Kusang dumapo ang nakakuyom niyang kamao sa ilong ni Chelsea na para bang may sarili iyong isip. Nang marinig ang malakas na tunog ng suntok niya sa babae ay saka naman parang nakawala ang matagal na niyang kinikimkim na emosyon.Hindi niya alintana ang sakit ng kamao sa lakas ng impact. Mas nakatuon ang atensiyon niya sa reaction ni Chelsea.Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito habang nasasaktang hinawakan ang dumudugong ilong. Nanginginig pa ang mga kamay nitong kinuha ang salamin sa loob ng bag.Malamig na tingin lang ang ibinigay niya rito habang hinihimas ang nasasaktang kamao. Ni hindi siya nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa, bagkus ay kaginhawaan ang naramdaman niya.Saka lang siya parang nagulat sa biglang pagngawa ng babae.Dahil sa lakas ng sigaw nito na may kasamang iyak ay bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina niya.Nakita niya ang pagpasok ni Zian na nagulat sa nakitang tagpo. Bago nito isinara ang pinto ng opisina ay inutusan nito ang mga umuusyuso sa labas na bu
Naglabanan sila ng tingin ni Zian. He just smirked sa narinig. Kahit siya mismo ay nararamdaman na hindi naman talaga ito seryoso sa proposal. Napilitan nga lang din itong sundin ang lola nito.Hula niya ay baka hindi ito pamamanahan kung hindi nito susundin ang gusto ng matanda. Hindi na kapani-paniwala na mayro'n pang ganitong pangyayari sa totoong buhay. Kung saan ang isang mayaman ay tatanggalan ng mana kung hindi pakakasalan ang sino mang gusto ng mga magulang nito, sa kaso ni Zian ay ang lola naman nito ang may demand."Anyway, Mr. Escobar, if wala kang planong tanggalin ako o kaya'y tanggapin ang resignation ko, then I'll get back to work now, or do we still need to discuss what I did at your office?" Alam niyang medyo malakas ang loob niyang sabihin iyon dahil na rin sa sinabi nitong hindi nito tatanggapin ang resignation niya."You made it clear that you won't tell me the main issue why you were provoked by Chelsea; then we don't need to talk about it anymore. I just hope thi
Imbes na pumunta sa party ng Glamour Fashion Philippines kung saan opisyal na iwi-welcome si Zian Escobar bilang bagong may-ari ng branch na iyon ay naghahanda siya para pumunta sa bahay ng ama.Binili na nga nang tuluyan ng mga Escobar ang 100% share ng kompanya. No'ng una ay plano niya talagang dumalo, lalo pa at bagong lipat lang din siya sa kompanya. Gagamitin din sana niya ang opportunity na makaharap at makausap nang personal si Mrs. Conchita Escobar. Nagbago ang isip niya nang mapagtantong malamang na dadalo si Chelsea sa party na iyon. Knowing her, hindi nito papalampasin ang pagkakataong maipangalandakan sa mga mayayamang dadalo ang pagiging malapit nito kay Zian Escobar.Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung paanong nagtagpo ang landas ng dalawa, at bakit gano'n na lang ang kumpiyansa ni Chelsea na gagawin ni Zian ang lahat ng sasabihin nito gayong hindi naman ito girlfriend ng lalaki, ayon na rin sa binigay na kumpirmasyon ni Zian sa kanya.Iniiwasan niya talagang
