Napapikit na lang ako habang dinadamdam ang hangin na tumatama sa aking mukha. Ang sarap sa pakiramdam at nakakawala ng stress sa katawan. Sana dati pa ginawa ko na ‘to para naman kahit papa’no maibsan ang pagod na nararamdaman ko.“Athena …” Rinig kong tawag sa’kin ni Vanessa. Nasa tabi ko lang siya at nakahiga rin katulad ko.“Hmm?” Tanging naisagot ko. Nanatili pa rin akong nakapikit pero pagkalipas ng ilang segundo dumilat na rin ako para lingunin siya.“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Aniya dahilan para umiwas ako ng tingin sa kaniya.Hindi agad ako nakasagot sa halip napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa dagat.“Oo, kapag hindi ako bumalik do’n baka kung ano pa ang isipin ng mga katrabaho ko. Ayoko namang mangyari ‘yon at baka maging daan pa ‘yon para pag-isipan nila ako ng masama,” tugon ko.“Hindi ba dahil sa pinigilan ka niya?”Bigla akong natahimik dahil sa tanong niya. Ang tinutukoy niya ay no’ng pigilan ako ni Zach na huwag mag-resign sa trabaho. Pero hindi n
Bakit niya ‘ko niyaya sa isang date? Ang gulo, naguguluhan ako sa kaniya.“Haist! Bahala na nga, ‘di ko naman malalaman kung hindi ko susubukan,” sabi ko sa sarili habang pasakay ako ng elevator.After naming mag-usap tungkol do’n umalis na rin siya. Nag-usap lang kami saglit at nag-paalam na siya na aalis na. Hindi na ‘ko nag-tanong kung saan siya pupunta pero base sa suot nito, halatang papasok na sa trabaho.Bago ako bumalik ng opisina ay dumaan muna ako sa pantry para mag-timpla ng kape. Inaantok na naman kasi ako kahit mahaba naman ang naging tulog ko kanina.“Ay malaking tao!” Gulat na sambit ko.Jusko! Bakit siya nandito? Napapikit na lang ako habang nakahawak sa dibdib ko. Nagulat talaga ako sa presensiya niya. Hindi ko inaasahan na nandito siya sa pantry."I'm sorry, I didn't mean to startle you. Are you okay?" Nag-aalala na sambit niya nang makalapit ito sa akin. Med’yo nagulat ako sa inasta niya pero bigla akong umatras bago pa niya ‘ko mahawakan.“O-Okay lang po ako, sir,”
“Ngayong napag-usapan niyo na ang tungkol sa mga nangyari noon, ano na ang plano mo ngayon? Kailan mo sasabihin kay Aaron ang tungkol sa kaniya? Kailangan niya nang malaman lalo na okay na kayo ng tatay niya,” wika ni tiya Rosa nang maibaba ang isang tasa ng kape sa harapan ko.Balak ko nang sabihin sa kaniya pero hindi ko alam kung kailan at paano ito simulan. Naghahanap ako ng tamang tiyempo pero ayoko na rin namang patagalin pa ito dahil baka sa iba pa niya malaman.“Hindi ko pa po alam pero napag-isipan ko po na ngayon sabihin sa kaniya kaso hindi ko alam kung pa’no simulan. Ayoko siyang biglain lalo na napalapit na ang loob niya ro’n sa tao,” tugon ko at napabuntong hininga ng malalim.“Huwag kang matakot, sa tingin ko naman maiintindihan ka ng anak mo. Kung sakaling magalit man siya sa’yo, ako na ang bahalang magpaintindi sa kaniya.” Tumango na lamang ako bilang sagot at maliit na ngumiti kay tiya Rosa ngunit mababakas na ang kaba sa mukha ko.Sana nga maintindihan ng anak ko.“
“Aaron? Why—”Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang yakapin ng anak niya. Napailing na lang ako habang nakahawak sa noo ko. Ngunit biglang dumako ang tingin ko kay Mrs. Montero na ngayon ay nakatingin sa direksiyon nang mag-ama pero nagtaka ako sa ipinakita niyang reaksiyon kasi hindi siya nagulat kundi nakangiti.Ano’ng ibig sabihin ng ngiting ‘yan?“W-Why are you here?” Nagtataka na tanong niya sa anak pero nginitian lamang siya nito.Dumako ang tingin niya sa akin pero maliit na ngiti na lamang ang sinagot ko. Bigla akong sumenyas sa direksiyon nang nanay niya at mukhang napagtanto nito ang gusto kong iparating sa kaniya. Kaya bigla siyang tumayo at hinawakan sa kamay si Aaron para ilapit sa direksiyon ni Mrs. Montero na ngayon ang lawak ng ngiti na hindi ko maintindihan kung bakit.“Sorry po sa abala, akala ko po kasi—”"It's okay, Athena, no need to apologize. His father is also waiting for him," putol sa akin ni Mrs. Montero at kaagad siyang ngumiti. Nagulat
