Gaya nang inaasahan ay marami pang mga bisita pagkauwi niya sa kanilang bahay pagkagaling sa condo ni Jenna. Nasa kasagsagan pa ng kasiyahan ang official party ng Glamour Fashion Philippines na ginanap sa malaking mansiyon ng mga Escobar.Nakikihalubilo pa muna siya sa mga bisita nang makapasok. Alam niyang nagtataka ang mga ito nang bigla na lang siyang nawala kanina.Nahagip ng mga mata niya ang lola niya na tila may hinahanap na kasama niya. Alam niyang inaasahan nitong makitang kasama niya ang dalaga lalo pa at hindi siya nakabalik agad.Hindi nga nagtagal ay nilapitan siya ng isa sa mga tauhan nila para sabihing gusto siyang kausapin ng abuela. Agad na lumapit siya sa matanda na nakaupo sa isang sulok."Nasaan si Jenna?" Agad na salubong na tanong nito sa kanya."There's a family emergency so I can't bring her here." Sabi niya matapos halikan sa pisngi ang matanda bilang pagbati."Oh! Okay lang ba siya? Ang ama niya-" "Not that kind of emergency, La."Saka lang parang nakahinga
Mabuti na lang at wala si Zian nang araw na iyon. Hindi naman siya kinukulit nito pagkatapos nitong basta na lang akuin si Xavier bilang anak nito.Kay Xavier siya medyo nahihirapan dahil nang magising ito kinabukasan ay agad na hinanap si Zian. Nang hindi makita ay kuntodo iyak na ng anak niya. Matagal bago niya ito napatahan.Sinabi niya na lang dito na may business trip si Zian nang ilang araw kaya't hindi muna niya makikita. Nag-text naman si Zian sa kanya kinagabihan no'n at tinanong siya kung hinanap ba ito ni Xavier. Ang sabi ay pwede niya itong tawagan anytime para ipakiusap sa anak niya, which is never niyang gagawin.Gusto niyang mainis sa ginawa ni Zian dahil pati sa anak niya ay napipilitan na siyang magsinungaling sa isang bagay na pinakaimportante para rito. Hindi niya alam kung paano iyon babawiin sa anak na hindi ito masasaktan nang sobra.Nasa loob siya ng opisina niya at busy sa trabaho nang mahagip ng mga mata niya na may pumasok sa kabilang opisina. Napatingin agad
Kunot-noong napatingin siya sa invitation na nasa ibabaw ng mesa niya. Nang buksan niya iyon ay biglang nanlaki ang mga mata niya nang mabasang invitation iyon para sa Annual Runway fashion show, kung saan naka-showcase ang mga gawa ng mga sikat na designers sa Pilipinas.Alam niyang hindi basta-basta ang nakakadalo sa event na iyon kaya't kung isa ka sa nakatanggap ng imbitasyon, ibig sabihin ay isa ka ring bigating tao. Ipinagtaka niya kung bakit nakatanggap siya ng invitation pero masaya rin at the same time.Sa Sabado na agad ang event na iyon. Bigla ay nag-alala siya dahil wala siyang maisip na isuot sa event. Alam niyang lahat ng dadalo ay pinaghahandaan ang isusuot nila.Nakatitig siya sa invitation nang biglang tumunog ang phone niya. Nakangiting sinagot niya agad iyon nang mabasa sa screen kung sino ang tumatawag."Patrick! Akala ko ba magiging busy ka this month." "Yeah, but I just want to make sure you got it." Excited na tanong ng lalaki.Si Patrick ang naging malapit na
