Home / Romance / Chasing Athena / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Chasing Athena: Chapter 51 - Chapter 60

90 Chapters

Chapter 51: The Scandal Unveiled

“Aaron, don’t forget to eat your lunch, hmm? Susunduin na lang kita after ng klase mo,” sabi ko nang makarating kami sa entrance ng school niya. Tumango naman siya bilang sagot at ngumiti sa akin. “Yes po, mommy.” Aniya bago yumakap sa akin. “Okay good, pakabait ka, ha? I love you.” “I love you, too, mommy.” At muli niya ‘kong niyakap at hinalikan sa pisnge bago siya pumasok. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa nakapasok siya sa room niya. Si tiya Rosa kasi masama ang pakiramdam, siguro dahil sa nangyaring family day kahapon. Nababad ba naman kasi siya sa initan tapos ilang beses din sumali sa family games kaya ayun sumakit ang ulo niya at nagkasinat. Kaya pinagpahinga ko na lang muna siya sa bahay at ako na lang muna ang maghahatid-sundo kay Aaron. After 20 minutes na biyahe, nakarating na ‘ko sa kompanya pero dumaan muna ako sa pantry para bumili ng pagkain. Hindi kasi ako nakakain pagkaalis namin sa bahay kanina. “Ate, isang sandwich nga po tapos isang iced coffee
last updateLast Updated : 2024-09-06
Read more

Chapter 52: Behind the Mayhem

“Anong plano mo ngayon? Tutulungan mo ba siya o hindi?” Tanong ni Vanessa nang maibaba ang hawak nitong kape.Nakipagkita ako sa kaniya sa malapit na coffee shop mula sa kompanya. Hindi kasi ako matahimik kaya tinawagan ko siya para makausap.“Kailangan ko pa ring tumulong, boss ko pa rin siya at empleyado niya ‘ko,” sagot ko dahilan para mapabuntong hininga siya ng malalim.“Hays, wala ka pa rin palang ibang choice. Pero wala ka bang napapansin? ‘Di ba parang may mali?” Aniya na ipinagtaka ko.“Mali? Anong ibig mong sabihin?” Nagtataka na tanong ko bago napatingin sa kaniya. Naabutan ko siyang nag-iisip habang nakahawak sa baba niya.“Kasi ‘di ba 8 years ago pa ‘yon? Bakit ngayon lang lumabas ang gan’yang balita? Tapos ‘yong babae, bakit ngayon lang nagpakilala? Eh, ang tagal-tagal na niyon,” sagot niya.Tama nga siya, bakit ngayon lang lumabas ang gano’ng balita kung matagal na panahon na ‘yon nangyari? Sino naman kaya ang gagawa ng bagay na ‘yon para siraan si sir Zach?“Sa tingin
last updateLast Updated : 2024-09-07
Read more

Chapter 53: A Web of Lies

Hindi ko napigilan ang umiyak habang nakatingin sa natutulog kong anak. Ayokong madamay siya sa problemang ito kasi masama ang magiging epekto niyon sa kaniya. Sa oras na malaman niya ang tungkol do’n at kung sino ang tatay niya, magiging malaking problema ‘yon. Pilit ko siyang iniiwas sa ganitong sitwasyon pero mangyayari pa rin pala talaga na malaman niya ang totoo.Ano’ng gagawin ko? Sasabihin ko na ba sa kaniya kung sino ang tatay niya?Pero ang tanong, matatanggap ba niya?“Nakatulog na ba ang anak mo?” Tanong ni tiya Rosa pagkababa ko galing sa kwarto ni Aaron. Tumango naman ako bilang sagot at nagtungo sa sala kung saan na roon si Vanessa na nakaupo habang nakatingin sa akin.Kanina pa siya nandito, siya ang sumundo kay Aaron sa school at naghatid dito sa bahay. Samantalang ako hindi na pumasok sa trabaho. Nag-half day lang ako dahil sa nalaman ko kanina. Bigla akong nawalan ng gana magtrabaho at ayoko na rin munang makita si sir Zach sa ngayon.“Ano’ng plano mo ngayon?” Tanong
last updateLast Updated : 2024-09-10
Read more

