Hindi pa man siya nakakalabas ng bahay ni Chelsea ay agad na kinuha ni Zian ang phone sa bulsa. Mabilis na tinawagan ang isang numero."I want you to find a man named Luis who's a regular customer or might have been an employee of Majestic Inn six years ago. Let me know once you find him." Ibinaba niya agad ang phone.Nang makapasok sa sasakyan niya ay hindi niya muna pinaandar iyon. Hindi niya kasama si Arthur nang pumunta sa bahay ni Chelsea. Mataman siyang nag-isip. Ngayon niya nabigyan ng pangalan ang dahilan kung bakit ibang-iba ang pakiramdam niya nang mahakarap nang tuluyan si Chelsea kumpara sa babaeng laging iniisip niya sa loob ng anim na taon.Sa bibig ng babae mismo lumabas ang katotohanang hindi ito ang babaeng iyon. Ang Luis na pinapahanap niya ay ang lalaking nakausap niya sa isang sikretong bar sa loob ng Majestic Inn. Alam niyang ito ang naglagay ng kung ano man sa inumin niya.Ito ang kinausap niya upang bigyan siya ng babae sa gabing iyon. Iyon ay nang malango na
"Daddy!" Mabilis na tinakbo ni Xavier si Zian pagkababa nito ng kotse. Ando'n ang lalaki para sunduin sila ng anak.Unang araw iyon na ihahatid sila nito. Una nilang ibababa ang anak sa school nito.Mabilis din namang sinalubong ng yakap ni Zian ang anak niya. Hindi niya maintidihan lagi ang pakiramdam kapag nakikita kung gaano kasaya ang dalawa sa tuwing nagkikita. "So, you're ready for school na?" Tanong ni Zian sa bata."Yep!"Binitiwan nito ang anak niya saka lumapit sa kanya."Good morning, hon."Hon?Hindi pa man siya nahimasmasan sa gulat sa endearment na gamit nito sa kanya ay naramdaman na lang din niya ang halik nito sa pisngi niya.Kakastiguhin niya sana ang lalaki kahit dampi lang iyon pero nakita niyang nakatingin sa kanila ang anak na nakangiti.Kailangan ba talaga iyong gano'ng eksena sa harap ni Xavier? Iyon ang gustong itanong ng mga mata niya nang magsalubong ang tingin nila ni Zian."G-good morning," napilitan na lang din siyang batiin pabalik ang lalaki at pinilit
May party na namang gaganapin sa mansiyon ng mga Escobar sa susunod na Sabado?Napakunot-noo siya nang mabasa ang card na nakita sa ibabaw ng mesa niya. Kaarawan pala ni Mrs. Escobar sa susunod na Sabado, iyon ang nakasulat sa card.Mukhang imbitado ang lahat ng mga empleyado ng Glamour Fashion. Napabuntunghininga siya. Naturingang designer siya pero wala siya masyadong mga damit na maaaring gamitin sa mga malalaking pagtitipong gaya no'n.Sa tuwing uma-attend kasi siya ng party sa UK ay may privilege siyang mamili ng mga damit na pwede niyang suotin sa party. Isa rin kasi iyon sa paraan ng pagpo-promote ng mga designs nila. Siyempre pa ang lagi niyang pinipili ay ang sariling gawa niya.Gusto niyang i-suggest din iyon kay Zian kapag nakahanap siya ng magandang opportunity. Ang damit na binayaran ni Patrick para sa kanya ay pinaayos na niya kay Larice. Nagulat ito sa nangyari sa damit niya. Gumawa na lang siya ng kwento kung bakit napunit iyon. Nahihiya pa nga siya nang ipakita ang p
Hindi niya maalis-alis ang tingin sa gwapong mukha ng anak. Nakasuot ito ng tuxedo para sa gaganaping birthday party ni Mrs. Conchita Escobar. Hindi niya napigilan ang sarili at nilapitan ang anak at niyakap ito nang may kasamang gigil."You're so pogi my baby!" "Mom, I can't breathe," natatawang reklamo nito.Natatawang binitiwan niya ito saka pinagmasdang muli."You look like you're going to make a lot of girls cry in the future.""Of course not, Mommy. Did Dad make you cry?" Seryoso ito nang itanong iyon.Bigla siyang natigilan. Lagi pa rin kasing nawawala sa isip niya na ang kinikilala nitong ama sa ngayon ay si Zian. Paminsan-minsan ay may tinatanong ito tungkol sa kanila ni Zian na para bang curious ito kung ano ang nangyari sa kanila dati.Ngumiti siya saka pinisil nang mahina sa pisngi ang anak."No, I made your dad cry more," biro niya.Nawala ang pagiging seryoso ng anak at tumawa sa sagot niya.Saka naman nila narinig ang door bell. Mabuti na lang at kanina pa siya ready.
