Share

KABANATA 4: THE LIES BEHIND THE RING

Kamuntik nang mag-file ng bankruptcy si Chelsea dahil mula nang i-take over niya ang boutique na iyon ay hindi man lang ito nakaka-recover. Napilitan na siyang magbenta ng ibang mga gamit para lang maisalba ang boutique.

Matagal na niyang pangarap ang makapundar ng sariling business. Hindi naman kasi gano'n kayaman ang pamilya nila. Isa sa mga naibenta niya ay ang singsing na nakita sa kwartong nireserba niya sa Majestic Inn, anim na taon na ang nakalipas.

Ayaw na niya sanang bumalik do'n pero tinawagan siya ng manager ng inn na personal niyang kakilala. May nakita raw kasi itong singsing sa loob ng kwarto. Iniisip kasi nitong baka engagement ring niya iyon. 

Kinuha niya ang singsing at isinilid agad sa bulsa nang hindi man lang ito tinitingnang mabuti. Nakatuon kasi ang utak niya sa pangyayari sa kwartong iyon. Basta na lang niyang nilagay sa drawer ang singsing at hindi na sinilip pa sa loob ng anim na taon.

Nahalughog niya lang ito nang maghanap siya ng mga alahas na pwede niyang maibenta online. Hindi niya akalain na may bibili agad sa singsing na iyon kahit isang oras pa lang niyang nai-post ito. 

Masayang napatitig siya sa halagang nakikita niya sa phone. Nai-transfer na ng bumili ang pera sa online account niya. Naisip niyang sobra-sobra pa ang halagang iyon sa kailangan niya.

Naalis lang ang mga mata niya sa hawak niyang cellphone nang biglang bumukas ang pinto ng boutique niya.

"Welcome..." Hindi niya natuloy ang pagbati nang makita ang lalaking pumasok sa loob.

The man who stepped in from the door was tall and straight, handsome and extraordinary, and exuded a noble aura in his every move.

Parang na-starstruck na nakatitig lang si Chelsea sa matangkad na lalaki bago niya nahanap ang boses uli, "Sir, who... who are you looking for?"

Ang boutique niya ay nagbebenta ng mga pambabaeng damit lamang kaya't sigurado siyang hindi ito pumunta roon para sa mga damit na binebenta niya, unless kasama nito ang nobya nito o kaya'y asawa. Pero ilang minuto na ang lumipas at walang ibang pumasok sa loob na babae maliban sa lalaking hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.

"Are you Chelsea Rivera?" Baritono ang boses nito at kahit nagtatanong lang ay parang isa itong boss na may iniutos sa kanya. Hindi ito kumukurap habang nakatitig pa rin sa kanya.

"I... I am! And y-you are..." Hindi naman mapigilan ni Chelsea ang panginginig ng boses sa ilalim nang makapangyarihang titig na ibinibigay ng lalaki.

May kinuha ito sa bulsa nito at saka inilapit sa kanya ang kamay na may hawak na relo. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang singsing na hawak, "Is this yours?" Mababang-mababa ang boses ng lalaki pero may nahahagip siyang hindi mawaring emosyon habang tinatanong iyon sa kanya.

Napalunok siya.

Napatitig siya sa singsing, unconsciously ay napahawak siya sa leeg sa takot, napakurap-kurap pa siya dahil sa guilt na biglang naramdaman, "Y-yes, a-akin nga iyan."

"Ikaw ba ang babae sa room 112?" Muli ay hindi inaalis ni Zian ang mga mata sa babaeng nasa harap niya.

Bigla rin namang natigilan ang lalaki habang nanatiling nakatitig dito.

Was it really her that night?

Biglang bumalik ang ala-ala ni Chelsea sa lumipas na taon. Nag-flashback sa kanya ang mukha ni Jenna na lumabas sa kwartong binanggit ng lalaki.

Bakit ito tinatanong ng lalaki sa harap niya?

Without thinking too much, sa hindi niya mawaring dahilan ay biglang namutawi sa mga labi niya ang isinagot sa lalaki, "Of course it was me."