Habang kumakain sila ay panay naman ang ring ng phone niya kaya't nilagay niya na lang ito sa silent mode.Nang silipin niya ang numero sa screen ay nakita niyang si Zian ang tumatawag. Binasa niya ang isang message nito sa halos di na niya mabilang na sunod-sunod na text.Why are you still not here? Kakabasa pa lang niya ay may sumunod na agad itong text. I'M ON MY WAY TO YOUR PLACE.Naka-capslock na talaga ang sumunod na text nito. Sumimangot lang siya. Daig pa nito ang isang boyfriend kung maka-text at tawag. Kanina pa siya nagpaalam dito through text din na hindi siya makakapunta sa party. Wala siyang natanggap na reply kaya akala niya ay okay na iyon.Inis na ibinalik niya sa bag ang phone. Hindi niya napansin na nakatingin na pala sa kanya ang lahat."Gusto mo bang kausapin ko nang masermunan ko kung bakit lagi siyang walang oras sa inyo ng apo ko? Your dad needs to be scolded by your lolo." Kunwari ay may pagbabantang sabi ng ama niya pero nakangiti naman nang nagkatinginan i
Pagkakain ay dinala ng ama niya si Xavier sa kwarto niya dati. Pinuno nito iyon ng mga laruan ng anak. Nakita niyang walang binago ang ama sa ayos ng kwarto niya kahit itinakwil siya nito. Ang tanging nag-iba lang ay ang kama niyang napuno ng mga bagong damit at mga laruan na binili ng ama niya para sa apo nito.Malungkot na napangiti siya nang masilip nag dating kwarto. Parang kailan lang ay puro magagandang alaala niya ang pumuno sa kwartong iyon. Bigla lang iyong naglahong lahat nang gabing trinaydor siya ng dalawang taong itinuring na niyang kapamilya.Muli ay napalitan ng galit ang expression ng mukha niya, lalo pa nang nakita pa niya ang larawan nila ni Amanda na nakadikit sa pinto ng cabinet niya.Agad na lumapit siya cabinet habang busy ang ama niya at anak na nakaupo pareho sa kama habang tinitingnan isa-isa ang mga laruan at mga damit na nakapatong do'n.Galit na tinanggal niya ang larawang iyon at pasimpleng nilamukos saka ibinulsa. Hindi niya iyon maitapon basta-basta sa b
Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ni Amanda na papalabas na sana ng bahay."Z-zian Escobar? Mr. Escobar? Ba-bakit... Oh, my! Natanggap ninyo na iyong proposition ko na-""Aunt Amanda, meet my daddy!" Nakangiting putol ni Xavier sa pagkawindang ni Amanda. Saka lang napagtuunan ng pansin ni Amanda na karga-karga pala ni Zian ang anak niya."D-daddy? Daddy mo si Zian? I mean si Mr. Escobar?" Napabulalas na tanong nito sa kanyang anak.Hindi pinansin ni Zian si Amanda. Tuloy-tuloy lang ang paglakad nito pasunod sa ama niya.Nang makita siya ni Amanda ay kukumpirmahin sana nito ang sinabi ng anak niya rito, pero dagli ring itinikom ang bibig nang makitang naguguluhan at nagwo-worry ang expression ng mukha niya habang nakasunod sa dalawa."Let's talk inside my library, Mr. Escobar." Nanatiling pormal at matigas ang boses ng ama niya. May inutos muna ito kay Zenaida kaya't umalis ang madrasta sa tabi nito.Nang ibaling nito ang tingin sa anak niya ay saka lang lumambot ang ekspresyon ng m
Nakatulog na si Xavier nang dumating sila sa condo. Ayaw man niya ay wala siyang choice kundi papasukin si Zian sa loob dahil karga-karga nito ang anak niya.Wala silang imikan habang papasok. Agad na iginiya niya ang binata sa kwarto ng anak niya para maihiga si Xavier do'n.Inayos muna niya ang pagkakahiga ng anak saka hinalikan ito sa noo bago lumabas ng kwarto. Nakasunod naman si Zian sa kanya. Dahan-dahang isinara niya ang pinto ng kwarto ng anak. Nang tuluyang maisara iyon ay dumiretso na siya sa sala dahil alam niyang susundan pa rin siya ni Zian.Gusto niyang magkalinawan sila bago ito umuwi."What was that all about?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa nang itanong iyon dito pagkarating nila sa sala."Would you rather let me tell straight to your son's face that I'm not his father and crush that happiness on his face?" Walang anumang sagot nito.Hindi siya agad nakapagsalita. Alam niyang ayaw din niyang mangyari iyon."But then, you can correct it to my father; at least no'ng
