Mabuti na lang at wala si Zian nang araw na iyon. Hindi naman siya kinukulit nito pagkatapos nitong basta na lang akuin si Xavier bilang anak nito.Kay Xavier siya medyo nahihirapan dahil nang magising ito kinabukasan ay agad na hinanap si Zian. Nang hindi makita ay kuntodo iyak na ng anak niya. Matagal bago niya ito napatahan.Sinabi niya na lang dito na may business trip si Zian nang ilang araw kaya't hindi muna niya makikita. Nag-text naman si Zian sa kanya kinagabihan no'n at tinanong siya kung hinanap ba ito ni Xavier. Ang sabi ay pwede niya itong tawagan anytime para ipakiusap sa anak niya, which is never niyang gagawin.Gusto niyang mainis sa ginawa ni Zian dahil pati sa anak niya ay napipilitan na siyang magsinungaling sa isang bagay na pinakaimportante para rito. Hindi niya alam kung paano iyon babawiin sa anak na hindi ito masasaktan nang sobra.Nasa loob siya ng opisina niya at busy sa trabaho nang mahagip ng mga mata niya na may pumasok sa kabilang opisina. Napatingin agad
Kunot-noong napatingin siya sa invitation na nasa ibabaw ng mesa niya. Nang buksan niya iyon ay biglang nanlaki ang mga mata niya nang mabasang invitation iyon para sa Annual Runway fashion show, kung saan naka-showcase ang mga gawa ng mga sikat na designers sa Pilipinas.Alam niyang hindi basta-basta ang nakakadalo sa event na iyon kaya't kung isa ka sa nakatanggap ng imbitasyon, ibig sabihin ay isa ka ring bigating tao. Ipinagtaka niya kung bakit nakatanggap siya ng invitation pero masaya rin at the same time.Sa Sabado na agad ang event na iyon. Bigla ay nag-alala siya dahil wala siyang maisip na isuot sa event. Alam niyang lahat ng dadalo ay pinaghahandaan ang isusuot nila.Nakatitig siya sa invitation nang biglang tumunog ang phone niya. Nakangiting sinagot niya agad iyon nang mabasa sa screen kung sino ang tumatawag."Patrick! Akala ko ba magiging busy ka this month." "Yeah, but I just want to make sure you got it." Excited na tanong ng lalaki.Si Patrick ang naging malapit na
"You look so gorgeous, Mommy! If Daddy's here, he would surely agree with me," puri ni Xavier habang nakatingin sa reflection niya sa salamin.Nakaayos na siya at handa nang pumunta sa event. Siya lang din ang nag-ayos ng buhok at nag-makeup sa sarili. Natutunan niya iyon mula nang maging designer siya sa Glamour Fashion.Nakangiting nilingon niya ang anak. "Thanks, baby." Hindi niya na lang pinansin ang pagbanggit nito ng daddy.Araw-araw kada nagigising ito ay ang laging bungad na tanong sa kanya ay kung kailan babalik ang daddy nito galing sa business trip. Lagi ay wala siyang maibigay na eksaktong date. Lumalaki ang guilt niya araw-araw kapag nababanggit nito ang inaakala nitong ama na si Zian.Hindi iilang beses na muntik na niyang tawagan ang lalaki para makausap ang anak. Ayaw niyang maramdaman ng anak na kahit nakita na nito ang daddy nito ay hindi pa rin nilalaanan ng oras ng ama. "Mom, I hope Daddy's here to be your escort at the party. I don't want you to be alone again w