Hindi ako maka-concentrate sa ginagawa ko dahil sa sinabing suhestiyon ni sir Zach. Hindi pa naman ako pumayag sa sinabi niya kasi nagdadalawang-isip ako.Bakit kasi kami titira sa bahay niya? Eh, wala naman kaming relasyon dalawa. ‘Tsaka umiiwas din ako na pag-usapan ng mga tao lalo na’t kilalang personalidad si sir Zach. Malabong hindi malaman ‘yon ng mga nakakakilala at sumusuporta sa kaniya. Lalo na ngayon na hindi pa alam ng lahat na may anak siya.“Van, ano’ng gagawin ko?” Tanong ko sa kaibigan na ngayon ay kausap ko sa telepono.[Whatever is best for you and Aaron. Athena, wala namang masama if susubukan mo. 'Tsaka hindi niyo naman gusto ang isa't isa kaya hindi magiging awkward kapag nag-sama kayo sa iisang bubong]Mukhang sang-ayon siya sa suhestiyon ni sir Zach pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya. Malabong hindi magiging awkward ‘yon lalo na’t may nangyari— No, bawal ng isipin ‘yon. Basta, ayoko pa rin.“Pa’no kung malaman ng lahat ang tungkol do’n?” Problemadong
“Huwag kalimutan ang mga bilin ni mommy, okay?” Paalala ko sa kaniya nang palabas na kami ng bahay. Bitbit ko na rin ang isang maliit na maleta na may lamang mga damit niya na kasya sa dalawang araw at iba pa niyang kakailanganin doon.“Opo, mommy, hindi ko po ‘yon kakalimutan,” sagot niya bago ngumiti sa akin.Nagdesisyon ako na patirahin muna siya ng dalawang araw doon sa bahay ng lola niya. Ito na lang ang naisipan kong gawin para hindi ako tumira sa puder ng tatay niya. Ayokong makagawa ng isyu nang dahil lang doon lalo na’t wala naman kaming relasyon na dalawa. Pumayag naman si sir Zach sa gusto ko na doon muna tumira si Aaron sa kanila tuwing linggo at uuwi na lang siya rito sa bahay kapag may pasok na siya kinabukasan.Ayokong gawing komplikado ang sitwasyon namin ng tatay niya kaya kahit na mahirap na malayo sa’kin ang anak ko titiisin ko para sa ikatatahimik ng buhay naming mag-ina.Nang makarating kami sa labas ng bahay, naabutan na naming naghihintay ang tatay niya sa kaniy
Anong oras na kaya? Bakit parang naririnig ko na ang tunog ng alarm clock?Uminat muna ako bago kinapa ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan. At nakapikit pa ang kanang mata ko nang buksan ko na ito.“5:30 am … great.” Nauna pa ‘kong nagising kaysa sa alarm clock ko. Kaya bumangon na ‘ko para maghanda na ng almusal. Pero bigla kong napagtanto na wala pala kami sa bahay.Jusko, ba’t bigla kong nakalimutan?Napalingon ako kay Aaron, mahimbing pa rin siyang natutulog habang nakayakap sa unan. Nagdesisyon na ‘kong tumayo para magluto na ng kakainin naming almusal. Nakakahiya naman na ang tatay niya pa ang magluluto para sa’min.“Oh, parang wala naman ‘to rito kagabi,” sambit ko nang makita ang isang white fitted dress, chanel bag, at isang black na blazer. Bukod pa roon, isang black high heels at hygiene kit.Siya kaya ang naghanda nito? Pero wala naman kaming pasok sa trabaho ngayon.“Kanina ka pa nagising?” Tanong ko nang makalabas ako sa kwarto. Naabutan ko siyang nasa kusina. At hum
“Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili rito sa penthouse niya,” sabi ko habang nakatingin sa pool. Kausap ko ngayon sa phone si Vannesa at nandito ako sa labas kung saan makikita ang matatayog na building at ang malawak na karagatan.[Why? May problema ba?] Halatang nag-aalala na siya sa kalagayan ko ngayon at ramdam ko ito sa boses niya.“W-Wala naman, parang hindi ko lang nakikita ang sarili ko na tumira dito lalo na’t hindi naman kami mag-asawa. Pumayag lang ako sa ganitong set-up dahil kay Aaron.”[Mukhang nagsisisi ka na sa naging desisyon mo?]Hindi agad ako nakasagot kasi totoo. Parang bigla na lang ako nagsisi no’ng pumunta kami rito. Hindi ko lang kasi kayang tanggapin ‘yong mga nangyayari ngayon. Unang-una, ang pagpayag ko na tumira kasama siya, pangalawa, ang pagtira dito sa penthouse niya na hindi ko alam kung pa’no makibagay sa mga hindi ko nakasanayan, at pangatlo, ang sinabi kanina ni Zach na magsasama kami habambuhay. ‘Yon pa lang, hindi na kayang tanggapin