Gaya nang inaasahan ay marami pang mga bisita pagkauwi niya sa kanilang bahay pagkagaling sa condo ni Jenna. Nasa kasagsagan pa ng kasiyahan ang official party ng Glamour Fashion Philippines na ginanap sa malaking mansiyon ng mga Escobar.Nakikihalubilo pa muna siya sa mga bisita nang makapasok. Alam niyang nagtataka ang mga ito nang bigla na lang siyang nawala kanina.Nahagip ng mga mata niya ang lola niya na tila may hinahanap na kasama niya. Alam niyang inaasahan nitong makitang kasama niya ang dalaga lalo pa at hindi siya nakabalik agad.Hindi nga nagtagal ay nilapitan siya ng isa sa mga tauhan nila para sabihing gusto siyang kausapin ng abuela. Agad na lumapit siya sa matanda na nakaupo sa isang sulok."Nasaan si Jenna?" Agad na salubong na tanong nito sa kanya."There's a family emergency so I can't bring her here." Sabi niya matapos halikan sa pisngi ang matanda bilang pagbati."Oh! Okay lang ba siya? Ang ama niya-" "Not that kind of emergency, La."Saka lang parang nakahinga
Akala niya ay magtutuloy-tuloy ang pagkawala ng mood ni Zian dahil lang sa pagpasok niya sa ipinagbabawal nitong bulwagan.Mabuti na lang at naging masigla at panay tawa na uli nto nang makarating sila sa basketball court na malapit lang sa bahay ng lalaki.Nakaupo lang siya bench habang tinuturuan ni Zian ang anak niya sa basketball. Matching outfits nga ang suot ng dalawa. Inalis niya na rin sa isip ang naging eksena kanina sa bahay nito. Medyo sumama ang loob niya sa biglang galit nito kahit hindi niya naman alam na ikakagalit nito ang pagpasok niya sa bulwagang iyon.Base sa laki ng bulwagan, ang hula niya ay isa iyong entertainment room kung saan nagtitipon ang mga bisita o kahit ito at kung sino mang kasama nito sa bahay. Hindi niya alam kung ito ang marunong mag-piano o si...Heather?Ipinilig niya ang ulo. Ewan niya pero hindi niya gusto ang pakiramdam sa tuwing nai-imagine niya ang dalawa. Nakita niya ang mga pictures ng babae sa mga magazines at pinag-aralan din niya ang pa
Akala niya ay sa mansiyon ng mga Escobar ang tinutukoy nitong bahay nito na pupuntahan muna nila. Dinala sila nito sa isang malaking bahay na ayon rito ay ang sariling bahay nito mismo. Hindi nalalayo sa laki ng mansiyon ng mga Escobar ang bahay ng lalaki.Kahit si Xavier ay hindi mapigilang mamangha sa bahay ni Zian."Whoah, Dad, your house is so big and beautiful!" Hindi magkamayaw na sabi ng anak na iniikot ang tingin sa paligid."You love it?" Nakangiting tanong ni Zian sa anak niya."Yes, Dad, I love it so much! Dito ba kami titira kapag ikinasal na kayo ni Mommy?""Xavier, kung ano-ano na lang iyang tinatanong mo," agad na saway niya sa bata.Ayaw niyang malagay sa alanganin si Zian sa mga katanungan ng anak."Of course, kung nasaan si Daddy, do'n din kayo, di ba?" Hindi naman pinansin ni Zian ang pagsaway niya sa anak."I'm going to love it here, Daddy!""I'm sure you will." Ginulo pa ni Zian ang buhok ng anak.Hindi na lang din siya umimik. "Do you want to see my room?" Napa