Mabuti na lang at nagsimula na agad ang Runway fashion show. Do'n na natuon ang atensiyon niya at tuluyang nakalimutan ang dalawa sa tabi.Hindi niya mapigilang mamangha sa mga gawa ng mga designers na naging idolo niya. Iyong excitement niya na makita mismo ang mga designs ng mga ito nang malapitan ay hindi niya maitago.Hindi na nga niya namamalayan na napapatakip pa siya minsan sa bibig para takpan ang pag-awang no'n. Para siyang isang fan ng isang sikat na singer na nanonood ng concert. Kulang na lang ay tumalon-talon siya sa tuwa.Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang sumabay na sa pagrampa ang mga designers ng gabing iyon. Napapahawak na ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi habang hindi inaalis ang mga mata sa stage."It's more entertaining looking at your reactions rather than the models on the stage."Bigla siyang napalingon nang magsalita bigla si Zian. Saka lang niya naalala na katabi nga pala niya ang lalaki. Mabilis na inalis niya ang mga kamay sa pisngi saka
"I'm really trying to hold my temper, Jenna, but you always provoke me. Why do you hate Chelsea so much when she's one of the sweetest girls I've known? Kailangan ba talagang umabot uli kayo sa sakitan? She's running away from you, crying! What did you do to her this time?" Hindi niya inaasahan ang galit na iyon ni Zian.Kitang-kita niya kung paanong nagtatagis ang mga bagang nito, habang nakapinid siya sa dingding at ikinulong ng katawan nito na para bang ayaw nitong matakasan niya.Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha ng lalaki. Kaya pala hinila na lang siya nito bigla sa isang sulok dahil akala nito ay sinaktan niyang muli si Chelsea?Hindi ba nito nakikita ang hitsura niya ngayon? Bigla ay naalala niya ang sariling mukha."Let go of me!" Matigas na tugon niya saka sinubukang itulak ito. Natatakot siyang baka tuluyang bumuyangyang ang isang dibdib niya na natatakpan lang ng nipple pad. Sa damit na suot ay hindi siya pwedeng magsuot ng bra at may kasama na itong nipple pads.
Magmula nang gabing iyon ay araw-araw na niyang nakikita si Chelsea sa opisina ni Zian. Hindi niya alam kung ano ang sinabi nito sa lalaki tungkol sa nangyari sa gabi ng event.Ilang beses siyang tinanong ni Zian sa eksaktong pangyayari, kung paanong humantong sa pagkakapunit ng damit niya. Hindi na niya idinetalye ang buong pangyayari pero ang sinigurado niya ay malaman nitong si Chelsea nga ang may kagagawan no'n.Kapag napapatingin siya sa opisina ni Zian ay nakikita niya sina Chelsea at Paula na busy sa kakabusisi ng mga designs na gawa ni Paula.Alam niyang minamadali ni Paula ang production team para sa opening ng boutique ni Chelsea. .Mukhang may bago na namang bestie si Chelsea. Mabuti na lang at hindi nito naiimbitahang bumisita si Amanda sa opisina para ipagyabang sa babae ang lahat ng special treatment na nakukuha nito kay Zian.Mas lalo siyang na-curious kung anong klaseng koneksiyon meron ang dalawa. Hindi naman kasi mukhang interesado si Zian romantically kay Chelsea. N
"Did Zian even know what you're telling your son-- you ambitious b-"Biglang sumabat si Xavier kaya't hindi natuloy ang huling salita ni Chelsea."M-mom, are you two fighting because of me?" Hinila-hila pa ni Xavier ang damit niya na nakalapit na pala sa kanya.Halos naririnig na niya ang pag-ingay ng mga ngipin sa pagtatagis ng mga bagang niya. Kung wala lang talaga ang anak niya ay manghihiram talaga ng mukha sa aso ang babae pagkatapos ng gagawin niya rito."Nah, we're just talking about your "daddy", darlin'," si Chelsea ang sumagot na nang-uuyam ang boses lalo pa no'ng banggitin nito ang salitang "daddy" sa anak niya."But you told me earlier that I'm lying about who my daddy is."Bago pa sumagot si Chelsea ay niyuko na niya ang anak. Awtomatikong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Biglang naglaho ang nanganganib na ekspresyon at napalitan iyon ng masuyong tingin."Xavier, we'll go to the pantry, okay? I'm sure you're hungry." Hinawakan niya sa kamay ang anak saka inakay pala