"You look so gorgeous, Mommy! If Daddy's here, he would surely agree with me," puri ni Xavier habang nakatingin sa reflection niya sa salamin.Nakaayos na siya at handa nang pumunta sa event. Siya lang din ang nag-ayos ng buhok at nag-makeup sa sarili. Natutunan niya iyon mula nang maging designer siya sa Glamour Fashion.Nakangiting nilingon niya ang anak. "Thanks, baby." Hindi niya na lang pinansin ang pagbanggit nito ng daddy.Araw-araw kada nagigising ito ay ang laging bungad na tanong sa kanya ay kung kailan babalik ang daddy nito galing sa business trip. Lagi ay wala siyang maibigay na eksaktong date. Lumalaki ang guilt niya araw-araw kapag nababanggit nito ang inaakala nitong ama na si Zian.Hindi iilang beses na muntik na niyang tawagan ang lalaki para makausap ang anak. Ayaw niyang maramdaman ng anak na kahit nakita na nito ang daddy nito ay hindi pa rin nilalaanan ng oras ng ama. "Mom, I hope Daddy's here to be your escort at the party. I don't want you to be alone again w
Mabuti na lang at nagsimula na agad ang Runway fashion show. Do'n na natuon ang atensiyon niya at tuluyang nakalimutan ang dalawa sa tabi.Hindi niya mapigilang mamangha sa mga gawa ng mga designers na naging idolo niya. Iyong excitement niya na makita mismo ang mga designs ng mga ito nang malapitan ay hindi niya maitago.Hindi na nga niya namamalayan na napapatakip pa siya minsan sa bibig para takpan ang pag-awang no'n. Para siyang isang fan ng isang sikat na singer na nanonood ng concert. Kulang na lang ay tumalon-talon siya sa tuwa.Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang sumabay na sa pagrampa ang mga designers ng gabing iyon. Napapahawak na ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi habang hindi inaalis ang mga mata sa stage."It's more entertaining looking at your reactions rather than the models on the stage."Bigla siyang napalingon nang magsalita bigla si Zian. Saka lang niya naalala na katabi nga pala niya ang lalaki. Mabilis na inalis niya ang mga kamay sa pisngi saka
"I'm really trying to hold my temper, Jenna, but you always provoke me. Why do you hate Chelsea so much when she's one of the sweetest girls I've known? Kailangan ba talagang umabot uli kayo sa sakitan? She's running away from you, crying! What did you do to her this time?" Hindi niya inaasahan ang galit na iyon ni Zian.Kitang-kita niya kung paanong nagtatagis ang mga bagang nito, habang nakapinid siya sa dingding at ikinulong ng katawan nito na para bang ayaw nitong matakasan niya.Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha ng lalaki. Kaya pala hinila na lang siya nito bigla sa isang sulok dahil akala nito ay sinaktan niyang muli si Chelsea?Hindi ba nito nakikita ang hitsura niya ngayon? Bigla ay naalala niya ang sariling mukha."Let go of me!" Matigas na tugon niya saka sinubukang itulak ito. Natatakot siyang baka tuluyang bumuyangyang ang isang dibdib niya na natatakpan lang ng nipple pad. Sa damit na suot ay hindi siya pwedeng magsuot ng bra at may kasama na itong nipple pads.
