Naalimpungatan si Jenna sa malalakas na katok sa munting apartment niya. Masakit man ang ulo ay napilitan siyang bumangon para tingnan kung sino ang kumakatok. Napakunot-noo pa siya nang makita ang dalawang lalaking naka-formal attire sa labas ng pinto ng apartment niya.
"Yes?"
"Excuse us, are you Miss Jenna Alegria?"
"Yes?" Mas lalong kumunot ang noo niya lalo pa't hindi siya sanay na may naghahanap sa kanya sa banyagang lugar na iyon, obviously ay Pinoy din ang naghahanap sa kanya.
Pinapahanap na ba siya ng ama? Biglang parang gustong mawala ng lahat ng hinanakit niya sa puso para rito.
"Madam Conchita Escobar spends a lot of time and money trying to locate you. We believe you are Kristine Alegria's daughter, right?"
Bakit kilala ng mga ito ang ina niya?
Lagi niyang nababasa ang pangalan ni Conchita Escobar. Natatandaan din niyang laging laman ng balita ang mga naglalakihang negosyo ng matandang babae pero hindi niya ito personal na kilala. Kahit na may maraming negosyo rin ang ama niya ay malayo pa rin ang agwat ng kayamanan ng pamilya nila sa pamilyang Escobar.
Bakit hinahanap siya ng isang Conchita Escobar? At ano ang kinalaman ng pagiging anak niya ni Kristine Alegria?
Nabasa yata ng lalaki ang mga katanungan sa mukha niya.
"Ang ina mo ang nagligtas sa buhay ng paboritong apo ni Madam Conchita."
"A-ang Mama? Alam ninyo kung saan ko makikita ang Mama?" Biglang nabuhayan siya ng loob.
Sinilip pa niya ang likod ng dalawang lalaki at nagbabakasaling kasama ang ina niya.
Nagugulumihang nagkatinginan ang mga ito.
"Hindi ninyo ba alam na matagal nang patay si Kristine Alegria? Iniligtas niya ang buhay ng bata pa noon na si Sir Zian na masasagasaan na sana ng isang kotse. Kung hindi siya hinila ng ina mo at itinulak ay namatay na sana ang apo ni Madam Conchita. Ang nakakalungkot lang ay ang ina mo ang nasagasaan na ikinamatay niya. Sobra dalawampung taon na ang lumipas."
Parang bombang sumabog sa tenga niya ang mga narinig.
Patay na ang Mama niya?
All these years ay umaasa siyang makikita pa ang ina. Matagal na niya itong pinatawad sa pag-iwan sa kanila kung sakaling totoo ngang sumama ito sa ibang lalaki.
Hindi ba hinanap man lang ng ama ang ina? Alam ba nitong patay na ang Mama niya?
Ang daming tanong...
Napatitig siya sa dalawang lalaki sa harap niya. Maibibigay ba ng mga ito ang mga kasagutan tungkol sa ina niya?
"Gusto ka pong makausap nang personal ni Madam Conchita, Miss Alegria."
Matagal na hindi siya umimik dahil sa kalituhan. Ilang segundo rin bago niya nahanap ang boses.
"Sorry, ayaw ko siyang makaharap. Hindi naman ako ang sumagip sa apo niya." Sa tingin niya ay gustong tumanaw ng utang na loob ng matanda, at ayaw niyang tanggapin iyon.
"Mommy, who is it?" curious na tanong ng anak.
"It's okay," mabilis na bumaling siya uli sa mga hindi inaasahang panauhin sa labas, bago pa man mapagmasdang mabuti ni Xavier ang mga lalaki at magtanong pa.
"If it's okay with you both, I'm not feeling too good right now."
Agad na isinara niya ang pinto nang hindi na hinintay pang sumagot ang mga ito.
Sa Pilipinas, sa loob ng marangyang mansiyon, kunot na kunot ang noo ni Zian habang nakikinig sa kausap sa telepono.
"May bagong impromasyon ba kayo?"
"Nakita po namin ang singsing na iyon sa online market. Hinahanap na namin ang pagkakakilanlan ng nagbenta."
"Buy the ring and get her details!" Magkahalong emosyon ang kalakip ng demanding at authoritative na boses na iyon.
"Okay, Sir Zian, may mga kinakalap na po kaming impormasyon tungkol sa babae."
Wala sa loob na ibinaba na niya ang teleponong hawak.
Kahit mapusyaw ang ilaw sa kwarto ay maaaninag pa rin ang gwapong mukha ng lalaki na para bang isang Greek god na naligaw sa lupa. Hindi naitago ng mamahaling suot nito ang naglalakihang muscles ng lalaki. Kusa itong bumabakat sa tela ng branded na damit.