Nagising siya sa mumunting mga halik sa mukha niya. Antok na antok pa siya dahil mag-uumaga na yata nang tuluyang gupuin siya ng antok.Sinusubukan niyang ibuka ang mga mata dahil parang ayaw tumigil sa kakahalik ng kung sino man iyong pinupupog siya ng mga halik sa mukha."Mommy, wake up. We made you breakfast in bed, but it's almost eleven already." Boses ng anak niya ang naririnig niya.Nahulaan niya agad na ito ang nasa ibabaw ng kama at walang tigil sa paghalik sa kanya. Ito yata ang paraan nito para gisingin siya.Almost eleven?Napilitan na nga siyang ibuka ang mga mata at agad na sumalubong sa kanya ang liwanag mula sa bintana na nagmumula sa tirik na tirik na araw.Ngumiti siya sa anak kahit kalahati pa lang ng mga mata ang naibuka."Oh, you made me breakfast, baby?" Inisip niya agad na malamang ay cereal na may gatas ang dinala nito sa kanya dahil hindi pa naman ito marunong magluto.Bumangon siya at umupo sa kama habang inaantok pa rin na tinitingnan ang pagkain sa tray na
Padampi-dampi lang ang ginawang paghalik ni Zian na para bang nananantiya muna. Hinayaan niya ang pagkilos ng bibig nito habang kumikibot-kibot naman ang mga labi niya.Kung tutuusin ay ito ang unang halik niya talaga kung hindi niya isasali ang lalaking lumapastangan sa kanya. Ilang segundo rin na nagkasya lang si Zian sa mabibining halik na ibinibigay nito sa kanya.Maya-maya ay nagsimula nang lumalim ang paghalik nito. Kinabig nito ang batok niya nang naging mapusok ang halik nito. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay. Ang instinct ng mga iyon ay dumako sa dibdib ng lalaki para pigilan ang pagdidikit masyado ng mga katawan nila.Saglit na binitiwan ni Zian ang mga labi niya at tingnan siya sa mukha."Just tell me if you want me to stop, Jenna," paanas na sabi nito na para bang habol nito ang paghinga.Ang utak niya ang nagsasabing kumawala sa yakap nito at lumabas ng kwarto, pero ang katawan niya ang may gustong habulin ang bibig nito upang ipagpatuloy ang mainit nilang
"H-huwag..." Pilit man niyang manlaban ay hindi man lang niya matinag ang lalaking nasa ibabaw niya.Ayaw niyang umiyak pero iyon na lang yata ang huling alas niya para magbago ang isip ng hindi kilalang lalaki. Ni hindi niya alam kung ano ang hitsura nito dahil nababalutan ng dilim ang loob ng kwarto."I like this. Is roleplaying part of the game?" Paanas na sabi ng lalaki na hindi niya mawari kung lasing or nasa ilalim ng pinagbabawal na gamot."Please... maawa po kayo." Humahagulgol na siya at inipon ang buong lakas para maitulak ito.Sa halip na umalis sa ibabaw niya ay kinuha ng lalaki ang dalawang kamay niya at ipininid sa kama. Mas lalong hindi na siya makagalaw.Naramdaman niyang muli ang nag-aalab na halik nito sa leeg niya. Wala na siyang nagawa kundi umiyak nang umiyak.Kahit binitiwan na siya nito ay hindi na siya nagtangka pang pumalag dahil sa takot at sa sobrang panghihina. Pumikit siya nang mariin nang isa-isa nitong hinubad ang damit niya. Awtomatikong itinakip niya
"Mind if I take a shower first?" Nasa loob na sila ng kwarto niya at hindi maikakaila ang pagkailang niya. Kabaliktaran naman ang kay Zian dahil wala man lang itong bakas ng pagkailang sa kanya.Naisip niyang siguro ay sanay na ito sa gano'ng eksena na kasama ang isang babae sa loob ng kwarto na kahit hindi nito girlfriend.Hindi girlfriend? Eh, engaged ka na nga sa kanya, di ba? Tukso ng isang parte ng utak niya."That door on the left, iyan ang banyo." Pinilit niyang maging kaswal lang din ang boses kahit ang totoo ay parang manginginig iyon.Kahit si Patrick na matalik niyang kaibigan ay hindi man lang nakapasok sa kwarto niya. Ito ang unang beses na may makakasama siyang lalaki sa kwarto at matutulog pa silang magkatabi.Well, of course, hindi niya isinali ang lalaking isinusumpa niya. Iwinaksi niya agad ang alaala nang gabing iyon. Ayaw niyang madagdagan ang tension na nararamdaman niya ngayon."Do you want to see me strip?" Tanong nito nang hindi niya namamalayang nakatingin pa
