Pilit na ibinubuka ni Jenna ang mga mata para makita nang maayos ang numero ng kwarto ng inn na iyon. Ipinilig pa niya ang ulo nang sa tingin niya ay naliliyo na siya habang nakahawak sa door knob para lang huwag mabuwal.
Pumikit muna siya nang ilang segundo bago itinuong muli ang mga mata sa numero ng kwarto.
Pinauna kasi siya ng kaibigan sa kwarto dahil nga lasing na siya. Ang sabi nito ay susunod na ito sa kanya pagkatapos nang ilang minuto. Sinamahan niya ang kaibigan na magpakalasing dahil brokenhearted ito.
Hindi siya umiinom talaga pero dahil umiiyak na nakiusap sa kanya si Chelsea ay wala siyang nagawa kundi ang samahan nga ito. Hindi niya naman planong uminom pero pinilit siya ng kaibigan kahit tatlong baso lang daw.
Tatlong baso nga lang ba ang nainom niyang alak? Bakit halos hindi na siya makatayo sa kalasingan?
Bigla ay parang umiikot na naman ang paningin niya. Kung siya lang ang masusunod ay uuwi na siya sa bahay nila, kaso isa sa pakiusap ng kaibigan ay ang samahan ito sa gabing iyon at baka may gawin itong hindi maganda sa sarili dahil sa sakit na nararamdaman.
Napatingin siya sa paligid. Hindi niya alam kung bakit do'n sa maliit na inn pa naisipang mag-book ng kwarto ng kaibigan gayong pwede naman silang mag-book sa maayos na hotel.
No'n lang din siya nakakita ng inn na may malaking bar underground. Ayaw niya sanang tumuloy do'n dahil mukhang club iyon na pugad ng mga prostitutes at adik imbes na isang simpleng bar.
Muntik pa siyang matumba nang biglang bumukas ang pinto kahit hindi pa niya iyon naipihit. Mabuti na lang at may nakayakap agad sa kanya bago pa man sinalubong ng sahig ang mukha niya kung tuluyang natumba nga siya.
Sumalubong sa kanya ang kadiliman ng kwarto.
"What took you so long, babe?" Isang baritonong boses ng lalaki ang narinig niya.
"W-wait... I think this is not the-"
"You're not here to bore me with chitchat." Parang nawawalan na ng pasensiyang sabi ng lalaki na agad siyang hinila papasok ng kwarto. Narinig pa niya ang pag-lock nito ng pinto.
Naramdaman na lang niya ang katawan na bumagsak sa hindi kalambutang kama. Babangon na sana siya pero biglang may mabigat na bagay na dumagan sa kanya.
"S-sino ka?" Kahit nakaramdam na rin ng takot ay pilit niya pa ring kinikilala ang lalaki kahit walang nakikita ang mga mata niya sa sobrang dilim ng paligid.
"Just cooperate." Ang namamaos na boses ng lalaki ang narinig niya.
"Um..." nagpupumiglas siya at akmang sisigaw pero bago pa man lumabas ang boses sa bibig niya ay naramdaman na lang niya ang bibig ng lalaking nasa ibabaw niya.
Pinigilan ng mga labi nito ang sanay malakas na sigaw niya. Naaamoy at nalalasahan niya ang mint sa bibig ng hindi kilalang lalaki. Parang mapapaso ang balat ni Jenna sa init ng katawan ng lalaking pwersahang nakadagan sa kanya.
Ilang beses na sinubukan niyang igalaw ang katawan para maitulak ito pero ni hindi man lang natinag ang katawan ng mapangahas na lalaki.
Nanginginig ang katawan at magulong-magulo ang buhok niya nang lumabas ng kwartong iyon. Kahit siya mismo ang nakaranas ng karahasang iyon ay hindi niya pa rin maalis ang pag-aalala para sa kaibigang si Chelsea. Nasa gano'n siyang estado nang biglang may lumabas sa kabilang kwarto. Natuon agad ang pansin niya sa mga ito.
Nakita niya si Chelsea. Napalitan ng kalituhan ang ekspresyon ng mukha niya nang makitang ando'n din si Amanda, ang stepsister niya. Bago pa man niya maibuka ang bibig para magtanong ay nakita niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng dalawa.
Ngumisi si Chelsea sa kanya habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa, saka lang niya naalala ang sariling mukha. Alam niyang sa ayos niyang iyon ay mahuhulaan na agad kung ano ang nangyari sa kanya.
