Share

KABANATA 7: LOOKING BACK

"Hey po, do you know who my father is?"

Mabilis na nilingon ni Jenna ang anak nang marinig ang boses nito. Hindi niya napansin na bumaba pala ito ng cart bago pa siya naglakad palayo sa mga lalaking sumalubong sa kanila sa airport.

"Xavier!" Agad na tawag niya rito sabay hawak sa kamay ng bata.

"Sorry," hinging paumanhin niya sa tauhan ni Mrs. Escobar.

"Mommy, I just-"

Agad na kinarga niya ang anak nang parang ayaw nga nitong paawat sa kakatanong sa lalaki. Nagulat din siya dahil iyon ang unang beses na nagtanong ang anak tungkol sa ama nito sa ibang tao.

"Xavier, you cannot just ask anyone about your... d-dad, okay?" Halos ayaw pang lumabas sa bibig niya ang salitang "dad".

Biglang lumungkot ang mukha ng bata.

"I thought they knew my dad because we're here in the Philippines already, Mom."

Imbes na sagutin agad ang anak ay hinalikan niya ito sa noo. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot dito. Alam niyang simula pa lang iyon at masusundan pa ang mga tanong nito lalo pa at nasa Pilipinas na sila. Kinumpirma niya kasi na nasa Pilipinas nga ang ama nito para may masagot man lang siya sa mga tanong nito tungkol sa ama.

"Mommy, I'm hungry."

Nalilito pa ang utak niya kung ano ang sasabihin sa anak. Mabuti na lang at ito na ang kusang nag-iba ng topic.

"Okay, let's eat first before we go home." Hinalikan niyang muli ito sa noo saka ibinaba.

Pumara siya ng taxi at nagpahatid muna sa bukas pa na kainan.

Mabuti at hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi nang marating nila ang Pilipinas.

Pagkakain ay agad na nagpahatid na siya sa tutuluyan nila ng anak.

Bago pa sila umuwi ng Pilipinas ay nakahanap na siya ng matitirhan nila ng anak sa tulong ni Kate, ang pinsan niya. Isa rin iyong maliit na condo malapit sa magiging office niya.

Napabuntunghininga siya nang maalala ang trabaho. Hindi naging madali ang buhay niya nang mapadpad siya ng UK. Mabuti at may malayong kamag-anak sila sa side ng ina niya na kumupkop sa kanya. Tumutulong siya sa mga gawaing bahay ng kamag-anak habang nag-aaral din siya ng short course ng designing.

Iyon ang napili niya dahil mahilig siya sa pagdi-design ng mga damit dati pa. Mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon niya nang malaman niyang buntis siya.

Talaga nga yatang pinaglaruan siya ng tadhana nang mga panahong iyon dahil nag-iwan pa talaga ng ala-ala ang pangyayaring pilit niyang kinakalimutan.

Halo-halong emosyon ang naramdaman niya nang malamang nagbunga ang karahasan ng lalaking isinusumpa niya, mas lamang ang galit niya lalo na kina Chelsea at Amanda.

Hindi talaga siya nagsumbong sa pulis dahil ayaw niyang makaladkad ang pangalan ng ama sa iskandalong iyon. Sa katunayan ay maaari pa niyang dalhin ang mga pulis sa kwarto kung saan nanatiling walang malay ang lalaking bumaboy sa kanya.

Ayaw niyang tumatak sa utak niya ang pagmumukha ng lalaki kaya't ni hindi man lang niya binuksan ang ilaw para tingnan ang hitsura nito.

Kahit nangangapa sa dilim ay pinilit niyang magbihis para makalabas agad ng kwarto habang nanatiling walang kakilos-kilos ang lalaki. Marahil sa sobrang kalasingan kaya't nawalan ito ng malay pagkatapos nitong angkinin siya nang sapilitan.

Bakit hindi na lang ito nawalan ng malay bago pa man nito naisakatuparan ang lahat?

