Share

Chapter 57: Longing to Know

“Ngayong napag-usapan niyo na ang tungkol sa mga nangyari noon, ano na ang plano mo ngayon? Kailan mo sasabihin kay Aaron ang tungkol sa kaniya? Kailangan niya nang malaman lalo na okay na kayo ng tatay niya,” wika ni tiya Rosa nang maibaba ang isang tasa ng kape sa harapan ko.

Balak ko nang sabihin sa kaniya pero hindi ko alam kung kailan at paano ito simulan. Naghahanap ako ng tamang tiyempo pero ayoko na rin namang patagalin pa ito dahil baka sa iba pa niya malaman.

“Hindi ko pa po alam pero napag-isipan ko po na ngayon sabihin sa kaniya kaso hindi ko alam kung pa’no simulan. Ayoko siyang biglain lalo na napalapit na ang loob niya ro’n sa tao,” tugon ko at napabuntong hininga ng malalim.

“Huwag kang matakot, sa tingin ko naman maiintindihan ka ng anak mo. Kung sakaling magalit man siya sa’yo, ako na ang bahalang magpaintindi sa kaniya.” Tumango na lamang ako bilang sagot at maliit na ngumiti kay tiya Rosa ngunit mababakas na ang kaba sa mukha ko.

Sana nga maintindihan ng anak ko.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status