"Explain it to me, Chelsea," kahit mahinahon ang boses ay nakakuyom ang mga palad niya sa tinitimping galit. Gusto niyang marinig ang paliwanag ng kaibigan.Nagkatinginan sina Chelsea at si Amanda nang marinig ang tanong niya. Kahit wala pang sinasabi ang mga ito ay nakikita niyang may kinalaman ang dalawa sa nangyari sa kanya sa kabilang kwarto. Maya-maya ay sa kanya na muling bumaling ang tingin ng dalawa.
"B-bakit?" Mas lamang ang hinanakit sa boses niya kaysa sa galit. Hindi niya kailan man naisip na kaya siyang ilagay sa ganitong sitwasyon ng mga taong itinuring na niyang parang mga kapatid.
Imbes na ma-guilty ay pasimpleng umismid lang si Chelsea at unti-unti ring ngumiti na parang nakakaloko, "Bakit ba andali mong lokohin, my dear bestie? Kung hindi dahil sa akin, siguradong ilang beses mo nang pinagmukhang tanga ang sarili mo."
"Kumusta naman iyong gigolo sa loob? Did you have fun tonight, sis?" Saka lang nagsalita si Amanda, ang stepsister niya.
Nagpalipat-lipat sa dalawa ang mga mata niya. Ayaw man niya ay hindi niya napigilan ang mga luhang umaagos.
Gigolo?
Isa bang lalaking bayaran ang nasa loob ng kwarto, ang sapilitang kumuha sa iniingatan niyang dangal sa loob ng twenty years? Bakit?
Parehong maganda ang relasyon niya sa mga ito, lalo na si Chelsea, ang matalik niyang kaibigan.
Malamig ang mga tinging ibinigay ni Chelsea sa kanya, "Do you really think, Jenna, that I treated you like a sister? Hindi mo ba alam na sa tuwing pinapalakas ko ang loob mo dahil isa kang "weakling" ay lumalaki ang poot ko sa'yo? Naiinis ako sa kabaitang pinapakita mo na para bang isa kang anghel sa lupa. Gustong-gusto kong sirain iyang pagmumukha mong halos hindi makabasag pinggan. Rinding-rindi na ako sa mga papuring naririnig ko para sa'yo mula nang magkakilala tayo, na kahit ang pamilya ko ay ikinukumpara ako sa'yo!"
"Well, same sentiments here, sissy. Nakakapagod ang pagtrato sa'yo ng daddy na para bang isa kang babasaging pinggan." Umikot pa ang mga mata ng stepsister niya habang sinasabi iyon.Napailing-iling siya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha.
Ngayon lang niya nalamang may galit ang dalawa sa kanya dahil sa isa siyang mabuting tao? Napaka-absurd pakinggan kung gaano kababaw ang dahilan ng dalawa para ipariwara siya sa lalaking binayaran ng mga ito!
Si Amanda... alam niyang kahit hindi ito tunay na anak ng ama niya ay itinuturing din itong anak ng daddy niya. Lahat ng gusto nito ay ibinibigay din ng ama. Mas maluho pa nga ito kaysa sa kanya.
"Anyway, may ebidensiya na akong ibibigay kay daddy para sabihing isa kang pariwarang babae at tumatanggap ka ng mga indecent proposals dahil isa kang malanding babae," excited pa ang boses ni Amanda nang magsalita.
Nakatingin ang dalawa sa screen ng phone ni Amanda habang nagtatawanan.
"How dare..." ang kanina'y hinanakit na naramdaman ay napalitan ng matinding poot. May hinala siya na mga larawan niya ang pinagtatawanan ng mga ito. Alam niyang mga larawan iyon na hindi niya kailan man gugustuhing kumalat.
The betrayal of friendship, the cruelty of her stepsister, and her broken body, at this moment, gusto na lang niyang mamatay.
"Let's go, Chelsea. Mission accomplished na tayo." Agad na hinila ni Amanda ang braso ni Chelsea para umalis na sa lugar na iyon. Nagpatianod naman ang babae.
Hindi na siya nakakilos sa kinatatayuan. Nanlalambot ang mga tuhod habang mas lalong nararamdaman niya ang pananakit ng katawan dahil sa pwersang ginawa ng lalaking nasa loob ng kwarto.
Gusto niyang mapahandusay na lang pero pinilit niyang humakbang. Kailangan niyang umalis na sa isinusumpang lugar na iyon.
