Magmula nang gabing iyon ay araw-araw na niyang nakikita si Chelsea sa opisina ni Zian. Hindi niya alam kung ano ang sinabi nito sa lalaki tungkol sa nangyari sa gabi ng event.Ilang beses siyang tinanong ni Zian sa eksaktong pangyayari, kung paanong humantong sa pagkakapunit ng damit niya. Hindi na niya idinetalye ang buong pangyayari pero ang sinigurado niya ay malaman nitong si Chelsea nga ang may kagagawan no'n.Kapag napapatingin siya sa opisina ni Zian ay nakikita niya sina Chelsea at Paula na busy sa kakabusisi ng mga designs na gawa ni Paula.Alam niyang minamadali ni Paula ang production team para sa opening ng boutique ni Chelsea. .Mukhang may bago na namang bestie si Chelsea. Mabuti na lang at hindi nito naiimbitahang bumisita si Amanda sa opisina para ipagyabang sa babae ang lahat ng special treatment na nakukuha nito kay Zian.Mas lalo siyang na-curious kung anong klaseng koneksiyon meron ang dalawa. Hindi naman kasi mukhang interesado si Zian romantically kay Chelsea. N
"Did Zian even know what you're telling your son-- you ambitious b-"Biglang sumabat si Xavier kaya't hindi natuloy ang huling salita ni Chelsea."M-mom, are you two fighting because of me?" Hinila-hila pa ni Xavier ang damit niya na nakalapit na pala sa kanya.Halos naririnig na niya ang pag-ingay ng mga ngipin sa pagtatagis ng mga bagang niya. Kung wala lang talaga ang anak niya ay manghihiram talaga ng mukha sa aso ang babae pagkatapos ng gagawin niya rito."Nah, we're just talking about your "daddy", darlin'," si Chelsea ang sumagot na nang-uuyam ang boses lalo pa no'ng banggitin nito ang salitang "daddy" sa anak niya."But you told me earlier that I'm lying about who my daddy is."Bago pa sumagot si Chelsea ay niyuko na niya ang anak. Awtomatikong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Biglang naglaho ang nanganganib na ekspresyon at napalitan iyon ng masuyong tingin."Xavier, we'll go to the pantry, okay? I'm sure you're hungry." Hinawakan niya sa kamay ang anak saka inakay pala
"I'll go ahead and talk to my-" Natigil ang noo'y papasok na matandang babae na todo postura pa rin sa kabila ng edad nito."Zian?" Napabulalas na sabi nito nang matigilan sa naabutang tagpo.Mabilis na inilayo niya ang mukha sa lalaki. Alam niyang pulang-pula ang mukha niya kaya't hindi man lang siya tumingin sa kung sino man ang nagsalita."La, hindi man lang kayo nagpasabi na darating kayo." Hindi niya alam kung paanong naging normal pa rin ang boses ng lalaki na parang hindi sila naabutan ng bisita sa nakakaintrigang eksena.At teka... Lola?Bigla siyang napatingin sa may pinto."And who were you kissing-" Biglang parang nakakatakot ang boses ng babae na ibinaling agad sa mukha niya ang mga mata.Nakita niya ang biglang pagbago ng ekspresyon nito nang matitigan siyang mabuti."Oh, Jenna, right? Finally, I have the pleasure of meeting you." Magiliw na sabi nito na mabilis na nakalapit sa kanya.Kahit sina Chelsea at Paula ay nabigla sa treatment ng babae sa kanya lalo pa at hinalik
