“Mommy, I missed you. Kailan ka po makakauwi rito sa bahay?” Malungkot na tanong ni Aaron, ngunit bakas sa mukha niya na kagagaling lang sa pag-iyak.“I missed you, too, anak. Bukas makakauwi na si mommy d’yan,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya.Kausap ko siya through video call kasi hindi ko siya pinayagan na bisitahin ako rito. Ayoko lang kasi na mag-alala siya sa’kin at baka masaktan ko lang siya kapag nalaman niya na hindi kami magkaayos nang daddy niya.Hindi pa niya alam ang nangyari, pero wala akong balak na sabihin ‘yon sa kaniya.“Mommy, nand’yan po ba si daddy sa ospital? Kasama niyo po ba siya?” Tanong nito na ipinagtaka ko.“W-Wala siya rito sa ospital. Alam mo ba kung anong oras siya umalis d’yan?” Sagot ko, at napatingin sa direksyon ni Vanessa. Mukhang alam na nito kung ano ang gusto kong iparating sa kaniya kaya agad siyang lumabas ng kwarto.“Hindi po, mommy, eh. Paggising ko po kaninang umaga, wala na siya rito sa bahay. Pero sabi po niya sa’kin kagabi bibisita
Last Updated : 2024-12-15 Read more