"Just wait in my office," sabay talikod na sabi ng babae. "Wait, should't I be here also?" Pahabol na tanong niya bago pa man ito nakalayo sa kanya para bumalik sa loob. Nasa bukana pa rin kasi sila ng pintuan. Mabuti na lang at nasa bagong CEO na ng kompanya nakatuon ang atensiyon ng lahat. Nakataas ang kilay na humarap uli sa kanya ang babae. "Why? Are you expecting an introduction as well just because you're new here?" Nakakaloko pa ang pagngiti nito sa kanya. Mula nang lisanin niya ang tahanan nila ay natuto na rin siyang maging palaban. Wala kasi siyang ibang aasahan na magtatanggol sa kanya at sa anak niya kundi sarili niya lamang. Naging masyadong mabait na siya dati at hindi maganda ang naging resulta no'n. Sa katunayan ang pagiging masyadong mabait pa nga niya ang dahilan kung bakit may kinimkim na galit ang dalawang taong itinuring niyang mga kapatid dati. "I'm also an employee here, Miss Malnegro. I believe I should also be here welcoming our new CEO." Walang anu
Ngani-ngani na niyang patulan ang babae pero pinigilan niya lang ang sarili dahil boss pa rin niya naman ito.Hindi naman big deal sa kanya ang pakikipagpalit nito ng office sa kanya. Baka nga naman kasi nagkamali lang ng bigay sa kanya. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang paraan ng pagpapaalis nito sa kanya sa office na para bang nagpapaalis ng aso.Huminga muna siya nang malalim bago bumalik sa mesa para ligpitin ang mga gamit niya roon."Before you go to your office, make me coffee first." Walang anumang sabi ng babae sa kanya.Aba't ginawa pa siyang personal alalay nito!Nagtatalo ang isip niya kung gagawin nga ang iniutos nito. Hindi niya naman kasi trabaho ang pagsilbihan ito. Sa huli ay napili niyang mas habaan pa ang pasensiya para wala nang dumagdag na gulo sa unang araw niya sa trabaho.Nang mailigpit ang nga gamit ay inilagay niya muna sa isang upuan ang mga iyon saka pumunta sa gilid kung saan may nakita siyang nakahanda nang brewed coffee. Naglagay siya sa isang baso at
Gusto niyang maging productive sa unang araw ng trabaho niya sa Pilipinas sa kabila ng hindi magandang simula nila ng senior niyang si Paula. Habang busy ang dalawang utility staff na lalaki sa kakahakot sa mga gamit ni Paula para ilipat sa opisina niya sana ay hinila niya ang isang upuan at pumuwesto sa gilid ng desk do'n. Inilabas niya ang mga designs na itinabi niya lang dati dahil hindi niya masyadong feel ang mga iyon. Inisa-isa niyang tingnan ang mga iyon para makakuha ng idea sa isang gown na pinagtutuunan niya talaga ng panahon sa ngayon para kay Heather Phillips.Kahit nakaka-distract ang paglabas-pasok ng dalawang tauhan habang may mga bitbit ay pinilit niyang mag-concentrate sa mga designs na inilapag niya sa desk.Hindi pa pumasok muli si Paula mula nang umalis ito kanina. Marahil ay busy ito sa mga gamit na naiwan pa sa dating office nito.Ilalabas na niya sana ang pinakaiingatang design ng gown dahil may nakuha siyang idea nga mula sa mga draft designs niya nang walang