Malakas na itinabig niya ang lahat ng mga babasaging nasa ibabaw ng mesa sa may sala. Galit na galit ang pakiramdam niya. Wala siyang pakialam kahit pa masira ang lahat ng mga gamit do'n dahil kaya niyang bumili uli gamit ang credit card na bigay ni Zian."M-mam?" Takot na lumapit sa kanya ang isa sa mga katulong."Iwan ninyo ako!" Gigil na sabi niya. Saka isa-isang itinapon ang lahat ng makita at mahagilap.Nang mapagod sa kakatapon at kakabasag ng mga gamit ay pabagsak na umupo siya sa sofa.Paanong si Jenna ang papakasalan ni Zian imbes na siya?Bakit nag-propose si Zian dito na alam pa talaga ni Mrs. Escobar?At totoo bang si Zian nga ang ama ng anak ni Jenna? Nagbunga ba ang isang gabing iyon sa pagitan ng dalawa at alam na nilang pareho na sila nga ang nagsiping no'ng gabing iyon?Kung alam na ni Zian, bakit hindi siya kinumpronta nito? Bakit hinayaan pa rin siyang matamasa lahat ng kaginhawaang ibinibigay nito sa kanya sa guilt nito dahil sa pangyayari six years ago?Argh! Maba
Gusto niyang mag-usap sila ni Zian once and for all. Kakatapos lang nilang kumain kasama si Mrs. Escobar, ang lola nito. Hindi magkamayaw ang matandang abuela ng lalaki sa kakaplano sa kasal nilang dalawa. Ang gusto pa nga nito ay magkaro'n ng formal announcement ng engagement nila. Mabuti na lang at napapayag ito ni Zian na hayaan muna silang mag-usap dalawa tungkol sa mga detalye.Kaya pagkatapos nilang kumain at mag-usap nang sobra kalahating oras sa restaurant na pinuntahan nila ay nauna nang nagpaalam ang babae at iniwan na silang dalawa para makapag-usap.Pinaligpit muna ni Zian ang mga pinagkainan nila saka umorder ito ng kape para rito at juice para sa kanya. Siya na ang naunang nagsalita matapos maihatid ng waiter ang inumin nila."We can think of something else para ma-delay nang ma-delay ang engagement party. We don't want that party to proceed dahil wala naman talagang kasalang magaganap."Kalmadong kinuha ni Zian ang tasa ng kamay at saka sumimsim no'n habang nanatiling n
"I want marriage, Zian." Walang kagatol-gatol na sabi niya nang makaharap na ang lalaki.Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa. Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ng lalaki dahil gusto niyang makita ang reaksiyon nito.Marahang kumurap ito na parang ini-expect na nito iyon mula sa kanya."Akala ko ay mababayaran ng mga tinatamasa kong karangyaan ang sinapit ko nang gabing iyon. Akala ko ay pwede ko nang ibaon sa limot ang nakaraan pero lagi ay bumabalik ang trauma, Zian. Gabi-gabi ko pa rin iyong napapanaginipan." Ilang beses na pinagpraktrisan niya ang mga linyang iyon para sa paghaharap nilang iyon ni Zian.Pinatulo pa niya ang mga luha para mas may effect iyon sa lalaki. Hindi nga siya nagkakamali. Nakita niyang muli ang guilt sa mukha nito."I understand na hindi sapat na nalaman mong biktima rin ako nang gabing iyon. Kahit pa sabihin nating may inilagay nga sa ininom ko kaya ko nagawa sa'yo iyon ay hindi iyon sapat para makuha ko ang kapatawaran at pag-unawa mo, Chelsea. I reall
Hindi pa man siya nakakalabas ng bahay ni Chelsea ay agad na kinuha ni Zian ang phone sa bulsa. Mabilis na tinawagan ang isang numero."I want you to find a man named Luis who's a regular customer or might have been an employee of Majestic Inn six years ago. Let me know once you find him." Ibinaba niya agad ang phone.Nang makapasok sa sasakyan niya ay hindi niya muna pinaandar iyon. Hindi niya kasama si Arthur nang pumunta sa bahay ni Chelsea. Mataman siyang nag-isip. Ngayon niya nabigyan ng pangalan ang dahilan kung bakit ibang-iba ang pakiramdam niya nang mahakarap nang tuluyan si Chelsea kumpara sa babaeng laging iniisip niya sa loob ng anim na taon.Sa bibig ng babae mismo lumabas ang katotohanang hindi ito ang babaeng iyon. Ang Luis na pinapahanap niya ay ang lalaking nakausap niya sa isang sikretong bar sa loob ng Majestic Inn. Alam niyang ito ang naglagay ng kung ano man sa inumin niya.Ito ang kinausap niya upang bigyan siya ng babae sa gabing iyon. Iyon ay nang malango na
