Home / Romance / Chasing Athena / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Chasing Athena: Chapter 61 - Chapter 70

90 Chapters

Chapter 61: New Home

Anong oras na kaya? Bakit parang naririnig ko na ang tunog ng alarm clock?Uminat muna ako bago kinapa ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan. At nakapikit pa ang kanang mata ko nang buksan ko na ito.“5:30 am … great.” Nauna pa ‘kong nagising kaysa sa alarm clock ko. Kaya bumangon na ‘ko para maghanda na ng almusal. Pero bigla kong napagtanto na wala pala kami sa bahay.Jusko, ba’t bigla kong nakalimutan?Napalingon ako kay Aaron, mahimbing pa rin siyang natutulog habang nakayakap sa unan. Nagdesisyon na ‘kong tumayo para magluto na ng kakainin naming almusal. Nakakahiya naman na ang tatay niya pa ang magluluto para sa’min.“Oh, parang wala naman ‘to rito kagabi,” sambit ko nang makita ang isang white fitted dress, chanel bag, at isang black na blazer. Bukod pa roon, isang black high heels at hygiene kit.Siya kaya ang naghanda nito? Pero wala naman kaming pasok sa trabaho ngayon.“Kanina ka pa nagising?” Tanong ko nang makalabas ako sa kwarto. Naabutan ko siyang nasa kusina. At hum
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more

Chapter 62: Bound by Uncertainty

“Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili rito sa penthouse niya,” sabi ko habang nakatingin sa pool. Kausap ko ngayon sa phone si Vannesa at nandito ako sa labas kung saan makikita ang matatayog na building at ang malawak na karagatan.[Why? May problema ba?] Halatang nag-aalala na siya sa kalagayan ko ngayon at ramdam ko ito sa boses niya.“W-Wala naman, parang hindi ko lang nakikita ang sarili ko na tumira dito lalo na’t hindi naman kami mag-asawa. Pumayag lang ako sa ganitong set-up dahil kay Aaron.”[Mukhang nagsisisi ka na sa naging desisyon mo?]Hindi agad ako nakasagot kasi totoo. Parang bigla na lang ako nagsisi no’ng pumunta kami rito. Hindi ko lang kasi kayang tanggapin ‘yong mga nangyayari ngayon. Unang-una, ang pagpayag ko na tumira kasama siya, pangalawa, ang pagtira dito sa penthouse niya na hindi ko alam kung pa’no makibagay sa mga hindi ko nakasanayan, at pangatlo, ang sinabi kanina ni Zach na magsasama kami habambuhay. ‘Yon pa lang, hindi na kayang tanggapin
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more

Chapter 63: Meeting the Family Gone Wrong

Pinakilala nga ako ni Mrs. Montero sa pamilya niya at nagpakilala rin sila sa akin. Mukha naman silang mabait pero hindi ko lang alam kung tanggap ba nila ako sa pamilya nila. Pero ayos lang kung hindi, kahit ang anak ko na lang ang tanggapin nila. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng tanghalian. Pinagigitnaan ako ni Aaron at Zach, at tahimik lang ako na nakikinig sa usapan nila. Sa totoo lang parang gusto kong umuwi kasi feeling ko etsapwera lang ako sa pamilyang ito. Hindi ko ramdam ang buong pusong pagtanggap nila sa akin. “Athena, right?” Tanong ni Sydney, isa sa mga babaeng pinsan ni Zach. Kasing edad ko lang siya pero malabo na makaka-close ko siya. Maganda siya pero mukhang suplada. Siya lang ang nag-iisang hindi pumansin sa’kin kanina. “Umm, oo …” nahihiyang tugon ko. “Kailan naging kayo ni Ellie? Because I thought he had a relationship with Lauren,” aniya na ikinatahimik ko. Agad akong napatingin kay Zach ngunit ang seryoso na ng mukha niya ngayon. Paano ko sasagutin an
last updateLast Updated : 2024-09-29
Read more