Chapter 54: When Secrets Break

Hindi ako nag-angat ng tingin, nakayuko pa rin ako at nakaupo rito sa sahig. Ayoko siyang tingnan dahil baka bigla na lang akong magalit at sigawan siya. Ayoko naman mangyari ‘yon lalo na’t nandito pa ang press at medya. At baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon kapag nag-eskandalo ako rito. “Athena, hey, what’s wrong?” Nag-angat na ‘ko ng tingin nang maramdaman kong lumapit siya sa direksyon ko. Pero hindi ko siya tiningnan, diretso lang ang tingin ko at agad ng tumayo. Nakakabastos man pero hindi ko siya sinagot at mas piniling iwasan siya. "What's the problem? Did something happen? Are you okay?" Sunod-sunod na tanong niya nang pigilan ako nito sa braso nang magbalak akong umalis. “Okay lang ako kaya bitawan mo na ‘ko,” walang ganang sagot ko at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. “Balik na ‘ko sa trabaho, sir,” dagdag ako at umalis na. Pero hindi na naman natuloy dahil sa sinabi niya. "Did I say or do something wrong to you? You can tell me, I'll listen." Napa
last updateLast Updated : 2024-09-12
Read more

Chapter 55: A Leap of Faith

Napapikit na lang ako habang dinadamdam ang hangin na tumatama sa aking mukha. Ang sarap sa pakiramdam at nakakawala ng stress sa katawan. Sana dati pa ginawa ko na ‘to para naman kahit papa’no maibsan ang pagod na nararamdaman ko.“Athena …” Rinig kong tawag sa’kin ni Vanessa. Nasa tabi ko lang siya at nakahiga rin katulad ko.“Hmm?” Tanging naisagot ko. Nanatili pa rin akong nakapikit pero pagkalipas ng ilang segundo dumilat na rin ako para lingunin siya.“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Aniya dahilan para umiwas ako ng tingin sa kaniya.Hindi agad ako nakasagot sa halip napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa dagat.“Oo, kapag hindi ako bumalik do’n baka kung ano pa ang isipin ng mga katrabaho ko. Ayoko namang mangyari ‘yon at baka maging daan pa ‘yon para pag-isipan nila ako ng masama,” tugon ko.“Hindi ba dahil sa pinigilan ka niya?”Bigla akong natahimik dahil sa tanong niya. Ang tinutukoy niya ay no’ng pigilan ako ni Zach na huwag mag-resign sa trabaho. Pero hindi n
last updateLast Updated : 2024-09-15
Read more

Chapter 56: Healing Wounds

Bakit niya ‘ko niyaya sa isang date? Ang gulo, naguguluhan ako sa kaniya.“Haist! Bahala na nga, ‘di ko naman malalaman kung hindi ko susubukan,” sabi ko sa sarili habang pasakay ako ng elevator.After naming mag-usap tungkol do’n umalis na rin siya. Nag-usap lang kami saglit at nag-paalam na siya na aalis na. Hindi na ‘ko nag-tanong kung saan siya pupunta pero base sa suot nito, halatang papasok na sa trabaho.Bago ako bumalik ng opisina ay dumaan muna ako sa pantry para mag-timpla ng kape. Inaantok na naman kasi ako kahit mahaba naman ang naging tulog ko kanina.“Ay malaking tao!” Gulat na sambit ko.Jusko! Bakit siya nandito? Napapikit na lang ako habang nakahawak sa dibdib ko. Nagulat talaga ako sa presensiya niya. Hindi ko inaasahan na nandito siya sa pantry."I'm sorry, I didn't mean to startle you. Are you okay?" Nag-aalala na sambit niya nang makalapit ito sa akin. Med’yo nagulat ako sa inasta niya pero bigla akong umatras bago pa niya ‘ko mahawakan.“O-Okay lang po ako, sir,”
last updateLast Updated : 2024-09-16
Read more

Chapter 57: Longing to Know

“Ngayong napag-usapan niyo na ang tungkol sa mga nangyari noon, ano na ang plano mo ngayon? Kailan mo sasabihin kay Aaron ang tungkol sa kaniya? Kailangan niya nang malaman lalo na okay na kayo ng tatay niya,” wika ni tiya Rosa nang maibaba ang isang tasa ng kape sa harapan ko.Balak ko nang sabihin sa kaniya pero hindi ko alam kung kailan at paano ito simulan. Naghahanap ako ng tamang tiyempo pero ayoko na rin namang patagalin pa ito dahil baka sa iba pa niya malaman.“Hindi ko pa po alam pero napag-isipan ko po na ngayon sabihin sa kaniya kaso hindi ko alam kung pa’no simulan. Ayoko siyang biglain lalo na napalapit na ang loob niya ro’n sa tao,” tugon ko at napabuntong hininga ng malalim.“Huwag kang matakot, sa tingin ko naman maiintindihan ka ng anak mo. Kung sakaling magalit man siya sa’yo, ako na ang bahalang magpaintindi sa kaniya.” Tumango na lamang ako bilang sagot at maliit na ngumiti kay tiya Rosa ngunit mababakas na ang kaba sa mukha ko.Sana nga maintindihan ng anak ko.“
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

