sa pagpa-finalize ng designs niya na maaaring masali sa gala fashion night ay tumigil din naman siya nang mag-break time na. Hindi na kasi nasundan ang isang hopia na kinain niya kanina kaya kailangan niyang pumunta ng pantry para kumain.Hindi niya sinunod ang sinabi ni Zian kanina na kumain muna siya ng breakfast bago bumalik ng trabaho. Alam niyang office hours pa iyon at ayaw niyang mas may masabi ang iba tungkol sa kanya kaya tiniis niya muna ang pagkalam ng sikmura at nag-concentrate na lang sa ginagawa.Mabibilis ang mga hakbang na pumunta siya ng pantry para mauna sa mga iba pang empleyadong ando'n. Bitbit na niya ang tray ng pagkain niya. Saktong may nakita agad siyang bakanteng mesa. Dahil baguhan pa siya ay wala pa siyang nakakapalagayang loob sa kompanya, lalo pa't mas naglalagi siya sa loob ng opisina niya.Busy na siya sa pagkain nang may marinig sa malapit na table. "I'm sure ginagamitan niya ng kakaibang "tricks" ang bagong boss kaya malakas ang loob
Taas-noo siyang naglalakad papasok ng building ng Glamour Fashion Philippines. Nagpa-hair and make-up pa siya sa isang sikat na salon para lang sa araw na iyon.Hindi halatang kabado rin siya sa pagkikita nila ni Jenna after six years. Ang huling pagkikita nila ng dating matalik na kaibigan ay no'ng gabi sa inn. Kung siya lang ay ayaw niyang magtagpo ang landas nilang muli ng babae, kaya't masayang-masaya siya nang malamang nasa UK na ito naninirahan. Hindi niya lubos-maisip na siya pa mismo ang gagawa ng paraan para magkita sila nito.Kinakailangan niyang gawin iyon. Nais niyang makakuha ng inpormasyon kung may palatandaang nakilala nito ang lalaking umangkin dito nang gabing iyon. Sa likod ng isip niya ay naisip niyang maaaring hindi, dahil kung oo, di sana ay kinumpronta agad nito si Zian lalo pa at ito ang bagong co-owner ng kompanyang pinagtatrabahuan nito.Pero nais niyang makasiguro para na rin sa ikapanatag ng isip niya. Gusto niyang makuha rito mismo ang impormasyon kung may
Kusang dumapo ang nakakuyom niyang kamao sa ilong ni Chelsea na para bang may sarili iyong isip. Nang marinig ang malakas na tunog ng suntok niya sa babae ay saka naman parang nakawala ang matagal na niyang kinikimkim na emosyon.Hindi niya alintana ang sakit ng kamao sa lakas ng impact. Mas nakatuon ang atensiyon niya sa reaction ni Chelsea.Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito habang nasasaktang hinawakan ang dumudugong ilong. Nanginginig pa ang mga kamay nitong kinuha ang salamin sa loob ng bag.Malamig na tingin lang ang ibinigay niya rito habang hinihimas ang nasasaktang kamao. Ni hindi siya nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa, bagkus ay kaginhawaan ang naramdaman niya.Saka lang siya parang nagulat sa biglang pagngawa ng babae.Dahil sa lakas ng sigaw nito na may kasamang iyak ay bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina niya.Nakita niya ang pagpasok ni Zian na nagulat sa nakitang tagpo. Bago nito isinara ang pinto ng opisina ay inutusan nito ang mga umuusyuso sa labas na bu
Naglabanan sila ng tingin ni Zian. He just smirked sa narinig. Kahit siya mismo ay nararamdaman na hindi naman talaga ito seryoso sa proposal. Napilitan nga lang din itong sundin ang lola nito.Hula niya ay baka hindi ito pamamanahan kung hindi nito susundin ang gusto ng matanda. Hindi na kapani-paniwala na mayro'n pang ganitong pangyayari sa totoong buhay. Kung saan ang isang mayaman ay tatanggalan ng mana kung hindi pakakasalan ang sino mang gusto ng mga magulang nito, sa kaso ni Zian ay ang lola naman nito ang may demand."Anyway, Mr. Escobar, if wala kang planong tanggalin ako o kaya'y tanggapin ang resignation ko, then I'll get back to work now, or do we still need to discuss what I did at your office?" Alam niyang medyo malakas ang loob niyang sabihin iyon dahil na rin sa sinabi nitong hindi nito tatanggapin ang resignation niya."You made it clear that you won't tell me the main issue why you were provoked by Chelsea; then we don't need to talk about it anymore. I just hope thi