Buong araw nga siyang nasa pantry nakatambay. Do'n na rin siya kumain ng lunch. Hinintay niyang tawagan siya ni Paula upang ipaalam kung pwede na siyang lumipat sa magiging opisina niya pero isang oras na ang lumipas pagkatapos ng lunch ay hindi pa rin ito kumontak sa kanya.Napagpasyahan niyang puntahan ito sa opisina nitong bago para tanungin kung maaari na siyang lumipat sa dating opisina nito.Kumatok muna siya ng tatlong beses sa pinto. Narinig niya ang boses nito para papasukin siya. Tantiya niya ay wala pa rin ito sa mood base sa tono ng boses nito.Nakaupo ang babae sa harap ng mesa nito habang busy pa rin sa pag-aarrange ng mga gamit nito roon.Hindi maikakaila na lalong nawala ito sa mood nang makita siya."So you have the nerve to come back now? I thought you went home at nag-alsa balutan para bumalik ng UK. You shouldn't have come back here in the Philippines." Malditang sabi nito na ibinalik nang muli ang atensiyon sa ginagawa.Naisip niyang huwag nang patulan pa ito kay
Hindi niya tuloy alam kung saan didiretso nang pumasok na siya kinabukasan. Hinanap niya na lang din ang dating opisina ni Paula at umaasang nailipat na nito lahat ng mga gamit nito sa bagong opisina.Nakita niyang pangalan pa rin ng babae ang nakalagay sa pinto. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero naka-lock iyon.Napahinga siya nang malalim. Kaaga-aga pa at sisirain na agad ng senior designer ang araw niya. Isang oras pa bago ito papasok kaya't malamang sa pantry na naman siya maglalagi.Nakita niyang may mga empleyado na ring ando'n at hindi maiiwasang mapapatingin sa kanya ang mga ito. Alam ng lahat na siya ang bagong salta sa kompanya. May ibang nginingitian siya, meron namang hindi namamansin.Pumuwesto na agad siya sa sulok na mesa ng pantry. Agad na inilabas ang mga initial designs na isa-submit kay Paula mamaya. Nang buksan niya ang bag ay nakita niya ang nameplate para sa desk kaya't inilapag niya muna sa mesa iyon para mailabas ang ang hinahanap sa ilalim ng bag. Nakali
Nang bumalik siya ng opisina ni Paula ay naabutan niya itong parang naiinis habang kausap ang mga staff na inaalis ang mga gamit nito. "Who told you to bring my things back to my old office? Inutusan ko ba kayo?" Kahit gigil na gigil ang boses nito ay hininaan lamang nito sa takot na baka marinig ni Zian sa kabilang opisina. Maaaring hindi alam ng babae na soundproof ang office na iyon. Natigilan ang dalawang may mga bitbit na gamit saka nagkatinginan. Bakas sa mukha ng mga ito ang kalituhan at takot dahil sa galit na babae. "Napag-utusan ho kami ng-" "I want to talk to whoever that person is!" Medyo lumakas na konti ang boses nito. "Just continue what you're doing." Napalingon sila lahat sa pinanggalingan ng boses. Sa narinig ay tuluyan na ngang lumabas ng opisina ang mga lalaki bitbit ang mga gamit ni Paula. Saglit lang ang pagkatigagal ni Paula saka ito napilitang ngumiti at lumapit kay Zian. "I think there was a slight misunderstanding here, Mr. Escobar. I will han
Kanina pa siya hindi mapakali habang iniisa-isang tingnan ni Zian ang isang folder na puro designs niya. Tatlong araw mula nang pirmahan niya ang bagong posisyon bilang Senior Designer ay saka lang niya uli nakita ang lalaki.Inaamin niya na sa loob ng tatlong araw na iyon ay ilang beses ding napapadako sa bakanteng opisina nito ang mga mata niya, nagbabakasakaling makita uli ito roon.Alam niyang sa dami ng inaasikasong negosyo ng pamilya nito ay inaasahan na niyang hindi ito palaging makikita sa opisina. Kahit pa man ay hindi niya maintindihan kung bakit laging umaasa ang sarili niyang makikita itong pumasok kahit saglit lang.Sa pagbabalik nga nito pagkatapos ng tatlong araw ay ipinatawag agad siya ng lalaki sa opisina nito. Nakakunot ang noo nito habang matamang tinitingnan isa-isa ang mga designs niya.Ngayon lang siya kinakabahang muli nang gano'n. Hindi niya kasi mawari sa expression ng mukha nito kung nagugustuhan ba nito ang mga nakikita.Nang sa wakas ay nasa huling design n