Siya na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. Hinayaan na niyang samahan ni Zian ang anak sa kwarto nito gaya ng request ng bata. Alam niyang ipagyayabang nito ang mga laruang galing kay Zian at sa lolo nito.Nakatapos na siyang maghugas. Pumunta siya ng sala at naririnig niya ang tawanan ng dalawa sa kwarto ng anak. Hindi niya alam kung gaano katagal ang mga itong nagkukwentuhan at naglalaro sa loob.Nanatiling nakaupo lang siya sa sofa. Habang nakatunganga ro'n ay napapatingin uli siya sa maliit na hiwang sinipsip ni Zian kanina.Kahit nag-iisa ay ramdam niya ang pamumula ng pisngi."Masakit pa rin ba?" Gulat na napaangat ang tingin niya sa nagsalita. Nakita niyang karga ni Zian sa likod ang anak niyang panay ang tawa."M-mahapdi na lang konti." Mabilis na ibinaba niya ang kamay at baka mahalata pa ni Zian na iba ang nasa isip niya habang nakatitig sa daliri niya kanina."What happened to your finger, Mommy?" Worried na tanong ni Xavier na mabilis na bumaba mula sa pagkaka
"Daddy!" Palundag ang ginawang pagtayo ng anak niya nang makitang kasabay niyang pumasok si Zian.Agad na inilagay muna ni Zian ang mga bitbit na grocery sa sahig para salubungin ng yakap si Xavier.Lumapit naman si Nana Meding para kunin ang mga pinamili nila."How are you, kiddo?" Masayang tanong ni Zian nang yakapin ang bata."I had fun at school. I kept looking at the time while waiting 'cause I know you'll visit.""Oh, thank God, we're here and the waiting is over. I have a pasalubong for you." Mabilis na kinuha ni Zian ang binili nitong laruan.Bumitiw sa pagkakayakap dito ang anak niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang binilhan ito ng bola ng lalaki.Naikwento pala ng anak niya rito na gustong-gusto nitong maglaro ng basketball."Just as I promised, I brought you this. We'll play together during the weekend.""Wow! Thank you so much, daddy!" Kinuha nito ang bola saka hinalikan sa pisngi si Zian.Ginulo naman nito ang buhok ng bata habang nakatawa. Tumikhim siya nang hind
Kita nila ang pagkagulat sa mukha ni Chelsea habang napatingin ito kay Zian. Kahit nasa may pinto pa lang ito nakatayo ay halata ang biglang pamumutla ng mga labi nito. Ni hindi na nga ito kumikilos at mukha bang gusto nitong lumabas uli."What's with her?" Inis na tumayo si Amanda para salubungin si Chelsea. Nang tingnan niya si Zian ay nakita niya rin ang pag-iba ng mood nito.May LQ nga ang dalawa! So naging girlfriend nga nito si Chelsea?Bumalik lang ang tingin niya sa dalawa nang marinig uli ang boses ni Amanda."By the way, Zian, this is Chelsea-""I know her," putol ni Zian sa pagpapakilala sana ni Amanda rito.Natigilan ito lalo pa at obvious ang galit sa tinig ni Zian. Hindi nito tiningnan man lang si Chelsea."Really? Saan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amanda.Nang walang sumagot sa mga ito ay hinila na nito ang babae at pinaupo sa upuan na nasa tabi ni Zian.Alanganing lumapit si Chelsea. Nanatili itong nakatayo lang at parang walang balak umupo."Ahm..." Parang nangin