"I'll go ahead and talk to my-" Natigil ang noo'y papasok na matandang babae na todo postura pa rin sa kabila ng edad nito."Zian?" Napabulalas na sabi nito nang matigilan sa naabutang tagpo.Mabilis na inilayo niya ang mukha sa lalaki. Alam niyang pulang-pula ang mukha niya kaya't hindi man lang siya tumingin sa kung sino man ang nagsalita."La, hindi man lang kayo nagpasabi na darating kayo." Hindi niya alam kung paanong naging normal pa rin ang boses ng lalaki na parang hindi sila naabutan ng bisita sa nakakaintrigang eksena.At teka... Lola?Bigla siyang napatingin sa may pinto."And who were you kissing-" Biglang parang nakakatakot ang boses ng babae na ibinaling agad sa mukha niya ang mga mata.Nakita niya ang biglang pagbago ng ekspresyon nito nang matitigan siyang mabuti."Oh, Jenna, right? Finally, I have the pleasure of meeting you." Magiliw na sabi nito na mabilis na nakalapit sa kanya.Kahit sina Chelsea at Paula ay nabigla sa treatment ng babae sa kanya lalo pa at hinalik
Nang hindi siya umimik ay bumitaw na ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang tawagin nito ang mga pulis at itinaas ang dalawang kamay. Nang akmang ipoposas na rin ng isa sa mga pulis ang nakalambitin na posas kay Zian ay saka lang siya parang natauhan. Tinampal niya ang kamay ng pulis bago pa man nito maiposas ang kamay ni Zian. "Bakit ninyo naman siya aarestuhin? Ano bang kasalanan niya?" Galit na sita niya sa pulis. Napakamot sa ulo ang pulis na tinanong niya saka napatingin sa mga kasamahan. "At ikaw, sinong kikilalaning ama ng mga anak ko kung magpapakulong ka? Sira ka ba?" Inis na sabi niya saka sinuntok ito nang mahina sa dibdib. Ang kanina'y naiiyak na mukha ni Zian ay may ngiting unti-unting sumilay sa mga labi. Bigla nitong hinuli ang kamay niyang ayaw na yatang tumigil sa kakasuntok sa dibdib nito. "Ayaw mo akong ipakulong?" Naninigurong tanong nito na hinalikan na ang isang kamay niyang hawak nito. "Bakit? Gusto mo bang takasan itong responsibilidad mo sa a
Inasikaso niya muna ang lahat ng mga dapat asikasuhin para maisampa ang mga kaso kina Amanda at Chelsea .Ang plano niya ay saka na kausaping mabuti ang anak kapag nakabalik na sila ng UK.Sa ngayon ay kailangan niya munang masiguro na makagawa ng hakbang para mapagbayaran ng dalawa ang mga kasalanan sa kanya.Hindi iilang beses na kinontak siya ni Chelsea para iurong niya ang kaso pero bingi na siya sa mga pagmamakaawa ng mga ito sa kanya.Ang araw na iyon ang flight nila pabalik ng UK. Apat na raw nang hindi nagparamdam si Zian sa kanya.Apat na araw nang tahimik ang phone niya sa mga tawag at text nito. Apat na araw nang walang pumupunta ng bahay nila para mangulit.Apat na araw na rin siyang walang tigil sa pag-iyak. Gustong kamuhian ng isip niya ang lalaki pero ang puso niya ay nanatiling tumitibok para rito.Napahawak siya tiyan niyang wala pang umbok pero alam niyang may nagsisimula nang mabuo sa loob.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at sumungaw ro'n ang malungkot na m