Magmula nang gabing iyon ay araw-araw na niyang nakikita si Chelsea sa opisina ni Zian. Hindi niya alam kung ano ang sinabi nito sa lalaki tungkol sa nangyari sa gabi ng event.Ilang beses siyang tinanong ni Zian sa eksaktong pangyayari, kung paanong humantong sa pagkakapunit ng damit niya. Hindi na niya idinetalye ang buong pangyayari pero ang sinigurado niya ay malaman nitong si Chelsea nga ang may kagagawan no'n.Kapag napapatingin siya sa opisina ni Zian ay nakikita niya sina Chelsea at Paula na busy sa kakabusisi ng mga designs na gawa ni Paula.Alam niyang minamadali ni Paula ang production team para sa opening ng boutique ni Chelsea. .Mukhang may bago na namang bestie si Chelsea. Mabuti na lang at hindi nito naiimbitahang bumisita si Amanda sa opisina para ipagyabang sa babae ang lahat ng special treatment na nakukuha nito kay Zian.Mas lalo siyang na-curious kung anong klaseng koneksiyon meron ang dalawa. Hindi naman kasi mukhang interesado si Zian romantically kay Chelsea. N
"Did Zian even know what you're telling your son-- you ambitious b-"Biglang sumabat si Xavier kaya't hindi natuloy ang huling salita ni Chelsea."M-mom, are you two fighting because of me?" Hinila-hila pa ni Xavier ang damit niya na nakalapit na pala sa kanya.Halos naririnig na niya ang pag-ingay ng mga ngipin sa pagtatagis ng mga bagang niya. Kung wala lang talaga ang anak niya ay manghihiram talaga ng mukha sa aso ang babae pagkatapos ng gagawin niya rito."Nah, we're just talking about your "daddy", darlin'," si Chelsea ang sumagot na nang-uuyam ang boses lalo pa no'ng banggitin nito ang salitang "daddy" sa anak niya."But you told me earlier that I'm lying about who my daddy is."Bago pa sumagot si Chelsea ay niyuko na niya ang anak. Awtomatikong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Biglang naglaho ang nanganganib na ekspresyon at napalitan iyon ng masuyong tingin."Xavier, we'll go to the pantry, okay? I'm sure you're hungry." Hinawakan niya sa kamay ang anak saka inakay pala
Akala niya ay magtutuloy-tuloy ang pagkawala ng mood ni Zian dahil lang sa pagpasok niya sa ipinagbabawal nitong bulwagan.Mabuti na lang at naging masigla at panay tawa na uli nto nang makarating sila sa basketball court na malapit lang sa bahay ng lalaki.Nakaupo lang siya bench habang tinuturuan ni Zian ang anak niya sa basketball. Matching outfits nga ang suot ng dalawa. Inalis niya na rin sa isip ang naging eksena kanina sa bahay nito. Medyo sumama ang loob niya sa biglang galit nito kahit hindi niya naman alam na ikakagalit nito ang pagpasok niya sa bulwagang iyon.Base sa laki ng bulwagan, ang hula niya ay isa iyong entertainment room kung saan nagtitipon ang mga bisita o kahit ito at kung sino mang kasama nito sa bahay. Hindi niya alam kung ito ang marunong mag-piano o si...Heather?Ipinilig niya ang ulo. Ewan niya pero hindi niya gusto ang pakiramdam sa tuwing nai-imagine niya ang dalawa. Nakita niya ang mga pictures ng babae sa mga magazines at pinag-aralan din niya ang pa
Akala niya ay sa mansiyon ng mga Escobar ang tinutukoy nitong bahay nito na pupuntahan muna nila. Dinala sila nito sa isang malaking bahay na ayon rito ay ang sariling bahay nito mismo. Hindi nalalayo sa laki ng mansiyon ng mga Escobar ang bahay ng lalaki.Kahit si Xavier ay hindi mapigilang mamangha sa bahay ni Zian."Whoah, Dad, your house is so big and beautiful!" Hindi magkamayaw na sabi ng anak na iniikot ang tingin sa paligid."You love it?" Nakangiting tanong ni Zian sa anak niya."Yes, Dad, I love it so much! Dito ba kami titira kapag ikinasal na kayo ni Mommy?""Xavier, kung ano-ano na lang iyang tinatanong mo," agad na saway niya sa bata.Ayaw niyang malagay sa alanganin si Zian sa mga katanungan ng anak."Of course, kung nasaan si Daddy, do'n din kayo, di ba?" Hindi naman pinansin ni Zian ang pagsaway niya sa anak."I'm going to love it here, Daddy!""I'm sure you will." Ginulo pa ni Zian ang buhok ng anak.Hindi na lang din siya umimik. "Do you want to see my room?" Napa