Akala niya ay masyadong maaga pa sila sa party dahil wala pang alas siyete ng gabi sila dumating. Nagtaka siya nang puro sasakyan na mga nakaparada na lang ang nakikita niya sa labas ng mansiyon ng mga Escobar. Sa loob ng gate ay makikita rin ang iba pang mga sasakyan do'n.Puro sasakyan na lang at wala siyang nakikitang iba pang mga tao bukod sa kanila na papasok pa lang ng gate. Ibig sabihin ay nasa loob na ng mansiyon ng mga ito ang mga bisita.Late na ba sila?Ang alam niya ay alas otso ang simula ng party. Maaga pa nga sila ng isang oras.Gusto niyang magtanong kay Zian pero nakakatutok lang sa harap ang mga mata nito. Nang ihinto nito ang sasakyan ay saka may sumalubong sa kanilang mga tauhan ng mga ito na naka-formal attire din. Hindi nagsasalita si Zian pero hawak nito sa isang kamay ang anak niya habang papasok sila sa loob. Hindi na rin siya umiwas pa nang hawakan nito ang isang braso niya nang naglalakad sila.Mas lalo siyang nagulat nang pagbuksan sila ng pinto ng isang ta
"I know you already accepted my proposal together with the ring, but I'm going to propose again to make this official."Oh my God...Hindi niya alam kung hanggan kailan pa siya magtatagal sa harap ng lahat. Mas lalong dumarami na ang mga taong pinagsinungalingan nila ni Zian, mas mahirap nang bawiin ang engagement kuno nila.Plus ang pagpapakilala nito sa lahat na anak nito si Zian."This ring has been passed on from generation to generation. It's time to give it to the new owner, who I believe deserves to wear this ring."Napalunok siya nang marinig ang sinabi ni Mrs. Conchita na lumapit sa kanila ni Zian. Ibinigay nito sa lalaki ang singsing na hinugot nito mula sa daliri.Gusto niyang hilain pabalik ang kamay nang hawakan iyon ni Zian. Napangiti ito nang mahawakan ang malamig na malamig niyang kamay. Nang mapansin din nitong nanginginig ang kamay niya ay pinisil muna nito iyon."Your hand is so cold. Let me warm it up." Bigla ay dinala nito sa bibig ang kamay niyang hawak nito.Dum
"Yeah! She's the one I keep talking to you about. She's mom's favorite designer, and my favorite too." Hindi maalis-alis ang ngiti ni Patrick habang nagkukuwento.Hindi naman nakangiti si Zian at nakatingin lang sa kanya habang panay pa rin ang kwento ni Patrick."U-umuwi ka pala ng Pilipinas. Kailan pa?" Iyon lang ang naisip niyang itanong dito sa kalituhan ng utak niya."Actually, this is an unplanned one. I was supposed to go back here by the end of this year, but Lola called me and insisted for me to go home. She confirmed that Zian here will be announcing his engagement, and she wants all of us to be present. There was an emergency kaya na-late ako at di ko man lang naabutan ang formal announcement ng engagement ng pinsan kong ito." Tinapik-tapik pa ni Patrick ang balikat ni Zian nang sabihin iyon."So who's the unlucky woman," pabirong sabi nito. Bigla rin namang parang na-shock ang mukha nito nang mapatingin sa kanya."Oh, you're not Zian's fiancee, right?" Napatitig ito sa kan
