Share

KABANATA 6: NOT A PROBLEM ANYMORE

"Yes! Wherever mommy goes, I'll go!" Kumikislap pa ang namimilog na mga mata ng batang lalaki habang sinasabi iyon na tumatalon-talon pa.

Jenna couldn't help but stare at him in amazement. Sa tuwing tinititigan niya ang mukha ng anak ay hindi niya mapigilan ang kagalakan ng puso. Hindi pa rin siya makapaniwala na iniluwal niya ang batang iyon na may mala-anghel na mukha.

"Okay, then let's pack up and go to the airport tomorrow afternoon."

"Yeah!" Excited pa rin na tumango-tango ang anak niya habang patakbong tinungo ang kwarto nito para mag-impake ng mga gamit.

Actually, nakaimpake na lahat ng mga gamit nila. Binibigyan niya lang ng pagkakataon na tingnan ng anak ang mga naiwang gamit at baka may mga gusto pa itong dalhin sa pag-alis nila, lalo na ang mga laruan nito. Sa dinami-dami kasi ng mga iyon ay imposibleng madadala nila ang lahat kaya't pinapipili niya lang ito sa mga iyon.

Napabuntung-hininga siya. Pinalayas at itinakwil siya ng ama six years ago. Ilang taon siyang naninirahan abroad, hindi dahil ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas, kundi dahil hindi pa rin siya matanggap ng pamilya sa anim na taong iyon.

Sa UK siya nanganak at pinalaki si Xavier. Ni hindi niya binanggit sa anak kung sino ang ama nito. Ngayong, mag-aanim na taon na ang bata ay nagsisimula na itong magtanong. Nakikita kasi ng anak ang mga kaklase nitong may mga ama. Nagtataka marahil ang anak kung bakit wala itong madalang "daddy" kapag may mga okasyon sa paaralan at kailangang dalhin ang mga parents.

Indirekta ang nagiging sagot niya sa anak sa tuwing nagtatanong ito tungkol sa daddy nito. Sinasabi niya lagi na sobra pa sa pagmahahal ng ama't-ina ang kaya niyang ibigay sa anak. Mabuti na lang at hindi na ito nangungulit pa ng sagot. Bagkus ay niyayakap siya nang mahigpit ng anak sabay sabi ng "I love you" sa kanya.

Sa tuwina ay nakakaramdam siya ng guilt pero alam niyang tama lang ang desisyon niya. Mas magiging kumplikado kung pipilitin niyang sagutin ang tanong ng bata. Babalik na naman siya sa bangungot ng kanyang nakaraan kung saan nabuo ang anak.

Isa iyon sa mga bagay na gusto niyang kalimutan kaya't nakakatulong din sa parte niya ang paninirahan malayo sa Pilipinas.

Ang tanging magandang naidulot ng gabing iyon ay ang anak niyang si Xavier.

Pagkalipas ng anim na taon ay kailangan na rin niyang bumalik ng Pilipinas kasama ang anak dahil sa trabaho. Gusto na rin niyang makita ang Papa niya kahit pa itinakwil siya nito.

After all, he is her father.

Three days later in the evening, at the international airport, tahimik na tinutulak ni Jenna ang cart na may mga gamit nila, habang ang anak na si Xavier ay nakaupo sa itaas ng cart, busy sa pagmamasid sa paligid. Hindi maikakaila ang curiosity sa mga mata ng anak habang nalilibang sa mga nakikita.

Nasa exit door na sila ng airport nang biglang may sumalubong sa kanilang dalawang lalaking naka-suit at leather shoes. Kung may suot pang dark shades ang mga ito ay magmumukha na itong mga Men in Black gaya nang sa palabas.

"Miss Alegria, pinadala kami ni Ma'am Conchita para sunduin ka. May naghihintay ng sasakyan para sa'yo."

Nabigla man sa hindi inaasahang mga sundo ay magalang na tumanggi siya.

"It's okay. We can grab a taxi, thank you."