Nagising siya sa mumunting mga halik sa mukha niya. Antok na antok pa siya dahil mag-uumaga na yata nang tuluyang gupuin siya ng antok.Sinusubukan niyang ibuka ang mga mata dahil parang ayaw tumigil sa kakahalik ng kung sino man iyong pinupupog siya ng mga halik sa mukha."Mommy, wake up. We made you breakfast in bed, but it's almost eleven already." Boses ng anak niya ang naririnig niya.Nahulaan niya agad na ito ang nasa ibabaw ng kama at walang tigil sa paghalik sa kanya. Ito yata ang paraan nito para gisingin siya.Almost eleven?Napilitan na nga siyang ibuka ang mga mata at agad na sumalubong sa kanya ang liwanag mula sa bintana na nagmumula sa tirik na tirik na araw.Ngumiti siya sa anak kahit kalahati pa lang ng mga mata ang naibuka."Oh, you made me breakfast, baby?" Inisip niya agad na malamang ay cereal na may gatas ang dinala nito sa kanya dahil hindi pa naman ito marunong magluto.Bumangon siya at umupo sa kama habang inaantok pa rin na tinitingnan ang pagkain sa tray na
Padampi-dampi lang ang ginawang paghalik ni Zian na para bang nananantiya muna. Hinayaan niya ang pagkilos ng bibig nito habang kumikibot-kibot naman ang mga labi niya.Kung tutuusin ay ito ang unang halik niya talaga kung hindi niya isasali ang lalaking lumapastangan sa kanya. Ilang segundo rin na nagkasya lang si Zian sa mabibining halik na ibinibigay nito sa kanya.Maya-maya ay nagsimula nang lumalim ang paghalik nito. Kinabig nito ang batok niya nang naging mapusok ang halik nito. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay. Ang instinct ng mga iyon ay dumako sa dibdib ng lalaki para pigilan ang pagdidikit masyado ng mga katawan nila.Saglit na binitiwan ni Zian ang mga labi niya at tingnan siya sa mukha."Just tell me if you want me to stop, Jenna," paanas na sabi nito na para bang habol nito ang paghinga.Ang utak niya ang nagsasabing kumawala sa yakap nito at lumabas ng kwarto, pero ang katawan niya ang may gustong habulin ang bibig nito upang ipagpatuloy ang mainit nilang
"H-huwag..." Pilit man niyang manlaban ay hindi man lang niya matinag ang lalaking nasa ibabaw niya.Ayaw niyang umiyak pero iyon na lang yata ang huling alas niya para magbago ang isip ng hindi kilalang lalaki. Ni hindi niya alam kung ano ang hitsura nito dahil nababalutan ng dilim ang loob ng kwarto."I like this. Is roleplaying part of the game?" Paanas na sabi ng lalaki na hindi niya mawari kung lasing or nasa ilalim ng pinagbabawal na gamot."Please... maawa po kayo." Humahagulgol na siya at inipon ang buong lakas para maitulak ito.Sa halip na umalis sa ibabaw niya ay kinuha ng lalaki ang dalawang kamay niya at ipininid sa kama. Mas lalong hindi na siya makagalaw.Naramdaman niyang muli ang nag-aalab na halik nito sa leeg niya. Wala na siyang nagawa kundi umiyak nang umiyak.Kahit binitiwan na siya nito ay hindi na siya nagtangka pang pumalag dahil sa takot at sa sobrang panghihina. Pumikit siya nang mariin nang isa-isa nitong hinubad ang damit niya. Awtomatikong itinakip niya