Hindi man lang sila nagkaro'n ng pagkakataong magkasama ni Patrick pagkatapos ng engagement party nila ni Zian. Kailangan kasing bumalik agad ni Patrick sa UK. Gaya nga ng sabi nito ay hindi naman nakaplano talaga ang pag-uwi nito ng bansa kaya't may mga naiwan itong transaction sa UK na kailangan na balikan agad.Mabuti na rin siguro iyon dahil ayaw niya talagang magsinungaling pa sa kaibigan.Hindi na yata siya masasanay talaga sa bagong set-up nila ni Zian. Araw-araw silang sinusundo nito sa condo nila. Sabay nilang hinahatid si Xavier sa school nito saka didiretso ng office.Mula nang inanunsiyo ang engagement nila ni Zian ay mas lalong hindi siya makahalubilo nang maayos sa mga kaopisina niya. Mas lalo kasing nag-aalanganing makipaglapit sa kanya ang mga empleyado ng kompanya ni Zian dahil nga sa alam nila ang relasyon niya sa lalaki."Bakit hindi ko na nakikita si Chelsea?" Matagal na niyang gustong itanong iyon at ngayon nga ay hindi na niya mapigilan ang sarili.Nasa loob sila
Akala niya ay sa mansiyon ng mga Escobar ang tinutukoy nitong bahay nito na pupuntahan muna nila. Dinala sila nito sa isang malaking bahay na ayon rito ay ang sariling bahay nito mismo. Hindi nalalayo sa laki ng mansiyon ng mga Escobar ang bahay ng lalaki.Kahit si Xavier ay hindi mapigilang mamangha sa bahay ni Zian."Whoah, Dad, your house is so big and beautiful!" Hindi magkamayaw na sabi ng anak na iniikot ang tingin sa paligid."You love it?" Nakangiting tanong ni Zian sa anak niya."Yes, Dad, I love it so much! Dito ba kami titira kapag ikinasal na kayo ni Mommy?""Xavier, kung ano-ano na lang iyang tinatanong mo," agad na saway niya sa bata.Ayaw niyang malagay sa alanganin si Zian sa mga katanungan ng anak."Of course, kung nasaan si Daddy, do'n din kayo, di ba?" Hindi naman pinansin ni Zian ang pagsaway niya sa anak."I'm going to love it here, Daddy!""I'm sure you will." Ginulo pa ni Zian ang buhok ng anak.Hindi na lang din siya umimik. "Do you want to see my room?" Napa
Nagising siya sa mumunting mga halik sa mukha niya. Antok na antok pa siya dahil mag-uumaga na yata nang tuluyang gupuin siya ng antok.Sinusubukan niyang ibuka ang mga mata dahil parang ayaw tumigil sa kakahalik ng kung sino man iyong pinupupog siya ng mga halik sa mukha."Mommy, wake up. We made you breakfast in bed, but it's almost eleven already." Boses ng anak niya ang naririnig niya.Nahulaan niya agad na ito ang nasa ibabaw ng kama at walang tigil sa paghalik sa kanya. Ito yata ang paraan nito para gisingin siya.Almost eleven?Napilitan na nga siyang ibuka ang mga mata at agad na sumalubong sa kanya ang liwanag mula sa bintana na nagmumula sa tirik na tirik na araw.Ngumiti siya sa anak kahit kalahati pa lang ng mga mata ang naibuka."Oh, you made me breakfast, baby?" Inisip niya agad na malamang ay cereal na may gatas ang dinala nito sa kanya dahil hindi pa naman ito marunong magluto.Bumangon siya at umupo sa kama habang inaantok pa rin na tinitingnan ang pagkain sa tray na
Padampi-dampi lang ang ginawang paghalik ni Zian na para bang nananantiya muna. Hinayaan niya ang pagkilos ng bibig nito habang kumikibot-kibot naman ang mga labi niya.Kung tutuusin ay ito ang unang halik niya talaga kung hindi niya isasali ang lalaking lumapastangan sa kanya. Ilang segundo rin na nagkasya lang si Zian sa mabibining halik na ibinibigay nito sa kanya.Maya-maya ay nagsimula nang lumalim ang paghalik nito. Kinabig nito ang batok niya nang naging mapusok ang halik nito. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay. Ang instinct ng mga iyon ay dumako sa dibdib ng lalaki para pigilan ang pagdidikit masyado ng mga katawan nila.Saglit na binitiwan ni Zian ang mga labi niya at tingnan siya sa mukha."Just tell me if you want me to stop, Jenna," paanas na sabi nito na para bang habol nito ang paghinga.Ang utak niya ang nagsasabing kumawala sa yakap nito at lumabas ng kwarto, pero ang katawan niya ang may gustong habulin ang bibig nito upang ipagpatuloy ang mainit nilang