"Okay, anak, susunduin na lang kita mamaya," sabi ko habang nakatutok sa ginagawa kong report sa laptop.Kausap ko ngayon ang anak ko sa kabilang linya. Tumawag ito para magtanong kung susunduin ba namin siya mamaya nang daddy niya pagkatapos ng klase niya. Pero ako na lang ang susundo sa kaniya kasi balak mag-overtime ni Zach dahil may kailangan daw siyang tapusin. Hindi rin kasi siya masusundo ni tiya Rosa kasi umuwi ito sa dati naming tinutuluyan para kunin ang ibang mga gamit na naiwan namin doon."Makinig sa teacher, okay? At itago mo na ang phone sa loob ng bag mo. I love you."Pagkatapos kong magpaalam ay binaba ko na rin ang tawag at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko. Pero bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Zach. Buong akala ko mananatili kaming walang label pero hindi naman pala. Ayaw rin nito na manatili kami sa ganoong sitwasyon."Athena, may lalaki raw na naghahanap sa'yo sa lobby," rinig kong sabi ni Trixie nang makaupo ito s
Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin
"Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun
"I've loved you for a long time." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko. Ngunit bigla na lang pumatak ang mga luha niya dahilan para makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin niya sa akin, pero naging daan 'yon para malaman ko na nagsasabi nga nang totoo si Yael. At ngayon, nabigyan na ng kasagutan ang mga sinabi niya sa akin.Mahal niya 'ko.Mahal ako ni Zach. Pero kailan pa? Kailan nagsimula?"I met you when I was in 3rd year high school, during the school fair. You were sitting alone on a bench. I was about to approach you, but I was too shy. I wanted to introduce myself to you at that time, but I was afraid you might avoid me. I don’t know if what I felt that time was love at first sight, but since that day, when I saw your sweetest and brightest smile, I didn’t want you out of my sight," pagkuwento niya dahilan para bigla akong mapaisip.Hindi ko na maalala ang mga sinabi niya. Noong high school ako
“Okay ka lang?” Tanong ni Vanessa nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta sa penthouse. Tumango na lamang ako bilang sagot habang nakatingin sa labas ng sasakyan.“Sa tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Yael?” Tanong ko bago tumingin sa kaniya.Ayokong maniwala sa sinabi nito pero may nag-uudyok sa’kin na maniwala sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ito, at kung bakit pero sa tingin ko daan ‘yon para malaman ko ang totoong kasagutan sa mga nangyari noon.“If I based it doon sa kinuwento mo, yes nagsasabi siya ng totoo. Because what's the point if he’s going to lie, right? ‘Tsaka halatang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa’yo,” sagot ni Vanessa.Tama siya pero nang dahil sa galit ko ro’n sa tao, hindi ko hinayaan ang sarili ko na maniwala. Kasi mas pinandigan ko ang mga pinaniwalaan ko kaysa sa mga sinabi niya.“You should ask Zach about it, kung gusto mo talagang malaman kung totoo ba ang mga sinabi niya sa’yo. Pero paano kung totoo ‘yon, ano’ng gagawin mo?”“Hindi ko alam, hind
