“Ngayong napag-usapan niyo na ang tungkol sa mga nangyari noon, ano na ang plano mo ngayon? Kailan mo sasabihin kay Aaron ang tungkol sa kaniya? Kailangan niya nang malaman lalo na okay na kayo ng tatay niya,” wika ni tiya Rosa nang maibaba ang isang tasa ng kape sa harapan ko.Balak ko nang sabihin sa kaniya pero hindi ko alam kung kailan at paano ito simulan. Naghahanap ako ng tamang tiyempo pero ayoko na rin namang patagalin pa ito dahil baka sa iba pa niya malaman.“Hindi ko pa po alam pero napag-isipan ko po na ngayon sabihin sa kaniya kaso hindi ko alam kung pa’no simulan. Ayoko siyang biglain lalo na napalapit na ang loob niya ro’n sa tao,” tugon ko at napabuntong hininga ng malalim.“Huwag kang matakot, sa tingin ko naman maiintindihan ka ng anak mo. Kung sakaling magalit man siya sa’yo, ako na ang bahalang magpaintindi sa kaniya.” Tumango na lamang ako bilang sagot at maliit na ngumiti kay tiya Rosa ngunit mababakas na ang kaba sa mukha ko.Sana nga maintindihan ng anak ko.“
“Aaron? Why—”Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang yakapin ng anak niya. Napailing na lang ako habang nakahawak sa noo ko. Ngunit biglang dumako ang tingin ko kay Mrs. Montero na ngayon ay nakatingin sa direksiyon nang mag-ama pero nagtaka ako sa ipinakita niyang reaksiyon kasi hindi siya nagulat kundi nakangiti.Ano’ng ibig sabihin ng ngiting ‘yan?“W-Why are you here?” Nagtataka na tanong niya sa anak pero nginitian lamang siya nito.Dumako ang tingin niya sa akin pero maliit na ngiti na lamang ang sinagot ko. Bigla akong sumenyas sa direksiyon nang nanay niya at mukhang napagtanto nito ang gusto kong iparating sa kaniya. Kaya bigla siyang tumayo at hinawakan sa kamay si Aaron para ilapit sa direksiyon ni Mrs. Montero na ngayon ang lawak ng ngiti na hindi ko maintindihan kung bakit.“Sorry po sa abala, akala ko po kasi—”"It's okay, Athena, no need to apologize. His father is also waiting for him," putol sa akin ni Mrs. Montero at kaagad siyang ngumiti. Nagulat
Hindi ako maka-concentrate sa ginagawa ko dahil sa sinabing suhestiyon ni sir Zach. Hindi pa naman ako pumayag sa sinabi niya kasi nagdadalawang-isip ako.Bakit kasi kami titira sa bahay niya? Eh, wala naman kaming relasyon dalawa. ‘Tsaka umiiwas din ako na pag-usapan ng mga tao lalo na’t kilalang personalidad si sir Zach. Malabong hindi malaman ‘yon ng mga nakakakilala at sumusuporta sa kaniya. Lalo na ngayon na hindi pa alam ng lahat na may anak siya.“Van, ano’ng gagawin ko?” Tanong ko sa kaibigan na ngayon ay kausap ko sa telepono.[Whatever is best for you and Aaron. Athena, wala namang masama if susubukan mo. 'Tsaka hindi niyo naman gusto ang isa't isa kaya hindi magiging awkward kapag nag-sama kayo sa iisang bubong]Mukhang sang-ayon siya sa suhestiyon ni sir Zach pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya. Malabong hindi magiging awkward ‘yon lalo na’t may nangyari— No, bawal ng isipin ‘yon. Basta, ayoko pa rin.“Pa’no kung malaman ng lahat ang tungkol do’n?” Problemadong
“Huwag kalimutan ang mga bilin ni mommy, okay?” Paalala ko sa kaniya nang palabas na kami ng bahay. Bitbit ko na rin ang isang maliit na maleta na may lamang mga damit niya na kasya sa dalawang araw at iba pa niyang kakailanganin doon.“Opo, mommy, hindi ko po ‘yon kakalimutan,” sagot niya bago ngumiti sa akin.Nagdesisyon ako na patirahin muna siya ng dalawang araw doon sa bahay ng lola niya. Ito na lang ang naisipan kong gawin para hindi ako tumira sa puder ng tatay niya. Ayokong makagawa ng isyu nang dahil lang doon lalo na’t wala naman kaming relasyon na dalawa. Pumayag naman si sir Zach sa gusto ko na doon muna tumira si Aaron sa kanila tuwing linggo at uuwi na lang siya rito sa bahay kapag may pasok na siya kinabukasan.Ayokong gawing komplikado ang sitwasyon namin ng tatay niya kaya kahit na mahirap na malayo sa’kin ang anak ko titiisin ko para sa ikatatahimik ng buhay naming mag-ina.Nang makarating kami sa labas ng bahay, naabutan na naming naghihintay ang tatay niya sa kaniy
