Nasa pinakasulok siya na shelf sa loob ng library sa mansion ng mga Escobar. Sabado iyon ng umaga at wala si Zian. Tuwing Sabado kasi ay may pagsasanay ito sa swimming. Gusto nga sana siyang isali rin ni Zian pero tumanggi siya. Kahit naman kinausap na siya ng mga magulang nito na hindi siya obliga
"Bakit? Imposible ba? Hindi ba't halos magkaedad lang sila ni Zian? Bago tayo ikinasal, hindi ba't umamin ka sa akin na natukso ka sa isa sa mga kasambahay ninyo na walang iba kundi si Amelia? Ang sabi mo ay lasing ka lang at nakalimot kaya nangyari iyon. Gusto mong malaman ko iyon upang makapag-dec
Hindi niya inaalis ang tingin kay Zian. Nasa harap ito ng kabaong ng ina habang walang humpay ang iyak. Gusto niya sanang damayan ang kapatid pero nag-aalangan siyang lumapit dito dahil nakatayo sa tabi nito ang ama ni Zian, ang ama nila. Natatakot siyang lumapit sa lalaki. Kanina pa rin ito nakat
"K-kakamatay lang din ng kapatid ko na siyang parang naging ina ko rin kasi nga siya ang nag-alaga sa akin mula pa pagkabata habang andito si Inay nagtatrabaho." Mabuti na lang at nakaisip siya ng sasabihin. Tumango-tango lang ito at ipinagpatuloy ang pagpahid ng mga mata habang pahikbi-hikbi pa r
"Chinkee, puntahan mo nga si Arthur sa classroom nila. Kanina pa ako naghihintay, ha. Patapos na ang break." Hindi maitago ang inis sa magandang mukha ng muse nila at cheerleader ng basketball team ng Grade 11. Napalingon siya sa kaklase na napapalibutan ng tatlo nitong mga kaibigan sa parehong se
Nang medyo maayos na uli ang paghinga ay saka niya ipinagpatuloy ang pag-akyat. Pareho ang break time nila kaya't kokonti na lang ang mga naiwan sa classroom dahil nasa canteen ang iba. Nang sumilip siya ay nakita nga niya si Arthur na tahimik na nakaupo sa likurang bahagi ng room. Seryoso itong
"You better stop being a bitch, Desiree. Alam natin na simula pa lang ay wala talagang gusto si Arthur sa'yo. Ikaw itong parang asong habol nang habol sa kanya. And for the information of all of you here, the only reason Arthur made Desiree his girlfriend is because of me. Arthur wants to protect me
Kanina pa siya tinatapunan ng mga matatalim na tingin ng grupo ni Desiree pero wala na siyang naririnig na kung ano mang mga pasaring patungkol sa kanya. Hindi rin naman niya gaanong pinagtutuunan ng pansin ang kakaibang tingin na binibigay sa kanya ng mga kaklase mula nang ianunsiyo ni Arthur sa r
Pang one-time big time lang pala ang ipinaranas nitong "very torrid kiss" sa kanya dahil pagkatapos ng araw na iyon ay balik na uli sa smack na lang ang mga halik na ibinibigay ni Arthur sa kanya. Nadala lang kaya ito sa monthsary celebration nila kaya nito ipinaranas sa kanya ang kakaibang init na
"A-Arthur..." Pahingal na sambit niya sa pangalan nito nang mailayo ang mukha rito. Mabuti at tumigil din ito. Pakiramdam niya ay hindi lang siya ang naghahabol ng hininga. Hindi siya makatingin nang diretso sa lalaki. "Nabigla ba kita?" Worried na tanong nito na inilayo na nang bahagya ang katawa
Ilang beses siyang pinagbibigyan ni Arthur na manalo sa paligsahan nila. Sa ikalimang beses na siya nakaramdam ng hingal kaya bumagal na rin ang paglangoy niya kahit pinagbigyan siya nito. Nang makarating siya sa dulo ay nanatili na lang muna siya sa sulok habang habol ang paghinga. "Pagod na ako,
Mabuti na lang at one-piece swimsuit ang binili ni Arthur para sa kanya, kulay maroon iyon. Wholseome ang style nito at nagku-compliment sa maputi niyang balat ang kulay ng tela no'n. Alangan namang bigyan ka niya ng two-piece swimsuit kung saan makikita ang buong katabaan mo, nang-aalaskang sabi n
Ayaw niya sanang magreklamo. Gusto niya lang sanang makuntento sa estado ng relasyon nila ni Arthur lalo pa at hindi nga naman siya nito ikinakahiyang girlfriend siya nito. Kapag wala itong pasok at hindi busy sa mga gawain sa mga kompanya ng Escobar ay hinahatid o kaya'y sinusundo siya nito sa sch
Sumunod nga sila Arthur sa ina. Nang nasa sala na sila ay lumingon sa kanila ang mommy niya. "Dito ka na mag-dinner, iho. Magpapaluto ako ng-" "Ay, next time na ho, Tita. Gusto ko lang po kasi kayong makausap ni Tito kaya andito ako." Napatingin siya rito. Ano'ng pinagsasabi nito? Ano'ng pakay n
"P-pasensiya ka na, Arthur, hindi kasi ako sanay-" "I know kaya nga I'll take it slowly with you kasi ayaw ko ngang ma-overwhelm kang masyado. Hawak pa nga lang ito ng kamay, eh, paano na lang kung hinalikan na kita ng halik na pang "jowa"?" Ginaya nito ang term na ginamit niya kanina na may kalaki
"O-okay lang sa'yong may girlfriend kang mataba?" Sa halip na umoo agad dahil iyon naman talaga ang gusto niyang gawin ay tinanong niya iyon rito. Siyempre, iniisip niya rin ang kalagayan nito. Hindi ba nito ikakahiyang ipakilala siya bilang girlfriend gayong ang mga naging girlfriends nito ay puro
"You can be my girlfriend, if papayag ka ngayon." Muntik pa niyang maibuga palabas ang beer sa loob ng bibig niya dahil sa narinig. Nang malunok na nang tuluyan ang beer na hindi nabubulunan ay saka siya tumawa nang tumawa. Siya yata ang biglang nalasing kahit isang lata lang ng beer ang naubos n