Matamang pinagmasdan pa rin siya nito.

"Keep this ring and don't sell it again. Gusto kong itama ang gabing iyon. I'm Zian Walton Escobar."

Mas lalong natuliro ang isip ni Chelsea nang marinig ang pangalang binanggit nito.

Zian Walton Escobar? Ang isa sa mga apo ni Conchita Escobar at tagapagmana ng mga Escobar?

"I-ikaw si Zian Escobar?" Napasinghap pa siya nang itanong iyon at halos himatayin.

Kahit sikat ang pangalan ng lalaki ay hindi kumakalat ang mukha nito sa mga pahayagan at kahit sa social media. Masyadong importante rito ang privacy kaya't agad na pinapatanggal ng lalaki ang mukha nito sa mga news kung sakali mang kumalat iyon. Ilang beses nang may nakasuhan na mga taga-media na basta-basta na lang nagpo-post ng mukha nito sa mga pahayagan. Nagsilbing leksiyon sa iba pa para huwag basta-bastang mag-post ng picture ng lalaki kahit saan.

"Give me your number." Inabot nito ang mamahaling phone na hawak para mai-save niya ang numero niya do'n.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha ni Chelsea ang inabot na phone sa kanya. Napatitig siya nang may kalituhan sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit biglang sumagi sa isip niya ang "gigolong" kinuha nila para kay Jenna.

Nakatitig din pala sa kanya ang lalaki na parang may mga katanungan rin sa mukha.

Paano'ng siya ang gigolo no'ng gabing iyon?

Bakit sinabi nitong itatama nito ang gabing iyon? Dahil ba iyon sa namagitan dito at kay Jenna? Iniisip ng lalaki na siya ang nakaulayaw nito?

Agad na may pumasok na plano sa utak niya para sunggaban ang kakaibang pagkakataon na iyon. Hinawakan niya agad ang braso ni Zian at agad na umiyak, "Hindi mo alam kung ano'ng hirap ang dinanas ko pagkatapos ng gabing iyon. Itinakwil ako ng pamilya ko dahil sa eskandalo, lalo pa at may mga larawan silang natanggap sa naganap sa atin sa kwartong iyon." Tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha sa mga mata niya.

Muntik pang may sumilay na ngiti sa mga labi niya nang makita ang guilt sa mukha ni Zian. Naramdaman niya ang masuyong paghagod ng kamay nito sa likod niya.

Sasakyan niya ang maling akala nito. Ito na marahil ang magiging sagot para umalwan nang tuluyan ang buhay niya.

Who knows? Baka maging Mrs. Escobar siya nang wala sa oras!

Narinig niya ang malalim na buntunghininga ng lalaki.

"I didn't mean to do it. I thought you were..." Hindi nito matapos-tapos ang sasabihin sa paghihirap ng kalooban.

"Just tell me everything you need from now on." Nag-dial ito sa phone na ibinalik niya rito. Narinig niya naman ang pagtunog ng phone niya. "Save my number," dugtong nito.

Maagap na tumigil siya sa pag-iyak at parang mahihimatay naman sa sobrang galak dahil sa narinig. Diyata't nilalapitan siya ng swerte dahil sa singsing na iyon. Wala sa loob na napahawak siya nang mahigpit sa singsing na inabot kanina ni Zian.

"I need to go now but you can call me anytime." Zian looked at Chelsea with deep eyes and turned to leave.

Painosente ang mukhang tumango-tango si Chelsea at sinundan ng tingin ang lalaking lumabas ng boutique. Nang mawala na ito sa paningin ay nakangising hinalikan niya ang singsing na hawak.

"Today's my lucky day!" Kulang na lang ay isigaw niya iyon sa sobrang excitement.

Sa likod ng isip niya ay ipinagdasal niyang hindi mapurnada ni Jenna ang magandang kapalaran niya sa ngayon.

Oh well, wala na siya sa Pilipinas, di ba? At hindi na iyon makakabalik ng bansa dahil itinakwil na ito ng ama nito.

Agad na nawala ang pag-aalala sa dibdib niya dahil sa naisip.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status