Chapter 64: Unsaid Feelings

“Umm, p’wede ba tayong mag-usap?” Tanong ko kay Zander bago pa siya tanungin ni Zach tungkol do’n sa sinasabi niyang “date” kuno namin bukas.“Sure, let’s go to my room,” sagot niya at napatingin kay Zach ‘tsaka ngumisi na ikinakunot ng noo nang kapatid niya.Haist! Ito na naman siya. Bakit ba ang hilig niyang asarin ang kapatid?“Zander …” Sabi ko ngunit may pagbabanta na sa boses ko.“Just kidding, let’s talk somewhere else,” aniya habang tumatawa at nauna na siyang maglakad.Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang napapailing bago ko binalingan ng tingin si Zach na hindi ko napansin na nakatingin na pala sa’kin ngayon. Ngunit ang seryoso ng mukha niya at nakakunot ang noo.“What was that, Athena?” Tanong niya ngunit may bahid ng inis ang boses niya.“Ipapaliwanag ko na lang sa’yo mamaya. Kakausapin ko na muna siya saglit. Mabilis lang ‘to, promise. Puntahan mo muna si Aaron, susunod na lang ako ro’n,” mabilis na sagot ko at agad ng umalis para sundan si Zander.Naalala ko na, n
last updateLast Updated : 2024-10-06
Read more

Chapter 65: The Locked Chest

Kanina pa ‘ko tulala habang nakatingin sa monitor ng computer ko. Hindi ko alam kung kailan ko matatapos ang ginagawa kong report simula pa kaninang umaga. Malapit ng mag-lunch break pero ito pa rin ang ginagawa ko.Hays, ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi ni Zander sa akin noong Sabado. Hindi namin napag-usapan ang tungkol do’n dahil umuwi na kami kinabukasan dahil sa kagustuhan ng kapatid niya. Mas’yadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin para do’n.“Kanina ka pa tulala d’yan. Here, pinapabigay ng boss natin,” wika ni Maurice nang makarating siya sa table ko at binaba ang isang cup ng kape sa harapan ko. “Thank you,” sagot ko at maliit na ngumiti sa kaniya.Dumagdag pa ‘tong si Zach, kahapon pa niya ginugulo ang puso’t isip ko. Dahil sa mga kinikilos niya na hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig at binibigyan ko nang ibang meaning na nagpapagulo lang ng isip ko.“You’re welcome. Free coffee
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

Chapter 66: Waiting in Frustration

Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Yael sa’kin kanina hanggang sa nakauwi na ‘ko rito sa penthouse. No’ng nalaman ko ang tungkol do’n hindi na ‘ko nagtanong sa kaniya, tumango na lang ako bilang sagot kahit hindi naman totoo na alam ko ang sinasabi niya. Gusto kong malaman ang ibang detalye mula kay Zach dahil sa tingin ko konektado ang isyung ‘yon sa mga nangyari noon.“Mommy, anong oras si daddy uuwi?” Tanong ni Aaron na kasalukuyang nasa sala at ginagawa ang assignment niya. Samantalang ako, nandito sa kusina at nagluluto ng hapunan namin.“Hindi ko alam, anak, pero sa tingin ko naman pauwi na ‘yon,” tugon ko.Hindi kami sabay ni Zach umuwi kanina at hindi rin ako nagpaalam sa kaniya na mauuna na ‘kong umuwi. Gustuhin ko mang magpaalam sa kaniya pero wala siya kanina sa office niya. Hindi ko alam ang schedule niya at ang tanging nakakaalam lang niyon ay ang secretary niya. Gusto ko siyang tawagan para tanungin kung nasaan ngayon si Zach pero baka magtaka lang siya.“Kapag boss po ba,
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more

Chapter 67: Expectations vs. Reality

“Mommy, may problema po ba?” Tanong ni Aaron dahilan para mabasag ang katahimikan na bumabalot sa paligid namin.Huminto ako sa pagkain bago siya tingnan at naabutan ko siyang palipat-lipat ng tingin sa amin nang daddy niya. At napansin ko si Zach na bigla ring huminto, at tumingin sa anak niya.“Wala naman, anak. Bakit mo natanong?” Sagot ko at napansin ko na bigla siyang nalungkot.“Napansin ko po kasi na hindi kayo nagpapansinan ni daddy mag-mula pa kanina,” aniya dahilan para mapatingin ako kay Zach na nakatingin na rin sa akin ngayon. Pero kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.Wala ako sa mood na kausapin siya ngayon.“Nag-away po ba kayo?” Dugtong pa niya ngunit mababakas na ang lungkot sa mga mata niya.“We’re not, baby. We were just preparing for work, that’s why I didn’t get a chance to talk to your mom. But we're fine, the two of us. We're not mad at each other," wika ni Zach at naiilang na tumingin sa akin.Pero hindi pa rin ako nagsalita. Hinayaan ko siyang magpaliwan
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

