“Sir, s-saglit lang,” pigil ko sa kaniya. At huminto naman siya para harapin ako. Pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa braso ko.Sa totoo lang pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Alam ko naman kung bakit dahil kilala nila kung sino ang kasama ko. Si Zach lang naman ang may-ari ng beach resort na ito kaya malabo na walang makakakilala sa kaniya rito.“Why? What’s wrong?” Nagtataka na sambit niya. "And just call me by my name.” Dugtong pa nito na ikinagulat ko.Wow, so first name basis na kami ngayon?“Kanina pa kasi tayo pinagtitinginan ng mga tao. ‘Tsaka hindi mo naman ako kailangang kaladkarin,” naiilang na sabi ko at saka niya binitawan ang pagkakahawak sa braso ko.“Oh, I’m sorry. Don’t mind them, they don’t even know you. And if they talk about me or you, I’ll eventually find out, and they’ll definitely be kicked out of here," tugon nito at ngumiti sa akin.Siraulo talaga! Gagawin niya ‘yon para lang sa’kin? Ewan ko na lang at baka pagsisihan niya lang sa huli.“Ewan ko
“Hays, nakakapagod,” sambit ko sabay punas ng pawis ko sa noo nang makaupo ako sa buhangin.Katatapos lang ng pangatlong activity at ang department ko ang nanalo. Ayoko sanang sumali kaso sa department namin ako pa lang ang ‘di nakakasali kaya wala akong choice kundi ang sumali. Egg drop ‘yong activity at napagod ako sa kakaisip ng tricks kung paano hindi mababasag ‘yong itlog kapag binitawan na sa ire. Pero nanalo naman kami kaya worth it ang pagod at pag-iisip ko.“Akala ko pa naman matatalo ulit tayo,” wika ni Maurice nang makaupo siya sa tabi ko.Gano’n din ang iniisip ko kasi ‘yong dalawang activity kanina puro kami talo kaya nawala ang confidence namin na mananalo pa kami. Pero sa awa ng diyos nanalo rin sa wakas.“Okay, everyone, oras na para sa lunch break. Thank you so much for your cooperation and participation. I just want to inform everybody that once you're done with lunch, kindly prepare your camping materials because we’ll be heading to the next island for our next acti
"Did you two have a fight?" Tanong ni Zander habang tinutulungan ako sa pag-aayos ng tent.Hindi ko siya sinagot sa halip nag-iwas na lamang ako ng tingin at tinuon ang pansin sa pag-aayos ng tent ko.“Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ko namatay dahil sa titig ng kapatid ko,” aniya na ipinagtaka ko. Napalingon ako kung saan siya nakatingin at ngayon naintindihan ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.Ang masamang titig ni Zach sa kaniya.“Hayaan mo na lang siya,” sabi ko at binalik na ang tingin ko sa pag-aayos ng tent.Nakarating na kami sa isla, at pagkarating namin dito inayos na agad namin ang mga dala naming tent. Isang gabi kaming mananatili rito at bukas ng umaga babalik na kami sa resort. At ngayon nagsisi na ‘ko kung bakit sinama ko rito si Zander. Hindi ko alam kung saan siya papatulugin. Alangan naman magsama kami sa iisang tent? Maling desisyon ‘yan."I should go back to the resort,” wika nito nang maitayo na naming dalawa ang tent.“Ha? Pa’no ka makakabali
Nagising ako nang maramdaman ko ang pamamanhid ng binti’t paa ko, ngunit hindi kagubatan ang bumungad sa akin kundi kisame ng isang bahay.Nasa’n ako? Sino ang nagdala sa’kin dito?“Thank God, you’re awake,” wika ng isang boses.Hinanap ko naman agad kung saan ito nanggagaling hanggang sa tuluyan ko na siyang nakita. Ngunit gano’n na lang ang gulat ko nang makilala ko na kung sino ito.“Z-Zach?” Tanging naisambit ko nang makalapit na siya sa direksiyon ko.B-Bakit siya nandito? Bakit kami magkasama? Si Maurice ang kasama ko—Diyos ko po! Huwag niyang sabihin na siya ang hiningan ng tulong ni Maurice.“Thank God, bumaba na ang lagnat mo. Is anything else hurting aside from your foot?" Nag-aalala na tanong niya matapos nitong haplusin ang noo ko. Pero hindi ako sumagot sa halip tumitig lang ako sa mukha niya."Why? Please tell me if anything hurts so I can find a way to help you." Aniya ngunit umiling na lamang ako bilang sagot para hindi na siya mag-alala.“Nasa’n tayo? Anong nangyari?