Isang linggo pagkatapos ng gabing iyon..."Hindi kita pinaaral sa mamahaling paaralan para lang tumanggap ng mga ganitong proposals at babuyin ang sarili mo! Kaya pala hindi ka humihingi ng tulong sa akin dahil sa iba ka humihingi ng pera! Gusto mong palabasin na kaya mong buhayin ang sarili mo nang hindi umaasa sa yaman natin kundi umaasa sa mga lalaking hayok sa laman!"Dumadagundong ang malakas na boses ng ama sa loob ng malaking bahay ng mga Alegria. Kaya pala pinag-day off ng ama ang mga maids nila at wala ni isa mang natira nang araw na iyon."D-dad... let me explain," kahit natatakot sa galit nito ay gusto niyang itama ang paratang ng ama."I don't need an explanation for these!" Bigla nitong itinapon sa mukha niya ang mga larawang hawak nito. Kumalat sa sahig ang hindi bababa sa sampung larawan na ayaw niya sanang tingnan.Nanginginig ang mga kamay na pinulot niya ang isang larawan. Isa iyong picture niya na wala siya ni isang saplot habang nakatalikod na nakahiga."Ni hindi k
Naalimpungatan si Jenna sa malalakas na katok sa munting apartment niya. Masakit man ang ulo ay napilitan siyang bumangon para tingnan kung sino ang kumakatok. Napakunot-noo pa siya nang makita ang dalawang lalaking naka-formal attire sa labas ng pinto ng apartment niya."Yes?""Excuse us, are you Miss Jenna Alegria?""Yes?" Mas lalong kumunot ang noo niya lalo pa't hindi siya sanay na may naghahanap sa kanya sa banyagang lugar na iyon, obviously ay Pinoy din ang naghahanap sa kanya.Pinapahanap na ba siya ng ama? Biglang parang gustong mawala ng lahat ng hinanakit niya sa puso para rito."Madam Conchita Escobar spends a lot of time and money trying to locate you. We believe you are Kristine Alegria's daughter, right?"Bakit kilala ng mga ito ang ina niya?Lagi niyang nababasa ang pangalan ni Conchita Escobar. Natatandaan din niyang laging laman ng balita ang mga naglalakihang negosyo ng matandang babae pero hindi niya ito personal na kilala. Kahit na may maraming negosyo rin ang ama
Kamuntik nang mag-file ng bankruptcy si Chelsea dahil mula nang i-take over niya ang boutique na iyon ay hindi man lang ito nakaka-recover. Napilitan na siyang magbenta ng ibang mga gamit para lang maisalba ang boutique.Matagal na niyang pangarap ang makapundar ng sariling business. Hindi naman kasi gano'n kayaman ang pamilya nila. Isa sa mga naibenta niya ay ang singsing na nakita sa kwartong nireserba niya sa Majestic Inn, anim na taon na ang nakalipas.Ayaw na niya sanang bumalik do'n pero tinawagan siya ng manager ng inn na personal niyang kakilala. May nakita raw kasi itong singsing sa loob ng kwarto. Iniisip kasi nitong baka engagement ring niya iyon. Kinuha niya ang singsing at isinilid agad sa bulsa nang hindi man lang ito tinitingnang mabuti. Nakatuon kasi ang utak niya sa pangyayari sa kwartong iyon. Basta na lang niyang nilagay sa drawer ang singsing at hindi na sinilip pa sa loob ng anim na taon.Nahalughog niya lang ito nang maghanap siya ng mga alahas na pwede niyang m
Sa loob naman ng sasakyan ay agad na napasandal si Zian. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa at sa wakas ay nakita na niya ang babaeng hinanap sa loob ng anim na taon ay kabaliktaran ang nararamdaman niya. Bakit parang iba ang babaeng iyon sa babaeng laging nasa alaala niya? Why did he feel different? Or has she changed after six years? "Saan tayo, Zian?" Sinilip pa siya ni Arthur mula sa rearview mirror ng kotse. Kapag sila lang dalawa ay first name basis ito sa kanya. Anak si Arthur ng isa sa mga katiwalang matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Pinaaral nila ito at nang makatapos nga ay ito ang nagboluntaryong maging assistant niya kahit saan. Alam niyang may mga magagandang oportunidad itong natanggap na hindi na kailangan pang manatili sa pamilya nila para manilbihan. Siya mismo ang nagtulak sa lalaki na tanggapin iyon dahil hindi naman nila inoobligang magtrabaho pa sa kanila si Arthur, pero si Arthur ang nagpumilit na manatili sa kanila. Sa tingin niya a