Chapter 68: Fury Behind the Façade

Nawalan ako bigla nang gana magtrabaho dahil sa mga sinabi niya kanina. Alam kong hindi lang ako ang sinesermonan at pinapagalitan niya, pero sa tingin ko para sa akin ‘yon lahat.Ano pa bang kailangan kong gawin para magtiwala siya sa’kin? Kasi sa paraan kung paano niya ako tingnan kanina parang wala siyang tiwala sa kakayahan ko. Lagi na lang basura ang tingin niya sa ginagawa ko. ‘Yong parang wala na ‘kong ginawang tama at mabuti sa kompanya niya.Nakakapagod din pala at parang gusto ko na lang magpahinga.“Athena, lunch na muna tayo. Maya mo na lang tapusin ‘yan. Mahaba pa naman ang oras at nag-adjust naman ‘yong deadline,” wika ni Trixie nang lumapit ito sa table ko.“Mauna na kayo, susunod ako. Kailangan ko pa kasing pumunta nang finance para i-follow up ‘yong budget proposal. Promise, susunod ako,” sagot ko at maliit na ngumiti sa kaniya.“Oh, ‘di ba ang marketing ang naka-assign para d’yan?”“Oo nga, pero ayos lang naman sa’kin. Susunod na lang ako ro’n.”Hindi na nagpumilit s
last updateLast Updated : 2024-10-15
Read more

Chapter 69: Team Building (Part 1)

“Tiya, kayo na po muna ang bahala rito, ah? Tatlong araw lang naman po ‘yong team building,” sabi ko kay tiya Rosa nang makarating ako sa sala. Kasama niya si Aaron na naghihintay sa aming dalawa nang daddy niya.“Oo, anak, ako nang bahala rito. Huwag kang mag-alala, hindi ko pababayaan si Aaron,” aniya bago ngumiti sa akin at yakapin ako. Tumugon ako sa yakap niya saka binalingan ang anak ko na malungkot na nakatingin sa akin ngayon.“Aww, huwag kang malungkot. Tatlong araw lang naman ‘yon at uuwi kami agad ng daddy mo pagkatapos n’on,” sabi ko sabay yakap sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge.“Mami-miss ko lang po kasi kayo. Tatlong araw kayong mawawala ni daddy at hindi ko kayo makakasama rito sa bahay,” naiiyak na sambit niya matapos ko siyang yakapin.“Don’t be sad, anak. Mabilis lang ‘yang three days at makakasama mo na ulit kami nang mommy mo. We’ll be home soon, we promise,” rinig kong sabi ni Zach nang makarating ito sa sala.Agad namang tumayo si Aaron para lapitan at yakap
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

Chapter 70: Team Building (Part 2)

“Sir, s-saglit lang,” pigil ko sa kaniya. At huminto naman siya para harapin ako. Pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa braso ko.Sa totoo lang pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Alam ko naman kung bakit dahil kilala nila kung sino ang kasama ko. Si Zach lang naman ang may-ari ng beach resort na ito kaya malabo na walang makakakilala sa kaniya rito.“Why? What’s wrong?” Nagtataka na sambit niya. "And just call me by my name.” Dugtong pa nito na ikinagulat ko.Wow, so first name basis na kami ngayon?“Kanina pa kasi tayo pinagtitinginan ng mga tao. ‘Tsaka hindi mo naman ako kailangang kaladkarin,” naiilang na sabi ko at saka niya binitawan ang pagkakahawak sa braso ko.“Oh, I’m sorry. Don’t mind them, they don’t even know you. And if they talk about me or you, I’ll eventually find out, and they’ll definitely be kicked out of here," tugon nito at ngumiti sa akin.Siraulo talaga! Gagawin niya ‘yon para lang sa’kin? Ewan ko na lang at baka pagsisihan niya lang sa huli.“Ewan ko
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status