Akala niya ay sa mansiyon ng mga Escobar ang tinutukoy nitong bahay nito na pupuntahan muna nila. Dinala sila nito sa isang malaking bahay na ayon rito ay ang sariling bahay nito mismo. Hindi nalalayo sa laki ng mansiyon ng mga Escobar ang bahay ng lalaki.Kahit si Xavier ay hindi mapigilang mamangha sa bahay ni Zian."Whoah, Dad, your house is so big and beautiful!" Hindi magkamayaw na sabi ng anak na iniikot ang tingin sa paligid."You love it?" Nakangiting tanong ni Zian sa anak niya."Yes, Dad, I love it so much! Dito ba kami titira kapag ikinasal na kayo ni Mommy?""Xavier, kung ano-ano na lang iyang tinatanong mo," agad na saway niya sa bata.Ayaw niyang malagay sa alanganin si Zian sa mga katanungan ng anak."Of course, kung nasaan si Daddy, do'n din kayo, di ba?" Hindi naman pinansin ni Zian ang pagsaway niya sa anak."I'm going to love it here, Daddy!""I'm sure you will." Ginulo pa ni Zian ang buhok ng anak.Hindi na lang din siya umimik. "Do you want to see my room?" Napa
Nagising siya sa mumunting mga halik sa mukha niya. Antok na antok pa siya dahil mag-uumaga na yata nang tuluyang gupuin siya ng antok.Sinusubukan niyang ibuka ang mga mata dahil parang ayaw tumigil sa kakahalik ng kung sino man iyong pinupupog siya ng mga halik sa mukha."Mommy, wake up. We made you breakfast in bed, but it's almost eleven already." Boses ng anak niya ang naririnig niya.Nahulaan niya agad na ito ang nasa ibabaw ng kama at walang tigil sa paghalik sa kanya. Ito yata ang paraan nito para gisingin siya.Almost eleven?Napilitan na nga siyang ibuka ang mga mata at agad na sumalubong sa kanya ang liwanag mula sa bintana na nagmumula sa tirik na tirik na araw.Ngumiti siya sa anak kahit kalahati pa lang ng mga mata ang naibuka."Oh, you made me breakfast, baby?" Inisip niya agad na malamang ay cereal na may gatas ang dinala nito sa kanya dahil hindi pa naman ito marunong magluto.Bumangon siya at umupo sa kama habang inaantok pa rin na tinitingnan ang pagkain sa tray na
Padampi-dampi lang ang ginawang paghalik ni Zian na para bang nananantiya muna. Hinayaan niya ang pagkilos ng bibig nito habang kumikibot-kibot naman ang mga labi niya.Kung tutuusin ay ito ang unang halik niya talaga kung hindi niya isasali ang lalaking lumapastangan sa kanya. Ilang segundo rin na nagkasya lang si Zian sa mabibining halik na ibinibigay nito sa kanya.Maya-maya ay nagsimula nang lumalim ang paghalik nito. Kinabig nito ang batok niya nang naging mapusok ang halik nito. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay. Ang instinct ng mga iyon ay dumako sa dibdib ng lalaki para pigilan ang pagdidikit masyado ng mga katawan nila.Saglit na binitiwan ni Zian ang mga labi niya at tingnan siya sa mukha."Just tell me if you want me to stop, Jenna," paanas na sabi nito na para bang habol nito ang paghinga.Ang utak niya ang nagsasabing kumawala sa yakap nito at lumabas ng kwarto, pero ang katawan niya ang may gustong habulin ang bibig nito upang ipagpatuloy ang mainit nilang
"H-huwag..." Pilit man niyang manlaban ay hindi man lang niya matinag ang lalaking nasa ibabaw niya.Ayaw niyang umiyak pero iyon na lang yata ang huling alas niya para magbago ang isip ng hindi kilalang lalaki. Ni hindi niya alam kung ano ang hitsura nito dahil nababalutan ng dilim ang loob ng kwarto."I like this. Is roleplaying part of the game?" Paanas na sabi ng lalaki na hindi niya mawari kung lasing or nasa ilalim ng pinagbabawal na gamot."Please... maawa po kayo." Humahagulgol na siya at inipon ang buong lakas para maitulak ito.Sa halip na umalis sa ibabaw niya ay kinuha ng lalaki ang dalawang kamay niya at ipininid sa kama. Mas lalong hindi na siya makagalaw.Naramdaman niyang muli ang nag-aalab na halik nito sa leeg niya. Wala na siyang nagawa kundi umiyak nang umiyak.Kahit binitiwan na siya nito ay hindi na siya nagtangka pang pumalag dahil sa takot at sa sobrang panghihina. Pumikit siya nang mariin nang isa-isa nitong hinubad ang damit niya. Awtomatikong itinakip niya
"Mind if I take a shower first?" Nasa loob na sila ng kwarto niya at hindi maikakaila ang pagkailang niya. Kabaliktaran naman ang kay Zian dahil wala man lang itong bakas ng pagkailang sa kanya.Naisip niyang siguro ay sanay na ito sa gano'ng eksena na kasama ang isang babae sa loob ng kwarto na kahit hindi nito girlfriend.Hindi girlfriend? Eh, engaged ka na nga sa kanya, di ba? Tukso ng isang parte ng utak niya."That door on the left, iyan ang banyo." Pinilit niyang maging kaswal lang din ang boses kahit ang totoo ay parang manginginig iyon.Kahit si Patrick na matalik niyang kaibigan ay hindi man lang nakapasok sa kwarto niya. Ito ang unang beses na may makakasama siyang lalaki sa kwarto at matutulog pa silang magkatabi.Well, of course, hindi niya isinali ang lalaking isinusumpa niya. Iwinaksi niya agad ang alaala nang gabing iyon. Ayaw niyang madagdagan ang tension na nararamdaman niya ngayon."Do you want to see me strip?" Tanong nito nang hindi niya namamalayang nakatingin pa