May hindi maarok na kalamigan ang mababanaag sa mga mata ni Zian Walton Escobar habang paulit-ulit na naririnig ang matigas at demanding na boses ng lola sa isip niya, "Zian, kailangang pakasalan mo si Jenna Alegria. Sa pamilyang Escobar, siya lang ang tatanggapin ko bilang asawa mo."
Habang umaalingawngaw pa rin ang boses ng lola niya na binabanggit ang pangalan ni Jenna Alegria, ibang imahe ng babae naman ang nasa utak niya. Hindi man niya makikita sa imahinasyon ang mukha ng babae dahil sa dilim na bumabalot ay alam na alam naman ng utak niya ang pigura ng babaeng inangkin niya sa dilim.
Sa gabing iyon ay pilit niyang nilulunod ang sarili sa alak dahil sa pagtalikod ni Heather sa kanilang kasal sana. Hindi man lang nagpaalam nang personal ang babae sa kanya bago ito lumipad patungong Europe. Idinahilan nito na hindi pa ito ready na magpakasal dahil marami pa itong gustong mangyari sa buhay.
Gusto niyang magwala nang panahong iyon kaya mag-isa siyang pumunta at nagpakalasing sa isang bar na hindi na niya matandaan kung paano siya napadpad do'n. Dahil na rin nasaktan ang pagkalalaki niya ay inutusan pa niya ang lalaking nakilala lang sa bar na iyon na dalhan siya ng babae sa kwarto.
Ni hindi na niya maalala ang buong pangyayari maliban sa putol-putol na alaala ng babaeng iyon na nasa ilalim ng katawan niya habang umiiyak. Paulit-ulit itong nagmamakaawa sa kanya.
Ang buong akala niya ay isa itong babaeng bayaran kaya't hindi niya alam kung bakit nagmamakaawa ito nang angkinin niya.
Malabo na agad ang mga pangyayari pagkatapos no'n. Basta ang alam lang niya ay ibinigay niya sa babae ang wedding ring na sana ay ibibigay niya kay Heather sa araw ng kasal nila. Ipinasadya niya talaga ang singsing na iyon para sa kasintahan pero dahil nilayasan siya nito ay naisipan niyang ibigay sa babae at bigla ay nawalan na siya ng malay pagkatapos.
Anim na taon na ang lumipas mula nang mangyari iyon, at hindi siya tumigil sa paghahanap sa babaeng ni hindi niya alam ang mukha. Ang tanging meron siya ay ang alaala ng malambot na katawan nito.
Last week lang din niya nalaman na ang singsing na ibinigay niya rito ay ibinenta sa isa sa mga naglipanang second-hand market online.
Kung kailan mayroon na siyang lead na pwedeng sundan para ma-track ang babae ay saka naman paulit-ulit na ipinagpipilitan ng lola niyang si Conchita Escobar na pakasalan niya si Jenna Alegria.
Sino nga ba si Jenna Alegria? Ni wala siyang ideya kung ano ang hitsura ng babae. Hindi rin pamilyar sa kanya ang angkan na kinabibilangan nito.
Bakit bigla ay gustong pakialaman ng lola niya ang tungkol sa pagpapakasal niya? Ano'ng meron ang isang Jenna Alegria para ipilit ng matanda na pakasalan niya ito?
Naputol lang siya sa malalim na pag-iisip nang biglang tumunog muli ang phone niya.
"Hello."
"Sir Zian, nakita ko na ang babaeng pinapahanap mo. Ang pangalan niya ay si Chelsea Rivera. Galing sa kanya ang singsing na ibinibenta online."
"Ibigay mo sa akin ang address niya." Hindi niya mapigilan ang excitement na nararamdaman, lalo pa at may pangalan na siya ng babaeng hindi nagpatahimik sa kanya sa loob ng limang taon.
Sa wakas ay mahahanap niya na rin ang misteryosong babae.
Kailangan niya itong makita sa lalong madaling panahon!
Kailangan niyang bumawi sa malaking kasalanan niya rito kahit pa nga sabihing hindi niya kagustuhan ang nangyari sa kanila nang gabing iyon.
Sa tingin niya kasi ay hindi ito isang bayarang babae lalo pa at paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang paghikbi nito pagkatapos niya itong maangkin.