"Mind if I take a shower first?" Nasa loob na sila ng kwarto niya at hindi maikakaila ang pagkailang niya. Kabaliktaran naman ang kay Zian dahil wala man lang itong bakas ng pagkailang sa kanya.Naisip niyang siguro ay sanay na ito sa gano'ng eksena na kasama ang isang babae sa loob ng kwarto na kahit hindi nito girlfriend.Hindi girlfriend? Eh, engaged ka na nga sa kanya, di ba? Tukso ng isang parte ng utak niya."That door on the left, iyan ang banyo." Pinilit niyang maging kaswal lang din ang boses kahit ang totoo ay parang manginginig iyon.Kahit si Patrick na matalik niyang kaibigan ay hindi man lang nakapasok sa kwarto niya. Ito ang unang beses na may makakasama siyang lalaki sa kwarto at matutulog pa silang magkatabi.Well, of course, hindi niya isinali ang lalaking isinusumpa niya. Iwinaksi niya agad ang alaala nang gabing iyon. Ayaw niyang madagdagan ang tension na nararamdaman niya ngayon."Do you want to see me strip?" Tanong nito nang hindi niya namamalayang nakatingin pa
Siya na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. Hinayaan na niyang samahan ni Zian ang anak sa kwarto nito gaya ng request ng bata. Alam niyang ipagyayabang nito ang mga laruang galing kay Zian at sa lolo nito.Nakatapos na siyang maghugas. Pumunta siya ng sala at naririnig niya ang tawanan ng dalawa sa kwarto ng anak. Hindi niya alam kung gaano katagal ang mga itong nagkukwentuhan at naglalaro sa loob.Nanatiling nakaupo lang siya sa sofa. Habang nakatunganga ro'n ay napapatingin uli siya sa maliit na hiwang sinipsip ni Zian kanina.Kahit nag-iisa ay ramdam niya ang pamumula ng pisngi."Masakit pa rin ba?" Gulat na napaangat ang tingin niya sa nagsalita. Nakita niyang karga ni Zian sa likod ang anak niyang panay ang tawa."M-mahapdi na lang konti." Mabilis na ibinaba niya ang kamay at baka mahalata pa ni Zian na iba ang nasa isip niya habang nakatitig sa daliri niya kanina."What happened to your finger, Mommy?" Worried na tanong ni Xavier na mabilis na bumaba mula sa pagkaka
"Daddy!" Palundag ang ginawang pagtayo ng anak niya nang makitang kasabay niyang pumasok si Zian.Agad na inilagay muna ni Zian ang mga bitbit na grocery sa sahig para salubungin ng yakap si Xavier.Lumapit naman si Nana Meding para kunin ang mga pinamili nila."How are you, kiddo?" Masayang tanong ni Zian nang yakapin ang bata."I had fun at school. I kept looking at the time while waiting 'cause I know you'll visit.""Oh, thank God, we're here and the waiting is over. I have a pasalubong for you." Mabilis na kinuha ni Zian ang binili nitong laruan.Bumitiw sa pagkakayakap dito ang anak niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang binilhan ito ng bola ng lalaki.Naikwento pala ng anak niya rito na gustong-gusto nitong maglaro ng basketball."Just as I promised, I brought you this. We'll play together during the weekend.""Wow! Thank you so much, daddy!" Kinuha nito ang bola saka hinalikan sa pisngi si Zian.Ginulo naman nito ang buhok ng bata habang nakatawa. Tumikhim siya nang hind
Kita nila ang pagkagulat sa mukha ni Chelsea habang napatingin ito kay Zian. Kahit nasa may pinto pa lang ito nakatayo ay halata ang biglang pamumutla ng mga labi nito. Ni hindi na nga ito kumikilos at mukha bang gusto nitong lumabas uli."What's with her?" Inis na tumayo si Amanda para salubungin si Chelsea. Nang tingnan niya si Zian ay nakita niya rin ang pag-iba ng mood nito.May LQ nga ang dalawa! So naging girlfriend nga nito si Chelsea?Bumalik lang ang tingin niya sa dalawa nang marinig uli ang boses ni Amanda."By the way, Zian, this is Chelsea-""I know her," putol ni Zian sa pagpapakilala sana ni Amanda rito.Natigilan ito lalo pa at obvious ang galit sa tinig ni Zian. Hindi nito tiningnan man lang si Chelsea."Really? Saan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amanda.Nang walang sumagot sa mga ito ay hinila na nito ang babae at pinaupo sa upuan na nasa tabi ni Zian.Alanganing lumapit si Chelsea. Nanatili itong nakatayo lang at parang walang balak umupo."Ahm..." Parang nangin