“Mommy, I missed you. Kailan ka po makakauwi rito sa bahay?” Malungkot na tanong ni Aaron, ngunit bakas sa mukha niya na kagagaling lang sa pag-iyak.“I missed you, too, anak. Bukas makakauwi na si mommy d’yan,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya.Kausap ko siya through video call kasi hindi ko siya pinayagan na bisitahin ako rito. Ayoko lang kasi na mag-alala siya sa’kin at baka masaktan ko lang siya kapag nalaman niya na hindi kami magkaayos nang daddy niya.Hindi pa niya alam ang nangyari, pero wala akong balak na sabihin ‘yon sa kaniya.“Mommy, nand’yan po ba si daddy sa ospital? Kasama niyo po ba siya?” Tanong nito na ipinagtaka ko.“W-Wala siya rito sa ospital. Alam mo ba kung anong oras siya umalis d’yan?” Sagot ko, at napatingin sa direksyon ni Vanessa. Mukhang alam na nito kung ano ang gusto kong iparating sa kaniya kaya agad siyang lumabas ng kwarto.“Hindi po, mommy, eh. Paggising ko po kaninang umaga, wala na siya rito sa bahay. Pero sabi po niya sa’kin kagabi bibisita
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bigla na lamang akong natahimik dahil sa sinabi niya, pero nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko. At kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.Bakit hindi sinabi sa'kin ni Zach o ni Yael ang tungkol do'n? Bakit bigla rin silang natahimik dahil sa sinabi ni Lauren? Ibig sabihin ba niyon, totoo ang sinabi niya?Putangina. Sobrang sakit ng ginawa nila sa'kin."Hindi ka ba nagtataka kung bakit ikaw ang inutusan ng boss mo na ihatid si Ellie? Well, in the first place hindi naman tama na ikaw ang maghatid sa kaniya since babae ka."Bakit hindi ko naisip 'yan noon? Bakit hinayaan ko ang sarili ko na ihatid siya? Bakit hindi ako humindi sa utos ng boss ko?"Because everything was already planned, Athena! You were the one Ellie’s friends fancied, so they chose you as a gift for him. At ang may pakana nang lahat ng 'yon ay walang iba kundi si Yael!" Galit na sigaw ni Lauren sabay lingon sa direksyon ni Yael.Napatingin ako sa direksyon niya at ni Zach. Wal
“Saan ka nanggaling?” Tanong ko habang nilalagyan niya ng panibagong benda ang paa ko.“Bumili lang ako ng gamot at prutas para sa’yo. I wasn't able to tell you because of what happened earlier," tugon niya bago tumingin sa akin.Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Buong akala ko kasi umalis siya dahil nagalit siya sa sinabi ko sa kaniya kanina, pero hindi naman pala. Sa kabila nang nangyari, ako pa rin ang iniisip niya. Pinagsisihan ko tuloy ang mga naging asal ko sa kaniya kanina.“I’m sorry, Athena,” aniya na ikinagulat ko.Bakit siya nag-so-sorry sa’kin? Ako ‘tong may kasalanan at hindi siya."I'm sorry for leaving you here, and I'm sorry if I’ve been too hard on you. I just want to make sure nothing bad happens to you. But please don’t ever think that I don’t care about you, because I always do, Athena,” sensirong sambit niya habang titig na titig sa mga mata ko.Hindi ako nakasagot sa halip nakipagtitigan lang din ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pero ang gusto
“Nahanap niyo ba siya?” Tanong ko kay Paula at Trixie na kararating lang galing sa isang bar dito sa resort. Ngunit umiling silang dalawa bilang sagot dahilan para mas lalo akong nalungkot.Napatakip ako ng mukha at napabuntong hininga nang malalim. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Mukhang halos ‘ata ng shops, bars, at sa kahit na alin mang sulok nitong resort ay napuntahan na namin. Pero hindi pa rin namin siya nahanap.“Na check niyo ba sa villa na tinutuluyan niya?” Tanong ni Maurice habang nakahawak sa baywang niya, at halatang stress na rin sa paghahanap.“Doon na ‘ko nanggaling pero wala siya ro’n,” sagot ko at tuluyan ng napaupo sa buhangin.Saan ka ba nagpunta, Zach? Kung saan-saan na kita hinanap.Balak ko siyang kausapin, at humingi ng tawad dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kanina. Nagpatulong na ‘ko kina Maurice na hanapin siya pero hindi pa rin namin siya nahanap. Imposible naman na umuwi ‘yon, at iwan ako rito. Sa tingin ko naman hindi niya magagawa ‘yon kahit n