Naisip niyang kailangan na niyang makaharap nang personal ang Ma'am Conchita na tinutukoy ng mga ito. Naaalibadbaran na rin kasi siya sa bigla na lang pagsulpot ng mga tauhan nito. Nawawalan na siya ng privacy.

Kailangan na niyang ipaintindi rito na hindi nito kailangang tumanaw ng utang ng loob sa kanyang ina sa pamamagitan niya.

Sa di kalayuan ay nakaupo sa loob ng kotse si Zian. Hindi niya inaalis ang mga mata sa babaeng kakalabas lang ng airport na siyang nilapitan ng mga tauhan nila. Napakunot-noo pa siya nang kausapin lang saglit ng babae ang mga ito saka tumalikod. Nakita pa nga niya nang mapakamot sa ulo ang isa sa mga lalaking sumalubong dito.

Hindi niya masyadong napagmasdan ang mukha ng babae dahil sa biglang pagtalikod nito.

So...

That's her, Jenna Alegria.

Ang akala niya ay excited na sasama agad ito nang salubungin ng mga bodyguards ng lola niya.

Sino ba naman ang makakahindi sa isang Conchita Escobar?

Natigil siya sa matamang pag-iisip nang biglang may lumapit sa isa mga lalaking sumalubong kay Jenna. Hinila ng bata ang manggas ng suot ng bodyguard at parang may sinabi.

Bigla namang napalingon si Jenna at mabilis na hinawakan ang kamay ng bata saka inakay paalis.

Maya-maya ay kinarga nito ang bata habang kinakausap nang masinsinan.

Wait a minute...

May anak ang babae?

Biglang may nabuhay na pag-asa sa dibdib niya. May asawa na yata o kaya'y may karelasyon nang iba ang babaeng gusto ng lola niyang pakasalan niya.

Bakit nga ba hindi sumagi sa isip niya ang posibilidad na iyon?

Maya-maya'y unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

Hindi na siya mahihirapang kumawala sa kagustuhan ng lola niya. Hindi na niya magiging problema ang pagpapakasal sa isang Jenna Alegria.

Maaari na niyang pagtuunan ng pansin ang responsibilidad niya kay Chelsea. Nagkita uli sila ng babae kanina. Ang plano niya ay sabihin na rito ang alok na pagpapakasal bilang kabayaran sa naging kasalanan niya six years ago.

Hindi niya alam kung bakit hindi rin niya nasabi iyon dito kanina. Alam niyang may pag-aalinlangan sa puso niya lalo pa't sumusulpot uli sa isip niya ang mukha ng babaeng minahal niya nang lubusan.

Si Heather

Kahapon lang din niya nalaman na babalik na ng Pilipinas ang babae. Ibinalita iyon ng isa sa mga mutual friends nila ng babae.

Mula nang umalis ang ex-fiancee ay nag-hire siya ng taong magbabalita sa kanya ng mga kaganapan sa buhay ng babae. Tatlong taon niyang sinubaybayan ang buhay nito. Natigil lang iyon nang malaman niyang engaged na ito sa naging nobyo nitong dayuhan sa Europe.

Ayaw na niyang pasakitan pa ang sarili kaya't hindi na siya nakikibalita pa tungkol kay Heather, pero hindi pa rin maiiwasang may mga naghahatid ng mga balita sa kanya lalo pa sa mga gatherings ng mga kaibigan nila ni Heather gaya kahapon.

Nalaman niyang hindi natuloy ang plano nitong pagpapakasal sa dayuhan. Hindi niya maikakaila na nabuhayan uli siya ng loob lalo pa at babalik na muli ang babae sa Pilipinas.

Pero paano si Chelsea?

Paano ang kasalanan niya rito na kasal sana ang magiging kabayaran niya?

Napatingin siya uli sa direksiyon ni Jenna na karga pa rin ang bata na parang inaalo ito.

Well, at least wala na siyang puproblemahin pa tungkol kay Jenna Alegria.

"Let's go!" Utos niya kay Arthur na siyang nagmamaneho ng kotse.

Mabilis na tumalima naman ang lalaki at nilisan na nga nila ang airport.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status