"Yes! Wherever mommy goes, I'll go!" Kumikislap pa ang namimilog na mga mata ng batang lalaki habang sinasabi iyon na tumatalon-talon pa. Jenna couldn't help but stare at him in amazement. Sa tuwing tinititigan niya ang mukha ng anak ay hindi niya mapigilan ang kagalakan ng puso. Hindi pa rin siya makapaniwala na iniluwal niya ang batang iyon na may mala-anghel na mukha. "Okay, then let's pack up and go to the airport tomorrow afternoon." "Yeah!" Excited pa rin na tumango-tango ang anak niya habang patakbong tinungo ang kwarto nito para mag-impake ng mga gamit. Actually, nakaimpake na lahat ng mga gamit nila. Binibigyan niya lang ng pagkakataon na tingnan ng anak ang mga naiwang gamit at baka may mga gusto pa itong dalhin sa pag-alis nila, lalo na ang mga laruan nito. Sa dinami-dami kasi ng mga iyon ay imposibleng madadala nila ang lahat kaya't pinapipili niya lang ito sa mga iyon. Napabuntung-hininga siya. Pinalayas at itinakwil siya ng ama six years ago. Ilang taon siyang
"Hey po, do you know who my father is?"Mabilis na nilingon ni Jenna ang anak nang marinig ang boses nito. Hindi niya napansin na bumaba pala ito ng cart bago pa siya naglakad palayo sa mga lalaking sumalubong sa kanila sa airport."Xavier!" Agad na tawag niya rito sabay hawak sa kamay ng bata."Sorry," hinging paumanhin niya sa tauhan ni Mrs. Escobar."Mommy, I just-"Agad na kinarga niya ang anak nang parang ayaw nga nitong paawat sa kakatanong sa lalaki. Nagulat din siya dahil iyon ang unang beses na nagtanong ang anak tungkol sa ama nito sa ibang tao."Xavier, you cannot just ask anyone about your... d-dad, okay?" Halos ayaw pang lumabas sa bibig niya ang salitang "dad".Biglang lumungkot ang mukha ng bata."I thought they knew my dad because we're here in the Philippines already, Mom."Imbes na sagutin agad ang anak ay hinalikan niya ito sa noo. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot dito. Alam niyang simula pa lang iyon at masusundan pa ang mga tanong nito lalo pa at nasa Pi
"Did you introduce yourself to Jenna already?" Kahit matanda na ang lola niya ay hindi pa rin maikakaila ang pagiging demanding at bossy nito sa tono ng pananalita.Kung naiiba lang ay siguradong manginginig na sa boses pa lang ng abuela.Kalmadong umupo si Zian sa swivel chair sa harap ng mesa ng lola."Well, I was about to, but I saw this little boy-""This cute kid?" Bago pa man niya natapos ang sasabihin ay may inilapag na picture ang matanda sa mesa.Natuon ang paningin niya sa malaking picture ng mestisong bata na nakangiti. Cute indeed.Wala sa loob na napangiti siya nang makita ang picture. Nang makita niya kasi ito sa airport ay hindi niya rin gaanong nakita nang lubusan ang mukha ng bata."Yeah, that kid. I bet he got his looks from his-""His father, I believe. Jenna doesn't have a mestiza look. She has this pinay beauty, and she looks gorgeous because of her morena look."Ipinagkibit-balikat niya lang ang sinabi ng lola niya pero hindi niya inaalis ang tingin sa picture n
First day niya sa trabaho sa araw na iyon. Mabuti na lang at malapit lang ang nursery school na nahanap niya para sa anak sa condo nila. Siya na ang naghatid kay Xavier at ang susundo naman sa anak niya mamaya ay ang stay out yaya na nirekomenda ng pinsan niyang si Kate.Alas otso ng umaga ang pasok ng anak at susunduin na ito ni Yaya Meding sa tanghali dahil ilang oras lang din naman ang pasok ng anak.Sa condo mananatili ang yaya ng anak hanggang sa pag-uwi niya galing sa trabaho.Alas nuebe ang in niya sa office at quarter to nine pa lang nang dumating siya. Agad na may sumalubong sa kanyang employee rin ng Glamour Fashion para ituro ang magiging office niya do'n.Laking gulat pa niya nang pumasok sila sa isang malaking opisina. Sasabihin niya sanang baka nagkamali lang ang babae ng pasok pero bago pa niya maisatinig iyon ay nakita nga niya ang pangalan niyang nakapaskil sa harap ng pinto.Jenna Alegria (Junior Designer)Nagpasalamat na lang din siya sa babae bago ito umalis. Excit