"Daddy!" Mabilis na tinakbo ni Xavier si Zian pagkababa nito ng kotse. Ando'n ang lalaki para sunduin sila ng anak.Unang araw iyon na ihahatid sila nito. Una nilang ibababa ang anak sa school nito.Mabilis din namang sinalubong ng yakap ni Zian ang anak niya. Hindi niya maintidihan lagi ang pakiramdam kapag nakikita kung gaano kasaya ang dalawa sa tuwing nagkikita. "So, you're ready for school na?" Tanong ni Zian sa bata."Yep!"Binitiwan nito ang anak niya saka lumapit sa kanya."Good morning, hon."Hon?Hindi pa man siya nahimasmasan sa gulat sa endearment na gamit nito sa kanya ay naramdaman na lang din niya ang halik nito sa pisngi niya.Kakastiguhin niya sana ang lalaki kahit dampi lang iyon pero nakita niyang nakatingin sa kanila ang anak na nakangiti.Kailangan ba talaga iyong gano'ng eksena sa harap ni Xavier? Iyon ang gustong itanong ng mga mata niya nang magsalubong ang tingin nila ni Zian."G-good morning," napilitan na lang din siyang batiin pabalik ang lalaki at pinilit
Nang hindi siya umimik ay bumitaw na ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang tawagin nito ang mga pulis at itinaas ang dalawang kamay. Nang akmang ipoposas na rin ng isa sa mga pulis ang nakalambitin na posas kay Zian ay saka lang siya parang natauhan. Tinampal niya ang kamay ng pulis bago pa man nito maiposas ang kamay ni Zian. "Bakit ninyo naman siya aarestuhin? Ano bang kasalanan niya?" Galit na sita niya sa pulis. Napakamot sa ulo ang pulis na tinanong niya saka napatingin sa mga kasamahan. "At ikaw, sinong kikilalaning ama ng mga anak ko kung magpapakulong ka? Sira ka ba?" Inis na sabi niya saka sinuntok ito nang mahina sa dibdib. Ang kanina'y naiiyak na mukha ni Zian ay may ngiting unti-unting sumilay sa mga labi. Bigla nitong hinuli ang kamay niyang ayaw na yatang tumigil sa kakasuntok sa dibdib nito. "Ayaw mo akong ipakulong?" Naninigurong tanong nito na hinalikan na ang isang kamay niyang hawak nito. "Bakit? Gusto mo bang takasan itong responsibilidad mo sa a
Inasikaso niya muna ang lahat ng mga dapat asikasuhin para maisampa ang mga kaso kina Amanda at Chelsea .Ang plano niya ay saka na kausaping mabuti ang anak kapag nakabalik na sila ng UK.Sa ngayon ay kailangan niya munang masiguro na makagawa ng hakbang para mapagbayaran ng dalawa ang mga kasalanan sa kanya.Hindi iilang beses na kinontak siya ni Chelsea para iurong niya ang kaso pero bingi na siya sa mga pagmamakaawa ng mga ito sa kanya.Ang araw na iyon ang flight nila pabalik ng UK. Apat na raw nang hindi nagparamdam si Zian sa kanya.Apat na araw nang tahimik ang phone niya sa mga tawag at text nito. Apat na araw nang walang pumupunta ng bahay nila para mangulit.Apat na araw na rin siyang walang tigil sa pag-iyak. Gustong kamuhian ng isip niya ang lalaki pero ang puso niya ay nanatiling tumitibok para rito.Napahawak siya tiyan niyang wala pang umbok pero alam niyang may nagsisimula nang mabuo sa loob.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at sumungaw ro'n ang malungkot na m