“Ano’ng ibig mong sabihin? Bakit nang dahil sa’kin kaya ka nakulong?” Naguguluhan na tanong ko sa kaniya. Dahan-dahan akong bumaba sa kama, pero agad siyang lumapit sa akin para alalayan ako. “Kaya ko na …” sabi ko sabay tanggal ng pagkakahawak nang kamay niya sa braso ko. “Ngayon sagutin mo na ang tanong ko kasi kung hindi si Yael na lang ang tatanungin ko.” Biglang kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko at napalitan ng pagtataka ang malungkot nitong mukha. “What did you say? Why is Yael involved in this?” Galit na sambit niya dahilan para hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Bigla akong nag-iwas ng tingin at napamura sa aking isipan. Sana hindi ko na lang binanggit ‘yon. "Athena, answer my question. Why is Yael involved in this? Was it him who told you that?" Seryosong sambit niya ngunit mababakas na ang inis sa boses nito. “Oo siya ang nagsabi sa’kin, pero huwag kang magalit sa kaniya. Hindi niya sinasad’yang sabihin sa’kin ang tungkol do’n. ‘Tsaka huwag mo ngang iba
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Pero muntikan na ‘kong mapasigaw nang makita ko na kung sino ito.Si Zach.Bakit nandito siya sa tabi ko? Bakit kami magkatabi? Eh, kagabi nakita ko pa siya na roon sa sofa natulog. Hindi kaya lumipat siya rito?“Z-Zach ...” Tawag ko sa kaniya pero hindi siya sumagot o kahit man lang gumalaw ang pilik-mata niya. Nakaharap siya sa akin kaya kitang-kita ko ang mukha niya. Balak ko sanang tanggalin ang braso niya na nakayakap sa akin pero hindi kaya nang lakas ko.“Zach, g-gising na,” sabi ko pa pero hindi pa rin siya nagising.Gusto ko sanang tapikin ang pisnge niya, pero nahihiya akong gawin ‘yon.“Five more minutes, love,” aniya nang nakapikit. Ngunit mas lalo niya ‘kong nilapit sa kaniya kaya tuluyan na ‘kong nasubsob sa dibdib niya. Hindi naman ako nasaktan pero amoy ko na ang gamit niyang pabango.Pero ano raw?Love?Seryoso? Akala niya yata si Lauren ang katabi niya.Bakit ba bigla akong nainis nang
“Huwag mo munang pilitin maglakad. The more na sinubukan mo, the more na mamamaga ang paa mo. For now, ipahinga mo muna and take the meds na binigay ko sa’yo. But don’t worry, you’ll be fine. Gawin mo lang ang mga bilin ko sa’yo,” wika ng babaeng doktor bago ngumiti sa akin.“Opo, Doc. Salamat po,” tugon ko sa kaniya.Katatapos niya lang tingnan at gamutin ang sugat ko sa paa. Sa awa ng diyos hindi naman ito na impeksiyon pero namamaga siya ng konti. Pero binigyan niya naman ako ng gamot para mawala ‘yong sakit at pamamaga."Is it no longer necessary to take her to the hospital?" Tanong ni Zach nang makalapit siya sa tabi ko. Palihim akong napabuntong hininga dahil nagsisimula na naman siya sa ka praningan niya."Yes, Mr. Montero. She'll be fine, and there's nothing to worry about,” tugon ni Doc. Angela at agad ng inayos ang mga gamit nito.“I hope so,” wika pa nito at seryosong napatingin sa akin.Kanina pa siya gan’yan kahit hindi pa ‘ko natitingnan ni Doc. Angela. Tulad na lang kan
Second day na namin dito sa resort. Wala namang gagawing activity ngayong araw kaya nandito lang ako sa villa nagpapahinga simula pa kahapon. Med’yo nakakalakad na ako ng kaunti, pero masakit pa rin ang talampakan ko. Ngayong araw binigyan kami nang kalayaan para gawin ang mga gusto namin at bukas na itutuloy ang ibang activity. Hindi naman ako makalakad nang maayos kaya nanatili na lang ako rito sa villa."Have you taken your medicine?"Agad akong napatingin sa kaniya. Kalalabas niya lang nang kusina matapos magluto ng tanghalian. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kaniya at napatingin sa labas ng balcony.Si Zach ‘yon, ang certified nurse ko simula pa kahapon. Pabalik-balik lang siya rito sa villa kapag tapos niya nang gawin ang trabaho niya. At after niyon ako na ang kasunod na aasikasuhin niya. Hindi naman na sana kailangan kaso hindi ko pa kayang maglakad, at ayaw niya rin na ibang tao ang nag-aalaga sa akin."Aaron called earlier, and he was looking for you. He said you weren