Hindi maampat-ampat ang mga luha ng ama niya habang nasa harap sila ng libingan ng ina niya.Napag-alaman niyang isang taon mula nang pinalayas siya ng ama ay nalaman nitong patay na ang ina niya.Hinanap siya nito at nalamang nasa UK nga siya pero imbes na puntahan siya ay hinayaan siya ng amang manirahan sa UK. Sa masasakit na salitang binitiwan nito tungkol sa ina niya nang palayasin siya ay wala na raw itong mukhang ihaharap sa kanya para pabalikin siya ng Pilipinas. Nalaman din ng ama niyang hindi totoong sumama sa ibang lalaki ang mama niya dahil ang lahat ng iyon ay puro gawa-gawa ng madrasta niyang si Zenaida para tuluyang mahulog ang loob ng ama niya rito."I'm sorry, Kristine. Alam kong huli na ang lahat para humingi ng tawad sa mga naging kasalanan ko sa'yo," humahagulgol na sabi ng ama niya sa puntod ng ina."Dad, tama na. Alam kong napatawad ka na ng Mama. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo," pilit na pinatatag niya ang sarili upang huwag ding umiyak. Ayaw niyang mas
Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga dumalo. Nag-aalalang nilingon niya ang ama. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa envelope na inabot kanina ni Amanda.Si Zian ay kinausap saglit si Mrs. Conchita pero umiling-iling lang ang matanda. Sa tingin niya ay gusto ni Zian na paalisin muna ang lola nito do'n para huwag nitong masaksihan ang gulong nagaganap.Nang hindi nga makumbinsi ang matandang babae ay inalalayan na lang ito ni Zian na bumalik sa upuan nito.Si Zenaida naman ay nahuli niyang tahimik na napapangiti. Hindi man lang ito kakitaan ng pag-aalala sa kalagayan ng ama niya.Pinisil niyang muli nang mahigpit ang kamay ng ama."Let me handle this, Dad." Tinatagan na niya ang loob niya saka siya tumayo.Lumapit siya sa kinatatayuan ni Zian pero naglagay din ng konting distansiya sa pagitan nila.Hindi niya kasi alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito habang titig na titig sa larawan sa projector. Hindi niya alam kung paano ito haharapin pagkatapos ng gabing iyon pero kailangan niya
"This is a family matter, by the way. However, I also want to take this opportunity to explain my side regarding why I suddenly left before my wedding with Zian. I have already explained my side to Zian, but I also want everyone to know the real reason I had to leave, even though I love Zian so much and have dreamed of nothing else but marrying him."Tumahimik ang lahat at matamang nakikinig kay Heather. Sinenyasan ni Zian si Arthur kaya't mabilis na lumapit ang lalaki sa harap. May ibinulong si Zian dito saka tumango-tango ang lalaki.Agad na lumapit si Arthur sa kanila."Kukunin ko muna si Xavier at ipapasyal sa labas," makahulugang sabi ni Arthur sa kanya.Nakuha niya naman agad ang gustong gawin nito. Iniiwas nito ang anak niya sa kung ano mang tensiyon na sinimulan ni Heather.Tumango siya saka bumaling sa anak na naguguluhan ang mukha."You might get bored with their speech, so Tito Arthur here will drive you around first, okay?" Sabi niya sa anak.Tumayo naman si Xavier saka tu
Thanksgiving PartyNasa bahay sila ng ama niya at kanina pa nakahanda. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya sa gabing iyon. Para siyang excited na may halong hindi matukoy na damdamin.Si Arthur ang susundo sa kanila dahil ang sabi ni Zian ay may aasikasuhin muna ito.Sasama rin sa kanila ang madrasta niyang si Zenaida at ang stepsister na si Amanda. Nagtaka pa nga siya nang malaman na sasama ang dalawa. Mas lalong ipinagtaka niya na para bang excited din si Amanda at parang masayang-masaya. Inayos niya muna uli ang ayos ng anak bago sila lumabas ng bahay.Nang makarating sila sa manor ng mga Escobar ay marami-rami na ring mga empleyado ng Glamour Fashion Philippines ang dumating.Agad na sinalubong sila ni Mrs. Conchita Escobar. Hindi rin maikakaila sa mukha nito ang kasiyahan. Napaisip tuloy siya kung nagkaayos na ito at si Zian."I'm so happy to see you and your family, Jenna. I'm sorry at hindi ako nakadalo sa fashion gala but I've seen the video. I'm so proud