Hindi maampat-ampat ang mga luha ng ama niya habang nasa harap sila ng libingan ng ina niya.Napag-alaman niyang isang taon mula nang pinalayas siya ng ama ay nalaman nitong patay na ang ina niya.Hinanap siya nito at nalamang nasa UK nga siya pero imbes na puntahan siya ay hinayaan siya ng amang manirahan sa UK. Sa masasakit na salitang binitiwan nito tungkol sa ina niya nang palayasin siya ay wala na raw itong mukhang ihaharap sa kanya para pabalikin siya ng Pilipinas. Nalaman din ng ama niyang hindi totoong sumama sa ibang lalaki ang mama niya dahil ang lahat ng iyon ay puro gawa-gawa ng madrasta niyang si Zenaida para tuluyang mahulog ang loob ng ama niya rito."I'm sorry, Kristine. Alam kong huli na ang lahat para humingi ng tawad sa mga naging kasalanan ko sa'yo," humahagulgol na sabi ng ama niya sa puntod ng ina."Dad, tama na. Alam kong napatawad ka na ng Mama. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo," pilit na pinatatag niya ang sarili upang huwag ding umiyak. Ayaw niyang mas
Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga dumalo. Nag-aalalang nilingon niya ang ama. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa envelope na inabot kanina ni Amanda.Si Zian ay kinausap saglit si Mrs. Conchita pero umiling-iling lang ang matanda. Sa tingin niya ay gusto ni Zian na paalisin muna ang lola nito do'n para huwag nitong masaksihan ang gulong nagaganap.Nang hindi nga makumbinsi ang matandang babae ay inalalayan na lang ito ni Zian na bumalik sa upuan nito.Si Zenaida naman ay nahuli niyang tahimik na napapangiti. Hindi man lang ito kakitaan ng pag-aalala sa kalagayan ng ama niya.Pinisil niyang muli nang mahigpit ang kamay ng ama."Let me handle this, Dad." Tinatagan na niya ang loob niya saka siya tumayo.Lumapit siya sa kinatatayuan ni Zian pero naglagay din ng konting distansiya sa pagitan nila.Hindi niya kasi alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito habang titig na titig sa larawan sa projector. Hindi niya alam kung paano ito haharapin pagkatapos ng gabing iyon pero kailangan niya
"This is a family matter, by the way. However, I also want to take this opportunity to explain my side regarding why I suddenly left before my wedding with Zian. I have already explained my side to Zian, but I also want everyone to know the real reason I had to leave, even though I love Zian so much and have dreamed of nothing else but marrying him."Tumahimik ang lahat at matamang nakikinig kay Heather. Sinenyasan ni Zian si Arthur kaya't mabilis na lumapit ang lalaki sa harap. May ibinulong si Zian dito saka tumango-tango ang lalaki.Agad na lumapit si Arthur sa kanila."Kukunin ko muna si Xavier at ipapasyal sa labas," makahulugang sabi ni Arthur sa kanya.Nakuha niya naman agad ang gustong gawin nito. Iniiwas nito ang anak niya sa kung ano mang tensiyon na sinimulan ni Heather.Tumango siya saka bumaling sa anak na naguguluhan ang mukha."You might get bored with their speech, so Tito Arthur here will drive you around first, okay?" Sabi niya sa anak.Tumayo naman si Xavier saka tu
Thanksgiving PartyNasa bahay sila ng ama niya at kanina pa nakahanda. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya sa gabing iyon. Para siyang excited na may halong hindi matukoy na damdamin.Si Arthur ang susundo sa kanila dahil ang sabi ni Zian ay may aasikasuhin muna ito.Sasama rin sa kanila ang madrasta niyang si Zenaida at ang stepsister na si Amanda. Nagtaka pa nga siya nang malaman na sasama ang dalawa. Mas lalong ipinagtaka niya na para bang excited din si Amanda at parang masayang-masaya. Inayos niya muna uli ang ayos ng anak bago sila lumabas ng bahay.Nang makarating sila sa manor ng mga Escobar ay marami-rami na ring mga empleyado ng Glamour Fashion Philippines ang dumating.Agad na sinalubong sila ni Mrs. Conchita Escobar. Hindi rin maikakaila sa mukha nito ang kasiyahan. Napaisip tuloy siya kung nagkaayos na ito at si Zian."I'm so happy to see you and your family, Jenna. I'm sorry at hindi ako nakadalo sa fashion gala but I've seen the video. I'm so proud