Kinuhang muli ni Zian ang kaheta ng singsing sa loob ng box na nasa mesa niya. Binuksan niya iyon saka kinuha ang singsing sa loob.Hindi niya inaasahan ang mabilis na pagtanggi ni Jenna Alegria sa proposal niya. Ang akala niya kasi ay magniningning ang mga mata ng babae katulad ng mga brilyanteng nakapalibot sa singsing kapag narinig ang alok niyang kasal.Napatawa siya nang mahina sa sarili.Alam niyang hindi naman siya nagyayabang sa naisip na iyon. Base kasi sa reaksiyon ng babae sa tuwing nagkakaharap sila ay umaasa siyang susunggaban agad nito ang alok niya.Akala niya ay hindi siya mahihirapang ialok ang kasal na iyon kay Jenna lalo pa't ilang beses itong nakatulala sa mukha niya gaya nang halos lahat ng mga babaeng nakakasalamuha na niya.Napatingin siya glass wall na dingding nila. Nakita niyang hindi maipinta ang mukha nito kahit pa nga busy ito sa ginagawang trabaho.Ni hindi sumagi sa isip niya na may babaeng maba-bad trip kapag inalok niya ng kasal. Mukhang gano'n kasi an
Inis na pumiksi siya. "You don't own me, Zian! Huwag mo akong pakialaman kung in love pa rin ako sa isang gago. Dahil pa rin ba ito sa lintek na "utang na loob" na iyan? Please lang! Once na bumalik kami ng UK, tantanan ninyo na kami ng anak ko. Huwag ninyo nang ipagpilitang bayaran ang utang na loob ninyo sa ina ko dahil mas ginugulo ninyo lang ang buhay namin ng anak ko." Pagkasabi no'n ay nagmamadaling umalis na siya sa harap nito."What? Babalik kayo ng UK?" Iyon lang yata ang tumatak sa utak ni Zian sa lahat ng sinabi niya.Napatigil siya sa paglakad at nilingon ito."Yes.""Kasama ang ama ni Xavier?" Napatiim-bagang ito nang itanong iyon."Yes." Mabilis na tugon niya.Biglang nakita niya ang galit sa mukha nito habang malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kanya."Don't make a fool of yourself, Jenna. Bakit mo babalikan ang taong inabandona kayo nang ilang taon?" Mahina man ang pagkakasabi no'n ay dinig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito, ngunit hindi siya natinag. Bagkus a
Katatapos lang niyang mag-shower. Napatingin siya sa ibinigay na damit ni Zian na nasa ibabaw ng kama.Isang malaking shirt at boxers iyon na pag-aari nito. Kahit kakaligo lang niya ay nag-init ang pakiramdam niya sa isiping ang damit nito mismo ang susuotin niya.May kung anong intimate feeling kasi na binibigay iyon. Kinuha niya ang white shirt nito saka inamoy muna. Ang bango ng damit nito.Tinanggal niya ang pagkakabuhol ng towel na nakatapis sa katawan niya at hinayaan lang iyong bastang mahulog sa sahig.Sinuot niya ang shirt na hawak. Sumunod ay ang boxers ng lalaki. Natawa pa siya dahil maluwang iyon. May nakita siyang rubberband at itinali ang gilid ng boxers para huwag mahulog.Pinulot niya ang towel saka isinampay iyon sa loob ng banyo. Nang lumabas uli ng banyo ay dumiretso siya sa kabinet na may malaking salamin. Tiningnan niya ang sarili habang suot ang damit ni Zian.Napangiti siya pero nang maalala ang tagpong nakita kanina sa parking lot ay bigla ring nawala ang ngiti