"H-huwag..." Pilit man niyang manlaban ay hindi man lang niya matinag ang lalaking nasa ibabaw niya.Ayaw niyang umiyak pero iyon na lang yata ang huling alas niya para magbago ang isip ng hindi kilalang lalaki. Ni hindi niya alam kung ano ang hitsura nito dahil nababalutan ng dilim ang loob ng kwarto."I like this. Is roleplaying part of the game?" Paanas na sabi ng lalaki na hindi niya mawari kung lasing or nasa ilalim ng pinagbabawal na gamot."Please... maawa po kayo." Humahagulgol na siya at inipon ang buong lakas para maitulak ito.Sa halip na umalis sa ibabaw niya ay kinuha ng lalaki ang dalawang kamay niya at ipininid sa kama. Mas lalong hindi na siya makagalaw.Naramdaman niyang muli ang nag-aalab na halik nito sa leeg niya. Wala na siyang nagawa kundi umiyak nang umiyak.Kahit binitiwan na siya nito ay hindi na siya nagtangka pang pumalag dahil sa takot at sa sobrang panghihina. Pumikit siya nang mariin nang isa-isa nitong hinubad ang damit niya. Awtomatikong itinakip niya
"Mind if I take a shower first?" Nasa loob na sila ng kwarto niya at hindi maikakaila ang pagkailang niya. Kabaliktaran naman ang kay Zian dahil wala man lang itong bakas ng pagkailang sa kanya.Naisip niyang siguro ay sanay na ito sa gano'ng eksena na kasama ang isang babae sa loob ng kwarto na kahit hindi nito girlfriend.Hindi girlfriend? Eh, engaged ka na nga sa kanya, di ba? Tukso ng isang parte ng utak niya."That door on the left, iyan ang banyo." Pinilit niyang maging kaswal lang din ang boses kahit ang totoo ay parang manginginig iyon.Kahit si Patrick na matalik niyang kaibigan ay hindi man lang nakapasok sa kwarto niya. Ito ang unang beses na may makakasama siyang lalaki sa kwarto at matutulog pa silang magkatabi.Well, of course, hindi niya isinali ang lalaking isinusumpa niya. Iwinaksi niya agad ang alaala nang gabing iyon. Ayaw niyang madagdagan ang tension na nararamdaman niya ngayon."Do you want to see me strip?" Tanong nito nang hindi niya namamalayang nakatingin pa
Siya na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. Hinayaan na niyang samahan ni Zian ang anak sa kwarto nito gaya ng request ng bata. Alam niyang ipagyayabang nito ang mga laruang galing kay Zian at sa lolo nito.Nakatapos na siyang maghugas. Pumunta siya ng sala at naririnig niya ang tawanan ng dalawa sa kwarto ng anak. Hindi niya alam kung gaano katagal ang mga itong nagkukwentuhan at naglalaro sa loob.Nanatiling nakaupo lang siya sa sofa. Habang nakatunganga ro'n ay napapatingin uli siya sa maliit na hiwang sinipsip ni Zian kanina.Kahit nag-iisa ay ramdam niya ang pamumula ng pisngi."Masakit pa rin ba?" Gulat na napaangat ang tingin niya sa nagsalita. Nakita niyang karga ni Zian sa likod ang anak niyang panay ang tawa."M-mahapdi na lang konti." Mabilis na ibinaba niya ang kamay at baka mahalata pa ni Zian na iba ang nasa isip niya habang nakatitig sa daliri niya kanina."What happened to your finger, Mommy?" Worried na tanong ni Xavier na mabilis na bumaba mula sa pagkaka