Napalingon siya kay Xavier. Diyata't may dahilan ang lahat. Pinahintulutan yata ng tadhana na mangyari ang dapat mangyari para dumating sa buhay niya si Xavier.

Napangiti siya sa kabila ng mapait na ala-ala. Ni hindi sumagi sa isip niya na ipalaglag ang nasa sinapupunan niya kahit pa mangangahulugan iyon ng panghabang-buhay na pagtakwil ng ama sa kanya.

Siguradong mas isusuka siya nito bilang anak kapag nalamang nagkaanak siya at wala man lang maipakilalang ama ng bata. Lalong iigting ang mga maling akala nito sa kanya na itinanim ng stepsister niyang si Amanda at ng dating kaibigan na si Chelsea.

Kahit nasa malayo siya ay ilang beses siyang kumukontak sa ama pero lagi ay ayaw nitong tanggapin ang kanyang tawag. Wala siyang itinanim na galit para rito. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito bilang ama.

Hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na pakikinggan siya nito para maituwid niya ang mga maling iniisip nito sa kanya.

Sa ngayon ay magfo-focus muna siya sa trabaho niya. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa Glamour Fashion.

Naging matalik na kaibigan niya ang isa sa mga naging kaklase sa designing course at nagta-trabaho na ito sa Glamour Fashion nang panahong iyon.

Nang matapos niya ang associate degree for designing ay sumubok siyang mag-apply sa Glamour Fashion na sikat din sa UK. Nabigyan siya ng part time job lang pero makalipas ang isang taon ay inabsorb na rin siya ng kompanya dahil naging mabenta ang designs niya.

Ngayon nga ay hindi siya makahindi nang alukin siya ng kompanya na lumipat sa Pilipinas dahil nagpatayo sila ng branch sa bansa. Isa siya sa mga napili na ma-relocate dahil na rin sa kaalaman na isa siyang pinay. Magiging advantage daw kasi iyon lalo at taga Pilipinas siya.

Malaki ang itataas ng sweldo niya kaya't pumayag na rin siya.

Ang totoo rin kasi ay masidhi ang kagustuhan niyang makabalik ng Pilipinas lalo pa at nalaman niya na may dinaramdam ng sakit ang ama. Nakikibalita kasi siya lagi sa pinakamalapit niyang pinsan na si Kate.

Napag-alaman niyang halos kalahati ng mga negosyo nila ay sina Amanda at Zenaida na ang namamahala.

Wala naman siyang pakialam na sa mga ari-arian ng ama. Mas iniisip niya ang kalusugan nito kaya't ipinagpasalamat na rin niya na hinahayaan na nitong tulungan ito ng iba sa pamamahala ng mga negosyo nito.

Sa susunod na linggo na agad siyang magsisimula sa trabaho niya. Mag-iisang taon na ang Glamour Fashion sa Pilipinas nang alukin siya ng kompanya na lumipat sa branch nila sa Pilipinas.

Agad na pumatok ang mga designs ng Glamour Fashion sa Pilipinas kahit kakasimula pa lang nito sa bansa. Gusto ng kompanyang i-introduce ang designs niya sa sariling bansa dahil naniniwala sila na mas lalong papatok iyon dahil na rin mas alam niya ang taste ng mga Pinoy.

Sa Europe ang main branch ng Glamour Fashion at nabalitaan niyang may mga Filipino models ng company ang ipapadala rin ng kompanya na siyang gagawing models ng mga gawa niya.

Kahit kakarating pa lang ay agad na sumabak na siya sa trabaho nang mapatulog na si Xavier.

Tiningnan niya ang design ng isang gown na di niya matapos-tapos. Kailangang maging mabusisi siya sa design na iyon dahil iyon ang gown na isusuot ng main model sa Europe ng kompanya.

Iyon ang gown na isusuot ni Heather Phillips. Isang half Filipina, half American model na uuwi rin ng Pilipinas sa taong iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status