Nag-uusap sila ni Patrick sa naka-schedule na meeting sa prospect clients nila nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zian.Napakunot-noo siya nang makita ang lalaki roon."Didn't you receive the schedule I sent you, Patrick? You are expected to be in the meeting an hour from now." Diretsong si Patrick ang kinausap nito habang papalapit sa kanila."What meeting? The first meeting is at lunchtime," nagtatakang sabi ni Patrick bago tiningnang muli ang schedule sa laptop. Tatawagan sana nito ang bagong hire na secretary nito nang nagsalitang muli si Zian."I'm referring to AXA Steel Company. From now on you will temporarily manage AXA." Nagulat pa siya nang lumapit si Zian sa kanya at yumuko para halikan siya sa labi nang mabilis."Morning, babe," bati nito na parang normal lang ang ginawa nito.Tumikhim si Patrick nang makita ang paghalik ni Zian sa kanya. Hindi naman siya nakaimik sa kabiglaan."So you're back here in Glamour?" Tanong ni Patrick."Yes. Go now at baka ma-late ka p
Hinila siya ni Zian pabalik sa mesa. Naramdaman na lang niyang umangat ang katawan niya nang kargahin siya ni Zian para mapaupo sa itaas ng mahabang mesa sa kusina.Dahil wala na siyang ibang saplot ay ramdam niya agad ang malamig na marmol na mesa nang lumapat ang puwet niya do'n.Agad namang napalitan ng init iyon nang maramdaman ang bibig ni Zian sa leeg niya. Dinidilaan siya nito pababa hanggang sa dumako ang mainit na mga labi nito sa isang dibdib niya. Malayang pinaglaruan ng dila nito ang naninigas na niyang utong habang ang isang kamay ay lumalamas sa isa pa niyang dibdib.Napadaing siya habang napapatingala habang ginugulo na ng mga daliri niya ang buhok ni Zian.Isinubo nito ang isang nipple niya at sinisipsip iyon habang lumipat na ang isang kamay nito sa singit niya. Awtomatikong naghiwalay ang mga hita niya upang bigyang daan ang isang kamay nito sa paglakbay papunta sa kaselanan niya.Hindi na niya napigilan ang malakas na ungol na kumawala sa bibig niya nang masuyong di
Inis na pumiksi siya. "You don't own me, Zian! Huwag mo akong pakialaman kung in love pa rin ako sa isang gago. Dahil pa rin ba ito sa lintek na "utang na loob" na iyan? Please lang! Once na bumalik kami ng UK, tantanan ninyo na kami ng anak ko. Huwag ninyo nang ipagpilitang bayaran ang utang na loob ninyo sa ina ko dahil mas ginugulo ninyo lang ang buhay namin ng anak ko." Pagkasabi no'n ay nagmamadaling umalis na siya sa harap nito."What? Babalik kayo ng UK?" Iyon lang yata ang tumatak sa utak ni Zian sa lahat ng sinabi niya.Napatigil siya sa paglakad at nilingon ito."Yes.""Kasama ang ama ni Xavier?" Napatiim-bagang ito nang itanong iyon."Yes." Mabilis na tugon niya.Biglang nakita niya ang galit sa mukha nito habang malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kanya."Don't make a fool of yourself, Jenna. Bakit mo babalikan ang taong inabandona kayo nang ilang taon?" Mahina man ang pagkakasabi no'n ay dinig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito, ngunit hindi siya natinag. Bagkus a