Kamuntik nang mag-file ng bankruptcy si Chelsea dahil mula nang i-take over niya ang boutique na iyon ay hindi man lang ito nakaka-recover. Napilitan na siyang magbenta ng ibang mga gamit para lang maisalba ang boutique.Matagal na niyang pangarap ang makapundar ng sariling business. Hindi naman kasi gano'n kayaman ang pamilya nila. Isa sa mga naibenta niya ay ang singsing na nakita sa kwartong nireserba niya sa Majestic Inn, anim na taon na ang nakalipas.Ayaw na niya sanang bumalik do'n pero tinawagan siya ng manager ng inn na personal niyang kakilala. May nakita raw kasi itong singsing sa loob ng kwarto. Iniisip kasi nitong baka engagement ring niya iyon. Kinuha niya ang singsing at isinilid agad sa bulsa nang hindi man lang ito tinitingnang mabuti. Nakatuon kasi ang utak niya sa pangyayari sa kwartong iyon. Basta na lang niyang nilagay sa drawer ang singsing at hindi na sinilip pa sa loob ng anim na taon.Nahalughog niya lang ito nang maghanap siya ng mga alahas na pwede niyang m
Sa loob naman ng sasakyan ay agad na napasandal si Zian. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa at sa wakas ay nakita na niya ang babaeng hinanap sa loob ng anim na taon ay kabaliktaran ang nararamdaman niya. Bakit parang iba ang babaeng iyon sa babaeng laging nasa alaala niya? Why did he feel different? Or has she changed after six years? "Saan tayo, Zian?" Sinilip pa siya ni Arthur mula sa rearview mirror ng kotse. Kapag sila lang dalawa ay first name basis ito sa kanya. Anak si Arthur ng isa sa mga katiwalang matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Pinaaral nila ito at nang makatapos nga ay ito ang nagboluntaryong maging assistant niya kahit saan. Alam niyang may mga magagandang oportunidad itong natanggap na hindi na kailangan pang manatili sa pamilya nila para manilbihan. Siya mismo ang nagtulak sa lalaki na tanggapin iyon dahil hindi naman nila inoobligang magtrabaho pa sa kanila si Arthur, pero si Arthur ang nagpumilit na manatili sa kanila. Sa tingin niya a
"Yes! Wherever mommy goes, I'll go!" Kumikislap pa ang namimilog na mga mata ng batang lalaki habang sinasabi iyon na tumatalon-talon pa. Jenna couldn't help but stare at him in amazement. Sa tuwing tinititigan niya ang mukha ng anak ay hindi niya mapigilan ang kagalakan ng puso. Hindi pa rin siya makapaniwala na iniluwal niya ang batang iyon na may mala-anghel na mukha. "Okay, then let's pack up and go to the airport tomorrow afternoon." "Yeah!" Excited pa rin na tumango-tango ang anak niya habang patakbong tinungo ang kwarto nito para mag-impake ng mga gamit. Actually, nakaimpake na lahat ng mga gamit nila. Binibigyan niya lang ng pagkakataon na tingnan ng anak ang mga naiwang gamit at baka may mga gusto pa itong dalhin sa pag-alis nila, lalo na ang mga laruan nito. Sa dinami-dami kasi ng mga iyon ay imposibleng madadala nila ang lahat kaya't pinapipili niya lang ito sa mga iyon. Napabuntung-hininga siya. Pinalayas at itinakwil siya ng ama six years ago. Ilang taon siyang
"Hey po, do you know who my father is?"Mabilis na nilingon ni Jenna ang anak nang marinig ang boses nito. Hindi niya napansin na bumaba pala ito ng cart bago pa siya naglakad palayo sa mga lalaking sumalubong sa kanila sa airport."Xavier!" Agad na tawag niya rito sabay hawak sa kamay ng bata."Sorry," hinging paumanhin niya sa tauhan ni Mrs. Escobar."Mommy, I just-"Agad na kinarga niya ang anak nang parang ayaw nga nitong paawat sa kakatanong sa lalaki. Nagulat din siya dahil iyon ang unang beses na nagtanong ang anak tungkol sa ama nito sa ibang tao."Xavier, you cannot just ask anyone about your... d-dad, okay?" Halos ayaw pang lumabas sa bibig niya ang salitang "dad".Biglang lumungkot ang mukha ng bata."I thought they knew my dad because we're here in the Philippines already, Mom."Imbes na sagutin agad ang anak ay hinalikan niya ito sa noo. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot dito. Alam niyang simula pa lang iyon at masusundan pa ang mga tanong nito lalo pa at nasa Pi