Parang ayokong bumangon dahil tinatamad akong pumasok sa school. Alas syete na ng umaga pero hindi pa 'ko nag-ayos. Ewan ko, basta tinatamad ako ngayon.Second year high school pa lang ako pero katamaran na ang pinapairal ko. Hindi naman ako tamad mag-aral, mataas naman lagi ang mga scores ko sa quiz at exam, at lagi ring mataas ang scores ko sa mga recitations at projects. Pero minsan talaga umiiral ang pagiging tamad ko."Hays, kapagod," tanging naisambit ko at nagdesisyon ng bumangon mula sa higaan ko. Kinuha ko na rin ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo para maligo.Hays, ang ending papasok pa rin pala ako."Nak, Athena."Boses 'yon ni tiya Rosa, kapatid ni mama na siyang bumuhay at nagpalaki sa'kin simula no'ng namatay ang kapatid niya, ang mama ko.Maliligo na sana ako pero hindi na natuloy. Hawak ko na ang tabo na may lamang tubig nang marinig ko siyang pumasok sa kwarto ko. Ano kaya ang kailangan niya?"Po, tiya? Nasa loob po ako ng banyo, may kailangan po ba kayo?" Tanong k
Gulat na napatingin ako sa hawak kong isang puting rosas na nakalagay sa ibabaw ng mesa ko. Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng ganito ngayong araw. Kasi iniisip ko na walang maglalakas loob na magbibigay sa'kin ng ganito pero nagkakamali ako.Iisang tao lang kaya ang nagbigay nito o hindi?"Oh? Kanino na naman 'yan galing?" Gulat na tanong ni Vanessa nang makarating siya sa tabi ko. Walang kasamang sulat kaya hindi ko malalaman kung kanino 'to galing."Ewan ko," maikling sagot ko. Napatingin ako sa mga kaklase kong lalaki, wala naman akong napansing kakaiba mula sa kanila kaya paniguradong wala ni isa sa kanila ang nag-iwan nito rito."Sandra .." Tawag ko sa isa kong classmate. Lumingon naman ito agad at lumapit sa'kin."Bakit Thena? May kailangan ka?" Tanong nito bago ngumiti sa akin."Nakita mo ba kung sino ang naglagay nito rito sa mesa ko?" Napatingin siya sa hawak kong bulaklak at kaagad na napaisip. Sana nakita niya para makilala ko kung sino."Ahh 'yan, may nagpapabigay
"Hoy, Athena!"Nagising ako sa reyalidad dahil sa ginawa ni Vanessa. Loka talaga 'tong kaibigan ko. Sa tuwing may iniisip ako lagi niya na lang sinisira."O bakit? Nag-iisip ako rito 'e, ikaw talaga epal ka minsan," inis na sambit ko pero tinawanan niya lang ako."Sorry bespren, ang layo kasi ng tingin mo. Ano ba kasi 'yan? Iniisip mo na naman ba secret admirer mo? Diyos ko kalimutan mo na 'yon, first year college na tayo pero hindi pa rin nagpapakilala sa'yo," aniya at nilapag ang isang cup ng kape sa harapan ko.Hays, tama nga naman siya, college na kami pero hindi ko pa rin nakikilala 'yong unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Hindi naman kasi ako sigurado kung ang lalaking nakilala ko 3 years ago ay siya na 'yong secret admirer ko.After nung nangyari sa pagitan naming dalawa, never ko na siyang nakita ulit at hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasauli sa kan'ya 'yong damit na pinahiram niya sa'kin. Ewan ko nga kung nasa'n na siya ngayon pero sa pagkakaalam ko pumunta raw siya ng
Mabuti na lang nakaalis na 'ko ro'n. Nakakawalan ng hininga doon sa VIP room dahil sa mga kaibigan ni boss Yael lalo na kay Mr. VIP. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Thomas. Ano naman kaya ang ibig sabihin niyon?'Yong titig ni Mr. VIP sa'kin kanina parang may something, hindi naman sa nag-a-assume ako pero gano'n talaga ang nararamdaman ko. Ang mga titig niya na parang abot hanggang kaluluwa ko. 'Yong parang bawat galaw ng ibang parte ng katawan ko inoobserbahan niya. Hindi nakakabastos tingnan pero nakapagtataka. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, bakit gano'n na lang siya kung makatingin sa'kin?Hays, napainom tuloy ako ng tatlong baso ng tequila dahil sa kakaisip sa lalaking 'yon."Athena."Limang minuto pa lang ako na nakaupo sa bar counter pero narinig ko na naman ang boses ni boss Yael. Ano kaya ang kailangan niya sa'kin? Ayoko nang bumalik doon sa VIP room, baka gisahin ako ulit ng mga kaibigan niya."Po? Boss Yael, ano po ang kailangan niyo?" Tanong ko at napilitan