"I said we should stop this. We can just tell them that we decided to cancel the wedding 'cause we broke up. Let's just let them assume that we had a misunderstanding because of Heather, your ex-fiancee," nagtuloy-tuloy na ang bibig niya. Huli na para bawiin niya ang sinabi. Ilang segundo itong hindi umimik at dama niya ang pagtitig nito sa kanya kahit nanatili lang ang mga mata niya sa harap ng sasakyan. Hindi pa rin nito pinaandar iyon. "So this is about Heather?" Maya-maya ay tanong nito na mas kumalma na ang boses. Ewan niya kung imagination lang niya ang nahimigan niyang amusement sa boses nito. Bigla siyang napatingin dito. Di nga siya nagkakamali dahil may amusement siyang nakita sa mga mata nito. "Of course not! What I mean is, hayaan na natin silang mag-speculate na baka iyon ang rason bakit nagkahiwalay tayo. Baka pwede na rin nilang i-connect ang pag-alis mo sa kompanya sa pag-aaway natin kaya't magandang timing na tapusin natin itong pagkukunwari natin-" "Were you
Pagkatapos ng event ay may malaking after party sa same venue. Kung ano ang suot niyang gown sa designer's walk niya ay iyon na ang suot niya hanggang sa party dahil wala na siyang panahong magbihis ulit.Dinumog na siya ng mga dumalo sa event na iyon para i-congratulate. Ilang sikat na designers ang kusang nagpakilala sa kanya sa party. Si Zian ay hinayaan siyang makahalubilo ang mga bisitang namangha sa mga gawa niya. Kasama nito ang pamilya niya sa isang mesa."Jenna, that was a surprise! You looked so amazing with your designs. I don't know what happened, but I'm so glad you were the one who modeled your works," masayang bati ni Patrick sa kanya."Thanks, Patrick. It was a sudden decision we need to make. I'll tell you everything once we have the time." Iyon lang ang sinabi niya dahil kahit ito ay kailangang harapin ang iba pang kliyente. May mga pinakilala rin ito nang personal sa kanya na interesado sa mga gawa niya.Nang mapatingin siya sa direksiyon ni Zian ay kausap din nito
Nakataas ang kilay niya habang papasok sa isang maliit na cafe. Pagkatapos nitong hindi makontak at hindi nagpakita nang matagal ay basta na lang nag-text si Chelsea na makikipagkita sa kanya sa isang cheap na lugar.Iniwan na ba ito ng sugar daddy nitong mayaman na hindi man lang niya nakita? Plano na naman ba nitong mangutang sa kanya?Mas lalong tumaas ang isang kilay niya sa naisip. Agad na inilibot niya ang mga mata sa loob ng maliit na lugar. Agad na nakita niya ang babaeng nakasalamin pa sa mata kaya't di makikita ang mga mata nito.Mabilis niya namang nakilala agad si Chelsea kaya't lumapit na siya sa kinauupuan nito."Why here? Why can't we go somewhere else?" Parang nandidiring sabi ni Amanda nang makaupo sa harap ni Chelsea."Wala bang nakasunod sa'yo?" Palinga-linga pa si Chelsea sa likod niya habang hindi inaalis ang salamin sa mga mata."Are you a wanted person, girl?" Natatawang tanong niya dahil sa inakto ng babae.Nang makitang wala ngang nakasunod ay saka hinubad ni
Habang inaayusan siya ng makeup artist na kasama sa team ni Gina ay hindi rin niya inaalis ang mga mata sa malaking TV kung saan ay nakikita niyang rumarampa na si Heather. Suot nito ang isa sa mga designs ni Paula.Parang gusto niyang umatras sa gagawin. Nakaka-intimidate ang paglakad ni HeatherSiyempre dahil professional model iyan at international pa! Komento ng utak niya.Pinagsalikop niya ang nanlalamig na mga kamay dahil pagkatapos ng mga designs ni Paula ay designs na niya ang susunod, na siya mismo ang magsusuot at rarampa sa stage.Hindi kaya siya magkalat sa runway? Baka mas magiging kahiya-hiya ang gagawin niya?"Jenna, you'll be fine. Nakita kita habang nagpa-practice ka kaya't alam kong kaya mo ito. Isipin mong magiging sampal ito kay Heather sa plano niyang sabotahe sa'yo," mahinang bulong ni Gina na hinawakan pa ang dalawang kamay niya.Napansin yata nito ang pagkabahala niya habang nakatutok sa screen. Medyo nakatulong ang sinabi nito kaya't napatingin siya sa babae a