"Daddy!" Palundag ang ginawang pagtayo ng anak niya nang makitang kasabay niyang pumasok si Zian.Agad na inilagay muna ni Zian ang mga bitbit na grocery sa sahig para salubungin ng yakap si Xavier.Lumapit naman si Nana Meding para kunin ang mga pinamili nila."How are you, kiddo?" Masayang tanong ni Zian nang yakapin ang bata."I had fun at school. I kept looking at the time while waiting 'cause I know you'll visit.""Oh, thank God, we're here and the waiting is over. I have a pasalubong for you." Mabilis na kinuha ni Zian ang binili nitong laruan.Bumitiw sa pagkakayakap dito ang anak niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang binilhan ito ng bola ng lalaki.Naikwento pala ng anak niya rito na gustong-gusto nitong maglaro ng basketball."Just as I promised, I brought you this. We'll play together during the weekend.""Wow! Thank you so much, daddy!" Kinuha nito ang bola saka hinalikan sa pisngi si Zian.Ginulo naman nito ang buhok ng bata habang nakatawa. Tumikhim siya nang hind
Kita nila ang pagkagulat sa mukha ni Chelsea habang napatingin ito kay Zian. Kahit nasa may pinto pa lang ito nakatayo ay halata ang biglang pamumutla ng mga labi nito. Ni hindi na nga ito kumikilos at mukha bang gusto nitong lumabas uli."What's with her?" Inis na tumayo si Amanda para salubungin si Chelsea. Nang tingnan niya si Zian ay nakita niya rin ang pag-iba ng mood nito.May LQ nga ang dalawa! So naging girlfriend nga nito si Chelsea?Bumalik lang ang tingin niya sa dalawa nang marinig uli ang boses ni Amanda."By the way, Zian, this is Chelsea-""I know her," putol ni Zian sa pagpapakilala sana ni Amanda rito.Natigilan ito lalo pa at obvious ang galit sa tinig ni Zian. Hindi nito tiningnan man lang si Chelsea."Really? Saan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amanda.Nang walang sumagot sa mga ito ay hinila na nito ang babae at pinaupo sa upuan na nasa tabi ni Zian.Alanganing lumapit si Chelsea. Nanatili itong nakatayo lang at parang walang balak umupo."Ahm..." Parang nangin
Hindi na niya mabilang kung pang-ilang papel na ang nalamukos niya. Hindi makapag-concentrate ang utak niya habang nagtatrabaho. May hinahabol pa naman siyang deadline. Kung bakit ba naman kasi tinanong-tanong pa siya ni Zian ng tanong na iyon. Make you fall in love with me... Hindi na maalis-alis sa utak niya iyon. Seryoso ba ang lalaki nang sabihin iyon? Ayaw niya sanang pansinin ang kilig na nagsisimulang nararamdaman na ng puso niya. Ayaw niyang mahulog dito dahil alam niya namang magtatapos din ang pagkukunwari nila. Kanina pa siya patingin-tingin sa opisina nito. Nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa laptop na seryosong-seryoso ang mukha. Hindi man lang ito napapatingin sa gawi niya kahit isang beses. Inirapan niya ito na para bang makikita nito iyon. At nakita nga iyon ni Zian! Sakto kasing napalingon ito sa opisina niya nang bigyan niya ito ng napakalalim na irap. Mabilis na ibinaling niya ang tingin sa blangkong papel nang mahuli nito ang ginawa niyang pag-ir