"Did you introduce yourself to Jenna already?" Kahit matanda na ang lola niya ay hindi pa rin maikakaila ang pagiging demanding at bossy nito sa tono ng pananalita.Kung naiiba lang ay siguradong manginginig na sa boses pa lang ng abuela.Kalmadong umupo si Zian sa swivel chair sa harap ng mesa ng lola."Well, I was about to, but I saw this little boy-""This cute kid?" Bago pa man niya natapos ang sasabihin ay may inilapag na picture ang matanda sa mesa.Natuon ang paningin niya sa malaking picture ng mestisong bata na nakangiti. Cute indeed.Wala sa loob na napangiti siya nang makita ang picture. Nang makita niya kasi ito sa airport ay hindi niya rin gaanong nakita nang lubusan ang mukha ng bata."Yeah, that kid. I bet he got his looks from his-""His father, I believe. Jenna doesn't have a mestiza look. She has this pinay beauty, and she looks gorgeous because of her morena look."Ipinagkibit-balikat niya lang ang sinabi ng lola niya pero hindi niya inaalis ang tingin sa picture n
First day niya sa trabaho sa araw na iyon. Mabuti na lang at malapit lang ang nursery school na nahanap niya para sa anak sa condo nila. Siya na ang naghatid kay Xavier at ang susundo naman sa anak niya mamaya ay ang stay out yaya na nirekomenda ng pinsan niyang si Kate.Alas otso ng umaga ang pasok ng anak at susunduin na ito ni Yaya Meding sa tanghali dahil ilang oras lang din naman ang pasok ng anak.Sa condo mananatili ang yaya ng anak hanggang sa pag-uwi niya galing sa trabaho.Alas nuebe ang in niya sa office at quarter to nine pa lang nang dumating siya. Agad na may sumalubong sa kanyang employee rin ng Glamour Fashion para ituro ang magiging office niya do'n.Laking gulat pa niya nang pumasok sila sa isang malaking opisina. Sasabihin niya sanang baka nagkamali lang ang babae ng pasok pero bago pa niya maisatinig iyon ay nakita nga niya ang pangalan niyang nakapaskil sa harap ng pinto.Jenna Alegria (Junior Designer)Nagpasalamat na lang din siya sa babae bago ito umalis. Excit
"Just wait in my office," sabay talikod na sabi ng babae."Wait, should't I be here also?" Pahabol na tanong niya bago pa man ito nakalayo sa kanya para bumalik sa loob.Nasa bukana pa rin kasi sila ng pintuan. Mabuti na lang at nasa bagong CEO na ng kompanya nakatuon ang atensiyon ng lahat.Nakataas ang kilay na humarap uli sa kanya ang babae."Why? Are you expecting an introduction as well just because you're new here?" Nakakaloko pa ang pagngiti nito sa kanya.Mula nang lisanin niya ang tahanan nila ay natuto na rin siyang maging palaban. Wala kasi siyang ibang aasahan na magtatanggol sa kanya at sa anak niya kundi sarili niya lamang. Naging masyadong mabait na siya dati at hindi maganda ang naging resulta no'n. Sa katunayan ang pagiging masyadong mabait pa nga niya ang dahilan kung bakit may kinimkim na galit ang dalawang taong itinuring niyang mga kapatid dati."I'm also an employee here, Miss Malnegro. I believe I should also be here welcoming our new CEO." Walang anumang sagot
Pilit na ibinubuka ni Jenna ang mga mata para makita nang maayos ang numero ng kwarto ng inn na iyon. Ipinilig pa niya ang ulo nang sa tingin niya ay naliliyo na siya habang nakahawak sa door knob para lang huwag mabuwal.Pumikit muna siya nang ilang segundo bago itinuong muli ang mga mata sa numero ng kwarto.Pinauna kasi siya ng kaibigan sa kwarto dahil nga lasing na siya. Ang sabi nito ay susunod na ito sa kanya pagkatapos nang ilang minuto. Sinamahan niya ang kaibigan na magpakalasing dahil brokenhearted ito. Hindi siya umiinom talaga pero dahil umiiyak na nakiusap sa kanya si Chelsea ay wala siyang nagawa kundi ang samahan nga ito. Hindi niya naman planong uminom pero pinilit siya ng kaibigan kahit tatlong baso lang daw.Tatlong baso nga lang ba ang nainom niyang alak? Bakit halos hindi na siya makatayo sa kalasingan?Bigla ay parang umiikot na naman ang paningin niya. Kung siya lang ang masusunod ay uuwi na siya sa bahay nila, kaso isa sa pakiusap ng kaibigan ay ang samahan ito