Share

Chapter 59: Just Try

Hindi ako maka-concentrate sa ginagawa ko dahil sa sinabing suhestiyon ni sir Zach. Hindi pa naman ako pumayag sa sinabi niya kasi nagdadalawang-isip ako.

Bakit kasi kami titira sa bahay niya? Eh, wala naman kaming relasyon dalawa. ‘Tsaka umiiwas din ako na pag-usapan ng mga tao lalo na’t kilalang personalidad si sir Zach. Malabong hindi malaman ‘yon ng mga nakakakilala at sumusuporta sa kaniya. Lalo na ngayon na hindi pa alam ng lahat na may anak siya.

“Van, ano’ng gagawin ko?” Tanong ko sa kaibigan na ngayon ay kausap ko sa telepono.

[Whatever is best for you and Aaron. Athena, wala namang masama if susubukan mo. 'Tsaka hindi niyo naman gusto ang isa't isa kaya hindi magiging awkward kapag nag-sama kayo sa iisang bubong]

Mukhang sang-ayon siya sa suhestiyon ni sir Zach pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya. Malabong hindi magiging awkward ‘yon lalo na’t may nangyari— No, bawal ng isipin ‘yon. Basta, ayoko pa rin.

“Pa’no kung malaman ng lahat ang tungkol do’n?” Problemadong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status