Nag-uusap sila ni Patrick sa naka-schedule na meeting sa prospect clients nila nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zian.Napakunot-noo siya nang makita ang lalaki roon."Didn't you receive the schedule I sent you, Patrick? You are expected to be in the meeting an hour from now." Diretsong si Patrick ang kinausap nito habang papalapit sa kanila."What meeting? The first meeting is at lunchtime," nagtatakang sabi ni Patrick bago tiningnang muli ang schedule sa laptop. Tatawagan sana nito ang bagong hire na secretary nito nang nagsalitang muli si Zian."I'm referring to AXA Steel Company. From now on you will temporarily manage AXA." Nagulat pa siya nang lumapit si Zian sa kanya at yumuko para halikan siya sa labi nang mabilis."Morning, babe," bati nito na parang normal lang ang ginawa nito.Tumikhim si Patrick nang makita ang paghalik ni Zian sa kanya. Hindi naman siya nakaimik sa kabiglaan."So you're back here in Glamour?" Tanong ni Patrick."Yes. Go now at baka ma-late ka p
Hinila siya ni Zian pabalik sa mesa. Naramdaman na lang niyang umangat ang katawan niya nang kargahin siya ni Zian para mapaupo sa itaas ng mahabang mesa sa kusina.Dahil wala na siyang ibang saplot ay ramdam niya agad ang malamig na marmol na mesa nang lumapat ang puwet niya do'n.Agad namang napalitan ng init iyon nang maramdaman ang bibig ni Zian sa leeg niya. Dinidilaan siya nito pababa hanggang sa dumako ang mainit na mga labi nito sa isang dibdib niya. Malayang pinaglaruan ng dila nito ang naninigas na niyang utong habang ang isang kamay ay lumalamas sa isa pa niyang dibdib.Napadaing siya habang napapatingala habang ginugulo na ng mga daliri niya ang buhok ni Zian.Isinubo nito ang isang nipple niya at sinisipsip iyon habang lumipat na ang isang kamay nito sa singit niya. Awtomatikong naghiwalay ang mga hita niya upang bigyang daan ang isang kamay nito sa paglakbay papunta sa kaselanan niya.Hindi na niya napigilan ang malakas na ungol na kumawala sa bibig niya nang masuyong di
Inis na pumiksi siya. "You don't own me, Zian! Huwag mo akong pakialaman kung in love pa rin ako sa isang gago. Dahil pa rin ba ito sa lintek na "utang na loob" na iyan? Please lang! Once na bumalik kami ng UK, tantanan ninyo na kami ng anak ko. Huwag ninyo nang ipagpilitang bayaran ang utang na loob ninyo sa ina ko dahil mas ginugulo ninyo lang ang buhay namin ng anak ko." Pagkasabi no'n ay nagmamadaling umalis na siya sa harap nito."What? Babalik kayo ng UK?" Iyon lang yata ang tumatak sa utak ni Zian sa lahat ng sinabi niya.Napatigil siya sa paglakad at nilingon ito."Yes.""Kasama ang ama ni Xavier?" Napatiim-bagang ito nang itanong iyon."Yes." Mabilis na tugon niya.Biglang nakita niya ang galit sa mukha nito habang malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kanya."Don't make a fool of yourself, Jenna. Bakit mo babalikan ang taong inabandona kayo nang ilang taon?" Mahina man ang pagkakasabi no'n ay dinig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito, ngunit hindi siya natinag. Bagkus a