Chapter 58: Unexpected Meeting

“Aaron? Why—”Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang yakapin ng anak niya. Napailing na lang ako habang nakahawak sa noo ko. Ngunit biglang dumako ang tingin ko kay Mrs. Montero na ngayon ay nakatingin sa direksiyon nang mag-ama pero nagtaka ako sa ipinakita niyang reaksiyon kasi hindi siya nagulat kundi nakangiti.Ano’ng ibig sabihin ng ngiting ‘yan?“W-Why are you here?” Nagtataka na tanong niya sa anak pero nginitian lamang siya nito.Dumako ang tingin niya sa akin pero maliit na ngiti na lamang ang sinagot ko. Bigla akong sumenyas sa direksiyon nang nanay niya at mukhang napagtanto nito ang gusto kong iparating sa kaniya. Kaya bigla siyang tumayo at hinawakan sa kamay si Aaron para ilapit sa direksiyon ni Mrs. Montero na ngayon ang lawak ng ngiti na hindi ko maintindihan kung bakit.“Sorry po sa abala, akala ko po kasi—”"It's okay, Athena, no need to apologize. His father is also waiting for him," putol sa akin ni Mrs. Montero at kaagad siyang ngumiti. Nagulat
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

Chapter 59: Just Try

Hindi ako maka-concentrate sa ginagawa ko dahil sa sinabing suhestiyon ni sir Zach. Hindi pa naman ako pumayag sa sinabi niya kasi nagdadalawang-isip ako.Bakit kasi kami titira sa bahay niya? Eh, wala naman kaming relasyon dalawa. ‘Tsaka umiiwas din ako na pag-usapan ng mga tao lalo na’t kilalang personalidad si sir Zach. Malabong hindi malaman ‘yon ng mga nakakakilala at sumusuporta sa kaniya. Lalo na ngayon na hindi pa alam ng lahat na may anak siya.“Van, ano’ng gagawin ko?” Tanong ko sa kaibigan na ngayon ay kausap ko sa telepono.[Whatever is best for you and Aaron. Athena, wala namang masama if susubukan mo. 'Tsaka hindi niyo naman gusto ang isa't isa kaya hindi magiging awkward kapag nag-sama kayo sa iisang bubong]Mukhang sang-ayon siya sa suhestiyon ni sir Zach pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya. Malabong hindi magiging awkward ‘yon lalo na’t may nangyari— No, bawal ng isipin ‘yon. Basta, ayoko pa rin.“Pa’no kung malaman ng lahat ang tungkol do’n?” Problemadong
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

Chapter 60: Decision Has Been Made

“Huwag kalimutan ang mga bilin ni mommy, okay?” Paalala ko sa kaniya nang palabas na kami ng bahay. Bitbit ko na rin ang isang maliit na maleta na may lamang mga damit niya na kasya sa dalawang araw at iba pa niyang kakailanganin doon.“Opo, mommy, hindi ko po ‘yon kakalimutan,” sagot niya bago ngumiti sa akin.Nagdesisyon ako na patirahin muna siya ng dalawang araw doon sa bahay ng lola niya. Ito na lang ang naisipan kong gawin para hindi ako tumira sa puder ng tatay niya. Ayokong makagawa ng isyu nang dahil lang doon lalo na’t wala naman kaming relasyon na dalawa. Pumayag naman si sir Zach sa gusto ko na doon muna tumira si Aaron sa kanila tuwing linggo at uuwi na lang siya rito sa bahay kapag may pasok na siya kinabukasan.Ayokong gawing komplikado ang sitwasyon namin ng tatay niya kaya kahit na mahirap na malayo sa’kin ang anak ko titiisin ko para sa ikatatahimik ng buhay naming mag-ina.Nang makarating kami sa labas ng bahay, naabutan na naming naghihintay ang tatay niya sa kaniy
last updateLast Updated : 2024-09-25
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status