"Okay, anak, susunduin na lang kita mamaya," sabi ko habang nakatutok sa ginagawa kong report sa laptop.Kausap ko ngayon ang anak ko sa kabilang linya. Tumawag ito para magtanong kung susunduin ba namin siya mamaya nang daddy niya pagkatapos ng klase niya. Pero ako na lang ang susundo sa kaniya kasi balak mag-overtime ni Zach dahil may kailangan daw siyang tapusin. Hindi rin kasi siya masusundo ni tiya Rosa kasi umuwi ito sa dati naming tinutuluyan para kunin ang ibang mga gamit na naiwan namin doon."Makinig sa teacher, okay? At itago mo na ang phone sa loob ng bag mo. I love you."Pagkatapos kong magpaalam ay binaba ko na rin ang tawag at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko. Pero bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Zach. Buong akala ko mananatili kaming walang label pero hindi naman pala. Ayaw rin nito na manatili kami sa ganoong sitwasyon."Athena, may lalaki raw na naghahanap sa'yo sa lobby," rinig kong sabi ni Trixie nang makaupo ito s
Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin
"Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun
"I've loved you for a long time." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko. Ngunit bigla na lang pumatak ang mga luha niya dahilan para makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin niya sa akin, pero naging daan 'yon para malaman ko na nagsasabi nga nang totoo si Yael. At ngayon, nabigyan na ng kasagutan ang mga sinabi niya sa akin.Mahal niya 'ko.Mahal ako ni Zach. Pero kailan pa? Kailan nagsimula?"I met you when I was in 3rd year high school, during the school fair. You were sitting alone on a bench. I was about to approach you, but I was too shy. I wanted to introduce myself to you at that time, but I was afraid you might avoid me. I don’t know if what I felt that time was love at first sight, but since that day, when I saw your sweetest and brightest smile, I didn’t want you out of my sight," pagkuwento niya dahilan para bigla akong mapaisip.Hindi ko na maalala ang mga sinabi niya. Noong high school ako
“Okay ka lang?” Tanong ni Vanessa nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta sa penthouse. Tumango na lamang ako bilang sagot habang nakatingin sa labas ng sasakyan.“Sa tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Yael?” Tanong ko bago tumingin sa kaniya.Ayokong maniwala sa sinabi nito pero may nag-uudyok sa’kin na maniwala sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ito, at kung bakit pero sa tingin ko daan ‘yon para malaman ko ang totoong kasagutan sa mga nangyari noon.“If I based it doon sa kinuwento mo, yes nagsasabi siya ng totoo. Because what's the point if he’s going to lie, right? ‘Tsaka halatang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa’yo,” sagot ni Vanessa.Tama siya pero nang dahil sa galit ko ro’n sa tao, hindi ko hinayaan ang sarili ko na maniwala. Kasi mas pinandigan ko ang mga pinaniwalaan ko kaysa sa mga sinabi niya.“You should ask Zach about it, kung gusto mo talagang malaman kung totoo ba ang mga sinabi niya sa’yo. Pero paano kung totoo ‘yon, ano’ng gagawin mo?”“Hindi ko alam, hind