Siya na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. Hinayaan na niyang samahan ni Zian ang anak sa kwarto nito gaya ng request ng bata. Alam niyang ipagyayabang nito ang mga laruang galing kay Zian at sa lolo nito.Nakatapos na siyang maghugas. Pumunta siya ng sala at naririnig niya ang tawanan ng dalawa sa kwarto ng anak. Hindi niya alam kung gaano katagal ang mga itong nagkukwentuhan at naglalaro sa loob.Nanatiling nakaupo lang siya sa sofa. Habang nakatunganga ro'n ay napapatingin uli siya sa maliit na hiwang sinipsip ni Zian kanina.Kahit nag-iisa ay ramdam niya ang pamumula ng pisngi."Masakit pa rin ba?" Gulat na napaangat ang tingin niya sa nagsalita. Nakita niyang karga ni Zian sa likod ang anak niyang panay ang tawa."M-mahapdi na lang konti." Mabilis na ibinaba niya ang kamay at baka mahalata pa ni Zian na iba ang nasa isip niya habang nakatitig sa daliri niya kanina."What happened to your finger, Mommy?" Worried na tanong ni Xavier na mabilis na bumaba mula sa pagkaka
"Daddy!" Palundag ang ginawang pagtayo ng anak niya nang makitang kasabay niyang pumasok si Zian.Agad na inilagay muna ni Zian ang mga bitbit na grocery sa sahig para salubungin ng yakap si Xavier.Lumapit naman si Nana Meding para kunin ang mga pinamili nila."How are you, kiddo?" Masayang tanong ni Zian nang yakapin ang bata."I had fun at school. I kept looking at the time while waiting 'cause I know you'll visit.""Oh, thank God, we're here and the waiting is over. I have a pasalubong for you." Mabilis na kinuha ni Zian ang binili nitong laruan.Bumitiw sa pagkakayakap dito ang anak niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang binilhan ito ng bola ng lalaki.Naikwento pala ng anak niya rito na gustong-gusto nitong maglaro ng basketball."Just as I promised, I brought you this. We'll play together during the weekend.""Wow! Thank you so much, daddy!" Kinuha nito ang bola saka hinalikan sa pisngi si Zian.Ginulo naman nito ang buhok ng bata habang nakatawa. Tumikhim siya nang hind
Kita nila ang pagkagulat sa mukha ni Chelsea habang napatingin ito kay Zian. Kahit nasa may pinto pa lang ito nakatayo ay halata ang biglang pamumutla ng mga labi nito. Ni hindi na nga ito kumikilos at mukha bang gusto nitong lumabas uli."What's with her?" Inis na tumayo si Amanda para salubungin si Chelsea. Nang tingnan niya si Zian ay nakita niya rin ang pag-iba ng mood nito.May LQ nga ang dalawa! So naging girlfriend nga nito si Chelsea?Bumalik lang ang tingin niya sa dalawa nang marinig uli ang boses ni Amanda."By the way, Zian, this is Chelsea-""I know her," putol ni Zian sa pagpapakilala sana ni Amanda rito.Natigilan ito lalo pa at obvious ang galit sa tinig ni Zian. Hindi nito tiningnan man lang si Chelsea."Really? Saan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amanda.Nang walang sumagot sa mga ito ay hinila na nito ang babae at pinaupo sa upuan na nasa tabi ni Zian.Alanganing lumapit si Chelsea. Nanatili itong nakatayo lang at parang walang balak umupo."Ahm..." Parang nangin
Hindi na niya mabilang kung pang-ilang papel na ang nalamukos niya. Hindi makapag-concentrate ang utak niya habang nagtatrabaho. May hinahabol pa naman siyang deadline. Kung bakit ba naman kasi tinanong-tanong pa siya ni Zian ng tanong na iyon. Make you fall in love with me... Hindi na maalis-alis sa utak niya iyon. Seryoso ba ang lalaki nang sabihin iyon? Ayaw niya sanang pansinin ang kilig na nagsisimulang nararamdaman na ng puso niya. Ayaw niyang mahulog dito dahil alam niya namang magtatapos din ang pagkukunwari nila. Kanina pa siya patingin-tingin sa opisina nito. Nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa laptop na seryosong-seryoso ang mukha. Hindi man lang ito napapatingin sa gawi niya kahit isang beses. Inirapan niya ito na para bang makikita nito iyon. At nakita nga iyon ni Zian! Sakto kasing napalingon ito sa opisina niya nang bigyan niya ito ng napakalalim na irap. Mabilis na ibinaling niya ang tingin sa blangkong papel nang mahuli nito ang ginawa niyang pag-ir