Daig pa yata niya ang mga modelong rarampa sa gabing iyon. Ilang araw na iyong kaba na nararamdaman niya. Kabado siya na excited na ewan.Dadalo sa gala event ang ama niya pati na si Zenaida. Alam niyang napipilitan lang ang madrasta niya dahil kailangan nitong samahan ang asawa nito.Nasa backstage siya kasama ang mga designers, makeup artists at iba pang mga modelong kasali sa event.Bibigyan sana siya ni Patrick ng sariling dressing room pero tumanggi siya dahil alam niyang mas kakabahan siya kapag walang ibang nakikita. Isa pa, ilang minuto lang naman na pagrampa ang gagawin niya at nasa last part pa iyon.Si Heather ay alam niyang may sariling dressing roon kaya't hindi niya nakikita ang modelo.May malaking TV sa kinaroroonan nila kaya't makikita ang mismong stage sa event na iyon.Lumabas muna siya para salubungin ang Papa niya at ang anak dahil kadarating lang daw ng mga ito.Naka-casual dress lang muna siya at mamaya pa niya susuotin ang napiling damit para sa designer's walk
Hindi pa man niya naipasok ang susi sa door knob ay agad nang bumukas ang pinto ng condo niya.Sumalubong agad ang nakakunot-noong si Zian habang karga si Xavier."Uncle Pat!" Masayang bati ni Xavier nang makitang si Patrick sa tabi niya."Wow! You've grown so much pero nagpapakarga ka pa rin," nakangiting sabi ni Patrick.Mabilis na bumaba si Xavier sa pagkakakarga ni Zian. "Nope, I'm a grown up now, Uncle Pat. Daddy, just missed me so much," agad na depensa ni Xavier.Natawa naman si Patrick sa tinuran ng anak. Sila ni Zian naman ay tahimik lang na nagpapakiramdaman. Ilang araw nga ba naman silang hindi nagkita. Napansin niya agad ang mumunting bigote nitong nagsimula nang tumubo.Parang ilang araw itong hindi nakapag-shave or sinadya nito iyon. Ewan niya."I got you gifts, Xavier." Itinaas pa ni Patrick ang dalawang malalaking plastic bags na dala."Oh, thank you, Uncle!" Papasok na sana siya pero nakaharang sa may pinto ang malaking katawan ni Zian na parang walang balak umali
Pinakiusapan niya si Patrick na kung pwede ay pagkatapos ng schedule ng practice ni Heather ang schedule niya. Sinabi niya lang sa kaibigan na hindi niya maiwasang mailang sa presensiya ni Heather knowing na muntik na rin itong ikasal kay Zian. Nilinaw rin naman niya kay Patrick na maayos ang pakikitungo ng model sa kanya at siya ang lang ang nakakaramdam ng pagkailang. Mabuti at naayos nito ang schedule niya sa runway coach dahil ang sabi ni Patrick ay hindi rin alam ng kompanya na may spotlight siya bilang designer sa gala night. Gusto nitong maging special intermission iyon sa lahat ng mga dadalo. Kahit pa nga ang mga modelong kasali pati na si Heather ay hindi alam iyon. Kaya ang ginawa ni Patrick ay kumuha ng ibang coach para sa kanya at isang oras kada matapos ang work hours niya ang schedule ng practice niya sa runway stage. Laking pasasalamat niya sa kaibigan. Nagtaka naman siya nang sa unang araw ng practice ay siya lang at ang fashion coach niya ang ando'n. Akala niya k