“Mommy, I missed you. Kailan ka po makakauwi rito sa bahay?” Malungkot na tanong ni Aaron, ngunit bakas sa mukha niya na kagagaling lang sa pag-iyak.“I missed you, too, anak. Bukas makakauwi na si mommy d’yan,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya.Kausap ko siya through video call kasi hindi ko siya pinayagan na bisitahin ako rito. Ayoko lang kasi na mag-alala siya sa’kin at baka masaktan ko lang siya kapag nalaman niya na hindi kami magkaayos nang daddy niya.Hindi pa niya alam ang nangyari, pero wala akong balak na sabihin ‘yon sa kaniya.“Mommy, nand’yan po ba si daddy sa ospital? Kasama niyo po ba siya?” Tanong nito na ipinagtaka ko.“W-Wala siya rito sa ospital. Alam mo ba kung anong oras siya umalis d’yan?” Sagot ko, at napatingin sa direksyon ni Vanessa. Mukhang alam na nito kung ano ang gusto kong iparating sa kaniya kaya agad siyang lumabas ng kwarto.“Hindi po, mommy, eh. Paggising ko po kaninang umaga, wala na siya rito sa bahay. Pero sabi po niya sa’kin kagabi bibisita
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bigla na lamang akong natahimik dahil sa sinabi niya, pero nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko. At kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.Bakit hindi sinabi sa'kin ni Zach o ni Yael ang tungkol do'n? Bakit bigla rin silang natahimik dahil sa sinabi ni Lauren? Ibig sabihin ba niyon, totoo ang sinabi niya?Putangina. Sobrang sakit ng ginawa nila sa'kin."Hindi ka ba nagtataka kung bakit ikaw ang inutusan ng boss mo na ihatid si Ellie? Well, in the first place hindi naman tama na ikaw ang maghatid sa kaniya since babae ka."Bakit hindi ko naisip 'yan noon? Bakit hinayaan ko ang sarili ko na ihatid siya? Bakit hindi ako humindi sa utos ng boss ko?"Because everything was already planned, Athena! You were the one Ellie’s friends fancied, so they chose you as a gift for him. At ang may pakana nang lahat ng 'yon ay walang iba kundi si Yael!" Galit na sigaw ni Lauren sabay lingon sa direksyon ni Yael.Napatingin ako sa direksyon niya at ni Zach. Wal
“Saan ka nanggaling?” Tanong ko habang nilalagyan niya ng panibagong benda ang paa ko.“Bumili lang ako ng gamot at prutas para sa’yo. I wasn't able to tell you because of what happened earlier," tugon niya bago tumingin sa akin.Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Buong akala ko kasi umalis siya dahil nagalit siya sa sinabi ko sa kaniya kanina, pero hindi naman pala. Sa kabila nang nangyari, ako pa rin ang iniisip niya. Pinagsisihan ko tuloy ang mga naging asal ko sa kaniya kanina.“I’m sorry, Athena,” aniya na ikinagulat ko.Bakit siya nag-so-sorry sa’kin? Ako ‘tong may kasalanan at hindi siya."I'm sorry for leaving you here, and I'm sorry if I’ve been too hard on you. I just want to make sure nothing bad happens to you. But please don’t ever think that I don’t care about you, because I always do, Athena,” sensirong sambit niya habang titig na titig sa mga mata ko.Hindi ako nakasagot sa halip nakipagtitigan lang din ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pero ang gusto
“Nahanap niyo ba siya?” Tanong ko kay Paula at Trixie na kararating lang galing sa isang bar dito sa resort. Ngunit umiling silang dalawa bilang sagot dahilan para mas lalo akong nalungkot.Napatakip ako ng mukha at napabuntong hininga nang malalim. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Mukhang halos ‘ata ng shops, bars, at sa kahit na alin mang sulok nitong resort ay napuntahan na namin. Pero hindi pa rin namin siya nahanap.“Na check niyo ba sa villa na tinutuluyan niya?” Tanong ni Maurice habang nakahawak sa baywang niya, at halatang stress na rin sa paghahanap.“Doon na ‘ko nanggaling pero wala siya ro’n,” sagot ko at tuluyan ng napaupo sa buhangin.Saan ka ba nagpunta, Zach? Kung saan-saan na kita hinanap.Balak ko siyang kausapin, at humingi ng tawad dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kanina. Nagpatulong na ‘ko kina Maurice na hanapin siya pero hindi pa rin namin siya nahanap. Imposible naman na umuwi ‘yon, at iwan ako rito. Sa tingin ko naman hindi niya magagawa ‘yon kahit n